Lovelife? Ano 'Yun? ✔

AegyoDayDreamer

31.3M 569K 57.9K

Journal ng babaeng walang lovelife... Еще

1: NLSB
2: Wala akong pake!
3: Boring
4: Nakakaturete!
5: Goal
6: Nag-aral o Naglandi?
7: Thank you!
8: First Section
9: First Day-ulit
10: Sitting Arrangement
11: Chismosa
12: Sheesh! Quiet!
13: Bad trip
14: Surprise Quiz
15: 3 Minutes
16: Friend?
17: Lunch Together
18: P.E.
19: Sorry
20: Long Quiz
21: Election Week
22: Flyers
23: Wrong Name
24: Secret!
25: Election Day
26: First Kiss
27: Breaking News
28: Missing You
29: Mel!!!
30: Ayoko na!
31: Bestfriend!!!
32: Santa Mel
33: Dear God
34: No Title
35: Paalam Na
36: Hi!
37: Wala lang
38: Hindi pa ako ready
39: Sorry at Suhol
40: Nanliligaw
41: Heartfelt
42: TAYO
43: Sign
44: 500
45: Yecats Sevetse
46: Notifications
47: Cute
48: End of the School?
49: Close
50: The Interview
51: G-Tec
52: The Friendly Ghost
53: Badminton
54: Weird
55: Nearsighted
56: Date
57: Record Breaking
58: Death Anniversary
59: 7B's
60: Suntukan
61: Band-aid
62: New Friend
63: PDB
64: Boy Friends
65: Red Alert
66: Bad Influence
67: Taguan
68: Unfriend
69: Alibi
70: Karma
71: It's Over
72: Anak ng Pasig!
73: Tomboy
74: Kiliti
75: Long Day
76: Abnormal
77: Moses
78: Kaaway
79: BFQ?
80: Red and Blue Corner
81: Boy's Talk
82: Ara's Best Friends
83: Count Me In
84: Unang Kilig Show
85: Aftershock
86: Barkada Ko
87: Kaibigan VS Ka-Ibigan
88: Date???
89: Muling Ibalik
90: I Love You...
91: 50 Facts About Deane
92: Heart
93: Group Study
94: Time Check
95: Alam Mo Ba...
96: Journal Ko!
97: Poker Face
98: Walang Halong Malisya
99: Sembreak
100: Sticky Notes
101: Sticky Guy
102: Madamot
103: Deep Inside
104: Isnabera
105: Questions & Answers
106: Since Last Year
107: Liam Torres
108: Sumpa
109: Tore
110: King Of Depression
111: Good Morning!
112: Safe
113: Dahil...
114: Little Secret
115: Piece Of Advice
116: Six Months
117: Celebration
118: Walang Makakapigil
119: Kusang Loob
120: Ikaw? Ako? Kami.
121: Stace
122: Hindi Sinasadya
123: Mga Balita
124: Deal
125: Bitag
126: Dalaw
127: Girl's Talk
128: Hindi Na Ako
129: Newest Addition
130: Stupid
131: Lovelife?
132: Iyak Na
133: Maagang Regalo
134: Trip Lang
135: Noche Buena!
136: Parusa
137: New Year's Resolution
138: INTENSE 'TO! PROMISE!
139: Ghost Writer
140: Suplado
141: Jam-packed!
142: Recess Date
143: Japan
144: Saling-pusa
145: Hindi Na
146: Huli Na 'To
147: Love
148: Foundation Week - Day 1
149: Foundation Week - Day 2
150: Foundation Week - Day 3
151: Foundation Week - Day 4
152: Foundation Week - Last Day
153: Lihim by Ymagesa
154: Buwan Ng Mga Puso
155: Bitter
156: Proposal
157: Apple Of The Eye
158: Nakaka...
159: Emergency
160: Prom Night
161: Nagtitipid
162: School Retreat - Day 1
163: School Retreat - Day 2
164: School Retreat - Last Day
165: Graduation
167: A Letter To Deane Carrasco
168: Notes To Yecats
169: Reunion
170: Last Entry

166: Despedida

146K 2.4K 459
AegyoDayDreamer


1. Kagabi pa lang sa secret convo namin nina Kasper, Ara, Mina at Rose, napagkasunduan namin na as much as possible ay 'wag nang haluan ng drama ang araw na ito. Ito ang despedida namin kay Deane. Gusto namin na bago ang alis niya bukas ay masaya siya.

Kaya naman matinding paghahanda rin ang ginawa ko. Kinundisyon ko ang sarili ko na puro ngiti at tawa lang ang gagawin sa buong araw na makakasama namin siya.


2. Alas-ocho nang magkita-kita na kami. Ako na naman ang nauna sa meeting place namin. Himala naman na on-time nang nakarating sina Kasper at Ara na kasabay sina Mina at Rose. Si Deane ang pinakahuling dumating at pare-pareho kaming nagulat sa t-shirt na suot niya... na kagaya rin sa t-shirt na suot ko naman ngayon.

Doon sa entry #75, naisulat ko 'yung oras na sabay naming pagbili ng white shirt na may potato chips design. Ang tagal na namin itong nabili ngunit ni minsan ay hindi ko pa nakitang nasuot ni Deane ang sa kanya. Ako naman, first time ko lang talagang naisipan itong suotin.

Kaya nga nakaka-shock talaga na sa dinami-dami ng pagkakataon, sabay pa naming naisipan na suotin ito. Ang aga-aga, naging tampulan tuloy kami agad ng panunukso.

KASPER: Umamin na kayo! Nag-usap kayo eh!

DEANE & AKO: Hindi!

KASPER: Ibig sabihin, kayo na?

DEANE: Hindi rin. Ano bang pinagsasabi niyo?

AKO: Nagkataon lang 'to.

MINA: Bakit defensive kayo?

KASPER: 'Wag na kasing magkaila because I can smell something chocolatey!

ROSE: Chocolatey?

KASPER: Masagwa kasi kapag 'fishy' kaya 'chocolatey' para sweet!

DEANE: Mema-sabi ka na naman, pards.

KASPER: 'Wag mong nililihis ang usapan! Pero couple shirt talaga 'yan!

SILANG LAHAT: Couple shirt! Couple shirt! Couple shirt!

DEANE & AKO: Hindi nga 'to couple shirt!

ARA: Pero destiny na ang gumawa ng paraan para masuot niyo ng sabay 'yan!

SILANG LAHAT: Destiny! Destiny! Destiny!

Two versus four. Talagang lugi kami ni Deane kapag nagtulungan na sina Kasper, Ara, Mina at Rose. Pero at least, ganito ang panimula ng umaga namin.


3. Bumyahe na ang grupo patungo sa unang lugar na request ni Deane—sa Otherworld Paradise ulit! Gusto niya raw kasi na maranasan ng buong grupo ang saya na naranasan namin noong una kaming nakapunta roon. Ngunit nang mabanggit naman niya ang tungkol doon, agad na nagsimula ang round 2 ng pang-aasar.

ARA: Ibig sabihin, nakapag-date na kayo roon?

KASPER: At hindi man lang tayo sinabihan.

AKO: Hindi 'yun date.

MINA: Pero bakit hindi niyo kami isinama?

DEANE: Dalawa lang 'yung ticket na mayroon ako noon.

ROSE: Ang sabihin mo, para-paraan ka!

SILANG LAHAT: Para-paraan! Para-paraan! Para-paraan!


4. After naming magpakasawang sakyan lahat ng rides, ibang lugar naman ang gusto nilang pagtambayan. Muli, hinayaan namin si Deane na mamili ng lugar kaya sa videokehan ang sunod naming pinuntahan.

Nang makahanap na kami ng lugar, nagmistulang PC & JJ concert room ang private room na nakuha namin. Medyo napasubo rin ako dahil hindi na sila pumayag na hindi ako makikikanta. Itong si Deane naman na dapat sana'y nag-iisang kakampi ko...

DEANE: Sige na, Yecats! Isang kanta lang!

AKO: Hindi nga ako marunong.

DEANE: (Naglungkot-lungkutan) Paalis na nga ako, hindi mo pa kayang pagbigyan ang request ko?

KASPER: Sige na, Stacey! 'Wag ka nang KJ!

ARA: Tayo-tayo lang naman eh.

MINA & ROSE: Back-up singers mo kami! Go! Pili ka na ng kanta!

DEANE: Yecats! (Sabay-abot ng mic sa akin)

SILANG LAHAT: Kakanta na 'yan! Kakanta na 'yan! Kakanta na 'yan!

Dahil mapilit sila, wala na akong nagawa kundi pagbigyan sila. Well, sila rin naman ang nagdusa sa bandang huli. Bilang parusa sa mga eardrums nila, kinantahan ko sila ng Celine Dion song na 'My Heart Will Go On'—ito 'yung special version ko na torture sa pandinig.


5. Gabi na nang magpasya kaming umalis ng videokehan. Hanggang ngayon ay bakas pa rin ang trauma sa mukha ng mga kaibigan ko dahil sa performance ko. Lesson na nila na 'wag na akong pakantahin sa sususnod.

Ngunit dahil naawa naman ako, nag-kusa na ako na ayain sila na mag-dinner kami. Sa restaurant na pinili ni Deane, nagtaka kami kung bakit take-out lahat ng order namin. Pero mas nagtaka kami nang sabihin niya na dahil gusto niyang mag-picnic kami ng ganitong oras. Ang tanong, saan?


6. Sa North Grisham High School.

Bilib na talaga ako sa taglay na charisma ni Deane. Napapayag niya kasi 'yung guard na nagbabantay ngayon sa school namin para papasukin kami sa loob. Ang sabi niya, sadyang nakipag-close siya kay manong para sa araw na ito. Ibig sabihin, matagal na niyang plano ito.

Sa tambayan namin kami dumirecho. Doon ay naghapunan na kami habang nagbabalik-tanaw rin sa lahat ng mga pinagdaan namin sa lugar na ito. Good times o bad times man, tinatawanan na lang namin.

Ngunit sa kabila ng masayang takbo ng usapan, may kakaibang paninikip naman sa dibdib ko. May nangingilid pa luha sa mga mata ko na pasimple kong pinupunasan. Actually, kanina pa ako ganito. Kahit buong araw kong pinipilit na kontrolin ang emosyon ko, ang hirap talaga eh.

Kinailangan kong magpunta sandali sa C.R. para kausapin ng masinsinan ang aking sarili. Hindi ko dapat sirain ang araw na ito para kay Deane.


7. Hindi ko namalayan ang oras at napahaba pag-stay ko sa banyo. Kung hindi pa ako sinundo ni Ara ay baka hindi pa ako natauhan.

ARA: Ba't ang tagal mo?

AKO: So—sorry... (Sabay yuko)

ARA: Medyo nakakapansin na si Deane. Buti na lang, effective 'yung pang-aaliw sa kanya nina Kasper.

AKO: Buti naman.

ARA: Stacey, nagkasundo tayo na 'wag haluan ng drama ang araw na 'to. Pero alam din namin na nahihirapan ka. Kung hindi mo na talaga kaya, maiintindihan namin kung magpapasya kang itigil na natin 'to.

AKO: Hindi pwede, Ara. Para kay Deane ito. Kailangan nating magtiis.

ARA: Pero paano ka? Kaya mo pa ba?

AKO: Kaya pa. Kakayanin.

Niyakap ako ni Ara nang sabihin ko 'yun. Siguro dahil alam niya na kakayanin ko... ngunit sa sandaling oras na lang.


8. Nang bumalik na kami sa tambayan, nailigpit na nila ang mga kalat at pinagkainan namin. Lagpas alas-syete na rin kaya nag-aayang na silang umuwi.

Ready na sana kaming umalis ngunit ilang hakbang pa nga lang ang nagagawa namin, bigla naman kaming pinatigil ni Deane.

DEANE: Alam niyo guys, ang saya-saya ko ngayong araw na 'to.

KASPER: Naks! Buti naman!

DEANE: Pero mas sasaya pa ako kung titigilan niyo na ang ginagawa niyo.

KAMING LAHAT: Huh?

ARA: Anong ibig mong sabihin, Deane?

DEANE: Alam ko 'yung tungkol sa secret convo niyo.

MINA: Secret convo?

DEANE: Nabasa ko buong usapan niyo.

ROSE: Weh?

DEANE: Alam ko password ni pards.

KASPER: Anak ng! Binuksan na naman account ko!

DEANE: Oo. Kaya tigilan niyo na ang pagkukunwari. Kanina ko pa napapansin na bigla na lang natatahimik si Yecats para magpunas ng luha niya. Tapos magsisikuhan kayo pards at Ara para gumawa ng paraan na hindi ko mahalata. At kayo naman Mina at Rose, dinadaan niyo sa pang-aasar para pagtakpan 'yun.

Nagkabukingan na kaya wala na rin kaming nagawa kundi magtinginan na lang sa isa't isa. At 'yung emosyon na pilit naming kinokontrol mula pa kanina, kumawala na dahil sa mga sinabi niya.

AKO: Sorry, Deane. Ginagawa lang namin 'to para maging masaya ka.

DEANE: Hindi niyo kailangang pilitin na magtawanan lang tayo buong araw. Barkada tayo, 'di ba? Kung masaya ang isa, masaya ang lahat. Pero kung malungkot ang isa, malungkot din tayong lahat.

AKO: Pero gusto namin na bigyan ka ng good memories sa araw na 'to.

DEANE: Sa totoo lang, mas gusto kong maalala ang araw na ito na bago ako umalis ay iniyakan niyo ako. Gusto kong makita na tulo-uhog na sa pag-iyak si pards kasi maaalala ko kung gaano kapanget ang mukha niya at may pagtatawanan ako. Gusto kong maalala 'yung tunog ng pag-iyak ni Ara kasi alam ko may tono pa rin 'yun. Gusto kong makita na umiiyak sina Mina at Rose para makaganti man lang sa palagi niyong pangangantyaw sa akin. Lalong lalo na, gusto kong makitang umiiyak si Yecats dahil tatatak sa isip ko ang malungkot na mukha ng babaeng mahal ko, kaya magsisikap ako na sa pagbabalik ko ay makabawi ako agad sa'yo. Gusto kong makitang umiiyak kayong lahat nang sa ganun, may kasabay rin ako sa pag-iyak. Kasi hindi lang naman kayo ang napipigil mula pa kanina... ako rin. Ako rin...

Sa pagpatak ng mga luha ni Deane, tuluyang nabasag ang puso ko. Napatakbo ako agad palapit sa kanya para yakapin siya at samahan siya sa pag-iyak. Sumunod na rin sina Kasper at naka-group hug kaming lahat sa kanya.

Kulang ang mga salitang 'Mamimiss namin siya' para ipaliwanag ang lungkot na idudulot ng pag-alis niya. Kaya nga sa sabay-sabay naming pag-iyak, kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman namin.

Bumuhos ang matinding mga luha. Nagsabihan na rin kami ng mga habilin at pangako. At bago pinaka-madramang eksena ng buong grupo, kumuha kami ng barkada picture na pare-parehong may namumugtong mga mata.


9. Sabay nang umuwi 'yung apat. Hinatid naman ako ni Deane. Sa daan namin pauwi, sadyang binagalan namin ang paglalakad para lang sulitin ang natitirang minuto—segundo—moment na magkasama kami.

Paulit-ulit niyang pinaalala sa akin na sa Canada lang siya pupunta. Na babalik siya. Na magkikita ulit kami.

Higit sa lahat, pinaalala niya rin sa akin ang tungkol sa aming dalawa. Na palagi ko raw siyang isipin. Na bawal daw akong magka-crush na sa ibang lalaki. Na dapat sa pagbabalik niya, handa na rin ako.

Nangako kami sa isa't isa—siya lang at ako.


10. Nakarating na kami ng bahay ngunit pinaghintay ko pa ng sandali si Deane. Inayos ko pa kasi ang surpresang regalo ko sa kanya na maaari niya lang buksan kapag nasa Canada na siya. Sana lang ay magustuhan niya.




Продолжить чтение

Вам также понравится

Project: Yngrid Alesana Marie

Научная фантастика

3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
Chasing Hell (PUBLISHED) KIB

Детектив / Триллер

63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
"Kill Me, Attorney." (Law Series #3) Josh

Любовные романы

7.9M 478K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
Whatever: The Full Story (Taglish) Louisse

Подростковая литература

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...