BHO CAMP #5: Syntax Error

By MsButterfly

3.6M 89.7K 9.1K

Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 ~ Distance ~
CHAPTER 2 ~ Grow Up ~
CHAPTER 3 ~ Nothing ~
CHAPTER 4 ~ Breaking ~
CHAPTER 5 ~ Battle ~
CHAPTER 6 ~ Flaw ~
CHAPTER 7 ~ Lips ~
CHAPTER 8 ~ Heart ~
CHAPTER 9 ~ Possibility ~
CHAPTER 10 ~ More ~
CHAPTER 12 ~ Calculation~
CHAPTER 13 ~ Out of control ~
CHAPTER 14 ~ Dour ~
CHAPTER 15 ~ Yes ~
CHAPTER 16 ~ Positive ~
CHAPTER 17 ~ Try ~
CHAPTER 18 ~ Dispatch ~
CHAPTER 19 ~ Restrain ~
CHAPTER 20 ~ Want ~
CHAPTER 21 ~ Always ~
CHAPTER 22 ~ Call ~
CHAPTER 23 ~ Deception ~
CHAPTER 24 ~ Pretense ~
CHAPTER 25 ~ Letter ~
CHAPTER 26 ~ Confab ~
CHAPTER 27 ~ Rose ~
CHAPTER 28 ~ Box ~
CHAPTER 29 ~ Fluff ~
CHAPTER 30 ~ Martins ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Special Chapter
Up Next

CHAPTER 11 ~ Result ~

111K 2.9K 542
By MsButterfly

CHAPTER 11

SNOW'S POV

Papaling-paling ang ulo ko sa pagsunod sa mabibilis na pagkilos ng mga nurse na siyang umaasikaso kay Phoenix. Kahit na hindi maitatangging may pagmamadali sa kilos nila ay hindi kababakasan ng tensyon ang mga galaw nila. Parang...normal lang.

"Bakit wala si Tita Autumn? Bakit hindi kayo natataranta? Mauubusan na ng dugo ang best friend ko! Mag panic naman kayo!"

Sandaling napatitig sa akin ang ibang mga nurse habang ang pinaka-head nila ay tinapunan lang ako ng tingin habang patuloy sa ginagawa niya. "Miss Snow, kumalma lang po kayo."

"Hindi ko kayang kumalma! Paano kung mawalan na siya ng dugo? AB si Phoenix! Royal Blood! Pupunta pa ba tayo sa Korea para lang makakuha ng dugo? Hindi na aabot si Phoenix! Manghihina siya, hindi makakapagsalita, hindi makakagalaw, mamamatay siya!"

Bumuntong-hininga na lang ang nurse. Sa pagkakatanda ko siya rin ang nurse na gumamot sa akin noong minsan akong mahulog mula sa puno ng mangga. Inaway ko rin siya noon dahil ayaw niya pang sabihin na puputulin niya na ang paa ko. In the end ipinaliwanag ni Tita Autumn na napilayan lang ako at hindi kinakailangan magsagawa ng amputation.

"Nasan na si Tita Autumn? Mamamatay na si Phoenix!" pagkasabi ko no'n ay hindi ko na napigilan ang pagpalahaw ng iyak.

Big girl na tayo di ba? Hindi ka na dapat umiiyak ng ganiyan. Sabi ni Kuya Waine, grow up na. "Ayoko! Ayoko! Ayoko ayoko ayoko ayokooo! Pagalingin niyo muna si Phoenix!"

Hindi ko nga alam kung paano kami nakarating ng ligtas sa headquarters. Hindi ko rin alam kung ilang gasgas na ang tinamo ng kotseng minaneho ko. I was trying to be tough because he was bleeding to death. But I can't hold myself for much longer.

I'm not that scared of blood pero hindi ko gusto na nakakakita no'n sa mga taong malalapit sa akin. Lalo na kapag alam ko isa ako sa mga dahilan kung bakit may napahamak.

"S-Snow...nasa United Kingdom ang Royal family."

Mabilis na napaupo ako sa tabi ng gurney nang makita ko na nakadilat na si Phoenix. Ang mga nurse na lalaki kasi ang kumuha sa kaniya kanina sa kotse. "Wala akong pakielam! May royal family din sa Korea!"

"Joseon Dynasty?" mahinang tumawa si Phoenix. "Hindi kailangan sa royal family pa kunin ang dugo ko, Snow. Calm down. The nurse can't panic because they need to do their job."

Impit na tumili ako sa sobrang pagkainis sa nangyayari, "Kasalanan 'to ni Kuya Waine! Hindi siya dapat nagpadalos-dalos! Nag ala-Hulk bigla bigla ng hindi man lang tayo inisip! Hindi tayo suicidal! Hindi tayo katulad niya!"

"S-Snow..."

"Kasalan niya 'to! Kasalanan niya!"

"Umm...Snow..."

"I'm gonna kill him!"

"Snow!"

Napapitlag ako ng biglang sumigaw si Phoenix. Nanlalaki ang mga mata na tinignan ko siya sa pag-aakalang nagalit siya pero nginitian niya lang ako bago nagsalita, "I'm the one you're killing." sabi niya at itinuro ang mga kamay ko kung saan nanggigigil ko na palang minamasa ang braso niya.

Mabilis na binatawan ko siya, "Sorry."

"It's okay." he chuckled. "But you need to calm down. Hindi maayos ng mga nurse ang ginagawa nila kung hindi ka kakalma. Hindi naman siguro ganoon kalala ang tama ko hindi ba?" tanong niya at tumingin sa head nurse.

Tumango ang head nurse at naniningkit ang mga matang tinignan ako. Inirapan ko siya at nakahalukipkip na sumandal ako sa kinauupuan ko.

"Wag ka ng magalit kay Waine. Paniguradong sinasabon na ni Dawn 'yon."

Pinaikot ko ang mga mata ko. "As if may pakielam siya kung ano man ang sabihin sa kaniya ni Dawn."

"Then Storm will talk to him."

Kung sabagay. Si Storm lang naman ata talaga ang kayang magpasok ng sense sa utak ni Kuya Waine. Matagal na din kasing magkakilala si Waine at ang pinsan ko. Knowing my cousin, she's probably tearing Waine's ears off right now.

Mabuti na rin siguro na kausapin muna siya nila Dawn dahil baka makagat ko pa siya ng wala sa oras. His stunt back there was downright stupid. Kahit ako ay hindi pa kasing baliw niya para gawin iyon. Parang wala siyang pakielam kahit na mapahamak siya...maging kami na mga kasama niya.

Siguro dahil iba talaga ang pagtrain samin ng BHO CAMP. Paminsam-minsan gumagawa man kami ng risky na mga bagay hindi ibig sabihin no'n ay kaya na lang namin basta na itaya ang buhay ng kasama namin.

Naiintindihan ko naman si Kuya Waine. Malaki ang galit niya sa mga kapatid niya. But that doesn't make what he did right.

"Phoenix!"

Napatingin ako sa pintuan nang may marinig akong nagsalita. Napatayo ako ng makita ko roon si Mira na bakas sa mukha ang pag-alala habang nakatingin kay Phoenix. Imbis na lumapit agad ay nag-aalinlangang tumingin siya sa akin na para bang humihingi pa siya ng permiso na lumapit.

Pilit na ngumiti ako. "He's fine." nagbaba ako ng tingin kay Phoenix. "Aalis na ako ha? Hahanapin ko pa sila Dawn. You'll be okay now."

Bumuka ang bibig ng lalaki na parang may sasabihin pero isinarado niya lang muli iyon pagkaraan. Nakangiting tinapik ko si Mira sa balikat bago nagmamadaling lumabas na ako ng emergency room ng BHO CAMP Hospital.

Pabilis ng pabilis ang mga hakbang ko hanggang sa tuluyan na akong tumakbo palabas ng ospital. Dinala ako ng mga paa ko papunta sa headquarters. Hindi ko pinansin ang mga nagtatakang tingin ng mga agent. I need to keep going.

Masakit di ba? Kasi alam mong wala kang karapatan. Masakit kasi alam mo na binitawan mo ang pagkakataon na makuha ang karapatan na iyon.

"Shut up." I hissed at myself.

Sumuko ka na kasi. Inamin mo na hindi ba? Mahal mo. Dati mahal mo, pero itinanggi mo. Ngayon mahal mo pero pagkakataon na ang tumatanggi. Kasi hindi na pwede.

"Snow-"

"Shut up!"

Napakurap ako nang makita ko sa harapan ko si Aiere na ngayon ay nanlalaki ang mga mata na itinaas ang mga kamay niya. "Whoa, chill."

Kinunutan ko siya ng noo. "Anong kailangan mo?"

"Ipapaalam ko lang sana sa iyo na nakuha namin si Warner. Fortunately karamihan sa mga taong gusto na kumuha sa kaniya ay napigilan nila Phoenix at Waine nang nagkaroon kayo ng engkwentro kanina. Naging madali na lang sa amin na pigilan silang tangayin si Warner. They were outnumbered"

"So tama lang ang ginawa ni Kuya Waine?"

"Ah, no. Sa katunayan kasalukuyan siyang nasa office at pinagagalitan ni Storm at ni Dawn."

"Okay." Akmang lalagpasan ko na siya ng humarang siya sa akin. "What?"

"Pinapatawag ka ni Dawn for debriefing."

"Ayaw."

"Snow-"

"Mamaya na lang. Bye!" Pagkasabi ko niyon ay kumaripas na ako ng takbo paalis.

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ko ay kaagad na pumasok ako roon at pagkatapos ay hinarangan ko pa ang pintuan ng nasa loob na ako. Nang masiguradong hindi na makakapasok ang kahit na sinong magtangka na pumasok sa kwarto ko ay humiga ako sa sahig nakipagtitigan sa ceiling. I don't want to see anyone right now. Or ever.

I want to run away. Pupunta na lang siguro ako ng Greece. Maghahanap ako ng gwapo at bronze skinned na Greek Ohlala Man at pagkatapos ay pakakasalan ko siya.

Except I know that I can't do that. Hindi ko kayang iwan ang pamilya ko lalong lalo na ang Momma ko na paniguradong iiyakan ako araw-araw. I love my family too much to leave them. And I can't shacked with a Greek man who probably won't pick up my sense of humor.

Kaya in short, dito lang ako. Mababaliw, magiging old maid, magmumukmok, hindi makakapag-asawa, at hindi magkakaanak- Nanlalaki ang mga matang napatayo ako. "Ohmhayghash! Oh no! Oh no!"

Kumaripas ako ng takbo papunta sa bathroom ng kwarto ko. The pregnancy test! Hindi ko pa natitignan ang resulta dahil bigla na lang akong pinatawag para sa mission.

Nang makarating sa tapat ng banyo ay tumigil ako. Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Kinakabahan na lumapit ako sa counter habang ang mga mata ay mariing nakapikit.

Anong gagawin ko? Paano...paano kung positive? How can I explain it to my family? Paano nila matatanggap ang ginawa ko? Alam ko na hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino kung sino ang ama ng batang maaaring dinadala ko. I can't tell them. I can't tell them because I can't risk him knowing what I did. What I stupidly did.

NATATAWANG tinignan ko si Phoenix na tinungga ang kopita na ibinigay ni Killian. Paano ba naman kasi, lahat ng iabot sa akin na inumin ni Kill ay bigla lang inaagaw ni Phoenix. Hindi ko na alam kung pang-ilan na niya ang hawak niya ngayon.

Nahihilong sinandal ko ang ulo ko sa kamay ko habang pinagmamasdan ko siya. Siguro kung ako ang uminom ng mga inagaw niya sa akin na alak ay baka kanina pa ako walang malay. Ngayon nga ay pakiramdam ko lumulutang na'ko.

"Thama na, Kiyan. Wag mo na bibigyan si Snow!"

"Naging Kiyan pa'ko." nang tignan ni Phoenix ng matalim si Kill ay pinaikot ng binata ang mga mata niya. "Fine, fine."

Ilang sandali pa na nanatili roon si Phoenix. Pero nang mukhang tutumba na siya ay tinulungan na siya ng ibang agent na makatayo para maihatid na siya sa kwarto niya sa headquarters.

"Ayhaw! Hahatid ko pa si Snow!" reklamo niya.

"Off duty ka na muna, Phoenix."

Hindi ko na alam kung sino ba ang kausap ni Phoenix. Nanlalabo na rin ang paningin ko at pakiramdam ko ay ilang sandali na lang ay makakatulog na ako sa sobrang kalasingan.

"Never." Phoenix said with determination.

"Si Waine na ang bahalang maghatid sa kaniya."

"Shiguraduhin niyo!" sigaw ni Phoenix. "Khapag nakagat ng lamok si Snow iphaphakain ko khayo sa buwaya!"

"Oo na. Come on, let's go."

"Mahal ko 'yan kaya ingatan niyo!"

"Phoenix, bro."

"Akala ko kaya ko..."

Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi dahil halos kaladkarin na siya ng mga kasama niya. Pakiramdam ko nahulasan ako sa narinig at napadiretso ako sa pagkakaupo ko. Sa kabila ng pagkahilo alam kong hindi imahinasyon ko lang ang narinig ko.

But the question is...what will I do? It's already too late right? Wala na akong magagawa. Kahit ano pang sabihin niya...kahit ano pang ipangalan ko sa nararamdaman ko ngayon. Huli na ako.

"Snow."

Nag-angat ako ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin ni Waine na ngayon ay matamang nakatingin sa akin.

"What?" I asked.

"What are you planning?"

"Huh?" pagmamaang-maangan ko. "Ewan ko sa'yo, makauwi na nga. Nahihilo na 'ko. I want to sleep."

"Ihahatid na kita-"

"Hindi na. Kaya ko na."

Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at bumaba na ako sa high stool na kinauupuan ko. Kung hindi pa ako nakahawak sa counter ay malamang nabangasan na ang mukha ko sa muntikan niyong paghampas sa kabilang upuan. Inayos ko ang tayo ko at sinaluduhan ko si Waine.

Pilit na inayos ko ang paglalakad ko. Alam kong maraming nakatingin sa akin. Inignora ko na lang sila at nagpatuloy ako sa paglabas ng Paige's.

Halos hindi ko makita ang dinadaanan ko. But I've been here since I was young. Kahit nakapikit kaya kong makabalik sa headquarters.

It took me awhile because of my continuous swerving but I managed to get inside the HQ. Idinantay ko ang isa kong kamay sa pader at sinimulan kong tahakin ang lugar na gusto kong puntahan.

Mabuti na lang at madaling araw na. Bihira na ang mga agent na gising. Pero kahit naman na makita nila ako alam ko na hindi sila maghihinala sa kung anong gagawin ko. Hindi nila malalaman kung anong naglalaro sa isip ko ngayon.

My thoughts are clouded. I don't know if I should do this. But I just...I just need to do something.

I know I should think this out first pero pakiramdam ko hinahabol ako ng oras. Alam kong mali...pero tila may sariling isip ang mga paa ko na tinatahak ang daan papunta sa kwarto niya.

Alam kong hindi tama. Alam ko na kailangan ko na itong itigil. Pero hindi ko kaya.

Ilang sandali lang narating ko ang kwarto ni Phoenix. Mabilis na nabuksan ko ang security code at tahimik na pumasok ako sa loob. Iginala ko ang paningin ko sa loob pero hindi ko siya makita.

"Phoenix?"

Sa pasuray-suray na lakad ay tinungo ko ang kwarto niya. Binuksan ko ang pinto no'n at doon...doon ko siya nakita.

He was sleeping. He looks so peaceful. May maliit na ngiti din na nakapaskil sa labi niya na para bang may maganda siyang nakikita sa panaginip niya. He must be dreaming about Mira. His fiance. The one he's going to marry.

This is wrong. I should go. Hindi ako dapat pumunta rito. How can I do this to Mira? How can I even think about it?

"Snow..."

No. I must heard it wrong. I need to go-

"Snow."

Nanginginig ang mga tuhod na lumapit ako sa kama niya. Umupo ako sa gilid no'n at atubiling inangat ko ang isa kong kamay para haplusin ang natutulog niyang mukha.

"Akala ko..." bulong niya.

"Phoenix."

"Akala ko...kaya ko..."

"Hush." I whispered.

"I can't..."

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. The peacefulness on his face was now replaced with unmistakable pain.

"Do you really love me Phoenix? Because I don't want to believe that. I think I have feelings for you too. But I'm going to chase it away. I'm going to fight it. If you really love me...I'm going to make you go away."

But tonight...I want to have this.

Tuloy-tuloy sa pagdaloy ang luha mula sa mga mata ko. Ilan sa mga iyon ay pumatak sa mukha ni Phoenix. Unti-unti, minulat niya ang mga mata niya. Then a smile curved his lips. "What a beautiful dream. If only I could just stay here."

"Ask me."

"What?" he whispered again and raise his hand to touch my cheek.

"Ask me anything you want."

He smiled at me. It was so beautiful that it was almost painful. "Do you love me?"

Yumuko ako hanggang halos ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. "Yes."

I saw something trickled down his cheek. Tears. "What a beautiful dream."

Just for tonight...my answer would be yes. Just for tonight I can love him. Then afterwards, I'm going to bury it.

Sa nanginginig na mga kamay ay kinuha ko ang pregnancy test sa ibabaw ng counter. Tinignan ko ang maliit na bintana no'n at sa aking nakita ay pakiramdam ko may kung anong mahigpit na bagay ang pumalibot sa puso ko.

"It should have never happened. Now it's gonna be alright. I will be fine. No one will be able to know."

Sa nanlalabong paningin ay nanatiling nakatingin ako sa pregnancy test na hawak ko habang ang mga luhang hindi na yata mauubos ay sunod-sunod na dumaloy. The test shows that it's negative. I'm not pregnant with his baby.

No one needs to know.

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 700K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
4.4M 130K 52
"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez...
4.6M 95.3K 33
I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Triton Lawrence, ang nag-iisang tao na may...
3.5K 128 5
(WARNING: R-18) Alessandre Fortejo abhorred his father and lived in the shadow of his mother's dream for him. Nasa plano niyang angkinin ang lahat n...