Until we can (Real-life lesbi...

By lesbihonest19

46.3K 788 147

Hindi masamang magmahal ng kauri mo. Basta handa kang tanggapin yung sakit na ibibigay sayo nito. Oo maraming... More

Prologue
Part 1 - Naguguluhan
Part 2 - Stalking
Part 3 - Getting to know each other
Part 4 - With her
Part 5 - Confession
Part 6 - Moving on
Pahabol I
Pahabol II
Pahabol III
Pinagpatuloy na kabanata II
Pinagpatuloy na kabanata III
Midnight thoughts

Pinagpatuloy na kabanata

1.5K 32 10
By lesbihonest19

"Baby? Goodmorning! Iloveyou. Gising ka na, miss na miss na kita e." -Angel

It's our sembreak. Monday morning. Just woke up. Naaaaaapakaganda ng gising ko sa bawat texts niya tuwing umaga. Feels like heaven kumbaga. Hindi mo alam kung paanong ngiti ang gagawin mo sa pagmumukha mo. Sa sobrang kilig mo parang matatanggal yung hypothalamus mo sa ulo.

"Goodmorning sa napakaganda kong baby. Mmmmmmmmwaaa! :* Namiss din kita. Iloveyou more than so much! Kumain ka naaa?"
Wag kayo, mas sweet ako kesa sa kanya no. Walang tatalo sa kasweetan ko.

"Sa wakas gising na ang mahal ko. Hmmmmmmmmmmmmpp!! (Yakap) Iloveyou more and more each day, babe. Hindi pa ako kumakain, i'm waiting for you to wake up." I guess talo na ako. Mas sweet siya. Hahahaha.

"Sweet naman ng baby girl ko. Tara na kain na tayo. <3"

Hindi ako nagsasawa sa ganyang pag-uusap namen sa araw araw. Napakasaya ko. Like, walang araw na hindi ako kinilig at ngumiti.




But..

Dumating ang isang araw na ayaw na ayaw kong mangyare. Ang mag-away kami.

"Saka na tayo mag-usap. Please. Off muna." -Angel

"Mahal, please. Pag-usapan naten ngayon. Ayokong matulog na magkaaway tayo or may samaan ng loob. Please babe. :'(((((((" -Kiara

"Tamana kiara. Pls?" -Angel

Ang sakit. Sobrang sakit tuwing tinatawag niya ako sa pangalan ko kapag magkaaway kami. Nasasaktan ako kapag hindi baby, babe, or mahal ang tawag niya. Para bang tapos na.

"Bakit ba ganyan ka.. Inaayos ko naman, ikaw tong may ayaw. Bakit mo ko ginaganto. Hindi ko naman gusto si Gio, alam mo yan by. :( sayo na ako e. Masama bang makipagjamming sa kanya? Masama bang makipag-usap or text sa kanya? Bawal na ba akong makipag-usap sa ibang tao? Baby kababata ko siya. Napakababaw ng away na to. Bakit di mo ko kayang intindihin.. Iniintindi naman kita. :(" -Kiara

"Hindi mo kasi alam nararamdaman ko. Mababaw? Hindi iniintindi? Wow kiara. Wow. Wag na muna tayo mag-usap. Please lang. Please. Isang text mo pa, magpapalit na ako ng number." -Angel

And that was the end of our conversation.

That was one of the worst night.

Matutulog ka nang umiiyak, na parang hiniwa yung puso mo sa sobrang sakit, na hindi mo napapansin nakakain mo na yung sipon mo kakaiyak mo.

Pero nagpakatatag ako. I prayed to God. Humingi ako ng tulong na sana maayos na tong gulo na to. Kung hindi man mismo sa araw na yun, o bukas, but eventually.

After an hour. Nagtext tito niya saken, halos kaedad lang ni Angel.

"Kiara, kasama ko si Angel ngayon. Anong nangyare sa inyo? Nag-aaya ng inom e." -Tito Paolo

"Titopao, nag-away kami.. Dahil kay Gio. Dahil lang nagpunta samen para makipagjamming. Titopao bakit ganun. Pinapaliwanag ko naman pero ayaw niyang intindihin mga sinasabi ko. Tinatawagan ko sya, binababa nya lang. Di ko alam kung saan ako lulugar." -Kiara

"Pagpalamigin mo muna pamangkin. Hayaan mo muna. Magkakaayos din kayo, basta pilitin mong mapaliwanag ng maayos hanggang sa makinig na siya sayo. Kami bahala, wag ka mag-alala. Hayaan mo munang uminom." -Titopao

"Sige tito. Salamat. :(" -Kiara

"wag kana umiyak ha." -Titopao

Hinayaan ko muna siya na magpalamig, siguro nabigla lang ako. Kaya dapat hindi ko muna siya kulitin. I gave her space. Baka paggising ko bukas, um-okay na.

The next day.

Akala ko, okay na. Yun pala mas lumala pa. I didn't expect this to happen. Sobrang pangit ng bungad saken.

"Kiara.. Ayoko na." -Angel

"Hey babe. What do you mean na ayaw mo na? :((((" -Kiara

"Tamana. Tapusin na naten. Pagod na ako. Ayoko na.. Pls." -Angel

"BY ANO BA?! bakit ba ganyan ka!! Pagpaliwanagin mo muna ako please. Jusko, napakababaw ng pinag-awayan naten tapos makikipaghiwalay ka? Ganun na lang yon? Mahal ilang buwan na lang isang taon na tayo, tapos susuko ka dahil lang sa isang mababaw na dahilan?!" -Kiara

"Oo, mababaw ako di ba. Kaya tamana. Please. Humanap ka ng taong hindi katulad ko na mahirap umintindi. Marami jan. Wag na ako. Please kiara." -Angel

"Mahal... Kaya mo ba akong iwan?" -Kiara

"Kakayanin ko... Kahit mahirap." -Angel

Sa loob loob ko, tangina! Napakasakit ng nararamdaman ko nung mga oras na yun. Para akong hinampas ng electric guitar tapos pinalupot sa leeg ko yung strings. Nakakamatay yung sakit.

After nung text niya na yon. Di ako nagreply. Tanghali na. Hay. Napakainit. Sobra. Tapos broken pa ako. Sabay sabay di ba. Happiness.

Tinext ko pinsan ko. Para papuntahin sa bahay.

"Insan. Please punta ka. Now na :(" -Kiara

"Okay. Wait lang." -Patricia

After an hour. Dumating si insan. Mga 11:30 am.

"Insan, bakit ganyan mata mo?" -Patricia

"Gago wag ka maingay, marinig ka ni mama." -kiara

"Hahahaha. Sorry. Dun kasi tayo sa loob." -Patricia

Pagpasok namen sa loob, kinwento ko sa kanya lahat. Sinabi ko din na nakikipaghiwalay na.

"Luh? Dahil lang dun? Hiwalay agad? Hahahaha." -Patricia

"Tawanan mo pa ako. Akala mo hindi masakit ha, tangna mo talaga e no. Oo. Nakikipaghiwalay na." -Kiara

"ay. Ano na gagawin mo niyan? Puntahan mo kaya insan." -Patricia

"Tangna, oo nga no. Isa kang alamat insan. Kain muna tayo, tanghali na e." -Kiara

Actually, naisip ko na rin na puntahan siya pero hindi pede kasi mag-isa lang ako. Wala din akong idadahilan sa mama ko. Pero dahil anjan si Insan, may reason ako para umalis.

1 message.

"-----Quote. (I forgot the Quote)

Magandang tanghali. Makaluwas ng maynila.

Ingat guys.

Gm. Kapagod :)" -Angel

NagGM siya. Ang masakit, aalis sya.

"Insan!!! Tangina. Dalian mo, lunukin mo na yaaaaan!!! Aalis si angel! Dalian mo!!! Shit tangina!" -Kiara

"Gago teka lang naman!" -Patricia

After namen kumain. Nagmadali akong magbihis. Nagpaalam ako kay mama na magbibike lang kami sa may subdivision ni insan. Buti na lang pinayagan kami kahit mainit.

1 pm. Sobrang tirik ang araw. Mas hot pa saken. Grabe. Di na ako magtataka kung bakit ako umitim. Kasi NAKABIKE lang kami.

"Alam mo ba yung bahay nila?" -Patricia

"para kang gago insan. Malamang. Kaya nga natin pupuntahan e. Dalian naten please." -Kiara

Binike namen mula sa bahay namen hanggang kela Angel. Mga 3 kilometers.

"Insan, kinakabahan ako. Jusko." -Kiara

"wag ka kabahan. Kayanin mo. Para magkaayos na kayo. Dali! Ang init kaya." -Patricia

Naisipan kong itext muna si angel.

"Hey. Andito ako sa tapat ng bahay niyo. Mag-usap muna tayo please. Anjan ka pa ba? :(" -Kiara

"Bakit nagpunta ka pa? Wala nang dapat pag-usapan kiara." -Angel

"By please. Harapin mo naman ako. Mag-usap tayo." -Kiara

Bigla siyang lumabas. Nakita niya kasama ko si patricia. Pinapasok niya kaming dalawa. Abe ang init init kaya. Nagmukha na nga akong tinapa e.

Naupo kami sa sofa. Shit. Anjan dad niya. Paano kami makakapag-usap.

"Hey. Bakit nagpunta ka pa. Di ba sabi ko ayoko na?" -Angel

Nakatitig ako sa kanya. Pero di siya makatingin saken.

"Kasi gusto kong maayos to. Kasi gusto kong ipaliwanag nang maintindihan mo." -Kiara

Hinawakan ko yung kamay ni insan kasi nanghihina ako. Sobrang nanghihina ako.

"Tamana kiara. Please? Pagod na kasi ako e." -Angel

"Ganun ganun na lang yun by?" grabe. Haha." -Kiara

Tumulo na yung luha ko. Ang bigat ng mga luhang tumutulo sa pisngi ko. Sobrang bigat.

"Hey wag kang umiyak. Makikita ka ni Dad." -Angel

"Wag umiyak? Ang sakit kaya." -Kiara

Nakayuko na lang ako para di makita ng dad niya.

"Im sorry. Pero napapagod na kasi ako. Kung tayo, tayo naman talaga e. Kung magkikita tayo balang araw, siguro mas maayos na pag-iisip natin nun. Basta mag-aral kang mabuti ha. Kung magboboyfriend/maggigirlfriend ka, piliin mo yung matino. Hindi yung tulad ko." -Angel

Umiiyak na rin siya. Umiiyak na din ako. Pero di namen pinapahalata kasi tatanungin kami ng dad niya.

"Insan. Wala nang patutunguhan to. Sayang effort naten." Kiara

Nakatitig ako sa pinsan ko habang tumutulo yung luha ko.

"Sige na. Kung ayaw mo na. Hahayaan na kita. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." -Kiara

"Pasensya ka na kung nahirapan ka saken. Sorry. Hatid ko na kayo." -Angel

Hinayaan ko na siyang ihatid kami pauwi. Nakabike kaming tatlo habang ako, umiiyak. Oo. Umiiyak habang nagpepedal. Parang tanga di ba. Ganyan talaga kapag nagmahal, minsan magmumukha ka talagang tanga.

"Hey. Wag ka na umiyak. Papangit ka." -Angel

"Haha. Oo hindi na." -Kiara

Natatawa ako. Kasi para akong tanga. Kahit ang sakit sakit nakukuha ko pa ring ngumiti kasi kasama ko siyang magbike. Kasi hinatid nya kami.

After 10 minutes, malapit na kami sa bahay. Nasa isang bukid kami.

"Dito na lang." -Angel

"Osige. Salamat sa paghatid ha. Pede ko bang hawakan mga kamay mo bago tayo maghiwalay?" -Kiara

Inabot niya saken yung kamay niya. Hinawakan ko. Hinawakan ko nang sobrang higpit. Tumulo nanaman luha ko.

"Bunso?" -Angel

"Hm?" -Kiara

Tumingin ako sa kanya. Lalo akong umiyak kasi tinawag niya ako ng "bunso". Yung unang tawagan namen.

"Wag ka na umiyak." -Angel

Pinunasahan niya yung luha ko.
Tapos ngumiti ako. Pero sa loob ko, bakit kelangan mo akong iwan? :(

"Opo. Hindi na. I'll be strong." -Kiara

"Very good. Sige na. Umuwi ka na. Mag-ingat kayo ha." -Angel

"Salamat. Salamat sa lahat." -Kiara

Pagkasabi ko nun, lumiko na ako. Nagpedal na ako.. Pumreno. Sumigaw.

"Hey! Wait lang." -Kiara

Lumapit ako sa kanya.

"Bakit?" -Angel

"I love you. Mahal na mahal kita." -Kiara

Nakatitig ako sa mga mata niya habang sinasabi yung mga salitang yun.

Bigla siyang lumuha.

"Mahal na mahal din kita. Sige na. Umuwi ka na." -Angel

After non. Nagbike na ako palayo. Lumingon ako, nakatingin pa rin siya saken. Hanggang sa nakaliko na ako. Di ko na siya makita.

Magkasabay na kami magbike ni insan. Habang nagbibike ako. Sumisigaw ako kasi bukid yung dinadaanan namen.

"Putangina! Huuu! Tangina insan. Sobrang sakit. Di ko alam kung paano ako magmomove on neto. Hahahaha. Tangina. Shit." -Kiara

Nakatingin lang saken si insan. Hindi umiimik. Malapit na kami sa bahay. Biglang nagsalita si Insan.

"Insan. Insan!" -Patricia

"Ano?" -Kiara

"Si angel." -Patricia

"Ha?" -Kiara

Pumreno si insan. Pagkatingin ko sa likod. Sobrang gulat ko. Sumunod samen si Angel. Pumreno ako.

"Oh, bakit ka sumunod?" -Kiara

Lumapit sya saken habang nakatitig at umiiyak.




"Di ko pala kaya Mahal." -Angel

O m f g.

Napa "Lord, thank you!" ako sa utak ako that moment.

"Hey. Shh. Tahan na mahal." -Kiara

Pinunasan ko yung luha nya. At hinawakan ang mukha nya.

"Tandaan mo, kahit anong mangyare, hinding hindi kita bibitawan baby." -Kiara

"Mahal, sorry. Pasensya ka na talaga. Haaaay. Napakatanga ko." -Angel

Nung time na yon, nawala lahat ng sakit sa dibdib ko. Nawala lahat. Sulit yung effort namen tsaka pagiging tinapa ko.

"Babe okay na. Tamana. Shh. Wag ka na umiyak hm?" -Kiara

"Bati na tayo?" -Angel

"Ewan ko, ikaw nang-away e. Di ko alam sayo." -Kiara

"Ayaw mo yata e. Sige na. Uwi na ako." -Angel

"Ay ay ay hindi. Joke lang to naman. Oo bati na tayo mahal. Kikiss kita dito gusto mo?" -Kiara

"Akala ko ayaw mo e. Sige na mahal. Uwi na kayo. Text na lang tayo." -Angel

"Opo mahal. Ay. Wait. Hindi ka na aalis mahal ha?" -Kiara

Ngumiti siya.

"Hindi na Mahal." -Angel

Tinupad nanaman ni Lord yung dasal ko na magkaayos na kami. Kahit kelan di talaga ako binibigo ni Papa Jesus. <3

Habang pauwi, tuwang tuwa ako. Kinikilig. Mukha naman akong tanga kakangiti. Kulang na lang mag-exhibition ako.

"Insaaaaan! Huuu! Napakasaya ko grabe. Haaaay. Okay naaa! Huuuu!" -Kiara

"See? Everything will be fine." -Patricia

"Thankyou insan sa pagsama Ha. Pasensya ka na." -Kiara

"Sus wala yun insan. Atleast okay na kayo." -Patricia

"Kain tayo pizza pag-uwi!!!" -Kiara

Pagkauwi namen, kumain kami ng pizza. Twitter, facebook. Kung anu-anong kalokohan. Im just happy. So happy na okay na kami ulit.



--
Author's note:

Hi guys! Ako'y nagbabalik. Ang dami kasing request at reklamo. Bitin daw hahahaha. Kaya itinuloy ko. Antabay lang kayo ha? Thankyou! ❤

Continue Reading

You'll Also Like

53K 849 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
568K 17.9K 41
[Completed] Dyosa siya. -_- Tanga ako. O.o Paano na ang love story ko? Iamunlocked0620 presents: GxG|"Ang Tanga-Hanga Ni Jaira" -MJPEREZ-
29.4K 229 3
>>Tagalog GxG Love story<< Elina Mishka Volzkow a young professional pianist and song writer. She's working as a professor in William College, school...
449K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...