NYORK

Por cursingfaeri

569K 9.5K 3.5K

"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive... Más

Chapter 1: A Dose of His Mischief
Chapter 2: Musically Inclined
Chapter 3: Origami
Chapter 4: Prank Call
Chapter 5: English Only Policy
Chapter 6: Hating Siobe
Chapter 7: Astig
Chapter 8: Human Megaphone
Chapter 9: Crushing on Her
Chapter 10: Captured Moments
Chapter 12: New Home
Chapter 13: Buffet Incident
Chapter 14: First Meeting
Chapter 15: Sapiosexual
Chapter 16: Inspiration
Chapter 17: Finally, yes!
Chapter 18: Frustrated
Chapter 19: Antipolo
Chapter 20: Getting close
Chapter 21: Getting there?
Chapter 22: School ID
Chapter 23: The Most Painful Revelation
Chapter 24: The Confrontation
Chapter 25: Shoti and Siobe
Chapter 26: Entrusting Siobe
Chapter 27: Blueberry Cheese Cake
Chapter 28: Spoiled brats
Chapter 29: The Cause
Chapter 30: Jog, Bluff and Instant Girlfriend
Chapter 31: First Kiss
Chapter 32: Caela vs Ishy
Chapter 33: Teddy Bear
Chapter 34: Bored and Addicted
Chapter 35: Long Examination
Chapter 36: Threat
Chapter 37: Nightmare
Chapter 38: Training
Chapter 39: Old friend
Chapter 40: Gifts and Surprises
Chapter 41: Basketball
Chapter 42: Annoyed
Chapter 43: Siobe vs Caela
Chapter 44: Adik sayo
Chapter 45: The Intruder
Chapter 46: Lingerie
Chapter 47: Birthday Bash
Chapter 48: The 999 paper cranes
Chapter 49: A tinge of confusion
Chapter 50: Crammers

Chapter 11: Mind Games

12.4K 189 33
Por cursingfaeri

___________________________________________________

"Hiro, gusto mo bang sumama sa celebration naming mag-anak sa susunod na buwan?” Tanong ng Papa nila Charlie habang kumakain ng tanghalian.

Napabaling ang tingin ni Hiro dito. “Ano pong meron Daddy?”

“Pasasalamat lang sa pagtatapos nitong si Marcus at Mason," nakangiting paliwanag nito sa binata.

Hindi maitago ang lubos na kasiyahan na bumadha sa mukha ni Hiro. "Wow! Sige po Daddy! Magpapaalam lang ako sa Mommy ko. Hindi pa naman sila nakauwi non eh."

Pang-apat na araw na ng mga Pelaez at iisipin pa lang ang pag-uwi nila kinabukasan ay ikinalulungkot na ng binata. Halos araw-araw nga ay madaling araw na siyang nakakauwi sa kabilang resort simula ng magbakasyon ang mga Pelaez. Masyado siyang natutuwa sa mag-anak.

Maliban na lang sa epal na si Charlie.

"HUH?! Ba't niyo inaaya yan?! Baka ubusan lang ako ng pagkain niyan eh!" Malakas na sabat ni Charlie na katabi niya.

Patay-gutom ba 'to? Ano ba klaseng babae 'to? Sabagay, ang siba nga talaga. Tss.

 

"Sayo na lang ang parte ko," nakangiting baling ni Hiro kay Charlie bago bumulong. "Tapos lalagyan ko ng lason ng matuluyan ka na hehehe."

"ANG SAMA MO TALAGA!!!"

"Huh? Bakit?" Kunwang tanong ni Hiro. "Ako pa masama ibibigay na nga sayo ang parte ko tsss."

"Charlie. Tapusin mo na lang yang pagkain mo," saway dito ng Mama nito.

"Saan nga pala ang parents mo?" Tanong naman ni Marcus kay Hiro.

"Ahh ano po Kuya. May inaasikaso lang po kasi. Busy eh," nakangiting sagot dito ni Hiro na pilit tinatago ang kalungkutan sa pagngiti.

Kinagabihan ay ginugol nina Hiro, Marcus, Chino, Chad at Mark ang oras sa paglalaro ng mind games samantalang busy sa pagkalikot ng bagong cellphone si Charlie. Abala naman sa pagbabasa si Mason na halos hindi pinapansin ang ingay ng mga kapatid.

"Dapat hindi titigil habang may choices pa. May consequence ang hindi makakasagot ah. Paikot tayo. Ako, si Chino, si Chad, si Hiro at panghuli ka Mark. Hanggang ten seconds lang talaga ang time limit ng bawat sagot," pamumuno ni Marcus.

Tumango naman ang apat na binata bago nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Marcus ng mechanics ng laro. "Ako ang mauunang pumili ng category. Seven wonders of the Modern World."

"Ang hirap naman agad!" Reklamo ni Mark.

Napangisi lamang sina Chino at Marcus. Habang napangiti si Hiro sa isang tabi.

Halos isuka na niya ang Geography at facts na laging almusal niya sa umaga kapag kaharap ang Daddy niya. Training kasi iyon sa kanya para daw hindi siya mahirapan sa huli kapag siya na ang pinahawak ng mga negosyo nila. Lagi din siya dapat may idea sa current events kaya nagbabasa siya ng diyaryo at Almanac. Hindi niya inaakalang magagamit niya ang mga ‘yon sa laro ngayon at lihim siyang nagpasalamat sa ama kahit papaano.

"Sige na. Chichén Itza, Mexico," sabi ni Marcus.

"Grabe, pati lugar?" Sabat naman ni Chad bago nilingon si Hiro. "Si Hiro muna bago sakin ah. Ayos lang ba?"

Tumango na lamang si Hiro dito. “Sige lang Kuya.”

"Christ the Redeemer Statue, Brazil," sagot ni Chino.

"Oy Hiro ikaw na hahaha," tawang-tawang sabi ni Mark.

“I'm not really sure if the city in the clouds… Aw sorry. I mean, the Machu Picchu in Peru belong to the 7 Wonders of the Modern World or just the seven wonders…" nagkakamot ng batok na tanong ni Hiro.

Napatanga dito sila Mark at Chad.

Bumilib naman sina Chino at Marcus. Ni hindi nga nila alam na city in the clouds pala ang tawag sa Machu Picchu.

"Tama yan. It was even mistakenly called as the lost city of the Incas," sabat naman ni Mason na nakikinig pala.

"Thanks Kuya Mason!" Nakangiti namang baling ni Hiro dito na hindi pinansin ng isa.

At dahil hindi na nakasagot si Chad ay may consequence itong natanggap. Kailangan nitong uminom ng kalahating tasa ng suka. Halos maluha luha ito sa asim kaya tawa sila ng tawa.

"Iba naman Kuya," sabi ni Mark na pasimpleng iniiwasan ang consequence.

"Sige, capital na lang ng country," sabi ni Chino. "Ako magtatanong. Pabilisan. Kapag nasagot na niya, siya naman magtatanong. Ayos ba?"

"Ano naman ang consequence ng mali ang sagot?" Tanong ni Chad na gustong makabawi.

"Isang basong toyo naman hahaha," sabat ni Hiro na sinang-ayunan din ng lahat.

"Ayos. Kapag nakadalawang mali na, iinom siya ng isang basong toyo. Sige game! Georgia?" Simula ni Chino.

"Atlanta," sagot ni Marcus. "Chile?"

"Santiago Kuya!" Sagot ni Hiro.

"Wuyyyy! Sali ako! Sali ako!" Sabat naman ni Charlie na nainggit na. Lumapit ito at tumabi kay Marcus.

"Huwag ka na. Hindi mo naman alam eh. Magcellphone ka na lang," asik dito ni Hiro.

"Alam ko kaya yan! Nasa geography kami ngayon daaaah!" Pairap na sagot nito kay Hiro.

“HAHAHAHA… DAAAAAH!!!” sabay-sabay na pag-ulit ng mga kuya nito. Halos humagalpak pa sa sahig si Chad sa pagkakarinig kung paano bigkasin ng bunso ang ekspresyon na ‘duh’.

"Pagbigyan na ang bunso. Si Charlie ang magtatanong," nakangiting awat ni Marcus na sumakit din bigla ang tiyan sa kakatawa. Binelatan muna ni Charlie si Hiro bago nagsalita.

"What is the capital of... of..."

"OF ANO?! Of Charlotte? Letter C for CHAKA HAHAHAHAHA!" Pang-iinis ni Hiro dito.

"OF LONDON! ANO HA?! ANO CAPITAL NG LONDON?! YAN SAGUTIN MO! MASYADO KANG NAGMAMADALI!"

Humagalpak si Hiro ng tawa.  "Ang bobo mo talaga! Walang capital ang London. DAAAAAH! Hahahahaha!"

“DAAAAAHHH!!!” panggagatong pa nina Mark at Chad na nagtawanang muli.

"Meron kayaaaaa! Di ba Kuya Chino?" Paghingi nito ng saklolo sa mga kapatid na halos nagpipigil na din pala ng tawa.

"Oy Hiro. Bad word ang bobo ha?" Saway dito ni Chino.

"Sorry po Kuya Chino,” hinging paumanhin nito bago binalingan si Charlie. “Eh ano ang capital ng London? Sige nga! Para malaman mo, London is the capital city of England and of the United Kingdom! As a city, it has no capital of its own!"

Halos mapaiyak na ito pero pinilit pa ring sumagot. "HINDI MO KAILANGAN MAG-INGLESSSSSH! AT WAG MO KO SIGAWAN!"

"O awat na. Awat na. Sige Hiro, ikaw na magtanong," sabi dito ni Marcus.

Pinigilan naman ni Hiro ang pagtawa. "Capital of Japan Kuya Chad."

"Waaaah! Alam ko yan. Syempre Tokyo! Hehe. Capital of Canada Mark?"

"Grabe ang hirap naman. Toronto?"

"Ottawa po Kuya," nakangiting sabat ni Hiro na ikinaismid ni Charlie. Siniko naman ito ni Hiro. "Ano bubuwit ha? Iinom ka ng toyo mamaya. Isa na lang hahahaha."

"Hindi kayaaaa!"

"Isa na lang kayaaaaa hahahaha."

"O Charlie, sasali ka pa ba? Pag di mo nasagot iinom ka ng isang basong toyo," pagpapaalala dito ni Marcus.

"Oo naman!" Mayabang na sagot nito.

"Capital ng Persia?" Tanong ni Kuya Mark dito.

"Ehhhh?! Ba't ang hirap nung akin?!" Malakas na reklamo ni Charlie.

"Hoy bubuwit sa Asia lang yan," sabat naman ni Hiro. "Iinom na ng toyo yaaan hahahahaha."

"Eeeeh.. eeeeh.." tanging nasabi ng dalaga.

"Ang arte arte talaga," inis na bulong ni Hiro.

Tuwang-tuwa naman sila Chad at Mark at nagduet pa ang mga ito sa pang-iinis kay Charlie. "Iinom na yan! Iinom na yan!"

Halos mangiyak ngiyak si Charlie ng kumuha pa si Mark ng isang baso ng toyo at ipinatong na sa mesita. “Ready naaa hahaha!”

Bahagya namang naawa si Hiro sa itsura nito kaya binulungan niya si Charlie. "Sabihin mo Tehran."

Tila nagdadalawang isip pa ito bago nauutal na sumagot. "T-Teh... T-Tehran.."

"Huh?! Tama ba yon?!" Tanong ni Mark.

"Tama yon. Persia is Iran di ba? So Iran's capital is Tehran. Nice one Charlie," sabat naman ni Mason.

Ngumiti naman ng malapad si Charlie. “WAHAHAHA. Ayoko na sumali. Bleeeeeeh! Hindi ako iinom ng toyoooo hehehehe!”

"May utang ka sakin bubuwit. Number na lang ni Louie mamaya ah.”

"ANO KA?! AYOTO NGAAAAA!"

Kainis naman! Paano ko kaya makikilala si Louie?

Tinignan na lamang ito ng masama ni Hiro at inasar. “DAAAAAAH!”

Seguir leyendo

También te gustarán

635K 39.7K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
5.5M 276K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
17.9K 324 30
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
85.9K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...