NYORK

Von cursingfaeri

569K 9.5K 3.5K

"How could I ever beat someone as perfect as her? I will never be good enough for my father even if I strive... Mehr

Chapter 1: A Dose of His Mischief
Chapter 2: Musically Inclined
Chapter 3: Origami
Chapter 4: Prank Call
Chapter 5: English Only Policy
Chapter 6: Hating Siobe
Chapter 7: Astig
Chapter 9: Crushing on Her
Chapter 10: Captured Moments
Chapter 11: Mind Games
Chapter 12: New Home
Chapter 13: Buffet Incident
Chapter 14: First Meeting
Chapter 15: Sapiosexual
Chapter 16: Inspiration
Chapter 17: Finally, yes!
Chapter 18: Frustrated
Chapter 19: Antipolo
Chapter 20: Getting close
Chapter 21: Getting there?
Chapter 22: School ID
Chapter 23: The Most Painful Revelation
Chapter 24: The Confrontation
Chapter 25: Shoti and Siobe
Chapter 26: Entrusting Siobe
Chapter 27: Blueberry Cheese Cake
Chapter 28: Spoiled brats
Chapter 29: The Cause
Chapter 30: Jog, Bluff and Instant Girlfriend
Chapter 31: First Kiss
Chapter 32: Caela vs Ishy
Chapter 33: Teddy Bear
Chapter 34: Bored and Addicted
Chapter 35: Long Examination
Chapter 36: Threat
Chapter 37: Nightmare
Chapter 38: Training
Chapter 39: Old friend
Chapter 40: Gifts and Surprises
Chapter 41: Basketball
Chapter 42: Annoyed
Chapter 43: Siobe vs Caela
Chapter 44: Adik sayo
Chapter 45: The Intruder
Chapter 46: Lingerie
Chapter 47: Birthday Bash
Chapter 48: The 999 paper cranes
Chapter 49: A tinge of confusion
Chapter 50: Crammers

Chapter 8: Human Megaphone

13.9K 215 71
Von cursingfaeri

__________________________________________________

Maagang gumising si Hiro para pumunta sa bayan.

May schedule sila ng laro sa liga. Championship na kaya naman napilitan siyang sumali. Friendly game lang naman talaga ang habol niya at hindi din naman siya laging naglalaro kahit schedule nila. Basta trip niya lang talaga. Sadyang gusto lang ng captain ball ng team na siguraduhin ang pagkapanalo.

“Nay, Tay, alis na po ako,” paalam ni Hiro sa butihing mag-asawa na kasalukuyang naglilinis sa palibot ng resort bago nagmano sa mga ito.

“Ingat ka anak. Alam kong maipapanalo mo ang laro niyo,” sagot ni Mang Nilo na tinapik pa ang balikat ng binatilyo.

“Tay naman parang ako ang star player kung magsalita. Minsan na nga lang sumali haha.”

“Ganun na din yun. Kita mo nga at pinipilit ka pang sumali,” nakangiting sagot naman ni Mang Nilo sa binatilyo.

Ngumiti na lamang si Hiro.

“Anak, huwag kang masyadong gabihin ha? Ngayon na ang dating ng mga bakasyunista sa kabila. Excited akong magkakilanlan kayo ng kanilang dalaga!” Bulalas ni Aling Martha.

“Hindi Nay. Uwi ako agad. Dito ako manananghalian. Hindi aabot ng tatlong oras yung laro. Alas otso pa lang po,” sagot ni Hiro dito.

“Sus naman ireng si Martha. Keh bata bata pa ni Hiro eh,” naiiling na lang na sambit ni Mang Nilo.

Tinapunan naman ito ng masamang tingin ng asawa bago umingos. “Pabayaan mo nga ako. Ikaw din ang may sabing magandang bata si Louie. Kaya bagay sila ni Hiro. Maano namang bata pa. Mabuti nga at kahit maging magkaibigan man lamang ang dalawa.”

“Sabagay. Ke ganda naman talagang bata non. Nakita ko kasi ang mga nakakwadradong larawan sa bahay nila. May lahing intsik din yata iyon. Ke ganda pang ngumiti. Pati mata parang nakatawa. Bumagay din ang maiksing buhok sa mukha,” di napigilang bulalas ng matandang lalaki na inaalala pa ang imahe ng dalaga.

Hindi napigilan ni Hiro ang mapangisi. “Baka nadapa na si Louie. Ikaw tay ha, nagiging makata ka na yata ahahahaha. Alis na nga ako. Sige po.”

Nakangiting kumaway na lamang ang mag-asawa sa binatilyo. Nang mawala na sa paningin ay bumaling si Mang Nilo sa asawa.

“Pero alam mo Martha, kung makikita mo ang mga litrato ni Louie. Parang… Kaparehas sila ng hugis ng mga mata ni Hiro.”

Napangiti naman si Aling Martha sa sinabi ng asawa. “Aba magandang senyales ‘yan! Baka naman sila talaga ang nakatadhana ni Hiro!” Nangangarap na sambit nito.

Napailing si Mang Nilo. “Hindi eh. Makinig ka. Hindi ba’t nasabi ko sayo dati na may pinapahanap na anak si Sir?”

Napaismid si Aling Martha dito. “Sus naman Nilo! Alangan namang si Louie iyon eh may apat pa ngang kapatid na lalaki sabi mo nga? Tsaka mayaman din yata ang angkan ng San Buenaventura. Parang imposible naman yang sinasabi mo,” tila balewalang sagot ni Aling Martha.

“Sabagay. Pero balita ko nakita na nila Sir yung anak niya eh. Pero hindi pa siya nagpapakilala. Ayaw din yata ng pamilya nung bata na magkalapit sila. Ang alam ko hindi din alam ni Hiro yun. Alam niya kaya na may kapatid pa siya? Masikretong bata din kasi. Masyadong malihim sa nararamdaman,” tinigil nito saglit ang pagkukuha ng munting damo sa paligid at hinarap ang asawa.

Nagkibit-balikat lamang si Aling Martha habang nagwawalis. “Ang hirap din pala pag sobrang yaman no? Ang daming problemang kinakaharap. Sigurado akong magkakatalo na naman sa usapang mana yan pag nagkataon. Di ba ganun naman lagi? Ayaw pa mandin ni Madam na nalalamangan ang anak niya.”

Napabuntong-hininga naman si Mang Nilo. “Naawa nga din ako kay Hiro. Mag-isa na nga lang siya pero parang nakikiamot pa din ng atensyon sa ama niya. Hindi naman talaga sapat na si Madam lang ang parating nandyan kay Hiro. Iba pa rin ang kalinga ng ama syempre. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun na lang kasidhi ang pagnanais ni Sir na makita ang anak niyang babae. Kung tutuusin para namang ayaw na din daw itong makita ng ina nung bata. De ibig sabihin pati yung anak ilalayo nun di ba?”

Marahang tinampal ni Aling Martha ang asawa sa balikat. “Ano ka ba Nilo! Natural, ama pa rin siya. Syempre gusto din nun makilala at makasama ang anak niya. Nangungulila. Hindi din naman natin alam ang buong detalye ng kwento. Pero syempre, naaawa din ako kay Hiro. Alam mo namang napamahal na ang batang yan sa atin. Kita mo, halatang sabik sa pamilya. Mabuti nga at hindi siya nagrebelde katulad ng ibang bata diyan. Maswerte pa din si Sir sa kanya.”

“Sabagay. Ipagdasal na lang natin na kung magkakilala man ang magkapatid, maging maayos naman sana ang kahihinathan. At maayos din ang pamilya nila.”

Malungkot na ngumiti si Aling Martha. “Tama ka Nilo. Sana nga.”

***

Latang lata man ang katawan ni Hiro pag-uwi ng bahay, mababakas pa rin ang ngiti ng tagumpay. Pagkatapos nitong magpahinga saglit at maligo ay dumiretso na ito sa hapag at kumain ng tanghalian kasama ang mag-asawa.

“Ilan ang tambak niyo sa kalaban anak?” Excited na panimula ni Mang Nilo habang nagsasalin ng kanin sa plato.

Masaya namang nagkwento si Hiro habang interesadong nakikinig ang mag-asawa sa kanya. Isa iyon sa nagustuhan ni Hiro. Walang sawang nakikinig sa kanya ang mag-asawa. Laging gustong updated sa mga nangyayari sa kanya.

Na kung sana’y ganun din ang kanyang ama.

“Muntik na kaming matalo tay! Nag-overtime pa nga. Pero nalamangan namin ng sampung puntos. Grabe yung tao sa gym. Halos wala ng labasan ng tao. Ngayon ko lang na-experience ‘to!”

Napalatak naman si Mang Nilo sa sinabi ni Hiro.

“Kuu! Pihadong hindi na halos makahinga ang mga nanonood nun. Championship nga naman. Pero sigurado naman akong mananalo kayo dahil andun ka.” Bahagya nitong nilingon ang asawa. “Kung pwede ko lamang sanang iwan si Martha, gusto kong panoorin ang laro mo eh,” pabirong dagdag nito kapagdaka.

“Okay lang yun tay. Walang kaso. Alam ko namang hindi niyo maiwanan ‘tong resort. Baka mawala hahaha.”

Napahalakhak din ang matandang lalaki sa sinabi ng binata. Habang kinurot naman ni Aling Martha ang asawa sa tagiliran.

“Hoy lalaki! Ba’t ako ang tinuturo mo? Hindi naman kita pinipigilan ah!”

Niyakap naman ito ni Mang Nilo. “Itong asawa ko talaga masyadong matampuhin. Nagbibiro lang naman ako.”

Umismid lang si Aling Martha dito habang pinagpatuloy ang pagkain. Napangiti na lamang si Hiro sa nasaksihang paglalambingan ng mag-asawa.

Kung sana ganyan din ang kanyang ama sa kanyang ina.

Kung sana ay may normal ding pagsasama ang mga magulang niya.

Kung sana mayroon din siyang mga kapatid na kasamang naglalaro ng basketball. Nagkukulitan. Nag-aasaran. Paiiyakin niya at patatahanin.

Napangiti siya ng mapait sa naisip.

Kung sana lang naman.

Pero alam niyang parang suntok sa buwan ang iniisip niya. Wala namang nirerentahang pamilya. Kahit sobrang yaman pa nila.

Lihim na natawa na lamang si Hiro sa naisip.

Tumayo na si Hiro ng mapansing wala ng laman ang plato at nagpaalam na sa mag-asawa. “Nay, tay, sa kwarto muna ako.”

Tumango naman ang mag-asawa dito.

“Sige anak. Magpahinga ka muna. Alam naming pagod ka na,” sagot ni Aling Martha.

“Gigisingin ka ba namin upang magmeryenda mamaya hijo?” Tanong ni Mang Nilo dito.

Umiling si Hiro bilang sagot. “Ako na po ang bahala mangalkal mamaya ng kakainin ko pag nagutom ako tay, salamat. Sige po. Pahinga na din kayo ni Nanay.”

Pumasok si Hiro sa sariling silid at binuksan ang aircon. Humilata agad siya sa kama habang nilagay sa likod ng batok ang dalawang kamay at tumitig sa kisame. Simple lamang ang kanyang maluwang na silid pero bakas pa rin ang karangyaan. Tanging silid niya lamang ang may sariling Jacuzzi. May malaki din siyang flat screen tv, mac book at ilang mamahaling gadgets.

Tinitigan ni Hiro ang mga nakasabit na origami sa kisame.

Siya kasi ang nagdisenyo ng silid pagkatapos iyon papinturahan ng ina ng paborito niyang kulay na bughaw. Iba’t ibang hugis ng origami ang naroon. Iba’t ibang kulay. May malalaki at may maliliit.

Isa sa mga libangan niya ang paggawa ng origami na hindi maalis alis sa sistema. Natutunan niya ‘to sa summer class na pinag-enrolan sa kanya ng ina sa London bago sila umuwi sa Pilipinas para doon siya mag high school. Karamihan nga sa magagaling niyang kaklase ay katulad niyang Asian din.

Makikitang nagkalat din ang ilan pang origami sa paligid ng silid. May maayos na nakadisplay sa tokador at ang iba ay hinayaan lamang niyang tila nakakalat sa sahig. May mga hindi din tapos na paintings at sketches ng mga tanawin sa mga canvas. Ang kanyang tatlong gitara ay maayos na nakasabit sa dingding. Kahit sino’ng makakapasok sa silid niya ay hindi maikakailang may talento sa sining ang binata.

Tila nakakalat man ang mga gamit pero hindi naman masakit sa mata tignan. Parang disenyo lamang iyon ng naturang silid.

Hindi na namalayan ni Hiro na nakatulog siya sa pagod.

Nagising siya ng maramdaman ang pagdagan sa kanya ng mabigat na bagay kaya naalimpungatan siya sa pagkakahimbing.

“ARAY KO NAMAN!” Dinig niyang sambit ng bumagsak sa kanya.

May tao sa kwarto ko?

Dala ng matinding pagod kaya iritableng bumangon si Hiro upang mapagsino ang pangahas na pumasok sa kanyang silid. Bahagya ding nainis sa sarili na nakalimutang i-lock ang pintuan ng kwarto.

“ANO BA?! Kitang natutulog ang tao eh!”

Pero sino naman ang mangangahas na pumasok sa silid niya ng hindi nagpapaalam? Pihadong alam din ng mag-asawa na ayaw niya magpagising.

Namalayan na lamang niyang nakatingin siya sa tila sigang dalagita na bakas ang gulat sa anyo.

“SINO KA?! ANO’NG GINAGAWA MO DITO?!” Pasigaw na tanong nito kay Hiro.

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Hiro sa narinig. Kay liit na babae, kung magsalita parang nakalulon ng megaphone. Tinumbasan niya ng mas malakas na tinig ang pagkakasagot sa kaharap.

“Sino ako? SINO KA!!! BAKIT KA NANDITO?!”

Bahagya naman itong napaatras at saglit na natilihan pero matapang pa ring sumagot sa malakas na boses.

“NAGBABAKASYON KAMI DITO! BAKIT KA NANG-AAGAW NG KWARTO?! KWARTO KO ‘TO AH!”

Tinapunan ito ni Hiro ng masamang tingin. “KAPAL NG MUKHA MO! Kwarto KO ‘to! Kwarto KO! Teka, kami? So may kasama ka pa?”

Hindi kaya ito si Louie? Imposible. Bakit parang walang… finesse? Parang batang isip? At ang brusko masyado?Akala ko ba dalagang dalaga na yon?

Natigil si Hiro sa pag-iisip ng magsalita ang kaharap.

“Bingi ka ba? Kakasabi ko lang eh. Isusumbong kita kila Kuya ko! Tresspasser ka!!! Tresspasser!!!!”

Ngumisi si Hiro sa sinabi nito. “Edi isumbong mo.”

Nakita niyang hawak-hawak na nito ang pinakamalaking origami na halos isang linggo niya ding pinaghirapang tapusin kaya hinablot niya iyon sa dalaga. “AKIN NA NGA YAN! BAKIT NASAYO YAN?!”

Nakipag-agawan sa kanya ang dalaga. “Hoy! Bakit mo kinuha yan?! Baka masira mo! Hindi sa’yo yan!!” Tuluyan ng napunit ang naturang origami kaya halos manlaki ang mga mata nito. “HALA KAAA!!! NAPUNET MO! Isusumbong kita sa caretaker neto!!!”

“ANO’NG GINAWA MO?! Umuwi ka na nga!” Napatid na ng tuluyan ang pagtitimpi ni Hiro kaya kinaladkad niya palabas ng bahay ang dalaga.

Humahangos naman na sumaklolo si Aling Martha at nakitang hawak hawak ni Hiro sa braso ang dalaga. “Ano’ng sigawan ang narinig ko?”

“Nay, sino ba ‘tong bubuwit na ‘to? Tignan mo yung ginawa niya sa kwarto ko o!” Itinaas ni Hiro ang nasirang origami.

“NAGBABAKASYON NGA KAME DITO!!! KULIT MO NAMAN!”

Natawa naman ng marahan si Aling Martha sa dalaga. “Ah baka sila yung uupa diyan sa kabilang resort.”

Nangunot ang noo ni Hiro sa narinig. “Akala ko ba—“

“Eh? Ka-kabila? Hindi po ba ito ‘yung San Buenaventura Resort?” Nagulumihang sambit ng dalaga kay Aling Martha.

Kulang na lang ay batukan ni Hiro ang kaharap. Nakakabanas kausap. “Tanga ka pala eh! Pakinggan mo ‘to ah. Tandaan mong mabuti ang pangalan ng resort. Please repeat after me. LLOYD.”

Napangisi siya ng sumunod naman ito sa kanya.

“LLOYD…” simula ng dalaga.

“Hiro.”

“HIRO…”

“Resort.”

“RESORT…”

“O again, kumpletuhin mo ha,” nakangising utos niya dito. Kanina pa niya pinipigilan ang pagtawa.

“Lloyd… Hiro… Resort.”

Tinapik tapik ni Hiro ang ulo nito. “Very good retarded child.”

“Thank you po. So… hindi nga ito ‘yung San Buenaventura Resort?” Paniniguro ng dalaga.

“Ang kulit naman nitong bubuwit na to. Hindi nga! ‘yung katabing resort yung tinutukoy mo! Halika na nga! Ihahatid na kita sa inyo baka san ka pa mapadpad!” Hinawakan niya muli ang braso nito at inakay.

“Teka lang…”

“Ano na naman?”

“Aaahh.. pedeng humingi ng origami? Hehe. Yung bear.”

Napahilamos na lamang ng mukha si Hiro bago bumalik sa silid at kinuha ang malaking bear origami at inabot sa dalaga. “O yan. Saksak mo sa baga mo.”

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

32.8K 2.2K 1
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
Hiyal Von Ash_3_Meadow

Jugendliteratur

37K 1.5K 64
SYNOPSIS: Hiyal is a type of girl who makes her own life simple and normal. Para sa kanya, nasa kamay lang din nating mga tao kung paano tatanggalin...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...