Ang Promdi At Ang Prosti

By xianrandal

1.1M 25K 1.1K

"O pag-ibig, pag pumasok ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Hindi naman kasi lahat ng nakikita... More

ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY - EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
LAST

EIGHT

30.8K 890 50
By xianrandal

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

EIGHT

Duncan woke up around 5am. Akala niya mas mauuna siyang magigising kay Roxanne, but she was awake already. Nawala yung antok niya nung makita niya itong nakatuwad at naglilinis ng sala. Wearing a short shorts na ewan ba niya kung kasing ikli rin nito ang panty at isang napakanipis na sando. Walang bra!

Itinali ng walang suklay ang buhok at ang agang nakakolerete na ang mukaha.Hindi niya alam kung sasakit ba ang puson niya o ang ulo niya o ibang ulo sa nadatnan.

"Good morning Bossing!" Masaya at hyperactive na naman ito, para bang walang nangyari kagabi.

"What the hell is up with you?" Inis na sabi niya.

"Ha? Bossing, Tagalog -Tagalog rin tayo pag may time." Nang-aasar na sabi nito.

"Look at yourself. Nananadya ka ba?" Namomroblema pa nga siya kung paano ito harapin tapos ganito ka bulgar ang suot nito.

"Bossing naman, ilang araw na akong naiinitan sa mga pinagsusuot mo sa akin." Naghikab pa ito kaya mas lalong bumakat ang dibdib sa masikip na sando.

What the hell! "I'm warning you Roxanne, pauuwiin kita ng Manila kapag hindi ka nagpalit." He looked so serious. This lady in front of him doesn't know what she's doing. Ilang libong kontrol na ba ang ginawa niya?

"Oo na bosing. If I know, crush mo na ako." Nagmarcha ito pabalik ng kwarto.

Napakapit si Roxanne sa dibdib niya nung makapasok sa kuwarto. Hiyang-hiya kaya siya sa pinaggagagawa. Hindi niya maisip na kaya niyang ipakita ang halos buong katawan niya kay Duncan. Yun lang naman kasi ang naisip niyang paraan para mawala yung 'awkward moment' nila kagabi. Alam niya, babalik ang pagkasuplado nito sa kanya kapag ganun ang ayos niya.

"Tiis lang Roxanne. all is well!" She cheered herself. Nagpalit na siya ng oversized shirt, at nag bra.

Duncan went back to his room to take a cold shower. Roxanne had really an effect on him. He felt his sudden hardness kanina kaya para hindi halata ay nag gagalit -galitan siya. Luto ang almusal ng lumabas siya. Sinangag at tuyo. Hindi sunog at masarap ang pagkakaluto.

"Sorry about what had happened last night. I was just drunk." Sabi niya. Alam niyang kailangan niyang humingi ng paumanhin sa mga nangyari kagabi.

"Wala na yun Bossing." She did not look at him.

"Okay, if you really like Rafael, I would not go against your relationship, but please be very discreet about it." Napag-isipan na rin niya ang mga bagay na 'yun. Hindi naman niya mapipigilan kung makipagrelasyon man ang sekretarya sa kahit kaninong nais nito. Personal na buhay na iyon, labas na siya.

"Bossing naman, hindi ko siya gusto." Totoo naman yun. "Ikaw ang crush ko, hindi ba?" Dugtong pa niya.

Tinitigan na naman niya ito ng masama, eto na nga ang dating makulit niya na sekretarya. Talaga sigurong ganito na ang kaharap. Pero kung titignan mo, kahit gaano ito kagalawgaw, kahit pa hindi niya maintindihan ang fashion statement kung baga nito, makikita mong may mabuting kalooban si Roxanne. Masayahin at maalaga lalo na kay Kate. Hindi niya makita ang mga ugaling sinsabi ni Faye sa kanya. O marahil dahil nasa probinsiya ito at nababantayan niya kaya hindi nito magawa ang mga dating ginagawa.

Ilang araw ring walang mga binatang aali-aligid sa bahay niya. Si Mike ay bumalik na ng Maynila, kailangan na kasi siya sa trabaho pero narinig niya ang sinabi nitong magkikita raw silang muli ni Roxanne kapag natapos ito sa kontrata sa kanya.

Si Rafael naman ay biglang ipinatawag sa Cebu dahil sa isa pa nilang kaibigan na nangangailangan ng serbisyo nito, kaya naman biglang natahimik ang buhay niya. Kaso may biglaang bisita.

**************************

Duncan had to fetch his brother Drew to the terminal. Nagcommute lang kasi ito. He is happy that he had visited him again. Matagal na rin kasi silang magkasama. He would like Mamita to be happy too. Alam niyang miss na miss na nito si Drew.

Drew is his only brother, kahit nagkasamaan sila ng loob noon, he would always be his one and only brother. Si Drew ang namamahala ng iba pa nilang ari-arian sa Manila at Davao, kahit pa dalawang taon pa lamang mula nung grumaduate ito sa kolehiyo, mabilis na nitong nakabisado ang kalakaran sa mga negosyo.

"So Kuya, how's Kate?" Masiglang tanong ni Drew sa kapatid, pauwi na sila nito. Matagal-tagal na rin mula nang huling dumalaw ang binata sa probinsiya nila.

"She's doing good Drew, nag-aaral na siya sa kindergarten, nag-iisang happiness ni Mamita, minus us."

"Nice! Ang dami kong pasalubong sa kanya Kuya. I'm sure that angel will be very happy."

Napangiti si Duncan, talagang maalalahanin at malambing ang kapatid.

"By the way, I heard a lot about your secretary. Si Faye pala ang nag rekomenda sa kanya? You must have extreme headaches already." Natatawang sabi nito.

Tumawa na lamang rin siya. Wala naman siyang masabi kay Roxanne pagdating sa trabaho, napakasipag nito. Yun nga lang, bagsak sa English, at laging sumasakit ang ulo niya pagdating sa mga damit na isinusuot nito.

"I'm dying to meet her Kuya. Pwde naman siguro siyang mailabas kahit isang gabi lang, 'di ba?" Pagbibiro pa nito.

"Don't you dare, bro." Mabilis na sagot ni Duncan sa kapatid. Halata ang pagkairita sa boses nito.

"Whoah! I smell something fishy here Kuya, may gusto ka ba sa sekretarya mo?" Asar ni Drew.

"You know my type, if Faye had said a lot of things about my secretary, then you know I would not dare get close to her." Pero parang nagtatalo ang kalooban niya ng sabihin niya yun.

Natawang lalo si Drew. "Let's see Kuya."

Naunang bumaba si Drew sa kotse, may biglaang tawag kasi si Duncan. Nakakailang katok pa lang siya ng biglang may maganda at pamilyar na mukha ang nagbukas ng pinto.

"Drew?" Gulat na gulat na sabi ni Roxanne. How can she forget this handsome young man in front of her?

"Miss Roxanne?" He was surprised to see her. Anong ginagawa nito sa lugar na iyon at sa bahay ng Kuya niya

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Drew. "Don't tell me you're the new secretary?"

"And you're Duncan's brother?"

Nanlaki ang mata ni Roxanne. Gulat na gulat naman si Drew. Pareho silang hind makapaniwala. Agad na pinapasok ni Roxanne si Drew sa bahay. Napasulyap lang sa kanila si Duncan na noon ay mukhang busy sa telepono.

"Drew, please, your brother doesn't know anything about me. I mean the real me. Please, nakikiusap ako, don't tell him about me."

"But Faye told me that she recommended her cousin as my brother's secretary? Hindi ko naisip na ikaw 'yun"

"Unfortunately, that's me."

"Paanong nangyari yun na isa kang dating prosti, I mean nagwowork sa club ang cousin niya." Nalilito ang kaharap.

"Tama siya, ako rin yun. It's a long story, I'll tell everything to you when we have enough time. But for now, please sumakay ka na lang ha." Pakiusap nito.

Nagtataka man ay napa tango ito.

Tiyempo namang dating ni Duncan. Naabutan nitong hawak ni Roxanne ang kamay ng kapatid niya, napakunot –noo siya. Agad namang binitiwan ni Roxanne ang kamay ni Drew.

"You knew each other?" Agad na tanong ni Duncan sa kapatid.

"Ha? Duh Bossing, si handsome Drew pala ay kapatid mo?" Si Roxanne ang agad na sumagot.

"Oo, bakit? Magkakilala kayo?" Ulit nitong tanong, this time, kay Roxanne na.

"Oo Bossing. Closer kami, ganito kami o?" Pinagdikit pa niya ang kanyang mga daliri.

"Paano?" Nagtatakang sabi ni Duncan.

"Bossing, your brotherhood is my customers in the night club. But no no sex if you thinking. He and me, we....ahh...just..." She said, pretending to stammer.

"Umayos ka Roxanne." Parang biglang uminit ang ulo ni Duncan.

Nagpipigil namang tumawa si Drew. He is really amused. Paanong ang kanyang paboritong professor sa English nung college ay sekretarya ng kapatid, at heto ngayon na parang engot kung umingles?

"Ganito yun Bossing, si handsome Drew, naligaw sa club, may research kasi daw sila sa sosyal subject nila."

"Sociology." Pagtatama ni Drew. Hindi talaga siya matutulog mamaya hanggat hindi niya nakakausap si Miss Roxanne.

"Tapos naging friendship kami. Pero wala kami ehem Bossing, trulili. Nag interbyu lang siya. Textmate lang kami Bossing, peksman." Itinaas pa ni Roxanne ang kanang kamay niya.

Tumingin si Duncan kay Drew na noon ay kinakagat na ang labi para hindi humagalpak sa tawa.

"Yah, trulili kuya." Panggagaya ni Drew. Kumindat pa sa kanya si Miss Roxanne. Mukhang walang makukuhang matinong impormasyon si Duncan sa dalawa.

"Mabuti pa Drew magpahinga ka muna. Ikaw naman Roxanne, magluto ka na, ayoko ng sunog."

Sumaludo pa si Roxanne bago umalis. Dun na tumawa si Drew, hindi na talaga niya napigilan. He never imagines seeing Ms. Roxanne like that. Magaling pala ito sa acting, nakuha nitong magdrama sa harap pa man din ng kapatid niya.

Mukhang mag-eenjoy siya rito. Ang isang linggong bakasyon ay gagawin niyang dalawa o isang buwan kaya?


Continue Reading

You'll Also Like

34.9K 7.7K 24
The C.U.P.I.D. Boyband Series Book 2 Si Cyril Dagohoy, also known as Cara Dubleda, ay isa sa pinakasikat, in-demand at magagaling na androgynous mode...
76.4K 2.3K 10
HELLO Band Series 1: Antenna fell in love with Shark the moment she saw him cry. Naniniwala kasi siyang iba magmahal ang mga lalaking iniiyakan ang m...
244K 1.2K 7
How long will I chase and endure the heartaches he has given me? The rest of the story is on dreame! :)
7.9K 170 17
Status: Completed [Under Editing] Started: June 08, 2019 Finish: June 21, 2022 Start of Editing: May 19, 2024 They are enemies. They got married, eve...