Project: Black Out (Philippin...

By EMPriel

50.5K 1.7K 290

Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawag... More

Project: Black Out (Overview)
Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)
Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)
Chapter 3: Broken Dreams, Broken Promises (Nasirang Pangarap, Nasirang Pangako)
Chapter 4: Unusual Story (Hindi Karaniwang Kwento)
Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)
Chapter 6: Civil War Rising (Ang Pagbangon ng Digmaang Sibil)
Chapter 7: Identity Crisis
Chapter 8: City in the Dark (Ang Siyudad sa Dilim)
Chapter 9: Written in Blood (Isinulat sa Dugo)
Chapter 10: An Invisible Enemy (Ang Hindi Makitang Kalaban)
Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)
Chapter 12: Burn Baby! Burn!
Chapter 14: Time Will Tell (Ang Oras ang Makakapagsabi)
Chapter 15: A Shadow's Blood (Ang Dugo ng Isang Anino)
Chapter 16: Before the Dawn (Bago Magliwanag)
Chapter 17: War of the Shadows (Ang Digmaan ng mga Anino)
Chapter 18: Freedom Fall (Ang Pagbagsak ng Kalayaan)
Chapter 19: The Dogma (Ang Prinsipyo)
Chapter 20: Black Propaganda
Chapter 21: March of the Dead (Ang Martsa ng Kamatayan)
Chapter 22: Oblivion Cry (Panaghoy ng Kawalan)
Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)
Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)
Chapter 25: The Final Countdown (Ang Huling Bilang)
Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)
Chapter 27: Illusions in the Air (Ang mga Ilusyon sa Hangin)
Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)
Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)
Chapter 30: The Last Laugh (Ang Huling Halakhak)
Chapter 31: Santelmo

Chapter 13: The Flawless and the Renegade (Ang Pino at ang Taksil)

1K 41 3
By EMPriel

"An invisible barrier separated him from the rest of the world. He was — he had always been — a marked man."

- J.K Rowling, Harry Potter and the Order of the Phoenix


Isang lagok ng scotch at agad na lumuwag ang paghinga ni Dylan. Nakakunot pa rin ang kanyang noo habang palakad lakad gamit ang kanyang tungkod sa loob ng malawak na kuwarto kung saan naroroon ang isang bukas na hologram TV. Pinapanood pa rin niya ang mga balita at ang delubyong dulot na ginawa ng impostor na Black Out. Marami ang sugatan ngunit walang namatay. Malaking gulo ang ginawa ng pagpapasabog ng west wing ng PICC. Bilyong piso din ang nawala at nasayang dahil na rin sa delubyong naganap. Maya-maya pa ay muli siyang lumapit kay Brigand na hawak lamang ang bote ng scotch. Agad niya iyong kinuha at muling nagsalin ng alak sa kanyang maliit na pilak na baso.

Isang kidlat naman ang gumuhit sa labas ng bintana ng malaking kuwartong iyon. Hindi man umuulan ng malakas o mabibigat na piraso ng niyebe ay tila mababa naman ang ulap. Muling napapikit si Dylan habang sinusubukang kalmahin ang sarili.

"Master...kung okay lang po..."

"Iwan mo muna ako Brigand," putol ng binata. Tila nagulat naman si Brigand sa kanyang narinig. Ngayon niya lamang narinig mula kay Dylan ang mga salitang iyon. Wala siyang nagawa kundi ang yumuko at maglakad palabas ng kuwarto. Dahan-dahan namang tumungo si Dylan sa isang maliit na lamesa upang ipatong ang bote ng scotch. Bitbit ang baso na naglalaman ng lason para sa kanyang katawan ay naglakad siya sa bintana. Sa labas ay nakikita niya ang mga ilaw na naglalaro mula sa malawak na siyudad. Ang mga nagtataasang gusali ay halos hindi na mabilang. Humaharang ang mga iyon sa iba pang mga gusali na nasa likuran ng mga ito, dahilan kung bakit hindi na matanaw ang kalangitan na nagbabadya ng isang malakas na bagyo. Sunod-sunod naman ang mga heli ship na nagliliparan, tila mga ibon na hindi mapakali dahil sa gulong nangyari sa tahimik ngunit maruming kagubatan na kanilang pinamumugaran.

"...hindi mabilang na mga miyembro ng militar ang idinedeploy ngayon sa iba't-ibang panig ng bansa dahil nga sa nangyaring gulo. Pinirmahan naman ng pangulo ang ilang mga kasunduan mula sa Europa at maging sa karatig bansang Japan at South Korea upang pabilisin ang pagproseso ng pagtanggap ng mga unit ng prototype. Tinututukan naman ng America ang nangyaring delubyo bilang isang terrorist attack, black listed na ngayon ang tinaguriang memory eraser na si Black Out ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon sa tunay niyang pagkakakilanlan."

Tila napakamot sa kanyang ulo ang binata nang marinig ang reporter na iyon sa hologram TV. Napailing siya at muling lumagok ng scotch. Paulit-ulit n ailing na para bang tinatanggal ang kanyang hilo habang nakapikit. Napa-upo na lamang siya sa sahig at ang tungkod na kanyang hawak ay kanyang nabitawan. Humampas sa sahig ang kanyang tungkod dahilan ng pag-alingawngaw ng tunog nito sa apat na sulok ng malawak na kuwartong iyon.

"Walang silbi..." bulong niya sa kanyang sarili. Tila isang patay sa gitna ng kadiliman, iyon ang kanyang nararamdaman. Muli siyang tumingin sa malawak na kadiliman ng kuwartong iyon na ang tanging ang hologram TV lamang ang nagsisilbing liwanag. Tila isang katotohanan na nagbibigay liwanag sa madilim na aninong iyon ang mga balita na walang tigil sa pagsambit ng delubyong nangyari.

Lumagok siyang muli ng huling patak ng lason sa kanyang maliit na pilak na baso. Matapos lagukin ay tinitigan niya ang babasaging basong iyon. Isang hiyaw ang kanyang narinig sa kanyang isipan habang tinititigan ang basong iyon.

"TAMA NAPO! MAAWA PO KAYO SA AKIN! TAMA NA!"

Isang malabong imahe sa kanyang isipan ang kanyang nakita. Ang kanyang pagpupumiglas. Ang mga ilaw na nakatutok sa kanyang ulunan at ang mga taong walang emosyon na nakapaligid sa kanya habang nakatakip ang kanilang mga mukha ng mga puting tela. Isang malinaw na imahe ng mga tubo sa kanyang ulo at ang babasaging tangke na naglalaman ng kung ano-anong likido. Ang mabagal na paghinga dulot ng respirator ay unti-unting bumibilis. Iminulat niya ang kanyang mga mata at sa pagsayaw ng tubig mula sa ibabaw ng tangkeng iyon ay nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Ang kanyang kinikilalang ama. Ang kanyang lolo. Puno ng pagkamuhi, awa at galit ang kanyang nakikita sa mukha nito.

"Natatakot ka ba?" tanong nito sa kanya. Tumango lamang si Dylan ng dahan-dahan at muling tumingin sa kanyang mga mata. Dahil sa tubig ay nagsimulang mapunit ang imahe ng kanyang itinuring na ama. Hinintay niyang maging kalmado ang tubig na iyon at doon niya lamang nakita ang pagiging malumanay ng guhit ng mukha nito.

"Depende sa nakikita ng mata, nalalasap ng bibig, naaamoy ng ilong, nararamdaman ng balat. Walang silbi ang takot kung hindi mo mararamdaman ang lahat."

Iminulat ni Dylan ang kanyang mga mata habang nakalagay sa kanyang noo ang maliit na baso na kanyang hawak. Tila ginawa niya iyong pangtukod sa kanyang bumibigat na ulo. Unti-unti ay naging malumanay ang kanyang mukha. Dahan-dahan siyang tumayo, hindi niya alintana ang sugat na nasa kanyang hita. Diretso siyang tumayo at naglakad patungo sa maliit na mesa malapit sa malaking bintana kung saan siya naroon. Gamit ang kanyang kanang paa ay kinawit niya ang tungkod na nakahiga sa sahig. Agad niya iyong kinapitan ng iangat niya ang kanyang paa upang patalbugin sa sahig ang kanyang tungkod.

______________________________

Bumukas ang elevating platform. Automatic namang bumukas ang bakal na pinto nang itapat ni Dylan ang mga mata ng leon na palamuti sa kanyang tungkod. Nang iapak niya ang kanyang paa sa sahig ay agad na nagliwanag ang buong kwarto. Makikita sa kuwartong iyon ang mga antigong kagamitan at painting. Sa kanang banda ay makikita ang isang mahabang trench coat na nakasampay sa nakatayong bakal na tubo. Isinandal niya ang kanyang tungkod sa mesa sa tabi nito at kinuha ang trench coat na iyon. Hinubad niya ang kanyang damit at inilagay din sa mesa. Sinuot niya ang itim na pantalon at maging ang trench coat. Ang maskara na nagsisilbi niyang pagkakakilanlan ay nakasabit din sa bakal na iyon. Nang isuot ang damit ay agad niyang kinuha ang itim na tila gas mask at ang pulang visor na nagsisilbing takip sa kanyang mga mata. Isang boton muna ang pinindot nito sa gilid ng visor at lumabas ang isang maliit na hologram image na nagpapakita ng ilang mga datos. Muli niyang pinindot ang maliit na boton sa visor upang itago ang maliit na hologram screen nito. Sunod niyang pinuntahan ang isang kahon malapit sa dalawang memory gene na nakasilid sa babasaging kahon. Binuksan niya ang kahoy na kahon kung saan nakalagay ang aparato na ginagamit niya upang burahin at higupin ang mga alaala ng kanyang biktima. Inilagay niya iyon sa kanyang kanang kamay at ikinabit ang wire nito sa kanyang memory gene. Tinakpan niya ng itim na guwantes ang kanyang mga kamay bago tuluyang isinuot ang visor at ang kanyang maskara. Muli niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng kanyang tungkod, agad nia iyong kinuha. Hindi siya nagsayang ng oras at para bang nagmamadali siyang lumabas mula sa kuwartong iyon. Muling nagdilim ang lahat at ng sumara ang pinto ay tanging ang mukha lamang ni Black Out ang maaaninag.

________________________________

Bukas ang lahat ng hologram screen mula sa isang madilim na kuwarto. Nakasabit lamang ang mga hologram screen na iyon sa pader at tanging ang mga balita, datos, pagkakakilanlan ng mga tao at ang paulit-ulit na video ng pagsabog na naganap ang maaaninag mula sa isa sa malaking hologram screen. Magulo ang kuwartong iyon na napupuno na rin ng iba't-ibang uri ng basura, upos ng sigarilyo na nakakalat sa gilid ng ashtray at at ng ilang bote ng alak, ilang mga printed na litrato at mga paskil mula sa wanted at mga nawawala. Kinukurot lamang ni Inspector Robert Vega ang gitna ng kanyang ilong sa pagitan ng kanyang mga mata, tila inaalis at sinusubukang kalmahin ang sarili habang hawak ang isang stick ng sigarilyo sa kanyang kaliwang kamay.

Muli na namang naglaro sa kanyang isipan ang kanyang mga hinala at pagdududa. Sa isang pindot ng remote control na nakapatong sa kanyang mesa ay lumabas ang imahe ni Dylan sa isa sa mga hologram screen.

Agad namang bumukas ang pinto at pumasok naman ang isa sa kanyang mga tauhan na nakauniporme ng itim na uniporme ng mga pulis.

"Sir, kape muna po kayo," yaya niya habang bitbit ang isang tasa ng kape. Agad niya iyong ipinatong sa mesa. Nakita naman ng pulis na iyon ang mga video at datos na nakalabas sa bawat hologram screen. Saglit din niyang nakita ang mukha ni Dylan sa isa sa mga hologram screen ngunit agad iyong pinatay ng inspektor. Tila ayaw niyang malaman ng iba ang kanyang sariling mga hinala.

"Ah...sige salamat," wika niya. Agad niyang pinitpit sa ashtray ang kanyang sigarilyo at humigop ng mainit na kape.

"Dito na po ba kayo magpapalipas ng gabi?"

"Oo, hindi ko puwedeng ipagpabukas 'to. Alerto kayo, code red pa rin tayo. Ang mga bid...hindi pa rin ba nako-control?" tanong ng inspektor.

"Hindi pa rin po. Yung iba nagtayo na po ng tent sa mga kalye. Ayaw nilang umalis, mukhang gagawa na po ng aksyon ang malakanyang. Inuutusan na po ang mga heneral para ma-control ang sitwasyon," paliwanag ng lalaki. Umiling naman si Inspector Vega at muling tumingin sa mga hologram screen.

"Malaking gulo 'to..." bulong niya.

"Sige po sir, maiwan ko po muna kayo..." paalam niya. Ngumiti lamang ang inspektor at tumango ng marahan. Muli niya namang binuksan ang hologram screen kung saan ipinapakita ang datos at pagkakakilanlan ni Dylan Ford.

"Alam kong hindi ikaw ang isang 'yon. Iba ang estilo mo...pero bakit nga ba? Bakit nga ba ikaw pa?" bulong niya.

"Ah...ano ba 'tong iniisip ko. Imposible! Hindi ko alam, pero bakit kung nasaan ang gulo laging nandoon ka bata? Nagkakataon lang ba?" tanong niya sa kanyang sarili.

"Ay ewan!" sambit niya. Agad niyang pinindot ang boton ng remote control at agad na namatay ang lahat ng hologram screen sa kanyang harapan. Kinuha niya ang isang clutch bag. Ang kanyang baril ay kinuha niya din mula sa mesa. Inilabas ang magazine nito upang tingnan ang natitirang bala at muling ipinasok sa baril. Ibinaba din nito ang safety pin bago isinuksok sa holster sa kanyang likuran.

___________________________

Sa basement parking ay binuksan ng inspektor ang trunk ng kanyang hover car. Kakaunti ang ilaw sa paligid kaya't limitado ang nasasakupan ng kanyang mga mata. Masyadong tahimik, maririnig kahit ang kaluskos ng simpleng butiki kung mayroon man at alam niya sa pagkakataong iyon, hindi siya nag-iisa. Inilagay niya ang kanyang baril sa harapan, akmang ilalagay din niya ito sa trunk ng kanyang sasakyan.

"Tumutugis ka ng mga demonyo pero inilalayo mo ang sandata mo?" isang boses ang umalingawngaw mula sa kadiliman. Agad namang itinutok ng inspektor ang kanyang baril sa kinaroroonan ng boses na iyon gamit ang kanyang kanang kamay. Agad namang umilaw ng kulay pula ang visor ng lalaking nagsalita.

"Boses pa lang ibang-iba na..." wika naman ng inspektor. Mula sa dilim ay unti-unti namang lumitaw ang kawatan na si Black Out. Nakapamulsa pa ito sa kanyang trench coat at tila kalmadong humarap sa nguso ng baril na hawak ng inspektor. Gamit naman ang kanyang kaliwang kamay ay kumuha naman ang inspektor ng isang stick ng sigarilyo mula sa isang maliit na kahon. Iniwan niya iyon sa kanyang bibig at pagkatapos ay sinindihan din gamit ang electric lighter. Hinithit niya ang usok at ibinuga sa kawalan.

"Humahanap ka ng butas na imposibleng gawin ng inaakala mong kaaway," wika naman ni Black Out. Ngumiti naman ang inspektor at itinaas ang safety pin ng kanyang baril. Hindi niya ginustong maging kampante sa harapan ng kawatan na kanyang hinahagilap ngunit alam niyang may importante itong dahilan kung bakit walang takot itong humarap sa kanya.

"Ano ba ang iniisip mong tingin ko sa 'yo black Out? Isang kaibigan? Malakas din talaga ang loob mong humarap sa akin at dito pa mismo sa loob ng ahensya na tumutugis sa mga katulad mong halang ang kaluluwa," wika ng inspektor.

"At ano ang tingin mo sa gobyerno na umaagaw ng mga musmos mula sa kanilang mga pamilya para ibenta sa mayayaman? Mga anghel?" tugon naman ni Black Out. Tila nanlaki naman ang mga mata ni Inspector Vega. Ilang imahe ang kanyang nakita mula sa kanyang isipan. Ang pagmamakaawa ng ilang mga paslit na sapilitang ipinapasok sa naglalakihang hover truck. Isang bata ang humihingi ng tulong sa kanya, inaabot ng batang iyon ang kanyang kamay habang tumatangis. Walang nagawa ang inspektor kundi talikuran ang masalimuot na kaganapang iyon habang ang mga magulang ay galit na galit, nagmamakaawa at tumatangis. Tanging sipa, tadyak at palo ng baril ang kanilang natatanggap sa tuwing mangangahas silang lumapit sa mga truck na naglalaman ng mga bid.

"Hindi ka makasagot inspektor? Dahil alam mong tama ako. Nasa mga kamay mo ang dungis at dugo ng mga batang 'yon. Pare-parehas lang tayong kriminal sa mundong ito," wika ni Black Out.

"At ano ang habol mo? Ginagawa mo ang lahat ng ito para sa kanila? Para sa mga bid? Hahaha. Alam kong masaya ka na, ikaw ang tinuturing nilang bayani ngayon. Ano nga ba ang gagawin ng isang katulad mo para matulungan sila...pumatay ulit ng maraming tao?"

"Alam mong hindi ako ang taong 'yon..."

Naglakad ng marahan si Black Out patungo sa liwanag. Sinundan naman iyon ng pagtutok ng baril ng inspektor. Umikot din ito ng bahagya upang matutukan ng maigi ang kaharap na kawatan. Hahakbang pa sana si Black Out ngunit itinigil niya ang kanyang gagawin nang makita ang isang CCTV camera. Kung gagalaw pa siya sa puwestong iyon ay siguradong mahahagip siya nito.

"Alam ko...masyadong tahimik ang istilo mo. Para kang anino ng mga taong binibiktima mo. Hindi mo gugustuhing gumawa ng ganoon katinding ingay para lamang sumikat," wika ni Inspector Vega habang napapangiti.

"Bilib ako sa 'yo. Pati ang pinakasecured na lugar dito sa bansa, ang Malakanyang napasok mo...at ang presidente, muntik mo nang mabiktima. Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng 'to? Para baguhin ang sistema? Para alisin ang MEMO Corp sa mukha ng bansa? Para maging bayani ng mga mahihirap?" dagdag ng inspektor. Humarap naman sa kanya si Black Out habang nakapamulsa pa rin sa kanyang trench coat.

"Oo..." sambit niya.

"Sinungaling! Nagtatago ka sa ingay ng mga taong nag-aakala na poprotektahan mo sila. Pero ang totoo, gusto mo lang gumanti...gusto mo lang hanapin ang lahat ng taong may atraso sa 'yo," wika ng inspektor. Tila napalunok naman ng kaunting laway si Black Out. Imposible ang tamang hinala sa pagkakataong iyon. Sisiguraduhin din ng inspektor ang kanyang mga ebidensya bago siya paratangan nito ng kung ano-ano. Kilala niya ang taong kaharap niya, kilala niya ang kaibigan ng kanyang ama.

"Masaya ka na ba Black Out? Dahil ipinakilala ka na ng impostor sa buong mundo bilang tagapagtanggol ng mga naaapi. O siguro naiinis ka? Dahil sinira niya ang mga plano mo? O baka naman natatakot ka? Dahil hindi magtatagal ay makikilala ka na rin ng mga taong pinagkakautangan mo ng buhay..."

"Takot? Hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang 'yan inspektor...ang alam ko lang ay kailangan kong malaman kung sino ang gumawa noon," wika ni Black Out.

"Sa tingin mo tutulungan kita? Nahihibang ka na talaga...o masyado ka lang desperado dahil alam mong maiipit ka. Ikaw ang tutugisin ng lahat...hindi ang impostor na 'yon."

Hindi agad nakapagsalita si Black Out dahil sa sinabi ng inspektor. Tila nagpapakiramdaman ang dalawa sa puwedeng mangyari ngunit alam ni Black Out na wala siyang kailangang gawin sa pagkakataong iyon. Bigla namang ibinaba ng inspektor ang kanyang baril at hinawakan ang kanyang balikat.

"Pasalamat ka nangalay ako..." wika ng inspektor sabay talikod sa kanya. Hindi naman gumalaw si Black Out na nakatitig lang sa kinatatayuan ng kanyang kausap.

"Umalis ka na dito, gawin mo ang mga dati mong ginagawa..." Tila nagtaka naman si Black Out sa mga salitang binitawan ng inspektor.

"Hahayaan mong tumakas ang kawatan na matagal mo nang hinahanap?" tanong niya. Humarap naman ang inspektor sa kanya.

"Gaya ng sabi mo, pareho lang tayong kriminal...depende sa kung ano ang dahilan mo. Ubusin mo ang iba pang mga kawatan sa bansang ito...wala akong pakialam. Gawin mo kung ano ang gusto mo..." wika niya sabay talikod at bagsak ng pinto ng trunk ng kanyang hover car.

"Matagal ka na ring pagod sa katiwaliang ito inspektor...alam ko. Hayaan mong ako ang gumawa ng mga bagay na gusto mong gawin. Ang kailangan ko lang ay sagot...kung sino ang impostor na 'yon..." wika ni Black Out.

"Hindi ako nakikipagnegosasyon sa mga kriminal na tulad mo...umalis ka na, bago pa magbago ang isip ko," wika ng inspektor. Muli siyang humarap sa kanyang kausap ngunit sa isang iglap ay nawala ito na para bang isang usok. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa kanyang baril habang palingon-lingon. Sinisigurong wala na doon ang kawatan na kanina lamang ay kanyang kausap.

"Putang...palos talaga..." bulong niya. Naglakad na lamang siya patungo sa kaliwang gilid ng kanyang hovercar. Binuksan niya ang pinto at sumakay. Nang buksan niya ang engine ay agad namang umangat mula sa semento ang sasakyan na iyon. Minaniobra niya ang sasakyan bago tuluyang umandar pasulong. Mula naman sa madilim na sulok ng basement parking na iyon ay nakasandal lamang si Black Out sa isang makapal na poste. Binuksan niya ang isang hologram screen na nakakabit sa kanyang kaliwang kamay. Doon ay makikita ang isang GPS map at isang pulang tuldok na gumagalaw ng marahan. Isang tracking device ang iniwan niya sa sasakyan ng inspektor, iyon ang sumisimbolo sa pulang tuldok na nasa kanyang mapa. Agad niyang pinindot ang isang maliit na boton sa kanyang braso upang sumara ang hologram screen.

Sa kinaroroonan niya kani-kanina lamang habang kinakausap ang inspektor ay muli siyang bumalik. Sa ibabaw ng trunk ng isang hover car ay nakapatong ang isang ID card. Kinuha niya iyon at tumingin sa kanyang kaliwa kung saan dumaan ang kaaalis lamang na sasakyan ni Inspector Vega.

________________________________

"Huwag mong sayangin ang oras ko Black Out...bilisan mong kumilos!" bulong naman ni Inspector Vega habang nagmamaneho ng kanyang hover car. Gamit ang kanyang kanang kamay ay kinuha niya ang kanyang baril at ipinatong sa dash board ng sasakyan. Sa dashboard naman ay nakalagay ang kanyang chapa at ang kanyang ID ngunit wala ang ID card upang mapasok niya ang bawat gusali ng kanilang estasyon.

_____________________________

"Fuck!" sigaw ni Dr. Freuch, bata man ang katawan niya ay tila isang matandang lalaki na itong kung kumilos. Bago ang katawan na gamit ng creator ng memory gene; mas bata, mas maliksi na para bang isang limang taong gulang ang diretsong nagsasalita upang makipag-usap sa mga kapwa niya doktor sa isang pabilog na mesa habang nakalitaw ang hologram screen kung saan ipinapakita ang mga kaganapan sa Pilipinas, ang pagsabog na naganap sa PICC.

"He's destroying my plans! He's destroying us all!" bulyaw niya. Sa inis ay hinawi niya ang kanyang kamay sa isang mesa na napapatungan ng mga hologram tablet, vase at ng ilan pang mga kagamitan. Nabasag ang vase na gumawa naman ng ingay sa loob ng malaking kuwarto na napapaligiran ng mga salamin. Napapikit na lamang ang ibang doktor nang marinig ang ingay na iyon. Si Layla naman ay nakapulupot lamang ang mga kamay sa kanyang braso habang nakatingin sa doktor na para bang isang batang nagmamaktol.

Napakapit naman sa kanyang ulo si Dr. Freuch habang hinihimas ang kanyang sintido, tila kinakalma ang kanyang sarili.

"Where is Levine Klein? He must be doing something by now!" bulyaw muli ng doktor. Tumitig siya ng masama sa bawat doktor sa kuwartong iyon. Tila pinagpawisan naman ng malamig ang iba habang iniiwas ang kanilang tingin sa kanya.

"ANSWER ME!"

"He didn't made a call. But we know that he managed to get out of that building before it blew up," kalmadong sagot naman ng isang babaeng nakatali ang mahabang buhok na kulay dilaw habang nakasuot ng isang puting panloob at jacket na itim. Ang kanyang skirt na itim ay humahaba lamang hanggang sa kanyang binti na nagbibigay ng magandang hubog sa kanyang katawan. Ang kanyang pangalan ay Layla, ang Subject 2 ng MEMO corporation.

"Useless bastard! I accepted his request to go back to the Philippines not to take a vacation...but to do his fuckin' job!" bulyaw muli ng doktor. Tahimik lamang sa kwartong iyon habang dinadama ang tension na nagaganap.

"I need to know why that Black Out has that technology modified by our own program! I need to know who he is!" sigaw muli ng doktor. Sa inis ay sinubukan niyang sipain ang basag na vase patungo. Nabasag naman lalo sa maliit na piraso ang vase na iyon. Tumama pa ang matulis na piraso nito sa salamin na pader kung saan kita ang labas na parte ng lab. Napansin ni Dr. Welder Freuch ang lamat na unti-unting kumakalat na para bang isang sapot ng gagamba. Sa gitna ng sapot na iyon ay makikita ang isa sa tatlong eksperimento ng MEMO. Nakalutang sa babasaging tangke ang katawan ng lalaking iyon habang nakasulat sa bakal na ibabaw na parte nito ang mga katagang 'Subject 5'. Naningkit ang kanyang mga mata at tinitigan ang lalaki sa loob ng tangke habang dahan-dahang humihinga gamit ang mechanical respirator na nakakabit sa kanyang bibig.

"Give me a good news..." kalmado niyang sambit habang nakatitig pa rin sa basag na salamin at sa tangke sa labas ng kuwarto.

"S-subject 3 and 4 are still unstable sir. We still need time for their body to develop their strength..." pautal-utal na sambit naman ng isang lalaking doktor nan aka-longsleeve habang hawak ang kanyang hologram tablet. Nanlisik naman ang mga mata ng doktor sa lalaking sumagot.

"Subject 5 is almost complete, his full will to accept his skills made the development more faster. He will be ready...soon," salo naman ni Layla habang nakapulupot pa rin ang kanyang mga kamay sa kanyang braso. Ngumiti naman si Dr. Freuch habang nakatingin sa dalaga.

"Very good...very nice. I need him to finish this job as quick as possible. Bring him to me once the process is finished," utos ng doktor.

"It will be done," sagot ni Layla. Muli namang tumingin si Dr. Freuch sa lamat ng salamin na pader kung saan makikita din sa labas ang lalaki na nakalutang sa isang likido gamit ang isang tila malaking tube na salamin.

"Jonas...accept your fate. Your father will be proud of you," bulong ng doktor. Napapangiti ito ng bahagya habang tinititigan ang lalaking iyon na kung tutuusin ay nasa halos labing anim na taong gulang pa lamang.

____________________________

Gamit ang ID card na iniwan ng inspektor ay ginawa naman ni Black Out ang kailangan niyang gawin. Pinasok niya ang bawat kuwarto sa loob ng gusali upang makakuha lamang ng mga impormasyon sa mga tao na kanyang hinahanap. Walang kahirap-hirap niya iyong ginawa dahil halos wala na ring tao sa gusaling iyon. Halos ang lahat ay abala sa pag-control sa gulong nangyari dahil na rin sa pagsabog na naganap sa PICC at sa mga bid na nag-aaklas sa buong siyudad.

Isang kuwarto ang nagbigay pansin sa kanya dahil na rin sa dumi ng loob nito. Nababalutan ng kongkretong pader ang kuwartong iyon at napakalaki ng bintana nito na gawa sa salamin. Gamit ang kanyang visor ay automatic na bumukas ang night vision upang makita ng mas maigi ang loob ng kuwartong iyon. Nakita niya ang ilang mga tropeo at medalya at ilang mga frames na nakasabit sa pader na naglalaman ng ilang mga papel na artikulo ng mga balita ng pagpupugay at parangal. Sinipat niya ang mesa ng kuwartong iyon at doon ay nakita niya ang pangalang 'Inspector Robert Vega' na nakaukit sa bakal na plate sa ilalim ng mesa.

"Bingo..." wika ni Black Out. Gamit ang ID card na iniwan ng inspektor sa trunk ng kotse ay idinikit niya iyon sa scanner kung saan nakalabas ang kulay pulang ilaw. Nang madetect na ng security lock ang ID card ay naging berde ang kulay ng ilaw. Bahagyang bumukas ang salamin na pinto, hinatak naman niya iyon at agad na pumasok bago pa siya abutan ng ilang pulis na rumoronda sa mga hallway ng buong gusali. May bitbit na flashlight ang ilan sa mga pulis na iyon upang makita ang kanilang mga dinaraanan. Ang iba naman ay may mga drone na nakasunod at nakalutang habang nakabukas ang kanilang mga ilaw.

Agad ibinaba ni Black Out ang mga blinds ng bawat salamin na pader gamit ang remote na nakapatong lamang sa mesa ng nagmamay-ari nito. Isang remote naman ang kanyang kinuha, pinindot niya ang 'on' button ng remote na iyon at sabay-sabay na nagsibukasan ang mga hologram screen sa bawat pader ng kuwarto. Nakita niya ang ilang mga datos at mga video nan aka-loop lamang upang mas maging epektibo ang pag-iimbestiga ng inspektor. Tila nagulat naman si Black Out nang makita ang kanyang mukha na walang maskara. Ang isa pa niyang katauhan, ang walang muwang at tila inosenteng mukha ni Dylan Ford.

Muli niyang pinindot ang remote at sa isang banda ay lumabas ang isang hologram table. Agad siyang umupo sa malambot na upuan at lumapit sa hologram tablet. Nagmadali siya sa pagpindot na para bang may hinahabol na oras. Agad niyang inilipat ang screen mula kay Dylan Ford patungo sa iba pang mga personalidad at mga datos. Kinuha niya ang sarili niyang file bilang si Black Out. Sa loob ng file na iyon ay makikita ang kanyang mga biktima. Inilabas niya ang file ng pinakahuli niyang biktima na si Christine Buena at doon nakita ang ilan pang mga tao sa kanyang file. Pawang may mga kaso na sa gobyerno at sa pulisya ang iba sa mga iyon dahil na rin sa sa mga marka at ilang nakasaad sa mismong profile. Sunod-sunod niyang pinindot ang 'next upang makita lamang ang tao na matagal na niyang hinahanap ngunit napakarami ng mga taong iyon. Karamihan ay mga lalaki ang nasa file, kasama na doon ang kanyang asawa na kasalukuyang head ng Bureau of Customs. kasalukuyan ding nagluluksa dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa...ang ikalabing-walong biktima ni Black Out.


Sinubukan niyang hanapin ang lalaki na kasalukuyan namang nakaflash sa kanyang visor upang gawing gabay. Nang itigil niya ang pagpindot ay saka lamang naging kulay berde ang datos at profile na nakasaad sa kanyang visor. Hudyat na nag-match ang file na kanyang hinahanap, pareho ang mukha ng lalaking iyon sa nakuha niyang impormasyon gamit ang aparato na kanyang ginagamit upang burahin at kuhanin ang memorya ng kanyang biktima.


Agad niyang inilabas ang scanner mula sa kanyang kaliwang kamay. Bahagya niyang itinaas ang kanyang manggas upang ma-scan ang datos na iyon na para bang kinokopya gamit ang paglitrato sa hologram image.


"Sir...gabi na masyado, abala pa rin kayo ah..."


Hindi siya nakakilos nang marinig ang boses na iyon mula sa kanyang likuran. Hindi niya naramdaman ang paglalakad ng pulis na iyon na rumoronda lamang sa hallway. Hindi ito gumamit ng flashlight kaya't hindi niya napansin ang galaw nito mula sa labas ng kuwarto. Dahan-dahan niyangitinigil ang pag-scan matapos nitong mag-100%. Unti-unti ay tumingin siya ng bahagya sa kanyang likuran. Tila pinakikiramdaman ang gagawin ng pulis na iyon, bawat galaw ay may kaukulang reaksyon. Bawat kurap ay may nakaambang panganib. Hangga't maaari ay gagamitin ni Black Out ang dilim upang hindi siya makilala ng taong iyon...ngunit hindi niya alam kung hanggang kailan. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin.

Continue Reading

You'll Also Like

42.8K 1.5K 56
A romantic-comedy novel.
58.6K 1.4K 108
Jay Jay Codon and Amira Dane Agoncillo. Back then, she pursued him even when Jay has a girlfriend. Nothing can stop the girl, her determination is a...
128K 2.7K 38
Acquisitive Billionaires Series 2: Lucas Andromeda Montesenia Lucas Andromeda Montesenia a well-known businessman is having the best days of his life...