The Trapped Series: Craig De...

By Iamsweetpea

222K 2.9K 302

Read at your own risk.. 18+ and above More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 6

15.1K 151 3
By Iamsweetpea



Nadia's POV



Magkahawak  kamay kami ni Craig habang nasa elevator. Hinatid nya kasi ako sa apartment ko at gusto nitong hanggang sa pinto ay samahan ako.

Ang sabi nya ay liligawan pa din naman nya ako kahit kami na. He doesn't want me to feel cheap daw lalo na sa mga nangyari samin. He wanted to show his clear intention din daw kaya masayang masaya ako.

Nang makarating kami sa pintuan ko ay inaya ko pa itong pumasok.

Medyo clinging pakinggan pero ayaw ko pa kasing umalis sya. Iniisip ko pa nga lang ay namimiss ko na agad siya.

Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang magkaboyfriend o ako lang. first time ko kasi ito at wala pa talaga akong idea. basta sinusunod ko lang ang nararamdaman ko.

"Sigurado ka bang gusto mo akong papasukin? baka kasi hindi na ako lumabas dyan" nakangiting sabi nito na nakatanggap ng mahinang palo sakin.

"Kung ayaw mo edi wag. Sige na papasok na ko. Ingat ka sa pagdidrive" nakapout na sabi ko sabay talikod

Medyo comportable na ako sa harap nito simula kanina. Paanoy hindi talaga kami mapaghiwalay at parang bagong kasal na nagsusubuan pa kami.

Agad na yumakap naman ito sa likod ko at ipinatong ang baba nya sa balikat ko.

"Joke lang hon. Actually kanina ko pa nga pinagpipray na sana papasukin mo ako. Yun din kaya ang dahilan kaya hinatid kita dito." sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

"Kung di mo naman ako papapasukin may susi naman ako kaya makakapasok pa din ako" ngingisi ngising sabi nya sabay bitaw sa akin

Inirapan ko na lang ito kunwari para hindi nya mahalatang naeexcite ako.

"Wala naman pala akong choice eh" sabi ko pa habang binubuksan ang pinto ng apartment ko

"Right wala kang choice kundi makasama ako buong gabi" sagot nya at nauna ng pumasok

"San galing yan?" Tanong ko ng makita kong may dala siyang bag at papasok na sa kwarto ko.

"Ahh pinadala ko to kaninang umaga kasama nung breakfast natin para may damit naman ako dito"

"So handang handa ka pala talaga"

"Yes hon lagi akong ready para sayo" sabi niya sabay kindat na naman

Syete heart relax ka lang wag kang tatalon palabas!

Habang naliligo sya sa banyo ko ay naligo na din ako sa banyo sa sala. Medyo inaantok na din ako at may pasok pa bukas kaya hindi ko na siya hinintay matapos.

Nang matapos akong maligo ay naabutan ko itong may kausap sa cellphone nya. Nauna na akong humiga sa kama para matulog dahil mukhang matatagalan pa siya dahil maya maya ay hiniram nya ang laptop ko at may ginawa doon.

"Tapusin ko lang to hon. Matulog ka na" sabi niya at humalik sa akin

--

Naalimpungatan ako ng tumabi ito sa akin at niyakap ako.

"Tapos ka na sa work mo?" Inaantok na sabi ko habang sinisipat ang oras. 11:30 na pala

"Yeah. May pina urgent lang si dad atsaka sumagot na din ako ng mga emails"

"Umhh..  pahinga ka na hon may pasok pa bukas" inaantok pa rin na sabi ko at mahigpit na yumakap dito.

Narinig kong mahinang napaungol pa ito sa inis na ikinatawa.

"Fvck akala ko makakascore na ko.. tss panira talaga si daddy eh" bulong niya habang hinihimas ang likod ko na parang bata.

Nakangiting pinakinggan ko lang ang pagkausap nya sa sarili nya hanggang sa makatulog uli ako.

---

Isang bouquet of flower ang natanggap ko galing kay Craig kaya lahat ay tinutukso tukso ako sa office.

Kahapon ng ihatid nya ako sa office ay wala pang tao kaya walang nakakita sa kanya. Maaga kasi kaming pumasok dahil may gusto akong tapusin at may ichecheck naman daw siyang papers from his dad.

Hindi nya din ako nasundo kahapon dahil busy sya pero kada break ko ay natawag naman siya.

"Sabi na may nanliligaw na sa dalaga natin" sabi ni mommy tin isa sa mga matatagal ng nagtatrabaho dito

"Naku iha kailangan makilala namin yan ha. Aba hindi kami papayag na hindi namin makilatis ang lalaking yan" taas kilay na sabi ni mommy bea

"Oo nga at ng makita ko kung sino ang mas gwapo sa amin" pabiro namang pagsang ayon ni macoy

"Siguradong makikilala nyo din po yun busy po kasi sya kaya pinadalhan na lang ako ng bulaklak" pagdipensa ko kay Craig

"Tss buti pa ako laging nandito. Hindi kita dadaanin sa bulaklak Nadia effort lang maiinlove ka na" sabi pa ni macoy na hinawakan pa ang kamay ko

"Hoy macoy kilabutan ka nga dyan sa sinasabi mo. Di ka pa din ba nagsasawa na mabasted? Kundi ka naaawa sa sarili mo maawa ka naman kay Nadia atsaka walang kang pambili ng ganyang bulaklak mukhang imported oh"

"Grabe ka naman mommy bea. Mahalin natin ang sariling atin mas magaganda pa rin yung sa dangwa nuh."

"Sus ni yung sa tapat nga ng simbahan di ka makabili sa dangwa pa kaya?"

"Tsss...Magtatrabaho na nga ako at ng makabili ng mas magandang bulaklak para sa sweetiepie ko" nakairap na sabi ni Macoy

"Mabuti pa nga at madami ka ng pending" seryosong sabi ng head namin. Parang binuhusan naman ng tubig si Macoy at nagmamadaling pumunta sa table nya na ikinatawa namin.

Nung bumalik na sila sa trabaho ay pasimpleng nagtext ako kay Craig ng thank you habang inaamoy amoy ang bulaklak na bigay nya. Hindi man ito nagreply after 5 minutes ay okay lang dahil hindi ata mapupuknat ang ngiti ko sa kilig.

Hanggang magtanghalian ay wala akong natanggap natext kay Craig alam kong busy ito dahil narinig kong may kameeting ito sa office nya. Busy din naman ako kaya okay lang.

Natapos ang buong araw na wala akong narinig kay Craig. Nung sumunod na araw ay ganun din.Medyo nagtatampo na nga ako dahil ang sabi nya ay liligawan nya ako pero wala naman siya. Siguro ay namimiss ko lang din ito at natatakot ako na nagsawa na ito agad sa akin.

Pasimple pa nga akong nakikibalita sa taas pero ang sabi wala daw ito sa hotel.

Nasa bahay na ako at naghahandang matulog ng tumunog ang cellphone ko. Di pa ako magkanda ugaga na kunin ang cellphone ko dahil alam kong si Craig iyon.

"Hello?"

"Hi hon, Sorry sobrang busy ko kaya hindi kita macontact. May importante kasing investor na minadali ko kaya halos wala na akong time kakameeting"

"Okay lang busy din naman ako."

"Kamusta ka?"

"Okay lang eh ikaw?"

"Eto miss na kita"

Bago pa ako makasagot na miss ko na din siya ay may ingay akong narinig sa kabilang linya.

(Hey fvckers lumalandi na talaga si De Angelo may pa miss miss pang nalalaman)

(Hell! Nangingisay ako sa kilabot este sa kilig) sabi na naman ng isa sabay tawanan sila

(Fvck di ako makapaniwalang may nagtyaga kay g*go) may pagsangayon akong narinig bago nagsalita ang pamilyar na boses

(I told you guys kung hindi ko nga sila nakita ay iisipin kong nagha hallucinate lang yang si Craig)

Si Reese ata iyon yung may ari ng restau na kinainan namin.

(Can you fvcking shut up As*holes) narinig kong sabi ni Craig na tinawanan lang ng nga kasama nya. Maya maya ay may sumaradong pinto at naging tahimik na

"Sorry for that hon. Dapat ngayon magkasama na tayo kung hindi lang ako hinila ng mga g*gong yun.. tss"

"Okay lang Craig. Pag di ka busy text mo lang ako o kaya puntahan mo ako sa bahay. Okay?" Sabi ko kahit gusto kong sabihin na pumunta na siya ngayon din.

"Sige tignan ko bukas kung di ako busy, off mo naman right?"

"Oo."

"Okay sige magpahinga ka na.Tumawag lang talaga ako to check on you. Goodnight hon. Dream of me. "

"Okay, Goodnight din! I Miss you" sabi ko sabay patay ng phone ko. Kung narinig nya yun o hindi bahala na miss ko na kasi talaga sya.

Dahil nawala ang antok ko ay nag internet muna ako.

Craig De Angelo

Yan yung nilagay ko sa search box. Marami na akong alam sa kanya dahil super crush ko siya pero ang gusto kong makita eh yung mga dinate nya before. Actually 3 years ko palang naman iniistack si Craig at yung mga achievement nya lang ang inaalam ko. Pero ngayon gusto kong mas may malaman pa sa kanya lalo na sa mga naging girlfriend or fling nya.

Maraming model at celebrity ang nalink sa kanya. Di ko na pinansin yung iba na isa o dalawang beses lang nakitang kasama nya mas pinagtuunan ko ng pansin yung fling/relationship nyang umabot ng buwan.

Lahat syempre magaganda. Ang napansin ko lang walang specific feature na common ang mga naging "karelasyon" niya. Hindi naman lahat matangkad o maputi super random nga ang mga flings nya. May mga voluptuous meron namang model like ang katawan na skinny.

Nagsearch pa ako at nanuod ng interviews nya sa magazine at tv. Napukaw ang atensyon ko sa 2 interview na pareho ang sagot nya.

Ang pinakamatagal nya palang relationship ay ang unang girlfriend nya na si Collin Saavedra. Kababata nya ito at kapatid ng kaibigan nya na isa din sa sikat na businessman si Lyndon Saavedra.

1 year naging sila bago pinursue ni Collin ang pagiging fashion designer sa france. Hindi naman daw yun ang dahilan ng break up nila mutual daw ang desisyon na mag hiwalay na sila pero kung may babae daw na gugustuhin nyang maging long time partner ay kagaya daw iyon ni Collin. Biniro pa nga siya ng host na baka hinihintay nya lang daw si Collin. Sinagot nya lang ng "baka" ang host sabay tawa.

After kong panoorin yung interview na yun ay agad na sinearch ko si Collin Saavedra. Nagbasa lang ako ng konting info about her sabay patay na ng laptop.

Maganda, matalino, mayaman at successful puro yan lang ang nabasa ko tungkol sa kanya. And me being a regular girl ay halos manliit na ako sa kanya.

Iniisip ko na lang na 5 years na ang nakakaraan ng maging sila andami na ding dumaan na babae kay Craig siguro naman wala ng dahilan para mathreaten ako.

Atsaka come to think of it wala naman akong dapat kalabanin kundi ang sarili ko mas makakasira lang ng relasyon yang insecurity di ba?

Matagal na silang hiwalay at kami na ngayon ni Craig. Wala na dapat akong ikatakot.

Initial reaction lang naman ng lahat ng babae ang maging paranoid so alam ko paggising ko bukas wala na to.

Buti na lang andito pa yung amoy ni Craig sa higaan ko. Siguradong mahimbing pa rin ang tulog ko kahit bothered ako sa napanuod ko.

Zzz..

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 34.2K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
3.3M 299K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...