Heart and Discord

By skailhuv

12.6K 328 94

heart over head, head over heart Alin ang mas matimbang? Puso o utak? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue

Special Chapter (ジョジ)

495 12 17
By skailhuv

Una po sa lahat humihingi po ako ng paumanhin sa mga grammatical errors at typos, ngayon ko lang po kasi napansin pagkatapos ko pong i-back read ang HAD. Ipagpatawad ninyo po ang aking pagkakamali.

Pangalawa, marami pong salamat sa pagsuporta sa kwento nina Ibon at Manok ;-) sana po ay nagustuhan ninyo kahit papaano ang aking gawa.

At pangatlo, may bago po akong kwentong sinusulat entitled A Flower That Blooms maikling kwento rin po ito katulad ng HAD. Sana po ay suportahan din ninyo ito lubos po akong magpapasalamat at tatanawin kong utang na loob ang pagbabasa ninyo sa aking mga gawa.

Maraming marami pong salamat sa aking mga mahal na Cloudstars

[a fandom name for all my readers]

---

Special Chapter

Nord University, ang paaralan kung saan ko matatagpuan ang nangangalang Sean Valdez. I am glad that for so many years I already found him, my childhood sweetheart and my best friend.

Nandito ako ngayon sa isang lumang gusali na kung saan ay ang tambayan nila ng kanyang kaibigan. Kanina pa ako nandito habang nakaupo sa sulok, gusto ko kasi siyang gulatin katulad noong una naming pagkikita. Napangiti ako habang inaaalala ang nakaraan at sana maging maayos ang aming pagkikita.

"Tae, rejected arg!"

Mas lalo akong sumiksik sa sulok pagkarinig ko nang boses ng taong nagwawala.

"Sean kahit kailan walang talab ang karisma at kagwapuhan mo sa kanya. Tae!"

Sean? Dahan dahan akong sumilip at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na may pinag palang mukha na nakasimangot na umupo sa lumang silya sa may gitna.

Gusto ko siyang lapitan ngunit hindi ko magawa, kinakabahan at natatakot ako sa maaaring mangyari kapag nagpakita at nagpakilala ako. Base sa narinig ko babae ang pinoproblema niya, na isip ko na din ito noon pa na maaring may mahal na nga ito sa panahon na magkita kami pero hindi ko na isip na ganito pala kasakit.

Pagkalipas ng ilang minuto dumating ang kaibigan niya na may dalang pagkain, mas lalo akong nasasaktan sa mga naririnig ko.Umalis ako sa pwesto ko at walang ingay na pumunta sa pangalawang palapag, hindi ko na inisip kung may makikita akong multo ang mahalaga ay hindi ko na marinig ang kanilang pinag uusapan.

"Icy" I mumbled pagkaupo ko sa isang silyang may mga sapot at alikabok.

Ganito pala ang pakiramdam ng mga taong broken hearted ang sakit at halos hindi ka na makahinga. Kung inagahan ko ba ang paghahanap sa kanya ay magiging kami? O sadyang hindi lang talaga kami ang nakatadhana? Kapag nagpakita ba ako ngayon may magbabago?.

Pinunasan ko ang unting luhang pumatak bago tumayo ngunit laking gulat ko dahil may malaking dagang naka upo sa paa ko.

Agad kong tinakpan ang bibig ko at kasing bilis ni flash na tumakbo pero sa kasamaang palad sa maling direksyon ako tumakbo. Ito na ba ang katapusan ko? Wala akong nagawa kundi hintayin ang pag bagsak ko sa ibaba.

"Araaay ko po" Daing ko sa paglagapak ko sa ibaba, mabuti naman at buhay pa ako may bali nga lang.

Nilapitan ako ng isang lalaki at sa pagmulat ko nakita ko ang mukha ng kaibigan ni Sean, inoobserbahan niya ang paa ko habang inaalalayan akong makaupo.

"Hoy Rhon kakasabi mo lang kanina na may mahal kang babae tapos ngayon nakikipag landian ka diyan sa espasol na 'yan baka nakakalimutan mo malilate na tayo" iritableng sabi nito sa kaibigan at anong tawag niya sa akin espasol? Napangiti ako ng lihim tulad pari ng dati hindi nagbago ang tawag niya sa akin.

"Huwag mong pansinin ang isang 'yan, dude may mahal nga ako at hindi paglalandi ang tawag dito pagtulog kagawang gawa sa ka schoolmate natin na nahulog mula sa bintana ng second floor" na touch ako sa pagmamalasakit niya, narinig ko ang malalim na pag hinga ni Sean bago umupo sa silyang nasa gilid ng pintuan.

"Hoy espasol ang tanga mo naman para mahulog sa bintana mula sa second floor at anong ginagawa mo sa taas nitong abandunadong gusali? kahit kailan ang sama talaga ng ugali ni Sean.

"Ano kasi may hinahanap lang ako sa itaas na isang importanteng bagay kaso nga lang dahil sa pagkagulat ko sa isang malaking daga napatalon ako mula sa bintana" half truth na sagot ko kung alam mo lang Sean.

"Dadalhin na kita sa clinic miss para mas maagapan." tumango ako kaya inalalayan ako ni Rhon para makatayo.

"Hoy Rhon hindi na ako sasama sa pagdala mo diyan sa clinic ayaw kong malate." saka ito naglakad papalayo sa amin.

"Ayaw ma late o ayaw ma miss si Icy" sigaw ni Rhon na labis ko namang ikinalungkot.

"LOKO" balik na sigaw ni Sean.

Habang naglalakad papunta sa clinic ay panay ang pagtanong ni Rhon sa akin ngunit tanging tango at pag iling lang ang sinasagot ko, ayaw kong mag salita at baka anumang oras ay may tumulong luha. Nagamot na ako at umalis na si Rhon pero ang puso ko ay sugatan parin at isa lang ang tumatakbo sa isip ko Move On.

Asar, saan ba kasi dito ang opisina ng pinsan kung iyon? Habang naglalakad may nakita akong dalawang tumatakbo at tila may pinag aawayan. Pinagmasdan ko silang dalawa hanggang sa na mukhaan ko ang babae. Kahit ilang taon na kaming hindi nagkikita alam kong siya ang childhood friend kong crush ko.

"Seryoso ako ibon kapag hindi ka pa tumigil wala ng ligaw-li......." hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil humarang ako sa daraan niya.

"Hi my lady!" nakangiting bati ko sa kanya. I miss this girl.

"H-hi" nag aalanganing sagot nito.

"My lady alam mo ba kung saan ang opisina ni chancellor?" hindi ko maiwasang di mapangiti at maging masaya dahil sa pagtitig nito sa dimple ko.

"Nasa pangatlong palapag ng building na puro salamin."sagot nang isang tao na nasa likuran ko.

"Salamat" sagot ko na hindi man lang tumingin sa likuran "See you later my lady" hinalikan ko ang kanyang kamay bago umalis.

Sa paglingon ko nakita kong pinupunasan ng lalaki ang kamay ni Icy na hinalikan ko. Napailing nalang ako at dumiretso na sa pupuntahan ko, kung wala lang lalaking nakabakod kay Icy hindi lang sa kamay ko siya hinalikan.

Dumaan ang isang linggo at sa mga araw na yan ay panay ang pagkamamasid ko kay Icy, hindi ko lubos na maiisip na maapektuhan pala ako nang kanilang pagmamahalan. Wala naman akong karapatan para magalit at magselos sa tuwing nakikita ko silang magkasama at hindi ako sisingit sa kanilang dalawa dahil nakikita ko naman kung gaano kamahal ni Icy ang lalaking yon kahit sa kabila ng kanilang pagtatalo.

"Hi freezer" nginitian ko siya at alam kong sa pagkakataong ito makikilala niya ako dahil ako lang naman ang may bansag sa kanyang freezer.

"Ch..Chubs?"

"Yes my lady it's me. Finally nagkita muli tayo." niyakap ko siya ng mahigpit at sa pagkakataong ito alam ko sa sarili kong tama ang magiging deaisyon ko.

"Hindi mo ba ako na miss? Anyway I have to go may gagawin pa ako, kita nalang ulit tayo sa birthday mo siguro naman invited ako di ba?." wala sa sariling tumango ito at bagi umalis hinalilan ko siya sa pisngi.

Sa pag alis ko sa pagkayakap sa kanya ay ang pagpaparaya ko at ang halik sa pisngi ay ang seal na ibinibigay ko na siya sa lalaking mahal niya. Masakit, pero wala tayong magagawa mahal mo e. Hindi din ako martyr upang patuloy na mahalin ang isang taong alam kong hindi ako ang isinisigaw ng puso. Sa pagtalikod ko ay ang pagsara ng puso ko para sa pagmamahal sa kanya ngunit hindi ko naman sinasarhan at tinalikuran ang pakakaibigan namin.

Napadpad ako sa isang antique store at sa hindi sinasadyang pangyayari nakipag talo pa ako sa isang babaeng ubod ng puti para sa isang bracelet.

"Miss pasensya na pero may pagbibigyan ako nito"

"Ayaw ko nga ako ang unang nakakita, kaya ikaw ang bumitaw"

"Naku kayong mga bata kayo huwag na ninyong pag awayan ang isang iyan. Iha may mas maganda akong ibibigay sayo na talagang magugustuhan mo" agad namang binitawan ni over white ang bracelet at sumunod na kay lola pero bago tuluyang mawala sa paningin ko ay binelatan muna ako bago tumakbo.

Napailing at napakamot nalang ako sa batok tss isip bata. Sabay kaming nagbayad ni puti at sabay din kaming lumabas ng store.

"Huwag ka ngang gaya gaya." aniya sa iretableng boses.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad, wala akong oras para makipagtalo sa isang labanos.

"Hoy huwag mo nga akong tinatalikuran, kinakausap pa kita" tinakpan ko ang dalawang tenga ko gamit ang hintuturo at mas lalo ko pang binilisan ang paglakad.

"Hoy lalaking maitim date tayo." bigla akong napahinto at nakakunot noong hinarap siya.

"Hindi ako maitim, moreno ako naiintindihan mo? At anong date ang pinagsasabi ni hindi nga kita kilala."

"I'm Pam Angela Duminguez" imbes na tanggapin ang paglahad niya ng kamay ay mas ginusto ko pang ilagay sa bulsa ang mga kamay ko na siya namang itinaas ng kanyang kilay.

"Pim Enzo Negroso"  pagpapakilala ko bago ko siya inismiran at tinalikuran.

"I hate you Pen" sigaw nito na siya namang ikinangiti ko.

"The more you hate the more you love, Pad" sagot na sigaw ko sa kanya na hindi man lang lumingon o huminto.

Mga babae nga naman makakita lang gwapo nagkakandarapa na, at hindi ko naman kasi siya masisisi dahil gwapo na nga ako hot pa at sa pagka hot ko pati balat nasunog, tsk!.

-fin-

Sana po nagustuhan ninyo, marami po ulit salamat.

♡xerra

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...