Ang Promdi At Ang Prosti

By xianrandal

1.1M 25K 1.1K

"O pag-ibig, pag pumasok ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Hindi naman kasi lahat ng nakikita... More

ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY - EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
LAST

TWENTY-FOUR

32.3K 786 31
By xianrandal

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

TWENTY-Four

"Marry me Duncan."

"What the hell are you talking about, Hazel?"

"Gusto mong makuha si Kate hindi ba? Ayaw mong malayo siya sa 'yo? Then marry me. Pag mag-asawa na tayo hindi na kayo magkakahiwalay."

Tuluyan ng nabwisit si Duncan.

"Tingin mo ganun lang kadali yun ha?"

"Bakit naman hindi? You offered marriage to me five years ago, nung nalaman mo na buntis ako kay Peter, you had accepted me, ang tanga tanga ko lang talaga nun na 'di ko tinaggap Duncan, it took me fiv'e years to realize that I still love you."

"Marami ng nangyari sa limang taon, Hazel. Hindi na tulad dati, nagbabago ang lahat."

"Madaling ibalik yung dati Duncan, si Kate nandiyan, I know you will still love me. Magsasama tayo, parang masayang pamilya."

"I'm sorry Hazel."

"Sorry, tingin mo ganun lang din kadali yun ha Duncan? I don't believe na napalitan na ako sa puso mo. Is this because of that bitch ha?"

"Huwag mong idamay sa usapan si Roxanne."

"Siya lang yung nakikitang kong dahilan kaya ka nagkakaganyan."

"Hazel, go back to your room, huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa akin." Nagtitimping sabi ni Duncan, he was frank with her, kilala niya ito eh.

Nagdadabog na umalis si Hazel. "You will surely regret this, Duncan!"

Hindi niya naabutan si Hazel kinabukasan, kinatok ito ni Duncan sa kuwarto nito para mag-agahan pero wala ang babae.

"Roxanne, nakita mo ba si Hazel?"

Gustong sabihin ni Roxanne na hindi siya hanapan ng taong nawawala. Isa pa, hindi siya interesado kay Hazel para alamin kung nasaan ito.

"Duh, waley!"

"I didn't get it Roxanne."

"Wala Bossing, hindi naman kasi ako hanapan ng nawawalang enek neng epes."

Natawa si Duncan. Ginulo niya ang buhok ng dalaga. "Silly"

Biglang tumunog ang cellphone ni Roxanne.

"Si Mamita? Bossing, bakit kaya siya tumatawag?"

"Sagutin mo." Utos ng binata.

"Hello, Mamita, bakit po kayo umiiyak? Nandito po siya sa tabi ko."

Ibinigay niya ang telepono kay Duncan.

"What!"

Kinabahan si Roxanne. Oo naiinis at napipikon si Duncan sa kanya, pero ngayon pa lang niya ito nakitang ganun ka galit.

"I'll be there Mamita."

"What happened?"

"I'll be back Roxanne."

Naiwan siyang naguguluhan. May problema yata.

"What happened Mamita?" Nakita niyang umiiyak pa rin si Mamita kasa nito ang katiwala nila.

"Si Hazel, kinuha niya si Kate."

"What! Saan sila pumunta?"

"Hindi ko alam, iyak ng iyak si Kate, Duncan. Ayaw niyang sumama sa Mommy niya."

Naikuyom ni Duncan ang kamao, tinotoo nito ang banta niya. Hindi kasi niya naasikaso ang adoption papers ni Kate, kasalanan din niya.

"Duncan, baka tuluyan na niyang ilayo sa atin si Kate. Ayaw ko apo, mamamatay ako."

"Mamita relaks, makikita rin natin si Hazel at Kate, kakausapin ko siya."

Ngayon pa na nasira ang cellphone niya, hindi niya macontact si Hazel.

Gulong-gulo ang isip niya ng bumalik ng bahay, baka kasi dumaan si Hazel dun. Nakaabang na sa pinto si Roxanne. God! Kung noon sana ito ginawa ni Hazel, baka di siya nagdalawang isip na pakasalan ito, pero ngayon, with Roxanne around, parang ang hirap gawin. Aaminin niya, talagang halos lumuhod siya kay Hazel nun para lang hindi siya nito iwan, oo, si Kate ay hindi niya anak, pero hindi na niya ito iniisip five years ago. Kaya nga sila nagkagalit ni Drew. Ang gago niya eh, hindi siya marunong magdesisyon kapag puso na, pero iba na ngayon.

"Bossing, anong nagyari?"

"Hazel got Kate, hindi ko alam saan sila pupuntahan."

"Ha! Si Mamita, kumusta?"

"Umiiyak, nag-aalala nga ako eh."

"Bakit naman niya ginawa yun? Okay naman kayong dalawa ah."

"She wants me to marry her."

Hindi nakasagot si Roxanne, kahit wala na si Duncan sa tabi niya, di pa rin siya nakakilos.

Marry her!

Umi - echo yun sa pandinig niya.

Ilang sandal pa ay lumabas ulit si Duncan. "Just wait here Roxanne. "

Hindi niya alam kung ilang minute siyang nakatayo pero 'di pa rin siya naka move on.

Marry her...

Maya-maya pa ay tumunog na naman ang cellphone niya. Si Drew!

"What happened Miss Roxanne?"

Ipinaliwanag niya ang nagyari batay sa alam niya. Galit na galit si Drew kay Hazel.

Maya maya pa ay tumawag na naman si Drew. Isinugod raw sa pinakamalapit na hospital si Mamita dahil sa tumaas ang presyon nito. Drew requested her to look after Mamita, uuwi rin daw ito.

Bakit kasi kailangang mangyari ito? Okay naman ang lahat hindi ba?

Nag commute lang siya papunta sa Lebak, malayo rin iyon. Nag-iwan na lang siya ng note sa labas ng pinto in case na magkasalisihan sila ni Duncan.

Tulog ang matanda ng datnan niya, naawa siya sa itsura nito. Si Manang Auring ang nagbabantay ditto.

"Ano po ba ang nagyari Manang?"

"Kuuu, dumating ang Hazel, kinuha si Kate, sinagot-sagot pa nga si Ma'am. Hindi na talaga nahiya ang babaing yun, ang kapal ng mukha."

"Manang Auring, hindi po ba matagal na kayong nagtatrabaho kina Mamita, kilalang kilala nyo po si Duncan ano?"

"Oo iha, ang bait ng batang yan, sila ni Drew. Sayang nga lang eh."

"Bakit po sayang?"

"Broken family ba tawag dun? Iniwan sila ng Papa nila, mga nagbibinata pa lang sila nun, sumama dun sa babaeng sumasayaw sa cabaret. Awang-awa ako sa mga bata, lalo na kay Duncan, pagkatapos, namatay naman ang Mama nila nung sumunod na taon, kaya si Mamita na yung nag-aalaga sa kanila."

"Ganun po ba." Hindi naman pala maganda ang childhood nito.

"Si Hazel po?"

"Ay, nobya ni Duncan yan noon, simula pa nung mga bata sila. Ewan ko ba anong nagustuhan ng batang yan kay Hazel. Oo nga at maganda ito, pero ang ugali, naku, saksakan ng pangit, kahit noon."

"Hindi po pala niya anak si Kate, Manang?"

"Ay oo, masyado lang mabait si Duncan at Mamita, si Drew lang ang ayaw pumayag nun, kaso kalaunan, napamahal na rin sa kanya si Kate. Tapos ngayon, babalik ang babaing yun at kukunin lang si Kate, hindi na nahiya."

Nalungkot siya, alam niya ang feeling ni Duncan at Mamita ngayon, ganun din naman siya kay Pot-Pot. Yun nga lang, ngayon, may matandang nag susuffer dahil sa sitwasyon, maawa naman sana si Hazel, kapag nakita niya ito, kakausapin niya.

Gabi na ng dumating si Duncan sa hospital, problemado ito. Naawa siya sa Bossing niya.

"Duncan, nakita mo ba si Kate?" Agad na tanong ng matanda.

"Wala pa po Mamita, pumunta na ako sa bahay nila Hazel pero wala siya dun."

Wala naman talagang nakatira sa bahay nila Kate, nasa Amerika na kasi ang buong pamilya nito.

Umiyak ang matanda. Nahihirapang tumingin si Duncan sa Mamita niya.

"Ano ba kasi ang gusto ng babaing yun, Duncan?"

"Gusto niyang pakasalan ko siya, Mamita." Tila hirap na hirap si Duncan ng sabihin yun.

"Ano ang sinabi mo?"

Lumabas na ng kuwarto si Roxanne, baka kasi hindi niya kayanin ang susunod na sagot ni Duncan.

Tumunog ang cellphone niya, number lang ang naka register.

"Hello?"

"Hello, bitch!"

"Hazel?"

"Kumusta sila? Natataranta na ba dahil nawawala kami?"

"Hazel please, wag mo namang gawin sa kanila ito. Maawa ka naman, lalo na kay Mamita."

"Hmmmm, ang bait mo sa akin ngayon, bitch ah! 'Di ako sanay." Tumawa pa ito ng nakakaloko.

Nag-iinit ang ulo ni Roxanne. Bakit ba lapitin siya ng mga katulad ni Faye at Hazel?

"Listen my dear Roxanne, I want you to convince Duncan na pakasalan ako, if hindi, ilalayo ko si Kate sa kanila, lalo na kay Mamita."

"I can't...

"Sure you can, alam mo bang hindi ako sanay na naagawan ha, I know ikaw ang rason kung bakit ayaw akong pakasalan ni Duncan."

"Nagkakamali ka, wala kaming relasyon."

"Whatever! Tell Duncan na babalik ako sa bahay bukas, kasama si Kate. Ayokong makita kang haharang-harang sa daan ko."

Sinabi niya ang nagging pag-uusap nilang dalawa ni Hazel, minus the scene siyempre na tungkol sa kanilang dalawa.

"Kita mo na Mamita, baka hiniram lang talaga ni Hazel si Kate." Pag-aalo niya sa matanda. "Matulog na po kayo para payagan kayong lumabas bukas at makita ninyo si Kate."

"Thanks Roxanne, mabuti na lang at nandito ka."

Tulog na si Mamita. "Walang anuman yun Bossing. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga eh, ikaw?"

She gave him a grin. "Hindi pa rin."

Kinabukasan nga ay dumating si Hazel sa bahay ng binta. Nagbabanta ang tingin niya kay Roxanne. Hindi na ito pinansin ng dalaga, ang mahalaga ay nasa bahay na ulit si Kate, kasama nina Duncan.

"What the hell happened Hazel?"

"I told you Duncan, kaya kong ilayo si Kate sayo kapag hindi ka nagpakasal sa akin."

"You know I can't do that Hazel!"

"You can! Sa ayaw at sa gusto mo, babalik ka sa akin, para mabuo tayo." Then she kissed Duncan. Kitang-kita iyon ni Roxanne.

Ganun pala kasakit? Parang pinira-piraso ang puso niya.

Nakatulog tuloy siyang umiiyak at sobrang apektado sa mga nangyayari.

Kinabukasan ay nakita niyang masayang kumakain ng agahan sina Hazel at Duncan, kasama si Kate.

Iniwasan siya ng tingin ni Duncan.

"Tita Beauty, kain na po tayo."

"Later na Baby Pretty, hindi pa nagugutom si Tita eh."

Wala pa ring imik si Duncan.

"After this Honey, maligo tayo sa dagat." Malanding yaya ni Hazel.

Malunod ka sana, o kaya kainin ng pating, o kidnapin ng siokoy. Kung anu-ano na ang naiisip ni Roxanne. Aminin man niya o hindi, nasasaktan siya tuwing nakikita sina Duncan at Hazel. Ngayon lang niya ito naramdaman, kahit naman noon kay Mike hindi ganun ka intense ang feeling niya.

Nagtataka si Roxanne bakit sa buong araw na iyon hindi man lang siya pinapansin ni Bossing Duncan niya. May kinalaman kaya si Hazel dito?

May sinabi kaya itong ikagagalit ng Bossing niya?

Hatinggabi na pero hindi pa rin siya makatulog kaya tambay mode siya sa kusina, nagbabasa ng nadampot niyang reader's digest sa sala.

Naramdaman niyang may tao. Si Duncan.

"Bossing?"

"Bakit gising ka pa?" Tila iritable ito.

"Gising ka nga rin eh."

"Roxanne, wala ako sa mood."

"E kasi naman Bossing, buong araw akong deadma sayo. Waley naman akong alam na kasalanan bukod sa pagiging diyosa. Why not make pansin?" She was trying to make the atmosphere lighter.

"I need to, Roxanne." Tila umiiwas ito ng tingin sa kanya.

Nasaktan siya dun. Cheer up girl!

"Ganun? Yan ba ang gusto ni Hazel?"

Hindi ito sumagot.

"At susundin mo?"

"I have too, alang-alang kay Mamita." Tila nahihirapan si Duncan.

"Bossing naman, hindi ko naman aawayin si Hazel." Lumapit si Roxanne kay Duncan. Dun yata siya nagkamali.

"Roxanne, I missed you." Then he captured her lips. Intense yung halik niya, bakit sobrang daming emotions ang naramdaman ni Roxanne.

Napaiyak tuloy siya. Naramdaman ni Duncan yung luha niya.

Pinahid niya ito. "Shhhh, please don't cry, mas lalo akong mahihirapan kapag nakikita kitang ganyan."

"Bossing naman kasi eh."

"Just for now, Roxanne. Alang-alang kay Mamita. I hope you understand me, I know you will,."

"What do you mean?"

"I'll send you back to Manila." Hirap na hirap ito nung sabihin niya yun. Hindi ito tumitingin sa kanya.

"Why?"

"I'm sorry Roxanne, Hazel doesn't want you here."

"And you will follow her?"

Hindi ito sumagot.

Tumawa ng mahina si Roxanne.

"Roxanne."

"What? Ano ba yung aasahan ko? Tanga lang talaga kasi ako na umasa na mamahalin mo. Akala ko kasi kahit walang I love you pwede na, na tama na yung mga halik at yakap mo, na pwede ng asahan yun. Hindi pala."

"Pero...

"Just don't you dare speak Duncan. The pain you've caused me is enough. I got it...very clear...."

Tumalikod na si Roxanne, pero bago siya nakahakbang palayo ay nahagip ni Duncan ang kamay niya, hinila siya nito pabalik at niyakap.

"I'm sorry, I didn't plan this."

Hindi siya sumagot, ni hindi siya gumanti ng yakap rito. Duncan captured her lips and kissed her again. She didn't want to respond but she missed this man! Hindi na niya namalayan yung sumunod na nangyari, basta ang alam niya na lang, nasa loob na siya ng kuwarto niya kasama si Duncan.

Tulog na tulog na si Duncan sa tabi niya pero hindi si Roxanne. Tinititigan niya lang ang mukha nito, gusto niyang memoryahin. Malinaw sa kanya yung sinabi nito kanina. He wants her to go back to Manila.

"Mamimiss ko yung mukha mo, kahit bihira kang ngumiti. Yung pagka suplado mo." Sunud-sunod yung luha niya, para siyang tanga.

"Sabi na kasing ang mga guwapong katulad mo, hindi iibig sa prosting katulad ko, pang pocketbook lang na story yun." She kissed him gently. And without hesitation, she packed her things, maingat para hindi magising si Duncan. Kailangang umalis siya bago pa ito magising kinabukasan. Bago pa magbago ang desisyon niya.

Tanghali na ng magising si Duncan, nanibago siya sa paligid, napangiti siya ng maalala ang nangyari. Kinapa niya ang katabi. Roxanne is gone. Mukhang naghanda na ng almusal nila.

"Shit! Hazel is still here" Nakalimutan niya. Bumangon siya para maihanda ang sarili, may kakausapin siyang isang mahalagang tao.

Napansin niya yung kapirasong papel na nakadikit sa seradura ng pinto.

Nandun yung pangalan niya.

Sulat.

Duncan,

Thank you and sorry for messing up.

Roxanne

Another shit! Naalala niya yung sinabi niya sa babae kagabi. Damn! Hindi niya sinabing aalis ito at babalik agad agad ng Manila, hindi pa niya nalilinaw ang lahat. Pumunta siya sa cabinet nito, mukhang bawas ang mga damit. Wala ang maleta nito.

Lumabas siya para hanapin ang dalaga.

Nasalubong niya si Hazel.

"Have you seen Roxanne?"

"The hell I care!"

"Dammit! Where are you, Roxanne?"

Wala siyang numero nito, kabibili niya lang ng cellphone kahapon pero hindi niya nakuha ang number nito.

Samantala, palabas na ng South Upi ang sinasakyan ni Roxanne, 1st trip siya ng bus at hindi niya alam saan ba papunta yung sinakyan niya, basta ang alam niya kailangan niyang makaalis sa lugar na yun. Dahil walang tulog ay halos tulog siya sa buong biyahe.

Nagulat na lamang siya ng gisingin siya ng konduktor.

"Miss, hanggang dito na lang po tayo."

"Saang lugar na ba to?"

Napakamot ng ulo ang binatilyo.

"Isulan po."

"Isulan? Mindanao pa rin ba?"

Para siyang tanga.

"Oo naman po Miss. Ang ganda nyo pero para naman kayong wala sa sarili." Bulong nito.

Kanina pa hawak ni Duncan ang folder na ibinigay ni Drew, kanina pa rin niya ito nabasa. Hanggang ngayon ay hind pa rin siya makapaniwala.

"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin Drew na kilala mo siya nung una kayong nagkita?" Sumbat nito sa kapatid.

"We had a deal, Kuya."

"Damn!" Nasuntok nito ang pader. Hinayaan lang siya ni Drew.

"Bakit ngayon pa, Drew?"

Naawa man sa kapatid ay walang magawa si Drew. Lucas Dylan handed him the result of background check ni Roxanne. Hindi raw nito macontact ang Kuya niya, mabuti at nagkita sila bago ito umuwi ng Sta. Clara.

Hindi alam ni Duncan ang gagawin.

"Where is she?"

"I don't know, she's gone."

Parang mabaliw si Duncan sa kakaisip kay Roxanne. Nadadagdagan pa ng problema niya kay Hazel, Kate at Mamita.

"Choose your happiness, Kuya. You know na hindi iyo si Kate, merong dapat na nag-aalaga sa kanya, may mga bagay na kailangan nating I give up, hindi lahat pwde nating maangkin." Makahulugang sabi nito.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 20.2K 32
( Suplado Trilogy - Book II) He's now my Boyfriend. But why so snob? Siguro dahil siya nga si Seth, Seth Anthony Monteverde... "Ang Suplado Kong Boyf...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
18.7M 203K 70
You are a sixteen year old high school student living on a house with your Geometry teacher who comes to be your husband. Wow, what a life! © iheartc...