HIS MODERN CINDERELLA (Taming...

By fedejik

6.2M 171K 11.3K

Nasanay si Vaughn na nakukuha ang lahat ng kanyang gusto. Nang makilala niya si Natalia ay naranasan niya an... More

Teaser
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Epilogue

Chapter 50

105K 2.9K 353
By fedejik


CHAPTER 50

VAUGHN CRAIG's POV

"So, what do you think of that?" nakangising tanong pa ni Dalton.

"You want me to die?" asik ko pa kay Dalton na hindi matatawaran ang ngiti sa labi.

"Love is about sacrifice. Ayaw mo n'un? Ang ganda kayang ending noon!"

Nagtawanan ang barkada. Obviously, they are enjoying torturing me.

"But it's gross, dude. At sa tingin mo saang lupalop pa mangongolekta si Natalia ng mga dumi at ihi?" natatawang sabi pa ni Terrence.

"Aish, ganyang ganyan mga nangyayari sa teleseryeng pinapanood nila Janella at Jordan!" depensa pa ni Dalton na nakangisi pa rin.

"Pati nga si Kirsten, hawang-hawa na!" reklamo pa ni Chance.

"At bakit kailangang maghalikan pa sila?" inis ko pang asik kay Dalton.

"Dude, dapat magmukha kang kaawa-awa! E, gago ka sa una mong eksena, so, dapat lang na halos mamatay ka na sa sobrang selos at sakit!" tawang-tawa pang sabi ni Dalton. I rolled my eyes in frustration.  "And, besides, sa dami mong fans turned to haters, they would agree with the ending."

"Fans?"

"Just recently, my wife Janella, Jordan, Kirsten and Chloe created the VCDR Haters Club.  Isama mo pa pala si Isay na na-recruit na nila," natatawa pa ring sabi ni Dalton. Puro kalokohan ang alam ng gagong ito.  "Dahil sa sinira mo ang story ni Cinderella, ayun, haters mo na sila."

Malakas na naman silang nagtawanan. These people I called my friends, huh?

"E, bakit pinatay mo agad si Vaughn? Sana na comatose man lang o kaya nagka-amnesia. Mas exciting sana," natatawang komento rin ni Chance sabay nakakalokong ngumiti sa akin.

"Yeah, well, I was thinking about that, too. Mas maganda nga siguro kung mas nahirapan pa si Vaughn, para makabawi man lang siya kay Natalia, hindi ba, dude?" nakangising baling pa sa akin ng gago. 

"You're terrible," pasuplado ko pang sabi. "Natalia will never be like that. She's Cinderella. Her heart is pure," iiling-iling ko pang komento.

Hindi ko alam kung nandito ba sila para tulungan ako o para mas lalo lang akong bigyan ng stress. Matagal na panahon na nga akong hindi mapagkakatulog sa sobrang takot at pag-aalala.

May kung ilang beses na nga rin akong nananaginip tungkol kay Natalia at Austin. Those dreams that made me so restless. I hope she wasn't kissing Austin. I hope it wasn't too late for me to fix things. Hindi man kaaya-aya ang aking panaginip, there was something good about it. I get to see her beautiful face I've been missing since the day she left.

I couldn't deny it. I am still very much in love with her. At kahit pa anong pagkakamali ang nagawa niya noong nakaraan, handa akong tanggapin iyon bumalik lang ulit siya sa akin.

"May invitation ka rin ba galing kay Madam Enriqueta Briones? 'Yung Lola ni Austin," nang-uusisa pang tanong ni Terrence. He was referring to Austin's grandmother.

Kasalukuyan kaming umiinom sa bar ni Danzel. Paminsan minsan akong bumabalik sa Bistro sa pag-iisip na mapunta roon si Natalia.  Though, umaasa akong hindi na siya bumalik doon.

"Yeah." Tamad akong tumango sabay inom ng Vodka.

"So, you'll get to see Natalia again, huh?" nakangisi pang sabi niya at napailing lang ako. Hindi ko pa rin alam ang dapat na gawin para lang kausapin niya ako.

"Austin is all over her," inis pang sabi ko lang at muling nagsalin ng alak sa baso. Naiisip ko pa lang kung paano niya hawakan si Natalia sa baywang ay gusto ko na magwala.

"Sam is all over you. Quits lang kayo," sabat pa ni Chance na bahagya pang umismid.

"Si Sam lang 'yun and not me," inis pang sagot ko bago malalim na humugot nang buntong-hininga.

"The question was, does she want you back?" nakaismid na tanong pa ni Dalton. At sa totoo lang ay hindi na sila nakakatulong sa akin ngayon.

"I don't care. I want her and I'll get her back," tiim-bagang ko pang sabi at wala na akong pakialam sa babanggain ko.

"Magagalit ang parents mo, dude. Baka itakwil ka rin katulad nang ginawa ng parents ni Dalton noon," natatawang sabat ulit ni Chance.

"I don't care. Nagkamali na ako noong hindi ko man lang siya ipinagtanggol sa harap ng parents ko. Ayoko nang ulitin iyon dahil ayokong tuluyan siyang mawala sa akin."

"Sana umpisa pa lang naisip mo na 'yan, dude," iiling-iling pang sabi ni Tyrone sabay inom ng alak sa baso.

"I was a fvcking coward. I should have stand for her and believed her. I'm afraid it was too late for me to bring her back," natatakot ko ring pag-amin.

"You can't changed what already happened. Nand'un na 'yon. Pero kaya mo na nga bang manindigan ngayon? Or kailangan mo pa ba ng pruweba sa mga akusasyon kay Natalia noon?" si Terrence.

"I love her... That's the truth I knew."

"But... Just what if. What if everything turns out to be true, can you really live with that?" seryosong tanong pa ni Tyrone habang matamang nakatitig sa akin.

Malalim akong humugot nang buntong-hininga bago sumagot.

"I'm not perfect neither she was. But she loved me... Iyon sana ang pinanghawakan ko umpisa pa lang."

"The pictures taken were real, dude," seryoso pang dugtong niya na nakapagpakunot-noo sa akin.

"W-what?"

"Ang pictures nina Natalia at Charlie. They were real," pag-uulit ni Tyrone bago sumimsim ng alak.

Awang ang labi kong napatitig sa kanya. My eyes watered from pain. It felt like my heart was stabbed a million times again.

Ilang beses kong sinubukang magsalita pero walang salitang lumabas sa bibig ko. Parang nagbalik lahat nang sakit. Yumuko ako at pilit na pinaglabanang 'wag maiyak sa harap nila.

Naaawa naman silang tumitig sa akin at wala akong nagawa kundi yumuko at paglabanang umiyak na parang bata.

"Ang hindi natin napagtuunan nang pansin ay iyong kasama," dugtong pa niya na muling nakapagpaangat nang tingin ko.

"What?" Naguguluhan pa akong tumitig sa kanya.

"Iyon pa ang inaalam namin ngayon. Kung sino. Kung sana nagsalita man lang si Natalia noon," si Dalton na makahulugan pang nakipagpalitan nang tingin kay Tyrone.

"It could be her sister Andrea," sigurado ko pang sagot.

"Maybe..."

Gigil akong napatayo at marahas na ginulo ang aking buhok.

Oh fuck! I really fucked up!

"I'll make them pay! All of them!" galit na sigaw ko pa sabay nagpigil ulit ng emosyon lalo pa nga't nakakuha na rin ako nang atensyon.

"You needed to relax, dude. Kailangan pa namin nang karagdagang impormasyon." Si Chance na sinenyasan pa akong umupo.

"I needed to win her back, whatever it takes!" nangangalit ko pang sabi.

"Well, then, good luck," nakangisi pang sabi ni Dalton. Alam kong kailangan ko talaga nang maraming good luck ngayon. She hated me so much. At alam kong hindi magiging madali na makuha ulit ang loob niya.


Matapos ang gabing iyon, kinabukasan ay agad din akong nagpasama kay Terrence na pumunta sa mansion ng mga Briones. Though, kinailangan ko pang uminom nang kaunti para lang makakuha nang sapat na lakas ng loob. I needed to talk to her. Kahit na ay ano gagawin ko, kausapin lang ulit ako ni Natalia.

"Sorry po, sir. Ayaw daw po makipag-usap ni Ma'am Natalia," nagkakamot pa ng ulong sabi ng guard. Kanina pa kami nagkukulitan at hindi ko alam kung papaano ko ba siya makukumbinsi. Tahimik at iiling-iling lang si Terrence habang nakaupo sa hood ng kotse. Ayaw man lang akong tulungan nang gagong 'to!

"Sandali lang naman. Importante lang. Please, pakisabi, fiancé niya," pakiusap ko pa at nahihilo na rin ako sa dami nang nainom ko. Fvck. Hindi na nga yata ako sanay uminom.

"Sorry po, sir. Nakukulitan na sa akin si Ma'am. Pasensya na po." Kakamot-kamot pa siya ng ulong napapasulyap d'on sa isa rin niyang kasamahan na nasa guard house. But I am not giving this up.

"NATALIA! NATALIA! PLEASE TALK TO ME, PRINCESS. PLEASE!" malakas pang sigaw ko at narinig ko na lang ang paghagalpak nang tawa ni Terrence. Pagbaling ko ay hawak pala niya ang kanyang cellphone at mukhang ibini-video ako nang gago! Ugh, asshole!

"Sir, 'wag po kayo mag-eskandalo rito o mapipilitan kaming itaboy kayo rito," banta pa n'ung guard, pero wala na akong pakialam.

"NATALIA! NATALIA! COME OUT, PLEASE!" sigaw ko ulit kahit na hindi rin ako sigurado kung naririnig ba niya ako. Malaki ang mansion ng mga Briones. Alam ko ring possible niya akong marinig dahil sa nakapaikot na cctv sa mansion.

Pero natigilan ako sa pagsigaw nang mamataan ang pamilyar na pigura nang isang taong palapit. Si Austin!

"What the fvck do you think you're doing?!" inis pang tanong niya habang mabibigat ang mga hakbang palapit sa kinakatayuan ko.

Nag-aalalang nagbigay daan ang dalawang guard at makahulugang tumingin kay Austin.

Tumayo si Terrence at seryoso ang mukha nang lumagay sa tagiliran ko. I knew he'll back me up.

"I need to talk to Natalia," seryosong sagot ko naman, pero mabilis lang din siyang umiling.

"Ayaw niyang makipag-usap sa'yo, Vaughn. Just go home! Mukhang nakainom ka pa," nakasimangot pang sabi niya at sumenyas sa guard nilang mabilis ding nakalapit sa tabi niya.

"I am not going anywhere. I want to talk to my fiancée."

"Fiancée, huh?" Sarkastiko pa siyang ngumiti at muling umiling-iling. "As far as I can remember, hindi mo nga siya nagawang ipagtanggol sa parents mo noon, 'di ba? At pinaniwalaan mo ring kabit siya ni Charlie Fuentebella?"

Natahimik ako dahil sapol na sapol niya ako.

"I made a mistake. I was confused at that time. But I am in love with her. Handa akong bumawi sa mga pagkakamali ko noon. Please, Austin. I really need to talk to her. Please," sumamo ko pa at alam kong iyon lang ang paraan. Hindi puwedeng maging kaaway ko pa si Austin dahil sa panahong nangangailangan si Natalia, siya ang tumulong dito.

"You're drunk, Vaughn. Please go home," mahinahong sabi pa niya, but I am not giving this up.

"I can't. I won't." Bahagya akong umatras at muling nagsisigaw nang malakas. Nang makakita ako nang pagkakataon ay dali-dali akong nagtatakbo papasok sa loob habang sumisigaw nang malakas. "NATALIA! NATALIA!"

"Vaughn, ugh!" narinig ko pang sigaw ni Austin pero hindi ko na siya pinansin at mabilis pa rin akong nagtatakbo papasok sa loob.

Pero gan'on na lang din ang gulat ko nang biglang sumalubong sa akin ang dalawa pang guard na may hawak na German Shepherd.

Fvck.

"You're out of your mind, Vaughn," hinihingal pang sabi ni Austin na noon pala ay nasa likuran ko na.

"Just please, let me talk ko Natalia. Please," pakiusap ko pa, pero umiling lang ulit siya.

"She doesn't want to talk."

"NATALIA! NATALIA!" muli ay malakas na tawag ko, pero mahigpit na akong hinawakan nang dalawang guard sa braso. Nagpigil akong gamitan sila ng martial arts dahil alam kong hindi lang din makakabuti kung manlalaban ako. Magtitiis ako hangga't kaya ko.

"NATALIA, PLEASE, I BEG YOU! CINDERELLA, PLEASE!" malakas pa ring sigaw ko, pero gan'un na lang din ang panlulumo ko dahil walang Natalia na lumalabas sa pinto.

"Go home, Vaughn," mahinahong sabi lang ulit ni Austin. But there was no way in hell I am giving this up.

"NATALIA! NATALIA! HINDI AKO AALIS HANGGA'T HINDI MO AKO KINAKAUSAP!" muli ay malakas na sigaw ko. Halos mapigtas na ang litid ko sa leeg dahil sa bigay todong pagsigaw. Nangangalit na rin ang dalawang aso na alam kong lalapain ako kapag nakawala. Bahala na. Pero hindi ako uuwi hangga't hindi ko nakakausap si Natalia.

"Dude, come on. Umuwi na tayo," mahinahong tawag pa ni Terrence.

Saglit akong sumulyap kay Terrence bago marahang umiling. Napailing lang siya sa akin at napakamot ng ulo.

"NATALIA! NATALIA!" Ibinigay todo ko na ang pagsigaw dahil kinakaladkad na ako ng mga guard palabas.

"Let him go." Narinig ko na lang na sabi ni Natalia na noo'y sumulpot na sa may pintuan ng mansion.

"But Natalia-"

"Ako na ang bahala, Austin," seryosong sabi pa niya at ibig kong mangiti sa ginawang iyon ni Natalia. Fvcker.

Iiling-iling na lumayo si Austin kasabayan nang pagbitaw sa akin noong dalawang security guards.

Tangka sana akong lalapit, pero mabilis din siyang tumalikod at naglakad patungo kung saan.

Nilandas namin ang daan patungo sa likuran ng mansion. May maliliit na ilaw sa dinaraanan kaya't hindi kami nahirapang lakarin iyon. Mahaba at maluwang ang mansion. Sa tantiya ko ay mas malaki pa iyon sa mansion ng aking mga magulang.

Sa likod ay bumungad sa amin ang malaking oval pool at may bilog na Jacuzzi sa pinakadulo. Humarap sa akin si Natalia at nasalubong ko ang malamig niyang pagtitig. Saglit akong nawala sa sarili dahil tila nagbalik ang Natalia na nakilala ko noon sa bar. Walang emosyon. Masungit at walang pakialam.

"I-I'm sorry..." mahinang nasabi ko na lang at parang nawalan ako bigla nang lakas ng loob.

"Ano pa bang mga salita ang kailangan mo para tuluyan mo na akong layuan, Vaughn?" malamig pa niyang tanong.

"Wala, Natalia," matigas ko ring sagot. "Dahil kahit anong sabihin mo, gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa akin."

"Really?" Sarkastiko pa siyang ngumiti at ilang beses ulit humakbang bago ako harapin. "Paano kung ayoko na? Ipipilit mo pa rin ang gusto mo?"

"Yes, Natalia, because I knew you still love me."

"Wow! Confidence much, sir," natatawa pang sabi niya at ibig kong masaktan sa kanyang mga reaction. She's torturing me with her coldness.

I deserved that.

I deserved even more.

"I was weak... a fvcking coward. And, I am so sorry about that." Napayuko ako. Nahirapan din naman ang loob ko sa panahong iyon. Nang mangailangan ako nang paliwanag, wala na siya. Iniwan na niya ako. Pero kung mayroon mang dapat sisihin, ako 'yun. Ako ang naduwag. Ako ang nagkulang sa tiwala.

"At sa palagay mo maibabalik ng sorry mo ang lahat?" Matalim ang titig niya sa akin at bakas ang 'di maipaliwanag na galit.

"No, Natalia," malungkot ko pang pag-amin at matamang tumitig sa kanyang mukha. "I deserved your cold treatment. Your hatred."

Napatiim-bagang lang siya, pero nagsisimulang mamuo ang luha sa kanyang mga mata.

"I should have said something that time, Natalia. I was hurt too. Alam mong mahal na mahal kita. Nasaktan ako sa mga pictures na nakita ko. Call me stupid or what, pero 'di ba masasaktan ka rin kung ako ang makikitaan mo n'on? I got confused. Napagtulungan nila ako."

"You didn't trust me."

"Yes. Nagkulang ako d'un." Nagbaba ako nang tingin sa tila crystal na tubig sa pool dahil sa pagtama ng ilaw doon.

"I am not perfect, Natalia, but I knew that was not even an excuse. Pakiramdam ko, karma ko lang din iyon dahil sa kagaguhan ko sa mga babae noon. I never felt that kind of pain. It's all new to me. Hindi ako sanay masaktan, Natalia. Lahat nang klaseng pakiramdam, sa'yo ko lang naramdaman. I admit that I was weak at that time. Hindi ko alam ang dapat na paniwalaan ko. You have every right to hate me because that's what I deserved," mapait ko pang sabi bago muling nag-angat nang tingin.

Agad kong nasalubong ang nagluluha niyang mga mata. "But at the end of it, no matter how much it hurts me, I still want you, Natalia. It took me a while to realize that, but I still chose to be with you. At wala akong pakialam sa kahit na ano, basta akin ka. Sa huli ako pa rin sana, Natalia."

"Wala akong ginagawang masama, Vaughn. Ikaw lang ang mahal ko. Pero wala kang ginawa para maniwala sa pagmamahal na sinasabi mo."

"That's why I am here, Natalia. I'm sorry, I made a mistake. I'm a jerk. I'm an asshole. Call me names and I wouldn't be angry with you. Just come back to me, please," sumamo ko pa at mabilis na humakbang palapit sa kanya.

Tuluyang bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata at parang kinukurot ang puso ko sa tanawing iyon. God, I hate to see her hurting because of me. Kasabay nang pagluha niya ay ang pagtulo rin ng luha mula sa aking mga mata.

"I love you, Cinderella. So much." Yumuko ako at sinakop ang kanyang labi. Gumalaw ako pero nananatiling nakapinid ang kanyang labi. Tumigil ako sa paghalik at malamig pa rin niyang pagtitig ang sumalubong sa akin.

"Go home, Vaughn."

Natahimik ako.

She needed more time. She needed more assurance.

At handa akong ibigay iyon sa kanya mapatunayan ko lang na nagsisi ako sa mga nangyari noon.

Nagkulang ako sa pagtitiwala. Inisip ko na may babae ring puwedeng manggago sa aming mga lalaki. Na kung ano ang ginagawa namin ay puwede rin nilang gawin. Praning na nga siguro ako.

"I will come back for you, Natalia. This is not the end."

"Wala ka nang babalikan," matigas pa niyang sabi sabay nag-iwas nang tingin.

"No, Natalia. Gagawin ko lahat, balikan mo lang ulit ako. At gugustuhin mo ulit akong pakasalan. Gagawin ko 'yon. Hindi ako susuko. You're my Cinderella, remember? At kahit na ilang buwan pa, o taon. Maghihintay ako."

"Hindi ka tatagal, Vaughn."

"Try me," seryosong sagot ko lang din at noon na tumalikod.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko at para na rin akong pinapatay sa mga naging reaksyon niya. Pakiramdam ko ay naiwala na niya ang pagmamahal na mayroon siya para sa akin.

Nang makarating ako sa gate ay naabutan ko si Terrence na nakaupo sa hood ng kotse. Agad rin naman siyang napatayo nang matanawan ako.

"What happened, stalker?" pabirong tanong pa niya, pero bakas din ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"I will get her back, Lee. Hindi ako titigil hangga't 'di siya bumabalik sa akin," seryosong sagot ko pa at sunod sunod lang din siyang napatango.

"I love the spirit, dude. That's the pussy whipped spirit."

Napailing lang ako at 'di ko alam kung matatawa ba ako o papaano.

Possible bang mawala ang pagmamahal nang isang tao sa isang pagkakamali?

I'm scared.

Too fvcking scared.

What if I'm too late?

What if I really lost her love?

I'm damned.

Continue Reading

You'll Also Like

22.6M 329K 58
Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si Eleven, ang lalakeng BEST FRIEND ng kanya...
15.4K 1K 22
Hindi pinangarap ni Francesca ang maging bida. She's a Hufflepuff. She doesn't like adventure in her own life, she likes to keep everything peaceful...
4.5M 38.3K 70
Sa Fairytale si Cinderella ay may Prince Charming na nag ligtas sa kanya sa pangaalipin ng dalawang Step Sister nya at ng kanyang Step Mother dito sa...
1M 25.6K 28
(Finished) Sereen Lexi Dela Vega is famous for being a campus queen. She has it all - pretty, rich, a cheerleading captain with a hottie boyfriend, A...