Chapter 6

526 15 2
                                    

Chapter 6

Sean's pov

 Icy Freeze Sandoval isang babaeng wala man lang hinaharap pero d*** it nakaka adik kung humalik, isa talaga siyang mangkukulam na manok na galing sa malayong probinsiya. Dalawang araw na ang nakalipas ng paghalikan namin pero heto pa din ang lakas pa din ng gayumang binigay niya, sa tuwing magkikita kami napapakagat ako ng labi nakakabading baka akalain niya napaka manyak kong tao.

Unang nagtagpo ang mga landas namin doon sa isang convinient store at anak ng tae parehas pa kaming nakaapak ng tae pero hindi niya natandaan na ako ang lalaking 'yun.

Akala ko hindi na kami magkikita pa pero tae lang men! nagkita kami sa mall sa may escalator kumakanta pa siya na wala sa tono.

At sa pangatlong pagkakataon tae nga naman! Naging ka klase ko pa siya, katabi ko pa kaya mas lalong nakaka arouse, ay tae anong nakaka arouse nakaka panindig balahibo lang dre!.

Isa siyang mangkukulam at mananatili siyang mangkukulam ng buhay ko.

"Woah dude lalim ng iniisip, pagkain mo nga pala." kinuha ko agad sa kanya ang pinabili ko.

"Bakit ngayon ka lang?." Tanong ko dito habang kumakain ng burger.

"Dinumog ako ng sandamakmak na fans." tsk baka bangaw. 

"Sa itsurang mong 'yan? Hindi kapanipaniwal.a" sabay inom ko ng soda.

"Dude sinaksak mo ang puso ko bunuhusan mo ng asido pinukpok mo ng martilyo." Binato ko siya ng balat ng burger dahil sa kabaklaan niya.

"Brutal mo dude, musta na pala kayo ni Icy your love?." naibuga ko sa mukha niya ang soda na iniinom ko.

"Langka ka Rhon anong masamang salita ang lumabas sa bibig mo i-zipper mo 'yan kung ayaw mong ako mismo ang tumahi diyan." pagbabanta ko sa kanya pero ang mokong tinawanan lang ako habang pinupunasan ng panyo niya ang  mukha niya.

"Kalma lang dude, kapag tinahi mo 'to hindi ko na mahahalikan pa ang nag-iisang babaeng mahal ko." Tinignan ko siya ng masama, sinong niloloko niya? isa siyang playboy at walang sawang nagpapaiyak ng mga babae.

"Ginagago mo ba ako? Kailan ka pa may minahal na babae?." Sarap batukan ng isang 'to kung hindi ko lag siya best bud matagal ko ng ginapos 'to sa puno ng balete para pag pistahan ng mga white lady total mahilig naman siya mambabae.

"Dude may mahal talaga ako at kahit na paiba iba ang mga babae ko kada dalawang linggo hindi pa rin nila kayang palitan o tapatan ang pagtibok ng puso ko para sa kanya mahal namin ang bawat isa pero hindi pa pwede ngayon." Ngayon ko lang nakitang naging seryoso ang mokong na'to kahit kailan lahat ng lumalabas sa bibig niya ay may halong kalokohan pero ngayon kita at ramdam ko na seryoso ito.

Pinatong ko ang mga paa ko sa mesa habang nilagay ko ang dalawa kong kamay sa likod ng ulo.

Ang pakiramdaman na mahirap takasan ng kahit sinuman, Kapag naramdaman mo na ito hindi mo na pwedeng pigilan dahil mas lalo ka lang masasaktan. 

"Icy" Ang pagbikas ng pangalan ng taong mahal mo malaking impact na para sa'yo.

"Woah! woah! woah! did I hear it right? You casted a magic word that made you smile dude." Iniwas ko ang tingin ko sa moko na kung makangiti ay wagas.

"Isa 'yung masamang salita at nakakapangilabot." Sabay tayo ko "Walang kang nakita at wala kang narinig." Iniwan ko siyang nakangiti na parang baliw.

Kailangan ko nang pigilan kung anuman ang dapat pigilan pero ako na mismo ang nagsabi na mahirap itong pigilan.

Sean hindi ikaw ang mahal niya, malabong mangyari at kasing labo kung paano magiging isa ang tubig at mantika.

"Araaaaay ko po!." sabi ng isang espasyol na nahulog galing sa itaas.

~~

Icy's pov

"Mga bestie wala ba kayong napapansin sa mukha ko?." Tanong ko s amga ito habang kumakain kami sa cafeteria.

"Ucy-chan sa loob ng dalawang araw nakaka ilang tanong ka na kung may napapansin ba kami o wala, wala naman eh!." Sagot ni Yuki habang kumakain ng paborito niyang mamon.

"Ikaw Sun?." Humigop muna ito ng pineapple juice bago ako sagutin.

"For our friendship sake Icy, wala ! wala! WALA!." saka nito hinigop ng walang tigil ang juice niya.

Yumuko nalang ako habang kumakain ng bihon na nilagyan ko ng mayonaise, pakiramdam ko kasi meron hindi ko lang ma figure out kung ano ba talaga 'yun.

"Bestie nahalikan na ba kayo?." Nahihiyang tanong ko sa kanila.

"Woah! Huwag mong sabihin kaya ka nagkakaganyan dahil nahali...?" Agad ko naman tinakpan ang bibig ni Sun dahil ang lakas ng pagkakasalita niya.

"Mali kayo ng iniisip, nagtatanong lang ako kasi ano gumagawa ako ng kwento at may kissing dun." Pagsidinungaling ko sabay subo ng pancit.

"Hinay hinay lang sa pagsubo Icy-chan." Hindi ko pinansin si Yuki dahil ayaw ko ng magsalita baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig ko.

"Alam niyo ba na masarap mahalikan lalo na kung parehas kayo nang nararamdaman, ang pag halik ay isa sa paraan upang ipahiwatig ang tunay na nararamdaman." Nilagay ni Sun sa mesa ang dalawa niyang siko bago ipinatong ang baba sa mga kamay niya na magkahawak.

"Maraming tao ang nauuhaw sa halik dahil uhaw sila sa pag-ibig, meron ding sabik sa halik dahil sabik sa pag-ibig, meron din naman kontento na sa isang halik dahil kontento na sila sa pag-ibig, meron din takot mahalikan dahil takot umibig. Ang halik ay parte ng pagmamahal, kaya kapag hinalikan kayo ng isang tao kahit hindi ninyo ito gusto ay magpasalamat kayo dahil may nagmamahal sa inyo." Marami na bang karanasan si Sun sa ganitong bagay?.

"At kung paano kayo halikan ng isang tao ay ganun ang pagmamahal niya para sa inyo. Ang nakakatakot na halik ay yung sapilitan at halos masaktan kana sa paghalik niya dahil isa siyang taong puno ng kalibugan sa katawan at sasakalin ka niya habang buhay." Hindi ko maiwasang pumapalakpak dahil sa mahabang speech niya tungkol sa halik.

"Wow Sun-chan ang dami mo na atang experience." Namamanghang sabi ni Yuki kay Sun habang ito naman ay nakapalumbaba.

"Hindi iyan experience Yuki isa yang pag si-survey." sabay tayo ni Sun kaya naman agad din tumayo si Yuki.

"Icy tara na mali-late na tayo" 

"Let's go Icy-chan."

Ngumiti ako sa kanila bago tumayo para sabayan na sila sa paglakad, the way he kiss me should I consider that as a love?.

Heart and DiscordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon