Runaway with me Gorgeous [Boo...

By Acqua14

235K 5.1K 186

[COMPLETED] Ally Dumaylo is just a simple, naive girl. Pangarap niyang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamil... More

Prologue
Ang paghahanda
Ang Pagtanggap
Ang pagbabalik
Ang gabing pagtatagpo
Inis at Galit
Pagsisisi?
Unang halik
Ang pagkahulog
Ang kagustuhan
Ang pag-uusap
Unang sakit
Nakakakabang pakiramdam
Haka-haka
"My other stories"
Ang pag-amin
Problemado?
Pangungulila
Sunod-sunoran
Paglisan
Litrato
Epilogue
My Other Story

Ang kahalagahan

6.3K 177 3
By Acqua14

Kristina



I'm not here to compensate with my family. I won't compromise because I would never ever know. And that ain't gonna happen. I'm gonna live my life. I am  here not for anything else. But to take what's really mine.


My precious.




My everything.



My life.



And that's her.





Ally.



Lahat-lahat ay malinaw pa rin sa aking gunita ang mga nangyari noon, kung paano ko siya unang nakita. Kung paano unang tumibok at umibig itong puso ko.









Few years ago...




Sakay siya kay Neho ang kanyang black stallion, mag-isang pinatakbo niya ang kabayo sa gitna ng kanilang farm. May mango plantation sila at balak niyang pumunta doon.


Nang marating niya ang plantasyon ay nagpasya siyang magpahinga sa isa sa mga ilalim ng punong manga. Matapos maitali si Neho sa isang sanga ay napaupo siya't nakasandal ang likod sa katawan ng puno.






Napapikit siya.





Pero hindi niya inakalang makakatulog pala siya nang mga sandaling iyon sa sobrang pagod. Masyado kasing malayo ang plantasyon at sobrang lawak din nito.




A few minutes later



"Loving can hurt.


Loving can hurt sometimes


But it's the only thing that I know

When it gets hard

You know it can get hard sometimes

And its the only thing that makes us feel alive...

We keep this love in this photograph

We make make these memories for ourselves

Where our eyes are never closing

Our hearts are never broken

And time forever frozen still..."

Bigla ay nagising siya ng marinig ang isang magandang awitin. Nang magmulat ang mga mata  ay bahagya pa siyang nakaramdam ng panghihinayang dahil sa pag-aakalang panaginip lang pala ang magandang awitin na iyon.

Napabuntong-hininga siya.

Ilang oras kaya siyang tulog? Kanina nang umalis siya ay tirik na tirik pa ang haring araw pero ngayon ramdam niya ang malamig na ihip ng hangin.

Kapansin-pansin din ang makakapal na ulap na tila nagbabadya ng hindi magandang panahon.

Balak na sana niyang tumayo nang may maramdaman siya sa kanyang tabi.

Mabilis na napalingon siya sa kanang bahagi niya. Subalit, ganun na lamang ang pagkagulat niya nang makita ito.

"Hi!" Matamis ang ngiting nakatingin ito sa kanya.

Napalaki ang mga mata niya nang makita at mapagsino ito. Kakambal ang pag-iiba ng ritmo ng puso niya. Animo'y tambol na binabayo ang dibdib niya sa lakas ng tibok nito.

"Sa wakas gising kana rin. Actually, kanina pa talaga kita hinihintay na magising-" biglang nagbalik siya sa reyalidad.

This girl...

She's... she's actually here!




"W-Wait. Kanina kapa dito?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Oo. Binabantayan ka." Aliw na aliw naman nitong sagot.






Saka marahan itong napatango habang nakapaskil pa rin ang matamis nitong mga ngiti sa labi.

Napamaang siya.

Binabantayan siya nito?

"Bakit?"

Bahagyang napalagay naman sa baba ang hintuturo nito. Tila nahulog sa malalim na pag-iisip. Ngunit, dagling napalitan naman ng pilyang ngiti ang kanina'y naguguluhang mga mata nito.

"Kasi.. akala ko may masamang nangyari sayo." Sagot nito. "Wala kabang kasama dito?" Pagkaraa'y tanong nito. Muling nagkasalubong ang kanilang mga mata. Sa halip na mailang, kumindat pa ito sa kanya.

Nakaramdam siya ng kakaibang init sa kanyang mukha.

Napahagikhik naman ito sabay iling ng ulo.

"Ang cute mo talaga." Pinanggigilan naman nitong kurutin ang pisngi niya na ikinagulat niya ng husto.

"Hey- I'm... I'm not a puppy." Nahihiyang sabi niya.

"Oops. S-Sorry!"

Wala sa sariling napaseryoso naman siya. "It's uhm... I'm not alone here. Kasama ko si Neho." Sukat para mapatingin siya sa kanyang kapaligiran, hinahanap ang kabayo niya.

Napakunot-noo siya nang mapansin ang pagkawala ng kanyang alaga.

Napatikhim ito.

"T-Talaga? N-Nasaan na siya?"

"He's... he's probably out there." Walang kasiguraduhang sagot niya. Napapakunot-noo rin siya sabay kagat ng kanyang labi dahil di siya mapakali sa mga oras na yon.

"Baka nga.." pagsasang-ayon naman nito.

Marahang napaangat ang mga mata niya at nagbaling ng tingin sa magandang mukha nito.

Halos hindi pa rin talaga siya makakapaniwala at nakaharap na niya ito ngayon. Kuntento naman siyang minamasdan lang ito sa malayo. Hindi kasi siya yong tipo na palakaibigan sa iba.

Napansin niya ang pagsilay ng mga ngiti nito.

"I'm Ally, by the way." Sabay lahad nito ng kamay.

Sandaling napapatingin naman siya sa kamay nito.

"Kristina."

Sa huli ay tinanggap niya ang kamay nito. Sabay silang napapatingin sa magkahawak nilang mga kamay.

Pagkatapos ay nasilayan uli niya ang matamis nitong mga ngiti sa labi.

"S-Saan pala tayo... pupunta?" Pukaw ni Ally sa'kin sukat para magbalik ako sa kasalukuyan. Napansin siguro nito na ibang daan ang tinatahak nila. 

"It's... uhm. A secret." Sabay kindat ko sa kanya. Actually, wala talaga sa plano ko ngayon ang dalhin siya sa lugar na yon.

"S-Secret?"

Napatango ako.

Akala ko magtatanong pa uli siya. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa loob ng kotse ko.

Gayunpama'y kapansin-pansin pa rin ang pangungunot ng noo nito. Wari'y ay may malalim na iniisip.

Di ko naman maiwasang di mapangiti. Ang priceless ng mukha nito kapag naguguluhan. Sa totoo lang, sa kanya ko lang talaga nakita ang kahalagahan ng buhay ko. I wasn't here if it wasn't because of her. She's the reason kung bakit kailangan kong lumaban. Coz, I want to be with her... again.      

"Seniorita Kristina..." narinig kong pagtawag niya sa pangalan ko.


"You should stop calling me that way." Malumanay kong sabi dito. Takang napalingon naman siya sa gawi ko.


"B-Bakit?"

"It's just that... it's uhm. I find it a little bit uncomfortable. Lalo na't sayo nanggaling." I said.


Napa-irap naman ito. "Weird. Tss. E anong gusto mo? Prinsesa? Mahal na Reyna-"

"Kristina. Just Kristina, Ally." Putol ko sa kanya.


Natigilan naman ito.


"F-Fine." Napahalukipkip ito. "Wait- panu kung 'Tina' nalang kaya?" Biglang sabi nito na ikinapula ng mukha ko.


"T-That's... better. Sounds good to me." Napangiti ako sa isiping ito ang unang pagkakataong nagkausap kami na hindi nagbabangayan.

It seems like just...  the old days.  



-oOo-





Ally


Napaayos ako ng upo at agad naiwan sa ere ang mga ngiti ko. What am I doing?

'Tina?'  Seryoso?

Mariing napapikit ko ang mga mata at may inis na napahambas ng kamay.

"Aww!"

Ngunit, ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng matamaan ko ang isang kamay nito.

"Hala-! S-Sorry! Di ko sinasadya." Ngali-ngaling batukan ko ang sarili sa katahangan ko.

Natatawang nagbigay ngiti naman ito. "No. It's okay. Hindi naman siya masakit." Anito. Kinuha niya ang kamay ko sabay halik ng likod nito.

Gulat na natigilan naman ako sa ginawa nito. Agad uminit ang mukha ko sa simpleng halik na iyon.

Takang tiningnan ko ito. Nang biglang kumindat si Kristina sa'kin. Gulat na napalaki ang mga mata ko sabay iwas ng tingin dito.

I heard her chuckled.

Kinuha ko naman agad ang kamay ko mula sa kanya. Napansin kong may inabot ito sa dash board at isinuot ang aviator nito.





Kainis. Ano bang nangyayari sa'kin ngayon?



Haay. Ano bang nangyayari sayo, Ally!  Sita ko sa sarili. First, ay kung bakit sumama ako dito. Second, bakit parang ang saya-saya ko?




Wait- what?


"You should often do that." Narinig kong pagsasalita ng katabi ko. "Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti." Ani ni Kristina sabay wink nito na ikinapula ng mga singit ko.

Pero- ano raw?

Nakangiti?



Tila naiwan sa ere ang kaluluwa ko ng makita ang sariling repleksyon sa suot nitong sunglasses.

Shocks!

Napasinghap ako sabay tutop ng mga kamay sa bibig. Naiiling naman itong nagpatuloy sa pagmamaneho.



"Ang ganda ng mahal ko."

"Anong sabi mo-?"

"Sabi ko... namiss kita." Ika nito. Feeling ko parang hihimatayin na yata ako sa lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras na to.



Tulala na napatitig na lamang ako sa gawi nito at di malaman kung ano ang dapat gawin.
 

Continue Reading

You'll Also Like

60.1K 988 21
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in...
625K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
65.1K 4.1K 133
Just wait. HAHAHAHAHAHA
540K 3.3K 17
"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang...