Twisted

Von Dominotrix

15.8K 653 147

A non-linear narrative. Mga kwentong mag-iiwan ng tanong sa inyong isipan. May kanya-kanyang istorya ngunit k... Mehr

Una-Taguan
Ikatlo-Laro Tayo
Ikaapat-Hiling
Ikalima-Bahay Puso
Ikaanim-Kriminal
Ikapito-Asylum
Ikawalo-Walang Iwanan
Ikasiyam-Pagtatagpo
Ikasampu- Timothy
Ikalabing-isa: Ang Bata sa Sunog
Ikalabingdalawa-Huling Taguan
Huling Bahagi ng Unang Arko-Mas Maraming Tanong
Panimula ng Ikalawang Arko- Mangangatok
K'wentista-Unang Mangangatok
Ikalawang Mangangatok
Ikatlong Mangangatok
Ang Bata sa Sunog Ulit

The Orphan

1.7K 63 12
Von Dominotrix


Malalim na ang gabi. Bakante na ang kalsada maliban sa mga pusang nanginginain sa nagtapong basura sa gildi ng kalsada. Paminsan-minsan ay maririnig mo ang mga tahol ng aso at anf pagtumba ng basurahan na gawa sa lata. Sa 'di kalayuan ay matatanaw mo ang isang lalaking naglalakad nang mag-isa sa kalsada habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang bag. Tila nangangamba na may isang taong bigla siyang talunin at hablutin iyon.

Palinga-linga sa kanyang paligid ang binata. Umaasa na baka may makasalubong siyang kilala niya. Ilang hakbang pa at sumapit na ang daang paliko papuntang apartment na kanyang inuupahan.

"Konti na lang, makakauwi na ako," mahina niyang sambit.

Hindi naman karaniwang ganito ang uwi ng 23 anyos na si Arnold. Ayaw sana niyang nakakakuha ng panggabing pasok sa kumpanya ng electric hardware na pinapasukan. Batid niya kasi na hindi ligtas ang paligid ngunit sadyang wala siyang magagawa. Kailangan niyang mag-adjust dahil na rin sa ayos ng kanyang trabaho. Saktong pagliko ay binagalan niya ang lakad. Tanaw na ang kanyang bahay at nakakahinga na siya nang maluwag.

Nagulat siya nang mapansin sa tapat ng bahay ang isang taong nakatayo sa ilalim ng isang poste. Aandap-andap ang ilaw kaya't mahirap makita mula sa kanyang kinatatayuan ang itsura noon. Kinapa niya ng kanyang bag at naghanap ng kahit anong bagay na p'wede niyang ipandepensa sa sarili.

Nawala ang kaba niya nang muling titigan ang taong iyon. Isa lang iyong bata na may suot na isang maliit na bag na nanlilimahid na. Nagmadali siyang lapitan ang bata at baka nangangailangan iyon ng tulong.

"Anong ginagawa mo dito bata? Gabing-gabi na," nagmamadali niyang tanong sa bata.

Matama siyang pinagmasdan nang bata at hindi umimik. Namimilog ang itim ng mga mata nito at parang anu mang oras ay iiyak. Hindi imposibleng maawa ka sa bata dahil sa kahab-habag na itsura nito.

"P'wede ba akong pumasok sa bahay mo?"tanong nito kay Arnold

Hindi na siya nag-alangan na isama ang bata sa loob ng bahay niya. Mas sigurado siya sa seguridad ng bata, kaysa naman iwana niya sa labas at naghihintay sa isang tao na parang hindi naman darating.

Isinama niya sa kusina ang bata at pinaupo sa isang silay na nasa tabi ng mesa. Agad naghanap ng makakain si Arnold sa ref. pakiwari niya sa itsura ng bata ay wala pa itong kinakain. Buti na lamang at may ulam pang natira kaninang umaga. Sandali niyang pinainit ang ulam pati na rin ang kaning lamig.

Nang maihain ang mga pagkain ay nilapitan niya ang bata at kinausap. Napansin niyang marumi ang damit nito. May gamit din siyang bag na sadyang kay dungis.

"Anong ginagawa mo sa labas?" tanong niya sa bata na parang takot na takot

"Hinahanap ko po ang tatay ko."

"Pero gabi na. Dito ka muna ngayong gabi, bukas sasamahan kita sa baranggay para magpatulong tayo. Tiga-dito ka ba?"

"Hindi po."

"Mahihirapan tayo niyan. Pero papatulong tayo." Nginitian niya ang bata para mabawasan ang takot na nadarama nito.

"Dito muna ako?"

"Oo naman. Pero dapat maligo ka muna. May naiwang damit diyan 'yung bata kong kapatid, sana magkasya sa'yo.

Masaya nilang pinagsaluhan ang kaunting pagkain. Matapos noon ay ipinagpakulo niya ng tubig ang bata dahil malamig na ang tubig na tumatapon sa gripo. Inihalo nya ang pinakuluan na tubig sa pampaligo ng bata at tinulungan niya na itong maligo.

"May anak na po kayo?"

"Wala pa."

"Ang swerte siguro ng magiging anak niyo. Kasi mabait ka po."

Nginitian niya ang bata. Matamis man ang kanyang mga ngiti ay hindi nawawala ang pakas ng pagka-awa dito. Sino namang magulang ang maaatim na iwanan ang kanyang anak sa dis-oras ng gabi.

"Sige, habang hindi pa kita nauuwi, p'wede naman ako muna ang tatay mo. Tutal wala pa naman akong anak."

"Totoo po?"

"Oo naman. Pero tapusin muna nating ang pagligo mo."

Matapos iyon ay kinuha niya ang naiwang damit ng kanyang kapatid sa cabinet at pinasuot sa bata. Medyo may kalakihan iyon pero wala na siyang pagpipilian. Iilan lang mga damit na p'wedeng magkasya sa bata. Hindi rin naman kasi sa kanya nakatira ang batang kapatid. Hinatid niya ang bata sa isang bakanteng kwarto ng kanyang tinutuluyan at doon pinatulog.

Kinaumagahan ay maaga siyang nagising. 'Di gaya ng mga nakaraang araw, ngayon ay alas-nueve pa lamang ay gising na siya. Sinilip niya ang bata sa kwarto at mahimbing itong natutulog. Matapos ay agad siyang bumaba para ihanda ang agahan nila. Ngayon ay may bata siyang kasama at kailangan nitong mag-agahan ng kumpletong almusal. Kung siya lamang mag-isa ay kuntento na siya sa pandesal at kape.

Sinilip niya ang mga cabinet. Puro cereals ang laman noon na madalas niyang kainin sa umaga. Naisip niyang hindi pup'wede iyon lamang ang agahan niya. Mas maganda kung makakakain ang bata ng kanin at maghahanap pa ito ng kanyang ama. Binuksan niya ang ref at nakitang wala na pala mailuluto doon. Nagdesisyon siyang sandaling bumisita sa isang malapit na talipapa at baka doon ay may makita siya.

Bago siya umalis ay sinilip niya ang bata. Nag-iwan siya ng isang sulat sa pintuan ng kwarto. Baka kasi magising ang bata at magulat na wala siyang kasama. Nagsuot lamang siya ng short at ng manipis na t-shirt at dali-daling umalis ng bahay. Kaunting kanto lang naman ang pagitan mula sa kanila at sa pamilihan.

Ilang minuto pa nga ay narating na niya ang kanyang pakay. Gaya ng inaasahan, maingay at naghalo ang kung anu-anong amoy sa pamilihan. Naroon ang lansa ng mga isda at pawis ng mga tindero at mamimili. Pati na yata ang mga talsik ng laway ng mga tsismosa ay humalo na sa hangin.

Hindi na niya pinansin pa ang amoy at ingay. Dumiretso siya sa nagtitinda ng karne. Kinuha niya ang pitso ng manok na sigurado siyang magugustuhan ng bata. Saktong magbabayad siya nang hindi sinasadyang maulinigan ang kwentuhan ng dalawang babaeng nasa tabi.

"Alam mo ba ang kwento tungkol sa batang ulila na lumalabas kapag dis-oras ng gabi?" tanong ng babae sa kasama niya.

"Di ba urban legend lang iyon?

"Oo. Pero 'yung kasamahan ko kasi sa trabaho, may naikwentong bata na kinupkop niya noong isang araw. Ganoon na ganoong ang kwento. Ilang araw pagkatapos noon hindi na siya pumapasok. Tapos nabalitaan namin, pinatay niya ang buong pamilya niya."

"Alin? 'yung nasa balita? Di ba sira-ulo iyon?"

"Parang. Ewan din." Sandali itong napatigil ng ikuk'wento pero itinuloy na rin niya. "Ang kwento kasi, makikita mong nakatayo sa daan ang bata sa dis-oras ng gabi. Kapag tinanong mo ito kung anong ginagawa sasabihin niya hinahanap niya ang tatay niya. Tatanungin ka niya kung p'wede ba itong pumasok sa bahay mo. Kapag pinapasok mo ito sa loob ng bahay mo, ikaw ang gagawin niyang tatay. Kapag sinubukan mo siyang paalisin, papatayin ka niya pati ang pamilya mo."

"Paano kapag hindi?"

"Papatayin ka niya dahil sa hindi ka naawa sa kanya."

"Paano kapag hindi mo pinapasok sa loob ng bahay mo pero, binigyan mo naman ng pagkain?"

"Titira pa rin ito sa bahay mo. Kahit anong magandang bagay na ipakita mo sa kanya, titira at titira ito sa bahay mo."

"Eh anong gagawin mo, pakitaan mo ng maganda o pangit papatayin ka. Parang hindi naman totoo 'yan."

"Sira! S'yempre hindi totoo. K'wento-k'wento lang. Pero malay mo di ba?" sabay nagtawanan silang dalawa.

"Ganito na lang, h'wag na lang kayang pansinin?"

"Papatayin ka pa rin daw niya basta hindi ka naawa sa kanya."

"Ano ba 'yan. Ang baduy naman ng kwento mo."

Nanginginig na nilisan ni Arnold ang lugar ng pamilihan. Sa sobrang pag-aalala niya ay naiwanan pa niya ang sukli at hinabol pa sa kanya. Maliliit ang hakbang niya na parang ayaw niyang umuwi sa bahay. Nasa isipan niya ang pagkakahawig ng k'wentong narinig sa naranasan kagabi.

Maya-maya ay narating na niya ng pintuan ng kanyang bahay. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pintuan. Pagbukas niya ay naroon ang bata at nakatitig sa kanya, malaki ang ngiti nito sa kanyang mukha. Nilapitan siya nito at niyakap.

"Tatay! Nakita ko na ang tatay ko!"

Natuwa si Arnold sa narinig niya. Nakahinga siya nang maluwag. Bakit nga ba siya nagpapaniwala sa kwentong iyon. Heto at nakita na nga raw ng bata ang tatay niya.

"Talaga? Nasaan siya?"

"Ikaw! Ikaw na ang tatay ko. Dito na ako titira."

Halos lumuwa ang mga mata ni Arnold sa tinuran ng bata. Nanindig ang kanyang mga balahibo nang maramdaman niya ang lamig ng katawan ng bata habang nakayakap ito sa kanya.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
3.4M 106K 44
[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning.
20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
212K 13.2K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"