Ang Promdi At Ang Prosti

By xianrandal

1.1M 25K 1.1K

"O pag-ibig, pag pumasok ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Hindi naman kasi lahat ng nakikita... More

ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY-FIVE
TWENTY-SEVEN
TWENTY - EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
LAST

TWENTY-SIX

31.3K 746 39
By xianrandal

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

TWENTY-SIX

Duncan was so furious when he saw the pictures, as usual, si Lucas Dylan ang nagsusuply ng information sa kanya about her.

Ilang buwan na ba niya itong hindi nakikita, sobrang missed niya na si Roxanne, nung mga unang buwan ay kampante lang siya dahil okay naman ang mga reports ni Lucas, but now, he wanted to throw the pictures to the garbage bin and burn them.

Puro kuha nina Roxanne at Eugene De Vera. Why on earth this man would show sweetness to his girl? Akala ba niya dapat relaks lang siya habang inaasikaso ang lahat dahil wala namang nagpapakita ng interes kay Roxanne, ngayon, bigla na lang ganitong pictures na ang makikita niya?

"Bakit ngayon ko lang nalaman ito, Lucas?"

"Relaks Duncan, para namang gusto mo ng buhayin ang lalaking yan sa picture at durugin ng mga kamao mo." Natawa si Lucas Dylan, same reaction kapag si Roxanne na ang pinag-uusapan nilang dalawa ng kaibigan.

"What did Drew and I tell you, ayusin mo muna ang lahat, saka ka magpakita kay Roxanne."

"Konti na lang at ayos na Pare, pero baka naman kung kailang okay na saka naman pag-aari na ng iba si Roxanne?"

"Then do what you want,." Asar niya sa kaibigan. "Manligaw ka na."

"I will! At hindi ako titigil hanggat hindi niya ako papansinin."

"Do you think papansinin ka niya kapag nilapitan mo na siya, Duncan?"

"What do you mean?"

"Think of another way para mapansin ka niya. Sabi mo nga, ang tigas ng ulo ng babaeng mahal mo."

"So?

"Ang hina ng pick-up mo pare, ako nga, sobra ang hirap ko kay Shimmer mapasagot lang siya. Ganun siguro talaga ang mga teacher Pare, pa-hard to get."

"Ano bang ginawa mo para bumalik sayo si Shimmer?"

"Worst thing pare? Nag mascot ako ng Hello Kitty para lang mapansin niya."

"Ulol! Hindi ko gagawin yun."

"Wag kang magsalita ng tapos Pare, kakainin mo rin iyan."

Talaga ngang kinain niya ang sinabi niya

Nasa faculty room nun sina Roxanne at ang mga co- teachers niya. They were talking about someone na hindi siya talaga maka connect.

"Roxanne, nakita mo na ba si Mr. Hunk to the highest level?"

Napangiti siya. "Sino yun?"

"Sabagay, lagi ka na lang huli sa balita, palibhasa may Eugene pogi ka na."

Napangiti siya ulit, talagang para sa mga co - teachers niya ay sila na ni Eugene, pero talagang hindi, nanliligaw pa rin ito sa kanya, at kahit natetemp siyang sagutin ito ay hindi pa rin niya nagawa,tila may pumipigil sa kanya.

"Sobrang guwapo niya Roxanne, ang tangkad, pagkatapos ang mga muscles! Syet! Parang gusto kong hawakan at pisil-pisilin."

"Landi mo teh!"

"Alam mo naman, wala naman tayong nahahanap na mga ganyan sa school. Balita ko naman kasi eh second course niya na lang. Gusto niya lang raw talaga mag -gain ng units, yung iba nga raw na subjects niya eh inulit niya lang."

"Naku, Roxanne, baka maging student mo siya! Talagang makalaglag pa---panga!" Nagtawanan ang mga babae kasama na ang baklang co- teacher niya na si George, Georgia sa gabi.

Narinig niya ang bell, hudyat na ng pagsisimula ng next subject niya. First meeting nila ngayon at kailangang mauna siya sa mga ito.

"Good morning class!" Ang lapad ng ngiti niya, halos nandun na kasi lahat ng estudyante, kung hindi pa naman siya nakipagtsismisan sa mga kasama ay malamang naunahan niya ang mga estudyante niya.

"Good morning Ma'am." Sabay –sabay na bati ng mga ito.

"You make take your seats, may I have your class card please."

Ipinasa naman ng mga estudyante ang hinihingi niya.

"As I call your name, please say present." May nakita siyang nagtaas ng kamay.

"Yes?"

"Ma'am, suggestion lang naman para maiba, saka 'di ba, 1st day ng klase natin ngayon, ma'am pwedeng we will go in front and introduce ourselves? Then our classmates may ask one to two question about us."

"Tss! Parang high school lang." Sagot ng isang lalaki.

"Napaka kill joy mo talaga Juan dela Cruz!"

"Enough, let's have it this way, who wants to have the getting to know each other thing? Like what had Shiva suggested."

Halos lahat nagtaas ng kamay, halos lahat naman kasi babae.

"Okay, one thing that I would like you to do is to speak English, for our subject is Basic English, obviously."

"Yes ma'am!" Halos sabay-sabay pa sila.

Natuwa naman siya sa mga styles ng nagpapakilala, until somebody at the back stood up. A very familiar face. Nanlaki ang mga mata niya. Parang hihimatayin yata si Roxanne.

It was Duncan.

Bakit hindi niya ito napansin kanina, sa tangkad ba naman nito. Pangiti-ngiti ito nung humarap sa klase. Hindi siya nito tinitignan. Anong ginagawa nito sa klase niya? Dali-daling tinignan niya ang list of official enrolees sa subject niya.

Duncan Dizon's name is there. What happened? Anong trip nito?

He was just wearing a jeans and a gray t-shirt, bakit parang ang guwapo nito? That unruly hair but stubbles on his face. Siya ba ang tinutukoy ng mga co-teachers niya?

"Ehem Mam, can I started?"

"Ha?"

Somebody from the girls giggled. "Ma'am, can he start daw?"

"Ya-yah."

Lumingon ito sa kanya at kumindat.

Namula siya sa ginawa nito.

"I'm Duncan Dizon, I'm olready 28 years old, older than ma'am. I'm single since last week." Niloloko ba siya nito. His accent would just give the class an idea na hindi siya fluent sa English language, which is definitely untrue dahil alam niyang magaling ito.

"What made you enrol here Mr. Dizon?" Seryoso niyang tanong.

"Ma'am?"

Inulit niya ang tanong.

"I enrolling here becos...ahh.."

Napakamot ito ng ulo.

Kung hindi niya ito kilala ay talagang maiinlove siya sa mga actions nito. In love?

"What?"

"I enrolling here becoz, I...Because of you ma'am!" Then he gave her a grin.

Nagtawanan ang buong klase.

"Niloloko mo ba ako ha, Mr. Dizon!"

"No ma'am. You know, honesty is the best policy."

Nananadya ba talaga ito?

"Ma'am, baka naman crush ka ni Kuya Duncan."

Aba't pa-kuya kuya pa ang babaing ito, close sila?

"Class, quiet. Umupo ka na nga Mr. Dizon." Naiiritang sabi niya.

"Duncan na lang ma'am, you are so familiar."

"What?"

"I mean, so formal. Ma'am naman kasi, wala akong alam sa Inglis nay an."

Roxanne gave Duncan a let-talk-after-class look. Ano bang nakain nito at nag enrol sa university na yun, at isinama pa ang subject niya? Paano ang farm nito? Si Kate? Si Hazel?

"Ma'am, we haven't asked Duncan 2 questions yet." Hirip pa ng alam niya namang naglalanding estudyante.

"Oo nga ma'am." At may nag second the motion pa.

"Okay, ask two questions and after that you go back to your seat Mr. Dizon."

"Duncan ma'am...Duncan...ke ganda ng pangalan ko."

"Okay Duncan!"

"Kuya Duncan, do you have a girlfriend ba?"

"Waley!"

Napangiti si Roxanne. Ang kulit nito, at may alam pang pa waley, waley ha.

"Waley, bakit mo alam ang salitang yan Kuya, bading ka?"

Napahalakhak si Duncan. "Natutunan ko sa dati kong dati kong secretary."

Roxanne gave him a sharp look. Mukhang hindi magiging madali itong semester na' to sa kanya.

"O, nakakadalawang tanong na kayo, tama na. Next...."

"What the hell are you doing here Duncan?"

Pinaiwan niya si Duncan after class para makausap.

"I enrolled." Simpleng sagot nito.

"Obviously. Why?"

"Masama bang mag-aral ulit?" Palusot niya.

Napipikon na siya.

"Alam kong hindi yan ang dahilan."

"So anong dahilan?" Lumapit sa kanya si Duncan, nakaupo siya sa desk, ito naman ay lumapit sa table niya. Tinitigan siya sa mata. Bakit ganun ito kung makatingin, umiwas siya ng tingin rito.

"I missed you!"

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Naiinis siya sa sarili. Akala pa naman niya ay naka pag move on na siya sa binata. Sa inis ay tumayo siya.

"Ihahatid na kita, Ma'am!" Habol nito nung lumabas siya ng room, hindi niya kinaya na makipagtitigan sa binata.

"Ihatid mong mukha mo!"

Malulutong na tawa ni Duncan ang narinig niya. Dati napakakuripot nito sa ngiti. Ngayon parang sira na tawa ng tawa?

"See you around Roxanne, Ma'am Roxanne." Tila nang-aasar pa ito.

Sirang-sira tuloy ang araw ni Roxanne. Ano bang problema ni Duncan? Anong kalokohan ang ginagawa niya?

"Kumusta ang unang araw ng balik eskuwela, Pare?" Asar ni Lucas Dylan, nasa Manila rin ito para sumama kay Shimmer sa isang seminar, gusto lang din nitong bantayan ang girlfriend.

"Langya Pare! Ang hirap mag-adjust, para akong tanga."

"Tinalo mo nga ako pare, ako yung hello kitty, oras lang yun, ikaw, hindi ko akalain na mag eenrol ka talaga ha. Mabuti at kilala ko yung dean, kung hindi aabutin ka ng siyam-siyam.

"Ang ganda niya, Pare."

"Si Roxanne?"

"Oo, mas lalong gumanda nung maasar sa akin. Nabaligtad kami ng sitwasyon ngayon, dati, siya yung parang tanga kung umingles, hindi ko naman akalain na drama lang. Ngayon Pare, ginaya ko siya, pero natatawa ako sa sarili ko. Minsan nga, nahuhuli ko siyang tinatawanan ako."

"Ganyan talaga yan, Pare, kung hindi ka magtitiyaga, walang mangyayari. Kinausap mo na ba tungkol sa inyo?"

"Wala pa, natotorpe ako pag nasa harap niya."

"Takot ka lang talagang mabasted!" Asar pa ng kaibigan.

"Magpapakatandang binata na lang talaga ako Pare pag nabasted ako.

"Ulol!"

"Seriously, dahan-dahan na muna, Pare. Tama na yung alam niyang magkikita kami ng mas madalas. Isa pa, mas mabuti na nag enroll ako, mas mababantayan ko siya."

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
Limerence By Aira

Teen Fiction

3.4M 48.4K 45
"According to urbandictionary, limerence is an infatuation or crush that lasts at a much longer time span. A crush is for a short duration of time, w...
65.7K 1.5K 53
nainlove kana ba sa isang basketball player? o isa kadin sa medyo galit sa isang basketball player? si faye jimenez ay isa sa mga babae na medyo aya...
34.9K 7.7K 24
The C.U.P.I.D. Boyband Series Book 2 Si Cyril Dagohoy, also known as Cara Dubleda, ay isa sa pinakasikat, in-demand at magagaling na androgynous mode...