Chapter 12

455 14 0
                                    

Chapter 12

Icy's pov

Napabuntong hininga ako habang tinitignan ang dalawang hawak ko ang isa ay ang swan stuff toy na bigay ni Chubs at ang isa naman ang ay voodoo bird doll na gawa ko. Isa ang dapat bitawan pero sino? SI past ba na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin o si present na minamahal ko na? Isang mahirap na katanungan para sa akin.

Si chubs na first love ko na minahal ko ng lubusan kahit bata palang kami, ang aga kong mainlab noh? At siya ang dahilan kung bakit ako walang kasintahan hanggang tumungtong na ako ng kolehiyo, matagal ng panahon ang lumipas pero siya pa din. Walong taong gulang ako noon ng umalis sila ng pamilya niya para pumunta dito sa Manila, araw-araw akong naghihintay sa pagbabalik niya kaso sa kasamaang palad hindi na siya bumalik.

Si Sean na hindi ko namalayan na minamahal ko na pala, nalaman ko lang dahil sa kahapon. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na nakukuha niya na palang patibukin ang puso ko katulad nang pagtibok nito para kay chubs.

Si  Sean na isang ibon na lagi kong nakikita kahit saan ako tumingin.

Si Sean na walang ginawa kundi asarin at galitin ako.

Si Sean na matangkad, mestiso, may makinis na mukha at mapupulang labi at may magandang pangangatawan.

Si Sean na ninakawan ako ng halik.

Si Sean na mahal ko kahit gago. OO siya na ang pinili ko, bibitawan ko na ang pagmamahal ko kay chubs dahil pagod na ako at sawa na sa kakahintay at kakahanap sa kanya.

At sana hindi ako magsisi sa pagpili sa kanya dahil kapag nagkataon malilintikan siya sa akin, uubusin ko ang buhok niya sa buong katawan at puputputin ko ang mga kuko niya sa paa at kamay.

Nilagay ko sa taas ng unan ko ang voodoo doll at ang swan naman ay nilagay ko sa loob  ng cabinet ko. 

I can't win, I can't reign, I will never win this game without you. without you

I am lost, I am vain, I will never be the same, without you.

kinuha ko ang cp ko sa kama saka binasa ang text, napakunot ako ng noo kaninong number 'to? 

0921*******

-tatawag ako sagutin mo-

Hindi pa nga ako nag reply ay tumunog na ang cp ko, agad ko naman itong sinagot habang nakataas ang kilay.

"Hello? Sino 'to at paano mo nakuha ang numero ko?." tanong ko sa kanya habang naka indian sit sa kama at yakap ng isang kamay si doobon.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at may naririnig din akong tugtog sa kabilang linya, marahil ay nakikinig ito ng kanta.

"Eheem tao po sino ba 'to nagsasayang ka ng load alam mo ba 'yun?" napataas ulit ang kilay ko dahil ang tagal niyang sumagot laging pagbubuntong hinga ang naririnig ko sa kabilang linya.

"Ibababa ko na 'to." medyo nailayo ko na sa tenga ang cp ko ngunit narinig ko ang pasigaw nitong sabi.

Napalunok ako dahil parang kilala ko kung kanino ang boses na 'yun.

"Se-Sean?" kinagat ko ang labi ko

"Yea!" maiksing sagot nito pero laking impact ang nagawa sa buong sistema ko.

"Bakit ka napatawag? Gabi na." saka ako tumingin sa wall clock ng kwarto ko, it's already 10:45 pm.

10:45 na so ibig sabihin halos apat na oras akong nag-iisip kung sino ang mas matimbang sa puso ko? Napakagat ako sa pakpak ni doobon.

"Hindi ako makatulog."  napapikit ako dahil sa ganda ng boses nito.

"Hindi ka makatulog kaya ako ang iniisturbo mo? Alam mo ba na kanina pa ako natutulog" saka ako umaktong humikab. Ano ba Icy napaka sinungalung mo.

"Sorry, ibababa ko na pasensya na talaga sa isturbo."

"Sandali lang, paano ka nagkaroon ng number ko?" humiga ako sa kama habang yakap pa rin ng isa kong kamay si doobon.

"Hiningi ko kay Sun." napangiti ako kasi humikab siya at napahikab din ako.

"Hoy ibon matulog ka na nga!"

"Kulit nito! hindi nga ako makatulog?." tumagilid ako ng higa kaya naipit si doobon sa dibdib ko.

"Bakit naman? insomia?" 

"Hindi, hindi ako makatulog kasi pakiramdam ko iniisip mo ako kaya napatawag ako." 

"Wow men ang kapal ng face."

He chuckled, "Mahal kita Icy"

Hindi ako makagalaw at hindi din maayos ang paghinga ko, tumindig din ang mga balahibo ko at tila may kung anong lumilipad sa loob ng tiyan ko.

"Icy, just give me chance to prove my love for you. Kasalanan mo 'tong mangkukulam ka you cast a spell on me." kinagat ko ang labi ko at pakiramdam ko ay dudugo na ito.

"Ang kapal mo talaga! Bahala ka sa buhay mo." dumapa ako sa kama habang nilalaro ang tiyan ni doobon.

Hindi maalis sa mukha ko ang labis na kakiligan, ang sarap ng pakiramdam na may taong nagmamahal sa'yo bukod sa pamilya at kaibigan.

"I just want to hold you, I just want to kiss you, I just want to love you all my life, I normally wouldn't say this. But I just can't contain it. I want you here forever, right here. By my side.mmm" naghurimentado ang puso ko sa pagkanta niya.

[By my side by David Choi]

Gusto kong sumigaw, gusto ko siyang sabunutan dahil sa kilig na pinaramdam niya ngayon sa akin.

"Mahal kita Icy, at kapag pinayagan mo na akong ligawan ka araw-araw o kahit oras-oras ay kakantahan kita and have a beautiful night noklam ko."

Napangiti ako dahil hindi ko maisip na ang isang kagaya niyang laging naka basungot at akala mo ay papatay ng tao ay may tinatagong kasweetan sa katawan.

"Sweet dreams" pinatay ko na agad ang tawag habang damang dama ang kantang kinanta niya.

"Mahal din kita Sean kahit wala ka sa tono."

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon