Hiding in Bangtan's Home | bt...

By VANlLLAZEN

137K 6.6K 1.2K

Under E D I T I N G process due to extreme cRInGe - What will you do if you'll hide with BTS without knowing... More

Hiding In Bangtan's Home
PROLOGUE
HBH1: Engagement Day
HBH2: Cornered
HBH3: Safe?
HBH4: What The!?
HBH5: This is it?
HBH6: First Day; Adjust.
HBH7: Girls
HBH8: THE UNINVITED
HBH9: What Happen next?
HBH10: It's a date?
HBH11: Moments
HBH12: Pizza Delivery
HBH13: Sick
HBH14: Does That Make Sense
HBH15: Mood Swings
HBH16: Adult Child
HBH17: Path
HBH18: Coffee
HBH19: Can You Turn Off Your Phone?
HBH20: FunBoyz
HBH21: We On
HBH22: Rain
HBH23: Beautiful
HBH24: Little sis
HBH25: His Confession
HBH26: Miss Right
HBH27: Hug me
HBH28: If I Rule The World
HBH29: For you
HBH30: Let Me Know
HBH31: Second Grade
HBH32: Heaven
HBH33: Bed Scene?!
HBH34: Just A Sorry
HBH35: Unexpected
HBH36: Move
HBH37: Blanket Kick
HBH38: I Love You
HBH39: Girlfriend
HBH40: She's back
HBH41: In Tears
HBH42: Twisted
HBH43: Blanket Kick
HBH44: Someday
HBH46: Kiss (Part 2)
HBH47: Planned
HBH48: That's It
HBH49: Just One Day
HBH50: Little Things
HBH51: Fight
HBH52: Assured
HBH53: Heck!
HBH54: Is that so?

HBH45: Kiss

1.3K 66 33
By VANlLLAZEN

[[»Jins POV«]]

"J-Jin... Oppa, ang sakit pala? Hindi ko alam na ganito pa rin pala kasakit. Ang sakit dito" sabi niya habang tinuturo yung dibdib niya kung saan nakadireksyon yung puso niya. "Bakit ganon? Bakit ang sakit sakit?!"

Nandito kami sa tapat ng unit ni Janica at ng kasama niya. Yung Dana ba yun? Basta ganun. Nakita kasi namin kanina si Jimin at yung girlfriend niya na magkasama sa tapat ng building ng Bighit. Malamang, masakit talaga yun sa part ni Janica.

"Bakit ba naman kasi naisipan mong iplano ito kung masasaktan ka lang pala bigla bigla? Dapat inisip mo din muna ang sarili mo." Sabi ko at hinawakan siya sa balikat. Napailing naman ako, akala niya siguro kaya na niya. Lalo lang siyang nasaktan, kailangan na lang niyang tanggapin na hindi na sila pwede ni Jimin dahil may girlfriend na yung pandak.

"Hindi ko naman alam.. h-hindi ko na d-dapat nalaman." Hinawakan ko siya sa likod at tinapik tapik. Kung alam lang ni Jimin kung gaano siya kamahal nitong kakambal ni Jungkook.

"Matagal ko ng alam eh! Dati pa, pero sabi niya... Ang sabi niya.. h-hindi... Niloko niya ako. Masakit." Gusto ko sanang sapakin si Jimin pero hindi naman pwede. Hindi ko pwedeng diktahan yung sarili niya na si Janica ang mahalin. At isa pa, hindi ko rin naman alam kung ano talaga yung nangyari sa kanila at bakit may girlfriend na yung pandak.

"Naalala mo ba yung mga payo mo sakin dati? Na kahit ako yung mas matanda, ikaw pa yung tagapayo ko? Pwes ngayon, ako naman ang magpapayo." Sabi ko at ngumiti naman siya pero halatang pilit lang naman.

"Wag kang mag-move on. Yun lang, ang pagmomove on, para lang sa gustong makalimot. Ang kailangan mo lang ay ang tanggapin yung mga bagay na hindi na pwede pang mangyari. Kailangan nating harapin yung mga dadating sa buhay natin na magpapakita satin kung paano talaga ang maging masaya sa kabila ng kahinaan natin."

"Naalala mo ba nung sinabi mo sakin na ang tanga ko at nagpapakaduwag pa ako? Napaisip ako, ano nga ba yung dapat kong ikatakot? Wala namang mawawala sakin. Pero Janica, alam mo... May isa pa akong naisip non, hindi ako natatakot na baka mawalan ako... Wala namang mawawala sakin. Kasi pakiramdam ko hindi naman talaga siya akin kaya hindi ako mawawalan."

"Kung ako sayo, tatanggapin ko na lang. Kung gusto mo ng ihinto itong plano natin na magpanggap at pagselosin si Aya kahit alam kong malabo namang mangyari, sige... Ihinto na natin. Aamin na ako ngayon." Pinunasan ko yung mga luha niya sa mata. Naiisip ko tuloy na si Jungkook itong nasa harapan ko ngayon. T.T JinKook na ba ituu? K.

"Pumasok ka na, may pasok ka pa bukas. Baka hindi kita mahatid. Baka kasi maghapon akong umiyak bukas dahil baka tuluyan na nga talagang mawala..."

"Oppa... Good luck. Sana maging masaya ka sa resulta." Ngumiti ako sa kaniya at naglakad papalayo.

Tama kaya yung desisyon ko? Aamin na ba ako?

Pero paano? Ano naman yung mga dapat kong sabihin? Minsan kasi kahit may lakas ka na ng loob kapag nandiyan na siya sa harapan mo, mahihirapan at mahihirapan ka pa din.

We can't predict what will happen next. Tatanggapin ko kung ano mang resulta, wala naman akong magagawa kung ayaw niya sakin.

[Asawanijin: Ako, gusto ko sayo HAHAHA! LoL]

Kahit masakit ayos lang. It's the thing about pain, it demands to be felt.

Umalis na 'ko at dumiretso muna sa building para ipagpaalam na baka hindi muna ako maka-attend ng practice bukas. Ako daw kasi yung nakatoka kay Brinna. Simula kasi nang malaman naming masyadong sensitive ang pagbubuntis niya may nagbabantay na sa kaniya.

Aya is busy. Siya yung nagmamanage ng baking school ni Brinna. Oo, napag-aaral na niya ang sarili niya this past few weeks dahil dito. Nag-aaral siya ng kagaya ng course na kinuha ni Brinna which is bread and pastry. It's just a side course tho kaya alam kong kaya ni Aya yun.

"V-ssi!" Sigaw ko agad kay Taehyung nang makita ko siya sa isang icecream shop sa tapat ng building namin.

"Oh, hyung! Bashit kha nhanshito?" Hindi ko siya masyadong maintindihan kaya naman pinalunok ko muna sa kaniya yung ice cream na nilakamon niya.

"Ang sabi ko, bakit nandito ka? Hindi mo ba alam?" Napataas ako ng isang kilay at saka umupo sa tapat niya.

"Anong hindi ko alam? May hindi ka ba sinasabi sakin? Nako, baka kalokohan mo lang yan." Sabi ko. Alam niyo naman ang isang Kim Taehyung, napakatino!

"TaeJin shipper ako hyung kaya wag kang mag-alala. Sigurado akong hindi na puputi si Namjoon hyung, tatangkad si Jimin hyung, iitim si Yoongi hyung, magiging manly si Hoseok hyung, liliit ilong ni Kookie at--" hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na 'ko agad.

"Ano ba kasi yon?!" Inis na tanong ko.

"Kasama ni Aya si Jackson, saka si BamBam at si MARK hyung!" Sino kasama ni Aya? Bakit naman siya sasama sa ibang tao? And worst! Sa kaniya pa? Bakit sumama siya sa mga yon?

"Anong sabi mo? Jackson? Pati yung dalawa pa?" Hindi pa din nagsisink in sa utak ko na kasama ni Aya si Wang at sila Tuan.

"Opo! Kanina kasi pag uwi ko aalis na si Aya. Gamit pa nga coat mo hehehe. Tapos sabi niya babalik siya after seven. Pero seven o' one na." Hindi pa rin maalis sa isip ko na... BAKIT KAILANGAN SIYANG SUMAMA SA MGA YUN?!

"Nasaan sila?" Mabilis kong sabi with matching manly tone pa oha oha!

"Nasa park. Yung pinuntahan namin dati palagi ni Faith!" Faith... Hayst.

"Napasok nanaman siya sa usapan. Taehyung... Saka paano mo nalaman na nasa park sila?" Yung totoo? May telepathy powers ba 'to kagaya ni Kai?

"Hyung, alam mo naman na-- actually kasama nila ako kanina hehe... PUNTAHAN MO NA NGA SI AYA! HAYST!" Nabigla pa ako nang tulakin niya ako papalabas at saka bumalik sa paglamon niya.

Sumakay na ako ng sasakyan at hinilamos ko yung kamay ko sa mukha ko. Medyo malapit lang naman yung park dito kaya hindi naman na magtatagal yung byahe ko.

"AAAAAH! BWISIT! BAKIT TRAFFIC?! MAGGAGABI NA!" Sigaw ko sabay umpog ng ulo ko sa manibela. Punyemas naman! Bakit ngayon pa nagka-traffic? E kung pasabugin ko kaya yung daan? Kapag lumabas kasi ako baka magka-stampede.

May billboard ata kami dito kaya nagkatraffic bigla. Hehehe. Sornaa ~ kiss ko na lang kayo.

Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang maramdaman kong may bumangga sakin mula sa likod nitong van. Sino namang babangga sakin kahit traffic? Nasa dulo na nga 'ko?!

Bumaba ako ng van at nilapitan kung sino mang tao ang nakabangga sakin. I'm not seeking for war, gusto ko lang malaman kung bakit niya ako nabangga.

"May problema po ba?" Tanong ko habang kumakatok ako sa bintana nung pink na kotse na bumangga sakin. Partida polite na yung tono ko at pinagbigyan ko na lang siya dahil pink yung kotse.

"Open this window ma'am." Sabi ko dahil hindi pa din binubuksan nung driver yung bintana. Obvious naman na babae ang driver dahil 'Keyd Dasia' ang nakalagay na sticker sa gilid.

"Ma'am! Open your window." Gusto ko na sanang sumigaw pero hindi ko magawa dahil sa dami ng mga taong nakatingin na samin. Wasak na wasak yung likod na salamin ng van, yari ako kay Brinna nito. Van niya 'to e!

Nakahinga ako ng medyo maluwag nang ibaba na ng driver yung salamin. "May problema ba, sir?" E? Lalake? Para kasing kaduda duda, plus pink pa yung kotse.

"Mind to explain kung bakit mo ako nabangga?" Polite pa din na tanong ko. Ngumiti siya sakin bago sumagot. Parang familiar yung mukha niya sakin? Parang nakita ko na siya dati.

"I'm so sorry, nagkamali lang ako ng apak. Imbis na brake naapakan ko yung gas. I'll pay for the damage." Nagbow siya ng paulit ulit kaya. Umiling na lang ako at ngumiti. Naalala kong kailangan ko pa palang puntahan si Aya.

"No need. Thank you. I need to go." Nagbow na lang ako sa kaniya at pumasok sa loob ng van, medyo maluwag na yung kalsada kahit nabangga ako. Yun lang pala kailangan e!

Agad akong nagdrive papunta dun sa park kung saan sila madalas pumunta na nga nila Faith. Akala ko dun sa tulay e.

Pagkadating ko ang daming tao sa labas. Agad ko namang kinuha yung cap, shades at face fask ko. Kinuha ko yung coat ni Aya. Hindi ko sadyang makuha yan, ayan kasi yung nahablot ko kanina sa bahay.

Bumaba na ko at saka naglakad. Sinubukan kong idial yung number ni Aya pero nakapatay na yung cellphone niya. Napakunot yung kilay ko, seven thirty na at hanggang ngayon wala pa din daw siya sabi ni Kookie sa text.

Pumunta ako sa main center ng park kung saan nandito na yung fountain. Saglit akong napatingin dito at sa paligid. Taray, mga couple ang nandito. Nahiya ako bigla.

"Oppa, oppa palimos naman po oh... Gutom na kaming magkakapatid." Napayuko ako nang may isang bata na nangangalabit sa binti ko.

"Nasaan ang mga magulang niyo?" Kinuha ko yung wallet ko at inabutan siya ng pera. Wala akong barya kaya buo na yung ibinigay ko.

"Wala na kaming mga magulang. Kami na lang ng mga kapatid ko ang magkakasama kaya ako ang nagtatrabaho bilang pinakamantanda." Biglang bumigat yung dibdib ko dahil sa awa. Ang bata naman nila mawalan ng mga magulang.

"Gusto mo kumain?" Malamang Kim Seokjin gusto niya.

"Pero wala yung mga kapatid ko." Nakayukong sabi niya kaya napangiti naman ako.

"Sige, kumain ka muna ibibili kita. Pero kapag tapos na tayo, bibilhan din natin yung mga kapatid mo. Arraseo?" Napangiti naman siya. "Saan mo gusto kumain?" Tanong ko pero dahil parang hindi niya alam. Dun na lang kami sa burger stall.

Umorder na ako ng pagkain namin. Well, nagutom ako bigla e. Binigyan ko siya ng dalawang burger na agad naman niyang kinuha at saka kami kumain ng sabay. Napaisip ako kung kumain na ba si Aya. Dahil kung hindi pa ibibigti ko ng patiwarik yung mga kasama niya.

"So, kailan pa nawala yung mga magulang niyo?" Simula ko ng topic at umupo kami sa may bench.

"Iniwan nila kami, pero yung mga kapatid ko namatayan." Napanganga ako. It means hindi sila biologically sisters and brothers? Pero yung turingan na nila.

"Ilang taon ka na?" Tanong ko sabay kagat sa burger.

"Seven." Napa-aaah na lang ako at ngumiti sa kaniya. Mukhang gutom na talaga siya kaya hindi na ako nag open ng topic.

"Bagay kayo ni ate Nicole alam mo yun?" Napatingin ako sa kaniya nang out of nowhere nagsalita na siya.

"Nicole?" Taka kong tanong.

"Siya yung eonnie at noona namin. Silang dalawa ni ate AJ. Kaso matagal ko na silang di nakikita e." Sagot naman niya.

"Talaga bagay kami?" Nakangiti kong tanong kahit hindi ko naman talaga kakilala yung Nicole na yan.

"Opo oppa!" Nakangiti niyang sabi.

"Talaga?" Parehas kaming napatingin nang may magsalita sa likod namin. "Pwede bang makahingi naman?" Siya na ba yung Nicole na sinasabi nitong bata?

"Eonnie! Ate Nicole! Pakilala kita dito kay oppa! Oppa, siya si ate Nicole!" Nilapit siya sakin nung bata at natawa na lang ako. Ganun din naman siya, lels. Kinilig yung Mario ko ah?

"Jin nga pala." Pagpapakilala ko pero tumawa lang siya at hinampas ako sa balikat. Bakit?! Ang sabi nung bata magpapakilala kami sa isa't isa e!

"Kailan ka pa naging Nicole, Aya?" Natatawang sabi ko at parehas kaming napatingin dun sa bata.

"Ya! Paboya! Aya Nicole ang buo kong pangalan diba?" Inis na sabi niya sabay hampas. "Pano kayo nagkita nito?" Tanong niya habang hawak yung bata.

"Magkakilala kayo eonnie?"

"Mas mahabang kwento." Natatawang sagot ni Aya.

"Mahabang kwento. Let's go, uwi na tayo." Nagbow naman na yung bata at umalis agad. Mukhang nandiyan na yung mga kapatid niya.

Umalis na kami agad at sumakay sa van. Gabi na kasi at hindi kami pwedeng magtagal sa ganung lugar dahil baka magkaroon pa ng issue.

"Nasaan sila Tuan?" Panimula ko.

Napangiti naman siya kaya napasingot ako sa inis. "Ang babait nila, kaso ang kulit ni Jackson at kung ano ano ang pinagsasasabi. Nakatuklas na daw siya ng kung ano." Nakangiti pa din siya kaya lalo akong napasimangot sa inis.

"Si Tuan... Ang gwapo niya." ABA, fishtea. "Mabait at ang cute ng boses niya," argh! Bwisit! "Napapatawa niya ako kahit medyo seryoso yung aura kanina. Ang bait niya talaga at--"

"Stop saying those stuffs. Nagseselos ako." Napansin kong nanlaki yung mga mata niya at napayuko niya. Kinuha niya bigla yung panyo niya at nilagay niya sa ilong niya.

Tumahimik agad yung paligid namin na parang walang gustong magsalita saming dalawa. Ngayon na Jin! Sabihin mo na! Umamin ka na sa kaniya!

Malapit na kami sa bahay. Yun ang unang pumasok sa isip ko kaya sana makaamin na ako bago pa mahuli at makain ko yung sinabi ko.

"Aya..."

"Hmm?" Ugh. Parang hindi ko kaya.

"Wala." Sabi ko. Nagpark na kami sa tapat ng bahay. Nasa labas pa din kami ng gate dahil may kotse na nakapark sa loob kaya dito na lang kami sa labas.

"About dun sa..." Hindi din niya malaman yung sasabihin niya.

Bababa na sana ako pero bigla niya akong hinawakan sa braso. Napatingin naman ako sa kaniya pero nakayuko lang siya. May gusto ba siyang sabihin?

"Seokjin..."

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 502 125
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
34.3K 596 100
hakbang. sunghoon from humss is the type of guy who doesn't want to commit. sure he have plenty of flings, nothing's new with that. then here comes s...
199K 8.3K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
11.6K 666 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...