Twisted Revenge

By MsYoU12345

273K 9.3K 1.2K

What if my deal kayo ng Twin Sister mo? What if kung ang deal na yun ay ang gantihan mo ang ex-boyfriend niya... More

Author's Note
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Chapter 9 SPG
TEN
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
:)
Part II.I
Part II.II
Part II.III

Sixteen

8.6K 335 44
By MsYoU12345

Rhett's P.O.V

"Hey! Wake up!

Wake up sleepy head's!"

"Ano ba?!"

Napaupo ako at nanggigigil na tumingin sa kambal ko. Ano ba kasi ang problema niya? Kay aga-aga ginigising na niya ako at isa pa, linggo naman ngayon kaya hindi ko kailangan gumising ng ganito kaaga.

"Nah! Napilitan lang kaya akong gisingin ka dahil sa boyfriend mo." Nakapamewang na sabi niya.

Boyfriend ko?

"Kailan pa ako nagkaroon ng boyfriend? And besides, Im not gay! Baka boyfriend mo yun kaya lumabas ka na sa kwarto ko." Humiga ako ulit at nagtalukbong ng kumot.

Narinig ko ang pagtawa niya pero hindi ko na siya pinansin pa. Gusto ko munang matulog. Alam ko iniinis lang ako ng kambal ko.

"Deny pa more.." Tumawa ulit siya. "Kung ayaw mong bumangon eh di wag! Pero wag mo akong sisisihin kung mainip sa baba yung boyfriend mong kambal ng ex-boyfriend kong bakla. Alam mo bang kasalukuyan na niyang kinakausap sina Papa at Daddy?"

Yung boyfriend mong kambal ng ex-boyfriend kong bakla.

Napabalikwas ako nang bangon at binigyan siya ng 'Are you serious?' look. Ngumisi naman siya at tumango. Napa face palm nalang ako. Mukhang hindi nga yata nagsisinungaling ang kambal ko.

Tss! Ano bang ginagawa ng lalaking yun dito?!

"Bakit ba nandito siya? Ano bang kailangan niya?"

"Ttss! Seriously twin, nagtatanong ka pa?" She rolled her eyes. "Maniniwala ka kaya kapag sinabi kong ako ang kailangan niya??" Umiling-iling pa siya bago nagsalita ulit. "Minsan talaga kahit alam na natin yung sagot nagtatanong pa rin tayo. Hindi ko lang talaga minsan ma gets. Natatakot ba tayo na baka mali tayo o ayaw lang natin paniwalain ang sarili natin sa isang sagot na walang kasigiraduhan?"

Hindi ko maiwasang kumunot ang noo ko. Yung totoo, tama naman si Rhea. Alam kong ako ang ipinunta ni Heaven dito. Pero ang layo ng sagot niya sa tanong ko. Simpleng 'ikaw' lang naman sana yung sagot eh.

"Bumangon ka na nga dyan at harapin mo na yung bisita mo. May date pa naman kayo."

Pagkatapos magsalita ni Rhea ay tinalikuran na niya ako. Napailing at napabuntong hininga nalang ako. Bakit pakiramdam ko ang weird ng mga tao ngayon.

May date pa naman kayo.

Tssk..tssk! Kailan namin napag-usapan ng lalaking yun na mag da-date kami? It's been two weeks since may nangyari sa amin. And it's been two weeks ng huli ko siyang nakita. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi namimiss ko na siya.

Namimiss ko ang mala-demonyo niyang aura. Namimiss ko ang bigla-bigla niyang pagsulpot. Namimiss ko ang pang-iinis at pananakot niya sa akin. Namimiss ko na talaga siya.

Tssk! Bakit ko ba siya namimiss?

Napasabunot ako sa aking sariling buhok. Nanggigigil akong humiga ulit at nagkumot. Nang may biglang bumukas ng pinto. Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino man yun.

"Tulog pa rin ba hanggang ngayon yung baby ko?"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ng lalaking kasalukuyang nasa loob na ng kwarto ko. Bigla na naman akong nakaramdam ng kaba nang magtama ang mga mata namin.

Ngumiti siya sa akin. Ngiting may halong lungkot. Hindi pa rin naman nawawala ang mala demonyong aura niya pero parang hindi siya yung Heaven King na kilala ko.

"What are you doing here?"

"To fuck you."

Bigla ko tuloy naitapon ang unan sa kanya. Agad naman siyang nakaiwas at tumatawang nakatingin sa akin. Tawa lang siya nang tawa. Halatang natutuwa siyang inisin ako. Humakbang siya palapit sa kama at umupo. Ngayon, magkaharap na kami. Bigla rin siyang sumeryoso.

You have no idea how fast my heart beats when I see you.

Sa klase ng tingin niya, nagwawala na naman yung puso ko.

"Kumusta ka na?" Mahina at paos na tanong niya.

Iba ang dating ng tanong niya sa akin. Iba ang King na nasa harapan ko sa King na kilala ko.

"Bumangon ka na." Ngumiti siya sa akin sabay gulo sa buhok ko. Dahil sa ginawa niya bigla akong napatingin sa kanyang mukha.

Bunsoy??

Ang sigaw ng isip ko. Pero imposible naman na siya si bunsoy. Imposible dahil alam kong si Lucas si bunsoy.

"Hey! Tumutulo na laway mo oh." Sabi niya sa akin sabay tawa. Mahinang sinuntok ko siya sa may braso. "Mag ayos kana may date tayo." sabi niya saka tumayo.

"Bakit tayo mag da-date? N'san ba girlfriend mo?"

"I want to be with you. Kahit ngayon lang. Kahit ngayong araw lang magkunwari kang hindi ka naiinis o galit sa akin." Ngumiti siya sa akin. "Can we act like everything's okay? Ngayong araw lang. Pagkatapos nito hindi na kita guguluhin."

Bigla akong nakaramdam ng pagsikip ng dibdib. Nakaramdam din ako ng lungkot sa sinabi niya.

May problema ba?

Gusto ko sanang itanong sa kanya. Gusto ko sanang lapitan siya at yakapin. Gusto ko sanang ipakita sa kanya na nag-aalala ako. Pero paano ko gagawin ang isang bagay na kabaliktaran sa ipinapakita ko sa kanya. Ang tanging alam niya galit ako sa kanya. Ayaw ko siyang makita.

Napalunok nalang ako at napatango.

Oo, naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko, hindi sa'yo. Naiinis ako kasi iba ang dating mo sa akin. Naiinis ako kasi nagwawala yung puso ko sa t'wing nakikita kita. Naiinis ako kasi hindi naman ako dating ganito.

**

"Whaaaaaaahhhh"

Sabay na sigaw namin habang nakasakay kami sa roller coster. Pakiramdam ko parang lalabas na ang kaluluwa ko sa takot. Sumisigaw siya pero halatang hindi naman siya takot. Sumisigaw lang siya para sabayan ako. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya kaya napangiti rin ako.

Sumakay din kami sa ferreswheel. At sa iba pa. Yung totoo ngayon lang ako nakasakay ng mga rides. Simula pagkabata binabawalan na ako nila papa at daddy. Naiintindihan ko naman sila. Pakiramdam ko para akong isang ibon na nakalabas sa hawla. Ang saya. Ang gaan sa pakiramdam. Yung nagagawa mo ang mga bagay na noon mo pa gustong gawin.

Kumain din kami sa street foods. Oo, sa street foods. Nang tinanong niya ako kung saan ko gusto kumain, yan agad ang sinagot ko. Akala ko mag iinarte siya. Akala ko pagtatawanan niya ako. Pero hindi, sa halip natuwa pa siya sa akin. First time raw niyang makakakain ng street foods. Lahat nang tinuro ko. Lahat ng masasarap sa paningin ko binili niya. Pero sa huli siya lang pinaubos ko sa lahat. Nakakatawa pa nga siya dahil ang tawag niya sa 'kwek-kwek' ay 'kwak-kwak' kaya tawa nang tawa ang tindera pati na rin ang ibang nakarinig pati ako ay nakitawa rin kaya ang sama ng tingin niya sa akin.

Bumili rin kami ng ice cream. Habang kumakain ay nag kwekwentuhan kami. Nag-iinisan at nag-aasaran. Nang napikon ako nilagyan ko ng ice cream ang mukha niya. Kaya nauwi sa habulan ang aming kwentuhan.

Nang mga oras na'yun nakaramdam ako ng sobrang saya. Lahat ng gusto kong gawin. Lahat ng gusto kong kainin. Yung gusto kong ma experience ay nangyari sa isang araw lamang at dahil yun sa kanya. Dahil yun kay Heaven King.

"Nag enjoy ka ba?" Ang nakangiti niyang tanong.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa isa sa mga bench ng park. Magkatabi kami habang nakatingin sa mga batang masayang naglalaro. Ngumiti ako at tumango sa kanya.

"Oo..Sobra.." Sagot ko at tumingin ulit sa mga bata.

Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya. 'Kaw lang nag paramdam sa akin ng ganito.

"Ang sarap maging bata ulit."

Napatingin ako sa kanya. Ang seryoso ng mukha niya. Sa mga bata lang siya nakatingin.

"Yung kahit na sino nagiging kaibigan mo. Kahit hindi mo alam ang totoong pangalan nila. Kahit isang beses mo lang sila nakita at nakausap nagiging kaibigan na agad." Huminga siya nang malalim at tumingin sa akin. "Naaalala mo ba ang mga kaibigan mo noon?"

Tumingin ako sa kanyang mga mata. May kakaiba talaga sa kanya. Isang minuto siguro kami nagtitigan bago ako sumagot sa kanya.

"Oo, naaalala ko pa sila."

--

Heaven's P.O.V

"Oo, naaalala ko pa sila."

Bakit ako hindi mo natatandaan? Bakit ako hindi mo nakikilala?

Gusto ko sanang itanong. Pero katulad nang ipinangako ko kay Kuya Gab at kay kuya Jeroe. Hahayaan ko nalang na si Lucas ang pinapaniwalaan niyang si bunsoy. Malaki ang naging kasalanan ko sa kanilang dalawa at kung ang tanging paraan upang makabawi ako ay ang patayin ang pagiging bunsoy ko. Gagawin ko. At ito rin ang alam kong tama para sa amin.

Hindi man ako sinisisi ng pamilya ko sa pagkawala ni kuya Gabriel. Alam ko, na para kay Lucas ako ang pumatay sa lalaking mahal na mahal niya. Ako ang dahilan kung bakit namatay si Kuya Gabby.

.
.
.
.
.
.
.

"Sa pagtalikod ko, wag kang lilingon. Sa pagtalikod ko wag mo akong tatawagin."

Ang seryoso kong sabi kay Rhett. Pareho kaming nakatayo at magkaharap. Nakita ko ang pagguhit nang pagtataka at pagtatanong sa kanyang mukha.

Napagdesisyonan na naming umuwi. Pagabi na kasi. Ang sabi ng mga magulang niya ay hindi siya pweding magpagabi. Ayaw din niyang magpahatid pa dahil malapit lang naman ang bahay nila dito sa park.

"Sa pagtalikod ko ba hindi mo ako lilingonin?" Ang halos pabulong niyang tanong.

Hindi.. Dahil sa oras na lilingon ako.. Baka dalhin lang ako ng mga paa ko pabalik sayo. Hindi na kita pwedi pang angkinin kahit gustong-gusto ko. Dahil may Girlfriend ako. Dahil may naghihintay sa akin. Naghihintay sa akin si Niexy.

"Hindi.." Paos at mahinang sagot ko. Nakita ko ang paglungkot ng kanyang mga mata. "Hindi na kita ulit guguluhin pa. Hindi na rin kita gagamitin mangpanggap para pag selosin si Niexy."

Ngumiti siya sa akin. Isang pilit na ngiti.

"Magiging tahimik na rin ang buhay ko."

**

Rhett's P.O.V

"Magiging tahimik na rin ang buhay ko."

At magiging malungkot... Hindi pa nga tayo nagsisimula sa pagpapanggap, tinapos mo na agad.

"Sige na. Sabay tayong tumalikod." Ang sabi ko saka tumalikod sa kanya. Tumalikod na rin siya.

"Bye..."

"Bye..."

Halos sabay naming sabi. Hindi agad ako humakbang. Lumingon pa ako sa kanya. Nakita ko ang unti-unti niyang paghakbang palayo sa kinatatayuan namin. Huminga ako nang malalim at nagsimula na ring humakbang palayo. Pauwi sa amin.

Hindi ko na mabilang kung nakailang hakbang na ako. Huminto ako at humarap sa kanya. Nakita ko ang unti -unti niyang paglayo. Ang unti-unti niyang paglapit sa kanyang sasakyan. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Ng lungkot.

"Lumingon ka...

Lumingon ka..

Lumingon ka..

Lumingon ka..

Lumingon ka..

Lumingon ka.."

Kapag lumingon ka...Ikaw si bunsoy.

Pero hindi siya lumingon.

----

No profread.

Enjoy reading :)

Continue Reading

You'll Also Like

257K 17.5K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
322K 8.5K 58
Don't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketba...
31.6K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
131K 4.2K 14
1st Book Of The "When" Series. [Para to sa mga lovers na kahit sinubok ng kahit anong problema ay hindi pa rin sila sumusuko.] --------- Si Blaze. K...