She Who Stole Cupid's Arrow

By alyloony

35.3M 1.1M 344K

Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5 (10/30/14)
Chapter 6 (11/8/14)
Chapter 7 (11/10/14)
Chapter 8 (11/11/14)
Chapter 9 (11/19/14)
Chapter 10 (11/24/14)
Chapter 11 (11/25/14)
Chapter 12 (11/27/14)
Chapter 13 (11/28/14)
Chapter 14 (12/1/14)
Chapter 15 (12/05/14)
Chapter 16 (12/6/14)
Chapter 17 (12/9/14)
Chapter 18 (12/17/14)
Chapter 19 (12/23/14)
Chapter 20 (12/29/14)
Chapter 21 (12/30/14)
Chapter 22 (1/2/15)
Chapter 23 (01/07/15)
Next update will be on....
Chapter 24 (2/1/15)
Chapter 25 (02/07/15)
Chapter 26 (2/16/15)
Chapter 27 (3/15/15)
Chapter 28
Chapter 29 (3/25/15)
Chapter 30 (4/2/15)
Chapter 31 (04/18/15)
Chapter 32 (5/6/15)
Chapter 33 (5/19/15)
Chapter 34 (6/9/15)
Chapter 35 (6/14/15)
Chapter 36 (6/16/15)
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
The Living Arrow - Book 2 of SWSCA

Chapter 62

359K 13.5K 5.7K
By alyloony

SUPER DUPER IMPORTANT NOTE. PLEASE READ!!!

Hi dears. Marami po akong na-receive na comments last chapter (chapter 61) na hindi niyo mabasa ng maayos yung update dahil putol putol yung words and may nauulit na sentence. May bug po kasi ang Wattpad app kaya nasira ang update. I suggest na i-update niyo ang Wattpad app niyo OR basahin niyo na lang ang chapter 61 sa browser niyo, o laptop/desktop. Hindi niyo po kasi pwede i-skip ang chapter na yun kasi important chapter yun. 

Ayun lang. And yes, sira po ang wattpad kaya naging ganun ang update ko AT HINDI PO IYON TYPO. Wahaha hindi naman ako lasing nang isulat ko yun lol



Chapter 62


[Jillian's POV]

Halos mapatumba ako sa sobrang panlalambot dahil sa sinabi sa akin ni Ayesha. Ayaw mag function ng utak ko. Ayaw i-absorb nito ang lahat ng mga nalaman ko.

Si West ang nakatadhana sa akin. Isa akong Goddess. Gagawin akong apprentice ni Cupid?

Paanong nangyari yun?! Hindi yun totoo! Imposible! Hindi ako lolokohin nang ganoon ni Cupid!

Hindi niya kayang gawin sa akin ang bagay na yun. May tiwala ako sa kanya. Alam kong hindi niya magagawa yun!

Hindi nga ba?

Napailing ako.

"Tama na! Please Ayesha tama na! Wag mo nang guluhin ang utak ko! Wag mo nang sabihin sa akin ang mga kasinungalingan na 'yan!"

"Jillian, nagsasabi ako sa'yo ng totoo."

"Pero bakit?! Sige nga! Paano ako magiging goddess?! Mortal pareho ang mga magulang ko!"

"Sigurado ka Jillian? Nakilala mo ba ang iyong ina?"

Napailing ulit ako.

"Hindi batayan 'yun Ayesha!"

"Walang mortal ang makakagamit ng kapangyarihan ng compass Jillian."

"Hindi ko naman nagagamit ang kapangyarihan ng compass eh!"

"Sigurado ka?"

"Oo! Sigurado—"

Natigilan ako.

Naalala ko dati nung nasiraan ng kotse si West. Hiniling ko na sana maayos na 'to. Nagulat ako nang biglang umilaw ang compass at naayos ang kotse ni West.

At nung time na nalasing ako. Nakapag teleport ako nun sa condo ni West.

"Ano Jillian?"

Napahawak ako sa ulo ko.

"Naguguluhan ako. Hindi ko na alam!"

"Naiintindihan kita Jillian. Alam kong magulo peero sana makinig ka sa akin. Kayo ni West ang nakatadhana Jillian. Pero binago ni Cupid ang book of soulmates at idinuktong niya ang pangalan mo kay Zyron at si West naman ay kay Ana."

"Bakit niya gagawin yun? Kung buburahin lang din naman niya ang pangalan ko sa book of soulmates, bakit kailangan pa niyang iduktong si Zyron sa akin?!"

"Dahil gusto niya akong saktan at gusto niyang hindi ko malapitan si Zyron. Reincarnation ng lalaking mahal ko si Zyron at dahil hindi pa ako patay at ginawa akong immortal ni Aprhodite, sa akin pa rin ang nakaduktong ang tadhana niya. Pero nabura nga ang pangalan ko sa book of soulmates kaya naman walang nakaduktong para kay Zyron. Pero dahil idinuktong niya ang pangalan mo kay Zyron, hindi ko siya malapitan Jillian. Ikaw ang ginawang pangharang sa akin ni Cupid."

Napapikit ako. Pilit kong nilalabanan ang mga luha sa mata ko.

"At si Ana?"

"Nakatakdang mamatay si Ana ng maaga dahil sa isang sakit kaya wala rin siyang soulmate. Kaya naman naging madali ang pag duktong ni Cupid ng pangalan ni West sa kanya."

My hand balled into fist. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga sinasabi sa akin ni Ayesha.

At biglang nag flashback sa isip ko ang sinabi ni Cassandra.

Mag ingat ka sa pagbibigyan mo ng tiwala, Jillian dahil maari mo itong ikapahamak.

Tiwala. All this time nagtitiwala ako kay Cupid. All this time.

"At pag natapos ang lahat nang 'to, isasama na niya ako? Kahit ayaw ko?"

Malungkot na tumango si Ayesha.

"Gagawin nila sa'yo ang ginawa nila sa akin."

Dito na tuluyang bumagsak ang luha ko.

Bakit ganun? Ang hirap hirap paniwalaan na magagawa ito ni Cupid. Pero totoong totoo naman ang sinasabi ni Ayesha.

"Jillian, kailangan mong magtiwala sa akin. Alam kong mahirap pero ayokong magaya ka sa akin. Ayoko ring mapahamak ka katulad ni Cassandra."

Napatingin ako bigla kay Ayesha. "Si Cassandra?! Kilala mo siya Ayesha?!"

"Oo Jillian. At alam kong binalaan ka niya na mag ingat ka sa pagkakatiwalaan mo. Kaya naman pinatay siya ni Cupid para hindi siya mo malaman ang totoo Jillian."

Napatakip ako ng bibig at tuluyan akong napaluhod.

Naalala ko bigla ang reaksyon ni Cupid nang sabihin ko sa kanya ang bagay na yun. Hindi siya makatingin sa akin. Hindi siya mukhang malungkot sa nangyari. Ni hindi siya na bother sa kung sino ang pumatay kay Cassandra. Sinabi pa niya na isang fraud si Cassandra.

Shit.

Dapat doon pa lang nawalan na ako nang tiwala sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit nakuha ko pa ring magtiwala sa kanya nun.

At hanggang gustong gustong gusto ko pa ring pagkatiwalaan si Cupid.

Pero palagi siyang naglilihim sa akin. Wala akong alam sa mga plano niya. Ni hindi niya sinasabi sa akin kung saan siya nagpupunta kapag nawawala na lang siya.

"Hindi na ba pwedeng mabago ang lahat nang ginawa niya?" halos pabulong kong tanong kay Ayesha.

Lumuhod si Ayesha sa harapan ko at ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong balikat.

"Jillian, pwede pa. May paraan pa. Pero dito, kinakailangan ko ng tulong mo. Syempre, hahayaan kitang mag desisyon kung tutulungan mo ako o hindi."

"Paanong paraan?"

May inilabas si Ayesha na isang golden dagger mula sa bulsa ng itim na bestidang suot niya.

"Ikaw ang living arrow ngayon ni Cupid, Jillian. Ikaw ang makakatama sa mga ginawa niya. Nasa akin pa ang pana ni Cupid pero wala nang arrow na natitira. Kailangan natin ng bago, Jillian. May ginawang bagong pana si Hephaestus para kay Cupid. Kailangan nating kumuha ng dalawang pana doon at dalawang patak ng dugo ni Cupid na nag mula sa hiwa ng ginituang patalim na 'to."

"At kailangang ako ang kumuha?"

Tumango si Ayesha.

"Papanain mo si West para iduktong ang kapalaran niya sa'yo. Gagawin mo rin iyon kay Zyron para iduktong ang kapalaran niya sa akin at maibalik ang pangalan ko sa book of soulmates."

Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa patalim na hawak ni Ayesha.

"Ano Jillian? Kaya mo ba? Magagawa mo bang mag tiwala sa akin?"

Tinignan ko ng seryoso si Ayesha at walang sabi-sabi ay kinuha ko ang patalim sa kamay niya.

Nginitian niya ako.

"Ginawa mo ang tama Jillian. Mahahanap mo si Cupid gamit ang compass mo. Magiingat ka."

~*~

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nagmamaneho ako papunta sa kinalulugaran ni Cupid. Alam ko, kahit hindi ko na tignan ang compass, alam ko na kung nasaan siya.

Doon sa lugar kung saan ko siya unang nakita. Sa malaking bahay sa Tagaytay.

Halos hindi ako makahinga dahil sa kaba. Alam kong pinangungunahan ako ng takot ngayon. Ang daming what ifs na tumatakbo sa isip ko.

At malamang, kung magkakamali ako, maari kong ikapahamak 'to.

Pero there's no other way. I have to do this. I have to follow my instincts.

Malinaw na ang isip ko sa dapat kong gawin. Buo na ang desisyon ko.

Pero sa ngayon, kailangan ko ng lakas ng loob.

Nakarating na ako sa malaking bahay. Napahawak ako nang mahigpit sa compass at parang kumukuha ako rito ng lakas ng loob.

Huminga ako nang malalim at bumaba sa kotse.

Pumasok ako sa gate ng bahay at agad kong pinuntahan ang garden nito. Wala pa ring pagbabago sa itsura. Naalala ko ang huling beses na nakita ko 'to ay ang araw din kung saan ko ninakaw ang pana ni Cupid.

Nilapitan ko ang fountain sa gitna ng garden at sumampa ako rito. Katulad nang dati, unti unti akong lumulubog sa fountain kaya naman napapikit na lamang ako.

Nang imulat ko ang mata ko, nandito na ako sa loob ng hidden room ni cupid. Sa gilid ng hidden room, nakakita ako ng isang kama. At doon, nakahiga si Cupid at mahimbing na natutulog.

Parang pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko habang papalapit ako sa kanya. A part of me is telling me to stop. Na wag ko nang ituloy itong binabalak ko.

Pero hindi. Wala nang atrasan 'to. Kailangan kong gawin ito.

Nang makalapit na ako kay Cupid, inilabas ko ang golden dagger atsaka ko ito itinaas.

~*~

"Jillian!!" salubong sa akin ni Ayesha nang makabalik ako sa kweba niya.

Napatingin ako sa likuran ni Ayesha. May dalawang lalaki ang lumulutang sa ere habang walang malay.

Si West at si Zyron.

"Nakuha mo?"

Ipinakita ko sa kanya ang dalawang arrow na nakasukbit sa likuran ko. Inilabas ko rin ang maliit na bote kung saan ko inilagay ang dugong nag mula sa sugat ni Cupid.

Napangiti si Ayesha.

"Teka, si Cupid?" tanong niya.

Nginitian ko rin siya.

"Matapos ko siyang saksakin sa braso, bigla na lamang siyang nawalan ng malay."

Napatango si Ayesha.

"Kinuha ko na si West at Zyron dahil kinakailangan na natin 'tong gawin agad, Jillian. Handa ka na ba?"

Tumango ako at tinignan ko siya nang walang pag-aalinlangan.

Kinuha ni Ayesha ang pana ni Cupid at iniabot niya sa akin.

"Kailangan mo na silang panain, Jillian."

Kumuha ako ng isang arrow na nakasubit sa likuran ko. Nilagyan ko ang pinaka patalim nito ng isang patak ng dugo ni Cupid atsaka ko ito itinutok kay West.

"Gawin mo na Jillian. Ibalik mo sa'yo ang lalaking mahal mo! Ang lalaking talagang para sa'yo!"

Huminga ako ng malalim. Tinignan ko si West. Napapikit ako.

I'll save you, West.

Nang muli kong idilat ang mata ko, pinakawalan ko ang pana sa kamay ko.

Pero kesa kay West ko itinira, pinatama ko ito sa may lagusan ng kweba.

Parang may nabasag na invicible mirror sa lagusan ng kweba nang tamaan ito ng pana. At doon, nakita kong nakatayo si Cupid habang nakangiti ng malawak.

"A-anong ibig sabihin nito?! Jillian?!" dinig kong tanong ni Ayesha.

Nilingon ko siya at nginitian ng malawak.

"Sorry Ayesha, pero walang makakasira sa tiwala ko kay Cupid."

"Hi Ayesha! Namiss kita!" dinig ko namang sabi ni Cupid.

Nanlalaki ang mga mata ni Ayesha habang nakatingin sa aming dalawa ni Cupid.

"Nahihibang ka na ba Jillian?! Matapos nang lahat ng sinabi ko sa'yo, siya pa rin ang pinaniwalaan mo?! Nabubulag ka na! Buksan mo ang mga mata mo. Si Cupid ang kalaban!"

"Talaga?" mahinahon kong tanong habang kumukuha ulit ako ng pana sa aking likuran at ngayon ay itinapat ko na ito kay Ayesha.

"Jillian!"

"Ayesha, bakit hindi mo gisingin si Zyron ngayon? Gusto ko siyang makausap."

Hindi umimik si Ayesha pero kita ko ang gulat at galit sa mata niya.

Tinignan ko siya ng seryosong seryoso.

"Dali na Ayesha. Gisingin mo si Zyron. Gusto kong makausap ang taong tinutukoy ni Cassandra na magtataksil sa akin."

To be continued...


Continue Reading

You'll Also Like

174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
2.8M 73K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
1K 55 15
Drunk Love "A short story that takes you to a new face of romance." This is a valentine's day special, so I'll try to finish this story at that very...
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...