Courting the Fortune-teller

Galing kay Shaiceee

1.7M 38.4K 4.1K

Meet Kira Fate Suarez. Ang fortune-teller ng Azlar High. Break up, Ligaw, Saya, Disgrasya --Halos lahat ng ya... Higit pa

Courting the Fortune-teller
1. The Red Girls
2. Akala ko
3. Babaeng Palengkera
4. Tiffie
5. Bakit
6. ZAF
7. Single
8. The Friendly Date
9. Kailangan
10. What the hell
11. Tanga
12. Ikaw
13. Linds
14. Ako
15. Pugits
16. Inlove?
17. Bakit
18. Better luck next time
19. Like
20. Bakla
21. HHWW
22. Pasaway
23. Sweet
24. Ibang klase
25. Iwas
26. Back out
27. Babe
28. Wife
29. Red
30. Mahal na mahal
31. Nanay
32. Passed
33. Pabor
34. Boss
35. Sign
36. Meeting
37. I love you, babe
38. Sorry
39. Letter
40. A date to remember
41. Superbabe
42. Sky
43. Sino
44. Party
45. Baby
46. Cloudy
47. Nagaalala
48. Arcie
49. Always
50. Paano
51. Dreizen
53. Lalaban
54. Kinalimutan
55. Queen
56. Love

52. Kasalanan

8K 264 27
Galing kay Shaiceee




                 

Bago kayo magbasa, gusto 'ko lang iparating na love na love 'ko kayo! Hahaha.

PS. Baka hanggang chap60 lang tayo then epi na! Kapit lang.


//


Puting kapaligiran agad ang tumambad sa akin pagbukas pa lamang ng aking mata. Malabo pa ito sa una pero unti-unti ding luminaw ang lahat. Babangon dapat ako ngunit parang may mabigat na bagay na nakalagay sa buong mukha 'ko na para bang hindi 'ko magawang iangat ito.


            "Oh my God, Kira! Nay, gising na si Kira!" Nailipat ang tingin 'ko ngayon kay ate Kendice na maganang-maga ang mata at mukhang kulang na kulang ang tulog. Hindi 'ko alam kung bakit parang naiiyak siya habang nakatitig sa akin pero kahit na ganoon ay nakita 'ko ang isang matamis na ngiti sa kaniya labi. Naramdaman 'ko ang mahigpit na paghawak niya sa kamay 'ko at kasabay 'non ay ang pagtulo ng luha mula sa kaniya mata. "Are you okay, Kira? Anong nararamdaman mo?"


            Hindi 'ko alam pero kahit na nahihirapan akong kumilos at gumalaw ngayon, pinilit kong kumapit din sa kamay niya at ngumiti ng tipid. Ngumiti si Ate Kendice sa akin at ngayon, tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha mula sa kaniyang mga mata.


            Sinilip 'ko ang tao sa likod ni Ate Kendice at doon 'ko napansin na si Nanay pala iyon, may kausap siya ngayon mga nurse at doctor. Habang kausap ang mga doctor, kagaya ni Ate Kendice ay iyak din siya ng iyak. Hindi 'ko maintindihan. Ano ba ang nangyari?


            Hindi 'ko alam kung anong nayayari.


            Wala akong ideya sa mga nangayayari sa akin.


            Bakit pakiramdam 'ko ang daming bagay ang nangyari na ayaw kong mangyari? Bakit pakiramdam 'ko ang daming hindi magandang balita ang sasalubong sa akin?


            Habang sunod-sunod ang tanong sa isip 'ko ay isa-isa ding bumalik sa aking isip kung ano ang nangyari sa akin, sa amin, mula sa kung paano kinuha sa school hanggang sa kung paano dumating si Jared para iligtas ako. Lahat ng iyon, parang bangungot na pumasok sa isip 'ko. Hanggang sa nagtapos iyon sa putok na narinig 'ko. Sa isang putok ng baril na alam kong hindi na ako ang tinamaan.


            "Jared." Iyon ang pinaka-unang salita na lumabas sa aking bibig. Basag pa ang boses 'ko habang sinasabi ang pangalan niya. May itatanong na dapat ako kay Ate Kendice pero biglang pumaligid na sa akin ang mga nurse at ang doctor.


            Ang dami kong gusting itanong, ang dami kong gusting malaman pero hindi 'ko magawang itanong. Maya-maya ay nakaramdam na naman ako ng kung anong bagay na tumusok sa tagiliran 'ko kaya naman nakaramdam agad ako ng antok sa katawan 'ko at biglang pagbigat ng mga mata 'ko.


            Pero isa ang sigurado ako bago ako makatulog,


            Basa na naman ang mga mata 'ko dahil sa kaniya.





PAGKAGISING 'KO ngayon, ang buong akala 'ko ay si Ate Kendice at Nanay na naman muli ang sasalubong sa akin, pero hindi. Nakita 'ko si Mama na nakatulog sa gilid 'ko habang hawak-hawak ang kamay 'ko. Iginalaw-galaw 'ko iyon ng kaunti para lang maipaalam sa kaniya na gising na ako.


            Agad naman siyang bumangon at nakita kong kagaya nila Ate Kendice ay magang-maga din ang mata ni Mama. Magsasalita na dapat ako pero natigilan ako kasi biglang humagulgol si Mama, literal na humagulgol talaga na may kasamang maingay na pagiyak. Yung tipong akala mo patay na ako.


            "Anak punyeta ka! Akala 'ko patay ka na! Nakakaloka kang bata ka, sobra sobrang tulog na yang ginagawa mo! Pero, labyu anak! Mabuti idinalat mo pa yang mata mo! Kinabahan ako, punyeta ka talaga!" Pasigaw niyang sabi sa akin habang umiiyak pa din siya na parang bata na hindi nabigyan ng candy.


            Hindi 'ko alam kung matatawa ba ako o ano sa sinabi sa akin ni Mama, pero dahil baliw din ako kagaya ng mama 'ko, umiyak din ako habang sinuklian ang mahigpit niyang yakap. Nanay 'ko nga talaga tong babaeng 'to, parehas kaming baliw eh. "Syempre, Ma. Walang magpapaganda ng araw mo kung mawawala ako." Mahinang sambit 'ko dahil medyo nahihirapan pa din ako.


            Tumawa si Mama at lumayo sa akin. Inayos niya ang buhok 'ko at iyak pa din siya ng iyak na parang ewan, pati tuloy ako natatawa at umiiyak ngayon. "Ayos ka na ba anak? Anong nararamdaman mo ngayon? Sabihin mo punyeta ka, baka biglang sumara yang mata mo at hindi na muling dumilat!" Pabiro niyang sabi.


            Mas gumaan ang pakiramdam 'ko ngayon kung ikukumpara nung gumising ako at sila Ate Kendice ang naabutan 'ko, parang may kung ano sa pakiramdam 'ko ang bumuti ngayon.


            Mahina akong tumawa at dahan-dahang tumango sa kaniya. Hawak-hawak 'ko lang ang kamay ni Mama. Ang buong akala 'ko, hindi 'ko na ulit 'to magagawa.  Akala 'ko hindi 'ko na ulit makikita ang pamilya 'ko. "Ayos naman na, Ma'am. Medyo masakit lang ang ulo 'ko tapos medyo masakit lang katawan 'ko. Pero keri boom naman, Ma."


            Tumawa si Mama at pinunasan ang luha niya, "Mabuti naman, 'nak. Mawawala din 'yan, sabi ng doctor ganun daw talaga pero mawawala din daw 'yan. Basta magpagaling ka lang ng maayos." Inaayos niya ang buhok 'ko habang sinasabi iyon sa akin. Magtatanong na dapat ako tungkol kay Jared pero agad namang bumukas ang pinto ng kwarto, at agad kong nakita si Papa.


            Nabitawan niya yung paperbag na hawak-hawak niya at agad na tumakbo sa akin at agad akong binigyan ng isang mahigpit na yakap. Tumawa ako at yumakap din kay papa. "Nak! Salamat sa Diyos! Akala 'ko hindi na kita makikita!" Sabi niya at paulit-ulit na hinahalikan ang noo 'ko. Napatawa ako at ganoon din si Mama na inayos ang dala ni Papa. "Ayos ka lang ba, 'Nak? Anong nararamdaman mo? May masakit ba? Sabihin mo ha? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Bibilhin ni Papa."


            Ngayon 'ko lang nakitang ganito si Papa, tahimik lang kasi ito si Papa at hindi din masyadong showy sa amin pero alam 'ko namang mahal na mahal kami nito. Minsan lang siya nagbabaliw-baliwan hindi katulad ni Mama na minsan lang maging normal. Kaya ngayong nakikita 'ko si Papa na ganito, hindi 'ko magawang hindi matuwa at maiyak.


            "Pa, ayos lang ako. Hindi naman ako baby!" Natatawang sabi 'ko sa kaniya. Hinawakan ni Papa ang kamay 'ko at ngumiti sa akin. Mangiyak-ngiyak siya habang nakatitig sa akin. Tumabi si Mama kay Papa at umupo sila sa gilid ng kama 'ko, madami silang sinabi tungkol sa kalagayan 'ko at kinwento simula ng makarating ako dito.


            Buong pagke-kwento ay si Papa lang ang nagsasalita dahil walang ginawa ang magaling kong Nanay kundi umiyak sa gilid ni Papa, para siyang background music habang nagkkwento si Papa.


            "Pa, si Jared? Kamusta po si Jared? Nasaan po siya? Bumisita po ba siya sa akin? Alam niya po bang nagising na ako?" Basag ang boses 'ko sa mga huling tanong 'ko. Hindi 'ko maipaliwanag ang pakiramdam 'ko habang itinatanong iyon kay Papa, parang sasabog ang puso 'ko sa kaba at hindi ' 'ko masabi sabi kung bakit. Kanina pa ako nagbabalak na itanong 'to kay Papa pero hindi 'ko magawa dahil parang nararamdam iyon ni Papa at agad niyang iniiba ang kwento.


            Nakita 'ko kung paano humigpit ang hawak ni Mama sa kamay ni Papa. At doon pa lang ay hindi na maganda ang kutob 'ko. Tumingin si Papa kay Mama na para bang may tinatanong, matagal bago bumuntong hininga si Mama at tumango kay Papa.


            "Ma, a-ano pong nangyari? May hindi po ba nangyaring maganda?" Hindi 'ko alam kung bakit nagtatanong pa lang ako ay naiiyak na ako, dumoble ang kaba 'ko dahil sa nararamdaman 'ko.


Nararamdaman 'ko kasing may mali sa nangyayari, nararamdaman kong may dapat akong malaman pero hindi 'ko malaman-laman.


            At natatakot akong totoo iyon. Natatakot ako dahil baka kapag nalaman 'ko kung ano iyon ay hindi 'ko kayanin.


            Nakita kong pinilit na tumahan si Mama at pinunasan ang kaniyang mata bago buumuntong hininga sa akin. "A-anak.." Mahinang bulong niya at tumingin ulit kay Papa na nakayuko lang ngayon.         


            Ano ba talaga ang nagyayari?


            Ano ba talagang nangyari kay Jared?!


            "Ma, Pa, ano ba?!" Hindi 'ko naman sinasadyang pagtaasan ng boses sila Mama at Papa, pero ayaw 'ko lang na patagalin pa ito. Ayokong ako pa ang huling taong makakaalam kung anong nagyayari kay Jared. "Ma, Pa, anong nangyari kay Jared? Ayos lang naman siya diba? Diba, Ma?"


            Basag na basag na ang boses 'ko at pinipigilan kong huwag humikbi sa harap nila.


"Anak, hanggang ngayon kasi, hindi pa din gumigising si Jared. Nung nabaril ka, dapat ay babarilin ka ulit sa dibdib pero agad na sinalo ni Jared 'yun, Anak. Natamaan si Jared malapit sa dibdib, at delikadong-delikado ang kalagayan niya ngayon. Na-coma si Jared, Kira. Hindi masabi kung kalian siya gigising. P-pero, g-gising pa din naman siya eh. Kilala mo naman 'yun diba! Baliw ang batang 'yun. L-lalaban 'yun." Malungkot at mahinang sabi sa akin ni Mama. Pagkasabi niya noon ay parang sumabay din ang pagkawasak at pagkasira ng mundo 'ko. Ang ngiti sa labi 'ko ay agad ng nawala at kasabay 'non ang awtomatikong pagbuhos ng luha 'ko. Umiling-iling pa ako habang umiyak, nagawa 'ko pang tumawa.


            Hindi iyon pwedeng mangyari.


Nagbibiro lang sila.


            Maya maya lang dadating si Jared dito at sasabihin na joke lang lahat ng iyon at magsisimula na siyang humingi ulit ng tawad. Magsorry ng magsorry sa akin. Ganun naman ang mangyayari diba?


Hinintay kong tumawa sila Ma, na sabihin na joke lang ang mga sinabi niya. Pero wala. Wala akong narinig kahit isa, ang tanging naririnig 'ko lang ay ang mahinang paghikbi 'ko. Kitang-kita 'ko ang lungkot sa mata ni Mama at Papa habang nakatitig sa akin.


"Paano, Ma? Ako na yung nabaril, 'diba? Ako na iyong nasaktan, bakit nasama pa si Jared?" Hirap na hirap kong tanong habang umiiyak ako. "Pa, joke lang 'to ni Mama diba? Pa diba? Jared! Alam kong nandyan ka! Lumabas ka na dyan! Jared.." Paulit-ulit ako sa sinasabi 'ko habang umiiyak ako.


Nilapitan ako ni Mama at Papa at pinilit akong patahanin, niyakap ako ni Mama at sinabihan na magiging maayos din ang lahat. Ayaw kong maniwal sa mga sinabi nila, alam kong hindi totoo ang mga iyon, pero ayoko ding lokohin ang sarili 'ko dahil halatang halata naman kung ano ang totoo.


Nang medyo kumalma na ako ay pinilit 'ko si Papa na samahan ako sa kwarto ni Jared, nasabi kasi ni Mama na nandito lang din sa parehas na Hospital si Jared. Hindi dapat pwede pero hindi ako nagwala ako ng ayaw nila akong payagan. Pero sa dulo ay pinayagan din naman ako, pero wheel chair dahil hindi pa din ako ganoon kaayos.


Si Papa lang ang sumama sa akin, at naiwan si Mama sa loob ng kwarto 'ko. Habang papunta kami sa kwarto ni Jared ay umiiyak na ako, ang dami dami ng bagay ang pumapasok sa isip 'ko at hindi 'ko na magawang kumalma. Wala na akong magawa kundi ang umiyak.


Hindi 'ko inasahan na aabot kami sa ganito. Bakit kailangang umabot pa sa ganito? Bakit ba hindi na lang pwedeng maging masaya na lang kami? Bakit ba ang dami-daming pilit na sumisira sa amin?


Huminto kami sa isang kwarto, at alam kong ito na iyon. Makikita 'ko na siya. Hindi 'ko maipaliwanag ang nararamdaman 'ko, parang ayaw 'ko ng tumuloy pero gusto kong malaman yung kalagayan niya. Pakiramdam 'ko puputok na ang puso 'ko sa lungkot, kaba at takot ngayon. Pero kahit na ganoon ay pinilit kong ikinalma at inihanda ang sarili 'ko. Tumingin ako kay Papa kumatok sa pintong nasa harap 'ko.


Hindi nag-tagal ay nagbukas din 'yon. May narinig akong nagsalita, pero hindi 'ko iyon naintindihan.


Dahil pagka-bukas pa lamang ng pintong nasa harap 'ko, siya na agad ang nakita ng mata 'ko.


Na para bang siya lang ang pinakaimportanteng tao na kailangan kong makita ngayon.


Habang tinutulak ako papalapit sa kaniya ay wala akong magawa kundi ang humahagulgo, takip takip 'ko ang bibig 'ko, hindi makapaniwala sa nangyari. Wala na akong pakialam kung may mga tao sa paligid 'ko. Sobrang sakit ng nakikita 'ko ngayon na para bang wala akong magawa para lang maibsan 'yun kundi ang umiyak.


Habang nakikita ko si Jared na walang kabuhay-buhay sa harap 'ko, kung ano-anong bagay ang nakalagay sa katawan niya, at ang mga pasa, sugat at galos na natamo niya dahil sa nangyari sa amin ay parang onting-onti din akong pinapatay.


Nanginginig ang buong katawan 'ko lalo na ang mga kamay  'ko habang inaabot ang kamay ni Jared, hindi 'ko maipaliwan ang naramdaman 'ko ng maramdaman 'ko ang malamig niyang kamay, parang pinipiga ang puso 'ko habang ginagawa iyon. Hinawakan 'ko ito sobrang higpit, mahinang nagdadasal habang hinahalikan ang kamay niya.


Hindi mo naman ako iiwan, hindi ba? Gigising ka din naman 'di ba?


Habang nakikita 'ko siyang ganito sa harap 'ko ay hindi 'ko mapigilang isipin..


Ako. Ako ang dapat sisihin kung bakit nangyari ito. Ako ang may kasalanan.


Ako. At ito ako, walang magawa kundi ang iyakan lang siya ngayon at hintayin na gumising siya.


Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

120K 4.5K 43
Is it worth it to invest feeling to someone who never appreciate your existence? On-going
43K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
176K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
78.8K 3.1K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...