Chapter 9

531 15 7
                                    

Chapter 9

Sean's pov

"His so hot"

"I want those holy sweat of him"

"Hubby hubby hubby i'm Chebby be mine please"

"I Love You Sean"

Sinipa ko ng malakas ang bola dahil sa pagka-irita lalo na sa sigawan ng mga bangaw, kanina pa ako nandito sa field at naglalaro ng soccer simula ng ireject ni Icy ang pagmamahal ko. Baduy man o korni pero tae lang talaga! rejected na ako halata naman.Sino ba siya sa inaakala niya? siya lang naman ang mahal ko arg! kainis badtrip na buhay 'to!.

Padabog kong kinuha ang bola sa net at saka sinipa ito ng malakas papunta sa kabilang net, hindi ako soccer player pero marunong akong maglaro nito dahil coach lang naman ng isang kilalang soccer team ng Pilipinas ang tatay ko.

"Dude tama na yang pagsipa mo sa kawawang bola malapit na yang maubusan ng hangin." sigaw ni Rhon na nakaupo sa isang bleachers dito sa field.

Nang mapagod na ako sa pagsipa ay naglakad na ako papunta sa kinauupuan ni Rhon, nilagay ko sa bewang ang isa kong kamay habang ang isang kamay naman ay busy sa pag gulo ng buhok para mabawasan ang pawis.

Dahil sa ginawa ko ay hindi na naman nagkandaugaga ang mga bangaw sa pagsisigawan. 

"Wow dude ikaw na talaga! Bakit ba kasi hindi ka sumali sa soccer team ng school para naman may pagkakitaan ako sa pagbebenta ng mga nakaw mong pictures kapag nasa locker room ka." sinipa ko siya sa binti bago kinuha ang inabot niyang towel.

"Aray ko naman! Pati binti ko ginawa mong bola."

"Gwapo naman ako at tulad ng sinisigaw ng mga bangaw na 'yan na Hot ako pero bakit pagdating sa noklam na 'yun walang silbi ang karisma ko?" tanong ko sa mokong kong kaibigan. 

"Isa lang ang ibig sabihin niyan dude, tibo ang mahal mo." Hinagis ko sa kanya ang towel na ginamit ko.

"Hindi tibo ang noklam ko, may mahal siyang iba kaya ganun, tae lang talaga!." sinamaan ko siya ng tingin dahil binatukan ako.

"Gago pare tanong mo sagot mo. Sino ba yang karibal mo ha? para maupakan na natin." Sarap batukan ng isang 'to edi mas lalong hindi ako mamahalin ng noklam na yun kapag may ginawa akong masama sa mahal niya. Tae talaga!.

"Nag iisip ka ba? Hindi ako masamang tao at hindi ako gagawa ng masamang bagay na ikakagalit ng husto ni noklam, patas akong lumaban." ininom ko ng diretso ang mineral water.

"And speaking of your mahal papunta na siya dito at mukhang hindi maganda ang aura." Sinundan ko ang direksyon kung saan nakatingin si Rhon at nakita ko si Icy na parang nagliliyab, ano na naman ang problema nito?.

Nagkatitigan kami ng makarating siya sa puwesto namin, hindi ko alam kong bakit ganito ang tingin niya sa akin at ano na naman ba ang nagawa kong mali na halos patayin niya na ako sa tingin. Nadako ang tingin ko sa kanang pisngi niyang namumula, napatayo ako sa kinauupan ko para lapitan ito.

Umiwas siya ng tingin ng makalapit na ako sa kanya, hinawakan ko ang baba niya para iharap sa akin.

"Anong nangyari sa pisngi mo?" pag-aalalang tanong ko sa kanya, wala naman akong naaalala na natamaan siya sa pisngi ng candy na binato ko sa kanya kanina at hindi naman malakas ang paghagis ko. 

"Bakit hindi mo tanungin ang babae mo!" May galit sa tono niya pagkasabi niya ng salitang yun kaya napatingin ako sa kaliwa ko kung saan siya tumingin.

Nakita ko isang clown na bangaw habang nakahawak sa magkabilang braso nito ang dalawa niyang kaibigan.

"Anong ginawa mo sa mahal ko?" matalim akong tumingin sa babaeng clown na bangaw saka ko siya nilapitan.

"Bitawan niyo nga ako." pagpupumiglas nito pero mas lalo lang hinigpitan ng dalawa ang pagkakahawak.

"Anong ginawa mo kay Icy?" ulit na tanong ko.

Ngumiti ito na parang baliw bago tumingin sa gawi ni Icy.

"Sinampal ko lang naman siya ng dalawang beses para magising na siya sa katotohanan na hindi siya para sa'yo dahil ako ang nakalaan para sa'yo Sean baby!." Naikuyom ko ang kanang kamao ko sa sobrang galit, walang sinuman ang pwedeng manakit sa mahal ko.

Napabitaw ang dalawang kaibigan ni Icy dahil sa pagkagulat, sinakal ko ang babae na mukhang clown na bangaw. Isang lapastanganan ang pananakita sa mahal ko hindi ko ito papalampasin kahit na babae pa siya.

"Se-sean hi-hindi ako makahinga." Wala akong paki kung hindi kana makahinga, nandilim ang paningin ko dahil sa sobrang pagkainis simula pa kanina at dinagdagan pa ngayon.

"Dude babae 'yan" pilit na tinatanggal ni Rhon ang kamay ko sa leeg nito pero hindi niya maalis alis at wala akong paki.

"Sean makukulong ka kapag napatay mo siya." wala nga sabi akong paki alam.

"Sean-kun your going to hell if you kill that pirana" I don't care.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa leeg nito, nang may yumakap sa akin ng mahigpit mula sa likuran ko at ito lang ang  nakapagpapigil sa pagsakal ko sa clown bangaw na 'ito.

"Ibon tama na!" 

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin saka ko siya hinarap at hinalikan sa noo. Niyakap ko siya nga mahigpit dahil siya lang ang gamot para kumalma ako, magagawa ko ang lahat para lang sa kanya pero hindi ko magagawa ang saktan at durugin ang puso niya.

"I'm sorry Icy"

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon