Chapter 8

499 15 1
  • Dedicated kay to all my readers luv u ol ^.^
                                    

Chapter 8

Icy's pov

Kanina ko pa nililinisan ang tenga ko dahil hindi maalis alis ang salitang  Mahal ko. Sa tingin ko kailangan ko na laging lagyan ng takip ang butas ng dalawa kong tenga para walang makapasok na masamang salita galing sa bobby bird na 'yun.

Mabuti nalang talaga tumahimik na siya kanina dahil kung hindi lalagyan ko ng packing tape ang bunganga niya para lang matahimik or worst tatahiin ko na. Sinisira niya ang kahulugan ng salitang Mahal o Love, ang daming taong nagsasabi nito pero hindi naman bukal sa puso o galing sa kaibuturan ng puso at isa na ang ibon na 'yun.

Kapag nakita ko na talaga si Chubs ipapasuntok ko sa kanya si Ibon at isa pa sa nakakainis hindi ko pa nahahanap ang mahal ko, nagtanong na nga ako ng nakaraang araw sa mga kakilala namin noon at sa dati nilang tinirhan pero wala silang alam. Ang hirap namang hanapin ang taong hinahanap mo para lang yang bagay na kapag kailangan mong gamitin ay hindi nagpapakita o mahirap hagilapin pero kapag hindi mo kailangan saka mo naman makikita.

Kung gayun lang din naman ay hindi ko na hahanapin si chubs kusa nalang ata 'yun magpapakita, at madali ko nalang siya makita kasi wala na ako sa probinsya magkakaroon ng malaking posibilidad na mag krus ang aming landas.

"Icy ubos mo na ang isang pack ng cotton bands hindi ka ba naawa sa tenga mo malapit na yang sumigaw ng She's killing me softly." nginusuan ko lang si Sun habang busy ito sa pagtitext.

"Bestie nakakasama kaya ang masyadong paglinis ng tenga, nakakabingin daw 'yan." sabi ni Yuki habang kumakain na naman ng mamon.

"Salamat sa concern pero 'yun talaga ang gusto kong mangyari ang mabingi kasi kung anu-ano na ang naririnig kong masamang salita." Sabi ko sa kanila habang pina shoot sa basurahan na malapit sa pintuan ng room ang mga ginamit kong cotton bands na nakalagay sa dati nilang lalagyan kaso sablay kaya tumayo pa ako para ilagay ng maayos.

Sinamaan ko naman ng tingin ang ibon na nakasandal sa likod ng pintuan. Mabuti 'yan may security guard ang room namin kaso ibon nga lang hahaha.

"May napapansin lang ako kay Yuki" sabi ko nang pagkaupo ko sa tabi ni Sun.

"Ha? Anong napapansin mo sa akin bestie?" ilalapit niya sana ang mukha niya sa mukha ko kaso hinarangan ng kamay ni Sun ang mukha nito, nasa gitna kasi namin si Sun.

"Hindi na baluktot ang tagalog mo" patango tango pa ako habang sinasabi 'yun.

"Napapansin ko nga din" pag sang-ayon ni Sun.

"May dahilan lang talaga ang lahat ng bagay, kagaya ng pagsalita kong hindi na baluktot pero hindi ko sasabihin kung ano ang dahilan ahehehe." sabay kain ulit ng mamon habang nakangiti na parang baliw.

Masaya ako sa kung ano mang dahilan ni YUki kasi nakikita ko namang masaya ito. Kailan kaya darating ang dahilan na magbibigay sa akin ng saya? God give me a sign please!.

"Binato niyo ba ako ng candy?" tanong ko sa dalawa kong bestie pero umiling lang sina.

Tumingin ako sa iba naming mga kaklase pero may kanya kanya silang mundo, tinignan ko ang candy na kulay pula ang lalagyan at may naka drawing na kiss mark at sa likod nito ay may nakalagay na mouth perfume at isang malaking FOREVER LOVE, napakunot ang noo ko habang nakatingin lang as candy hanggang sa may tumamang candy sa aking  ilong.

Nakasimangot akong dinamput ito na nahulog sa sahig at sa pagtingin ko dito ay katulad lang din ito ng naunang candy pero magkaiba ang nakasulat sa likod HUGS and KISSES. tumingin ulit ako sa paligid pero wala ako nakikitang taong may hawak na candy o yung tipong suspect dahil busy talaga sila sa kanilang mundo.

Bubuksan ko na sana ang isang candy para kainin kaso may nahulog na isa pang candy sa may harapan ko at dali dali kong tinignan kung saan ito galing, laking gulat ko ang dahil isang ibon na may hawak na maraming candy na nakangiti sa labas ng bintana ang nakita ko.

Kinuha ko ang isang candy na nasa sahig bago lumabas ng room, nakapamewang ako ng makaharap ko na ang isang matangkad na ibon na hanggang ngayon ay nakangiti. Nagsukatan kami ng tingin pero ang pinagkaibahan lang namin ay nakangiti siya habang ako ay nakabasungot.

"Bakit hindi mo basahin ang pangtatlong candy na bigay ko?" wow naman bigay daw ganun pala ang paraan nang pagbigay ng mga kagaya niya, patapon.

Napataas ang isa kong kilay dahil sa nakasulat sa candy I Love You lang naman,.

"Wala bang I love you too?" 

"Meron." Dahan dahan akong lumapit sa kanya at ng tatlong pulgada nalang ang agwat namin ay nginitian ko siya ng napakatamis na ngiti bago ko ito inapakan ng malakas ang kanang paa nito.

"S**T! So this is your way for saying....." bago niya pa matapos ang sasabhin niya ay inapakan ko din ang kaliwa niyang paa para pantay.

I flip my hair at binigyan ko siya ng pamatay kong kindat bago umalis sa harapan niya na hindi malaman kung anong paa ang uunahin na hawakan.

Kung sa ibang babae ay romantic o nakakakilig ang hagisan ka ng candy na may mga nakasulat na kung anong salita puwes sa akin hindi, nakakapangilabot lang ang ganun mabuti sana kung hindi niya ito hinagis sa akin baka sakaling kiligin ako at mag i love you too pa pero NO, hindi ko dudungisan ang pag-ibig ko para kay chubs.

"Hey bestie anong nagyari kay Sean at bakit panay ang mura sa labas? anong ginawa mo sa kanya.?" kasabay ng pagtingin ko sa kanya ay tumingin din siya ng masama habang ako ay nakangiti.

"Bunigyan ko lang naman siya ng pamatay na I Love You Too!." saka ko kinuha ang  mamon ni Yuki at sinubo ng buo.

That was my sweet revenge.

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon