NYORK

By cursingfaeri

569K 9.5K 3.5K

"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive... More

Chapter 1: A Dose of His Mischief
Chapter 2: Musically Inclined
Chapter 3: Origami
Chapter 4: Prank Call
Chapter 5: English Only Policy
Chapter 6: Hating Siobe
Chapter 7: Astig
Chapter 8: Human Megaphone
Chapter 10: Captured Moments
Chapter 11: Mind Games
Chapter 12: New Home
Chapter 13: Buffet Incident
Chapter 14: First Meeting
Chapter 15: Sapiosexual
Chapter 16: Inspiration
Chapter 17: Finally, yes!
Chapter 18: Frustrated
Chapter 19: Antipolo
Chapter 20: Getting close
Chapter 21: Getting there?
Chapter 22: School ID
Chapter 23: The Most Painful Revelation
Chapter 24: The Confrontation
Chapter 25: Shoti and Siobe
Chapter 26: Entrusting Siobe
Chapter 27: Blueberry Cheese Cake
Chapter 28: Spoiled brats
Chapter 29: The Cause
Chapter 30: Jog, Bluff and Instant Girlfriend
Chapter 31: First Kiss
Chapter 32: Caela vs Ishy
Chapter 33: Teddy Bear
Chapter 34: Bored and Addicted
Chapter 35: Long Examination
Chapter 36: Threat
Chapter 37: Nightmare
Chapter 38: Training
Chapter 39: Old friend
Chapter 40: Gifts and Surprises
Chapter 41: Basketball
Chapter 42: Annoyed
Chapter 43: Siobe vs Caela
Chapter 44: Adik sayo
Chapter 45: The Intruder
Chapter 46: Lingerie
Chapter 47: Birthday Bash
Chapter 48: The 999 paper cranes
Chapter 49: A tinge of confusion
Chapter 50: Crammers

Chapter 9: Crushing on Her

13.7K 204 31
By cursingfaeri

____________________________________________________

 

Napapangisi pa rin si Hiro sa hatak hatak na dalaga habang nakatingin ito sa hawak na origami.

Hindi siya makapaniwalang kay dali nitong paikutin. Kung pagbabasehan lamang niya ang kwento ni Nanay Martha, tila kabaligtaran ito ng Louie na gusto nilang makilala niya. Sa pag-aastang lalaki lamang siguro, oo. Dahil halatang boyish nga ito. Pero bukod doon, tila napakalayo ng inaasahan niya sa Louie na nabuo niya sa isipan.

Nang makarating sila sa kabilang resort ay batid na niyang kanina pa ito hinahanap. Nakita niya sa malayuan kung paano suyurin ng mag-anak ang palibot ng resort. Napansin niya din ang may-edad na babaeng hawak pa ang dibdib habang masuyong tila inaalo naman ng may-edad na lalaki. Naisip niya agad na ito ang mga magulang ng dalaga.

Binasag niya ang kaguluhan sa masayang tinig.

“Ahh… paging paging… may naliligaw pong bata.”

Napatingin agad sa kanya ang mag-asawa at ng makita ang kasama niya ay halos takbuhin ito ng may-edad na babae. “Juskopong bata ka! Saan ka na naman nagpunta?!”

Tila balewala naman sa dalaga ang pag-aalala ng ina nito habang papasok ng bahay. Bagkus ay ngumiti pa ng matamis. “Ahh ehh.. heheh.. sa kabilang resort po.”

Ibang klase din ‘to eh. Isip isip ni Hiro habang nakasunod sa likod.

Napansin niya ang mga nakakwadradong larawan sa living room. Inabot niya ang isang picture frame na kuha ng apat na lalaki at may isang babae. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa larawan at sa dalaga.

Hindi nga yata si Louie ‘tong kaharap ko.

Nagkibit-balikat na lamang si Hiro bago kinalabit ang dalaga at inabutan ng maliit na origami na nilagay sa bulsa kanina. Napangiti siya sa naisip. “O, sabihin mo ‘yung tinuro ko sayo kanina ah.”

Tumango naman ito bago binalingan ang ina. “Sa Lloyd Hiro Resort. Kala ko andun kayo eh.”

Bago pa man makapagsalita ang ina nito ay napatingin sila sa apat na lalaking humihingal pang pumasok sa kabahayan.

“Hindi namin makita si— San ka ba nagpunta?!” Nandidilat ang mga matang tanong isang lalaki dito. Alam niya na halos na nakakatandang kapatid ito ng dalaga. Lihim siyang nainggit sa nakitang pag-aalala nito. Sabik kasi siya sa kapatid.

“Sa kabila nga…” Kinalabit ng dalaga si Hiro bago muling nagsalita. “Sa Lloyd Hiro Resort. Diyan sa kabila.” Inabutan naman ulit ng origami ni Hiro. “Wohoi!! Hehe.”

Napangisi na lamang si Hiro sa dalaga. Ang mga kaedad nito halos ay dalagang dalaga na umasta pero ang isang ‘to ay tila batang isip pa talaga.

Nang mapansin ni Hiro ang apat na lalaking napatingin sa kanya, hindi na siya nagpatumpik tumpik pa. Masaya niyang binati ang mga ‘to. “Oy mga ‘tol! Kamusta?”

“Sino naman ‘tong epal na ‘to?” Tanong ng isa.

Nakangiti pa ring nakipagkamay si Hiro sa bawat isa habang natatawa na lamang na nakamasid ang mga magulang. “Ako po pala ‘yung anak nung may-ari ng resort diyan sa kabila.” Pagkatapos niyang magmano sa mag-asawa ay nilingon ni Hiro ang dalaga. “Psstoy, ikaw magsabi ng pangalan ko. ‘Yung sinabi ko sa’yo kanina.”

Nakangiti namang tumango ang dalaga. “Lloyd Hiro Resort po kuya.”

Nakakalokong ngumisi si Hiro at bumulong. “Tanga talaga neto. “ Binaling niya muli ang pansin sa mga kuya ng dalaga. Hindi niya alam bakit ganun na lamang kasidhi ang pagnanais niyang makipagkaibigan sa mga ‘to. Ramdam niya ang magandang pagsasama ng pamilya na wala siya.

“Gusto niyo ng Xbox Kinect? Meron ako. Hehe. Teka, kunin ko lang sa bahay.”

Nagkatinginan na lamang ang mag-anak ng halos liparin ng binata ang pagtakbo pabalik sa kabilang resort.

Mabilis na nakapalagayang loob si Hiro ng mag-anak na Pelaez, na napag-alaman niyang family friend pala ng may-ari ng naturang resort. Ka-close nito agad ang mga binatang anak ng mag-asawa maliban na lamang kay Charlotte o mas kilala sa tawag na Charlie, ang pangalan ng dalagang napadpad sa kanilang resort. Nababanas siya sa pagiging slow nito. Pero natutuwa naman siyang asarin ang dalaga na halos maiyak na sa kanya. Doon niya napag-alamang matalik na magkaibigan pala ito at si Louie. Sinabi din ng mga magulang ni Charlie na susunod na lamang daw sina Louie kinagabihan dahil may inaasikaso pa ang pamilya nito.

Hindi napigilan ni Hiro ang pagngiti. Hindi niya alam kung bakit bahagya siyang na-excite sa pagdating ni Louie. Siguro nga ay napasobra lang ang kwento nila Aling Martha sa kanya. Pero base sa nakikita niyang anyo nito, ramdam ni Hiro na may katotohanan lahat ng sinabi nina Aling Martha at Mang Nilo tungkol dito. Hindi niya alam kung bakit pero parang kakaiba ang nararamdaman niya habang nakatitig sa mga larawan nito.

Bitbit ang gaming console galing sa kanilang resort ng madaanan niya muli ang mga larawan na nakapatong sa shelves kaya napatigil siya sa pagpasok sa living room. Marahan niyang kinuha ang larawan ni Louie na solo habang nakangiti at tinitigan. Hindi talaga niya maiwasan ang hindi humanga dito. Tunay ngang nakakabighani itong ngumiti.

Bahagyang napakislot si Hiro ng makarinig ng pagtikhim. Nalingunan niya ang lalaking tingin niya ay hindi nalalayo ang edad kay Charlie na matamang nakatingin sa kanya. Hindi niya ito napansin kanina. Ang akala niya ay apat lamang ang mga kapatid ni Charlie. Pero halata ang pagkakahawig ng dalawa.

“Huwag mo ngang pakialaman ang mga dekorasyon sa bahay ng hindi sayo,” tiim-bagang sambit nito bago kinuha sa kamay niya ang larawan.

Nakita pa ni Hiro ang saglit na pagtitig nito sa larawan bago binalik iyon sa dating pwesto. Nagkibit balikat na lamang siya bago tumuloy na sa living room.

Habang masayang naglalaro ng X-box ay biglang nag-aya si Charlie.

“Magsurf na tayo kuya!!! Tama na nga yang Xbox!!! May Xbox na nga sa bahay. Hoy, Hiro! Iuwi mo na nga yan!!!”

 “Shattap. Kita mong ang ganda ng laro eh. Dun ka na nga!”

Tumayo si Marcus bago pinagpag ang shorts. Ito ang panganay sa magkakapatid na Pelaez. “Tara na nga, mapagbigyan lang ‘yung bunso. Hiro, may kilala ka bang pwedeng magtrain na magsurf? Kanina pa ngumangawa yan eh. “

Mabilis pa sa alas kwatrong napatayo si Hiro sa sinabi ni Marcus ng nakangiti. “Ako po kuya. Tara!”

Habang naglalakad ay binulungan ni Hiro si Charlie. “Mauna ka na kayang magsurf? Nakaka-BV kang kasama eh.”

“ANONG BV?! Tsaka hindi ako marunong magsurf no!”

“De mabuti kakainin ka ng pating hahahaha. ”

“Kuyaaa o!”

Napalingon ang limang binata sa kapatid.

“Joke lang, ‘to naman hahaha.”

Pasimple nitong tinulak si Charlie ng hindi na nakatingin ang mga Kuya nito.

“Aray naman!”

“Oh napano ka?” Nagtatakang tanong ni Hiro dito.

“Ewan ko sayong sinungaling ka hmp!” Sagot nito at binirahan na ang alis habang tawang-tawa naman si Hiro dito.

Nagmistulang may fiesta sa rest house ng pamilyang San Buenaventura sapagkat tulung-tulong na naghanda ang mga caretaker at mga magulang ni Charlie. Naroon din sina Aling Martha at Mang Nilo na abala sa pag-iihaw ng seafoods na ni-request ni Hiro.

Habang abala sa paglalaro ng X-Box, napuna ni Hiro ang pagtunog ng cellphone ni Charlie na halos hindi na nito napansin. Ngayon niya lang din kasi pinahiram ang dalaga kaya siguro tila ayaw na umalis sa pwesto nito. “Hoy, bubuwit, yung pangit mong cellphone tumutunog. Ako na bang sasagot? O itatapon na lang natin?”

Inirapan ni Charlie si Hiro bago pahablot na kinuha ang cellphone at saglit na tumayo sa pagkakasalampak sa sahig. “Ay si bespren, tumatawag!”

“Weh, patingin nga.” Sumunod si Hiro dito at pasimpleng tinignan ang screen ng cellphone nitong pilit iniiwas ni Charlie.

“Hello? Bespren LOUIE?!”

“Louie?! As in yung nasa picture?” Nakangiting tanong ni Hiro at hindi maikakaila ang excitement sa tinig.

 Hinawi naman ito ni Charlie. “Wag ka ngang maingay! Hello bespren! Namiss na kita!”

Mataman lang na nakikinig si Hiro sa usapan ng dalawa. Parang gusto niyang hablutin ang telepono na hawak ni Charlie sa hindi maipaliwanag na dahilan. May paghanga nga yata siya sa dalagang hindi niya pa nakikilala ng personal.

Di bale. Magkikita din naman kami mamaya.

“Wala, isang malaking epal. San ka na? Alam mo ba, may nang-aaway saken dito? Awayin mo nga, bigyan mo rin ng uppercut,” dinig niyang sabi nito kaya Louie na alam ni Hiro na patungkol sa kanya.

Hindi na napigilan ni Hiro ang magsalita. “Uy, pakausap ako. Dali na…”

Bahagya nitong nilayo sa tenga ang cellphone at sinagot si Hiro. “Ayaw! Di mo ako pinahiram ng gitara mo, edi di rin kita papakausap sa bespren ko!”

Tinuruan niya kasi ang mga Kuya ni Charlie at pinahiram ng gitara niya habang nakatingin lang ito. Natutuwa talaga siya kasing asarin ang dalaga. Mabilis kasing mapikon.

Dahil sa pag-iisip kaya hindi na ni Hiro masyadong nasundan ang pinag-uusapan ng dalawa. Narinig niya na lang na sinambit ni Charlie ang pangalan niya. “Lloyd Hiro Resort…”

 “Anong Lloyd Hiro Resort?! Lloyd Hiro Ang! AAAANNNG!!” Mabilis niyang salo dito.

 Kainis talaga ‘tong bobong ‘to pinapangit pa ang pangalan ko. Grrr.

Nilingon naman siya ni Charlie. “Lloyd Hiro Ang?? Ano ang alin??”

Napalatak si Hiro dito. “Tss. Ang bobo mo talaga.”

“Hindi ako bobo. Malabo ka lang kausap! Tss.” Binalik nito ang atensyon sa kausap bago tumingin muli sa kanya. “Oy, epal. Kayo raw ba ang may ari ng Resorts World?”

Bahagya namang napangiti si Hiro. “Ako na kaya ang pakausapin mo sa kanya?”

“Ayoto ngaaaa.. bleeehh.” Binelatan lamang siya ni Charlie kaya nanggigil na lamang siya sa tabi. “‘Wag mo munang ibaba, sasakay ka na ba sa erpleyn? O, di pa pala eh. Kwentuhan mo muna ako. Eh? Talaga? Ang saya naman. Nestym sama mo ako ah. Magcosplay tayo diyan. Ayiee. Sabi mo yan ah. Ambait mo talaga bespren. Kaya lab na lab kita eh—“

“Pakausap na nga!” Pahablot na kinuha ni Hiro ang cellphone ni Charlie.

“H-HOY!”

Nakangiting nagpakilala siya kay Louie na animo’y kaharap na ang dalaga. “Hello? Louie? Si Hiro to. Lloyd Hiro Ang. ANG.” Hinintay niyang sumagot ang kausap ngunit ilang segundo na ang lumipas ay tila wala pa ring sumasagot. Mas lalo siyang nainis ng makitang tawa ng tawa si Charlie sa kanya.

“WALA KA NAMAN PALANG KAUSAP EH!” Pabagsak niyang tinapon sa carpeted floor ang cellphone ni Charlie na nagulat sa ginawa niya.

 “YUNG PHONE KO!! PAG YAN NASIRA! BIGAY PA MAN DIN NILA MAMA YAN!”

Bahagya namang nahiya si Hiro. Nakita niyang inisa-isang pinulot ni Mason ang nakalas na parte ng cellphone ni Charlie bago tiim-bagang tinignan si Hiro. Ito ang lalaking pumuna kanina sa kanya habang hawak ang larawan ni Louie.

“Mason, sapakin mo na siya! Dali! Utos ni Louie yon!”

 Bahagyang napakunot-noo si Hiro sa narinig.

Ano’ng utos ni Louie? Ano ba ni Louie ‘to? Kaya ba ‘to nainis ng hawakan ko kanina ang litrato ni Louie?Di bale. Di hamak namang mas gwapo ako dito hehehe. Kaya pala parang malamig makitungo sakin.

Gayunpaman, utos ng kabutihang asal ay humingi na lamang ng pasensya si Hiro dito. “Ay, ay… Kuya Mason, sorry, nabigla lang ako. Papalitan ko na lang po bukas.”

Hindi naman ito nagkomento habang nagliwanag naman agad ang mukha ni Charlie sa narinig. “Yung maganda ah! Yung tatskrin! Parang tulad kila bespren!”

“Oo na, tumahimik ka na.”

Pinandilatan ito ni Hiro bago bumulong. “Sarap tirisin ng bubuwit. Tss.”

A/N:

 

Kilalanin si Charlie sa HAT-BABE?! ni hunnydew. Click external link para ma-direct sa story.

Continue Reading

You'll Also Like

22.1K 1.2K 30
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.1M 24.2K 35
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
86.7K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
638K 39.9K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...