Runaway with me Gorgeous [Boo...

By Acqua14

235K 5.1K 186

[COMPLETED] Ally Dumaylo is just a simple, naive girl. Pangarap niyang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamil... More

Prologue
Ang paghahanda
Ang Pagtanggap
Ang pagbabalik
Ang gabing pagtatagpo
Inis at Galit
Pagsisisi?
Unang halik
Ang pagkahulog
Ang kagustuhan
Ang pag-uusap
Unang sakit
Nakakakabang pakiramdam
Haka-haka
"My other stories"
Problemado?
Pangungulila
Ang kahalagahan
Sunod-sunoran
Paglisan
Litrato
Epilogue
My Other Story

Ang pag-amin

6.6K 168 3
By Acqua14

Ally

Matapos maligo ay kaagad na akong pumanhik sa kwarto para matulog. Insaktong alas diyes na ng hating-gabi ng matapos ko rin ang pagre-review.

Kaagad na sumampa ako sa higaan, matapos mai-off ang switch ng ilaw ay kaagad bumalot ang kadiliman sa loob ng silid at tanging ang mapusyaw na liwanag ng buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng bahay.

Mabuti na lamang at hindi ako iyong tipong matatakutin sa dilim. Ilang linggo na rin simula ng lumipat ako sa bahay na to. Simula ng magulo ang nananahimik kong buhay, mula ng magkrus ang landas namin ni Kristina wala na siyang ibang ibinigay sa'kin kundi sakit ng ulo at gulo. Pero bakit parang hinahanap ko siya?

Bakit parang hinahanap ko ang pang-iinis niya.

Ang galit niya.

At ang panggugulo niya sa'kin.

Mariing naipikit ko ang mga mata. I should stop thinking about her.

Subalit makalipas ang ilang sandali ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Tinatamad na bumangon ako at tumungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Baka sakaling antukin ako.

Madilim ang paligid ngunit aninag ko naman ang loob ng bahay.

Mabilis akong nakapagtimpla at inubos ang laman ng gatas. Nang biglang makarinig ng mga katok. 

Takang sinuri ko kung tama nga ang pagkakarinig ko, nang muling may napaubo sa labas

Kinakabahan ako na baka isang magnanakaw ito at may balak pasukin ang bahay.

Narinig ko uli ang marahang pagkatok nito na nagpakunot ng noo ko.

Napahugot ako ng malalim na hininga.

"S-Sino 'yan?" Sa huli ay nagawa kong tanungin nalang ito. Parang hindi naman ito magnanakaw dahil kung may masamang binabalak ang kung sino mang ito at may planong magnakaw. Di naman ito kakatok, diba?

"Ally, it's me." Biglang tumalon ang puso ko nang makilala kung sino ito.

Nagtataka may nanginginig ang mga kamay ko at pinagbuksan ito.

"Anong ginagawa mo dyan sa labas?" Takang tanong ko sa kanya.

Wala akong nakuhang sagot magmula dito sa halip ay naramdaman ko ang paglapit nito at marahang hinawakan niya ang mukha ko.

"Ally..." naisantinig lamang nito.

Naaamoy ko ang alak sa kanya. Kaya medyo kinabahan ako lalo na't nasa harapan ko ito.  


"L-Lasing kana, Kristina. Kailangan mo ng umuwi at ng makapagpahinga ka." Pinilit kong maging normal na hinarap ito. May problema ba siya kaya nangangamoy alak siya?

"Hindi ako lasing. Tss." Napaingos naman nitong sabi. Napaikot naman ako ng mga mata dahil sa pagsisinungaling nito.

"E, bakit ka nga pala nandito?" Napahalukipkip kong tanong.

"Hindi mo ba muna ako papasukin?" May inis naman nitong balik tanong. Napapailing na nilakihan ko ang pagbukas ng pinto at binigyang daan ito para makapasok.

Pabagsak na naupo ito sa sofa. Sinara ko naman ang pinto at nilock ito.

"So... pwede mo na bang sagutin yong tanong ko?" Napahalukipkip kong hinarap siya.

Blankong tiningnan naman niya ako saka napahugot ng malalim na hininga.

"Let me stay here just for tonight." It wasn't a request but a statement.

Di makapaniwalang napabagsak ko ang mga braso at takang pinakatitigan ko ito.

"T-Teka lang... Don't tell me... pumunta ka lang dito para matulog?" Napaawang ang bibig kong hinintay ang kasagutan nito.

Walang imik at nananatiling nakaupo lamang si Kristina sa sofa at namumungay ang mga matang pilit nilalabanan ang antok.


Nakaramdam naman ako ng konsensya at awa habang nakamasid dito.






Napabuga ng hangin na napagpasyahan kong pumanhik sa itaas at kumuha ng unan, kumot at damit pantulog para dito.

"Magpalit kana muna. Para maging komportable ang pagtulog mo." Sabi ko matapos tabihan ito ng upo. Marahang nagmulat ito at direktang napatuon ang mga mata niya sa'kin.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa pisngi ko. Muli ko na namang naramdaman ang kakaibang hatid ng kamay nito. At wala sa sariling napapikit ako at dinama ang init na nagmumula sa kamay niya.   




"My life will totally suck without you, Ally." Hirap sa boses nitong sinabi.

Naguguluhang napamulat ako at nagtatanong ang mga matang tinitingnan ko ang mga mata nito.

Nang mga sandaling yon, parang may kung anong humihila sa'kin papalapit dito.

Katulad nito, nagpalipat-lipat ang mga tingin ko sa labi at mga mata niya.

Napalunok ako habang nagkatitigan kami sa isa't-isa. Ang bigat-bigat ng mga tingin nito. 

"Look at me." Utos nito ng mag-iwas ako ng mga mata sa kanya.

"K-Kristina..." marahan hinaplos ng hintuturo niya ang labi ko. Parang pinanunuyuan naman ako at napapalunok habang nananatiling nakatitig lang sa mga mata nito.

Natatakot ako sa kung anong mangyayari sa'min ngayong gabi. Natatakot ako na baka... magkakatotoo ang mga sinabi sa'kin ni Rina.



Natatakot ako at baka di ko mapigilan ang sarili kong mahulog dito.

Pero bakit di ko magawang lumayo sa kanya sa mga sandaling to? 

Bakit pakiramdam ko... nananabik ako na mahalikan niyang muli?




Marahang naipikit ko nalang ang mga mata ng maramdaman ang pagkakalapat ng mga labi namin.

Sa pagkakataong ito, ramdam na ramdam ko ang libu-libong sensasyong hatid muli ng mga halik nito.

Di tulad ng mga unang halik, parang may sariling isip ang mga braso kong napahawak sa batok nito at sinasabayan ang ritmo ng labi nito. Habang napapadausdoa ang isang kamay nito sa beywang ko at mahigpit niyang inilapit ang aming mga katawan.  At nakasapo naman sa ulo ko ang isang kamay nito na mas pinapalalim ang halik.

Hindi ko rin mapigilang di mapaungol nang maramdaman ang marahang paghaplos ng kamay niya sa likod ko. Napasinghap at napapaliyad sa tuwing napapadaiti ang kamay niya sa balat ko.  

Nagkaroon siya ng pagkakataong pasukin ng dila niya ang bibig ko nang muling mapasinghap dahil sa init na nadarama ko ng maramdaman ang mga kamay nito sa ilalim ng pantulog ko.

Iginiya niya ako at hinilang mahiga. Patuloy pa rin ang paglakbay at paghaplos ng mga kamay nito sa likod ko habang nakadagan ako dito.

Pakiramdam ko, may namumuong init at kakaibang sensasyong binubuhay niya sa katawan ko.   

Ito na ba yon?

Handa naba ako para sa bagay na to?

Handa na ba akong ibigay ang sarili ko kay Kristina?


Sukat para magising ako sa kahibangan kong to. Mabilis ang mga kilos na itinulak ko ito at inilayo ang sarili sa kanya.

"A-Ally..."

Sa ginawa ko, ikinagulat niya iyon at may pagkabahalang tiningnan ako sa mga mata.

Napatayo ako at inayos ang sarili nang mapansing naka-unhook na pala ang bra ko.



Napapalaki ang mga matang di makapaniwalang napatingin ako kay Kristina.

"Ally-!" Nahihiyang napatakbo ako pabalik sa kwarto ko at agad kong isinara ang pinto.

Ano bang kabaliwang nagawa ko?


Mariing napasandal ako sa dahon ng pinto sabay hilamos ng mukha ko.

"Ally. Open the door. Mag-usap tayo. Just... just open the door." Narinig kong kumakatok nitong pakiusap.

"N-No! Matutulog na ko." Naiiling sagot ko at napabalik-balik sa paglalakad sa loob.

"Ally. Just let me explain. I have... I have something to tell you. Just open the door for me." Wika nito sa labas ng pinto ko.

Wala sa oras na natigilan ako at napatuon ang mga mata sa may pinto.

"Pag-usapan natin to-"

"No-! Wala na tayong kailangang pag-usapan pa. It was a m-mistake. K-Kalimutan nalang natin to." Sabi ko, sa kabila ng pag-iinit ng gilid ng mga mata ko.

"No- Ally. Pag-usapan natin to. Buksan mo ang pinto." Mas naging agresibong sabi nito at marahang kinakatok ang pinto.

"Pakiusap... inaantok na ko. Kailangan ko ng matulog." Napaimpit kong iyak ng maramdaman ang bigat sa dibdib ko.

Tama na Kristina!

Gulong-gulo mo na ang isipan ko!

Tama na!

"I'm sorry. Ally... please let me explain." Pagmamakaawa nito. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Habang napapailing na pilit kong pinapakalma ang sarili.

Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kung bakit ako nasasaktan ngayon buhat sa sinabi nito.


Mabilis kong pinahid ang mga luha at tinungo ang pinto para buksan ito.

Bumungad sa paningin ko ang nag-aalalang mukha ni Kristina. Katulad ko, basa rin ng luha ang mga mata nito.

"Ally-"

"Kristina. Tama na. Pakiusap... tama na!" Mariin kong pagmamakaawa sa kanya. Hindi ko malaman kung paanong ganiong naghihirap ang damdamin ko sa mga sandaling ito.


"Let me explain-"


"Tama na-!" Napailing nalang ako. "Gulong-gulo mo na ang isip ko. Gulong-gulo mo na puso ko. Gulong-gulo mo na ang buong pagkatao ko! Kaya please lang..." kulang nalang ay lumuhod ako sa kanya. Bakit mo ba ginagawa sa'kin to, Kristina? "Tigilan mo na ako..." sumisikip ang dibdib kong pakiusap sa kanya.

Naguguluhang napapailing naman ito at walang anumang itinulak ang pinto.


"No." Mariing pagtanggi nito at pumasok. Agad nabuhay ang takot at kaba sa puso ko nang makitang nakatayo na ito sa loob ng kwarto ko. 

"P-Pakiusap umalis kana." May takot sa boses kong utos.

Tumigil ito ngunit nananatiling nakaharap ang kanyang likod sa'kin.

"Tell me... umiiyak kaba dahil... dahil may nararamdaman ka para sa'kin?" Anito at hinarap niya ako.        

Mariing naipikit ko nalang ang mga mata kasabay ng marahang pag-iling.

"Kristina. Umalis kana." Sa halip ay sinabi ko sa kanya.

Ngunit, naramdaman ko nalang ang paghakbang nito at walang anumang hinawakan niya ang dalawang kamay ko na agad ko namang iwinaksi. Mabilis kong inilayo ang sarili sa kanya.



"Umalis kana!"

Napailing lang ito at walang kababakasan ng anumang emosyon ang mga mata. Aktong hahawakan niya uli ang mga kamay ko ngunit mabilis kong iniwas sa kanya ang mga ito sa halip naramdaman ko nalang ang mahigpit niyang pagpigil sa mga braso ko.




"Answer me." Mariing utos nito.


" Oo-!"

Halatang ikinagulat niya ang naging sagot ko. Muli na namang nag-iinit ang mga mata ko.

"Oo!" Sukat para pagsusuntukin ko siya sa dibdib na pilit pinipigilan naman niya ang mga kamay ko. "Dahil galit na galit ako sayo-! Galit na galit dahil sa mga ginawa mo sa'kin-!" Marahas kong pinalis ang mga likido sa mga mata ko. Mariing pinakatitigan sa mga mata ito. "Galit ka rin naman sa'kin, diba? So quits lang tayo." Sa kabila ng pag-iyak ko ay nagbigay ngisi ako sa kanya.

Napailing naman ito. Kaya mabilis ko siyang itinulak papalayo.

"Sinungaling ka-! Galit ka sa'kin kaya mo ginagawa to-!" Panunumbat ko sa kanya.  

"Yes." At sa isang iglap lang ay bigla nitong hinablot ang braso ko at marahas niya akong kinabig papalapit sa kanya. "I hate you." Tila patalim niyang sagot.

"You don't know how much I hate you, Ally. I hate you for what you did for me. I hate you for making me feel this way." Habang sinasabi ni Kristina ang mga salitang iyon, ramdam ko ang bawat hirap at sakit sa boses niyang sinumbatan ako. Napaiyak na lamang ako at di makapaniwala kung gaano ka-laki ang kasalanang nagawa ko sa kanya. Kasalanang di ko naman ginustong gawin sa kanya. Siguro nga, sobrang laki ang kasalanan ko sa kanya. Pero bakit? Bakit wala akong matandaan na nagawa ko ang mga yon sa kanya?! "I hate you coz my life is been hell... without you." Anito at tila buhos ng ulan ang mga luhang nagsilabasan sa mga mata nito.

Naguguluhang napatitig ako sa mga mata niyang pinupuno ng pait at sakit.

Maagap naman niyang pinunasan ang mga iyon at nagbalik sa pagiging seryoso ang mukha.


"Ally-"

"Dyan ka lang." Nahintakutan kong babala sa kanya. Sabay iling ko ng ulo.

"Tama na, Kristina. Tigilan mo na ko." No! Pinaglalaruan ka lang niya, Ally. Alam mo naman na simula pa lang ay galit na siya sayo, diba? Kaya wag kang magpapaniwala sa mga naririnig mo sa kanya!  Mariing napapikit ko ang mga mata at may galit na sinalubong ko ang mga tingin nito.



Continue Reading

You'll Also Like

164K 2.4K 20
Mamahalin mo ba ang babaeng gusto mo, kung ito ay pagmamay-ari na ng iba. At paano mo sasabihin sa kapatid mo. Ang taong mahal mo, ay ang taong maha...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
73.8K 1.1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023