HIS MODERN CINDERELLA (Taming...

By fedejik

6.2M 171K 11.3K

Nasanay si Vaughn na nakukuha ang lahat ng kanyang gusto. Nang makilala niya si Natalia ay naranasan niya an... More

Teaser
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Epilogue

Chapter 36

92.6K 2.6K 112
By fedejik


CHAPTER 36

NATALIA's POV

May kung ilang araw na ang lumipas simula nang magkasagutan sina Vaughn at Sam. Kasa-kasama ko si Vaughn pero madalas ko rin siyang makitang nalulungkot.

Nasasaktan ako.

Pero hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko. Natatakot ako na biglang magbago ang isip niya sa amin.

Paano kung si Sam pala talaga ang mahal niya at hindi ako?

Humugot ako nang isang malalim na buntong-hininga at mapait na ngumiti sa repleksyon ko sa salamin. Kailangan kong maging handa. Dahil lahat ng mga naiisip ko ay possibleng mangyari. Masakit iyon pero ano nga bang magagawa ko? Ano nga ba ang panlaban ko sa ilang taon nilang pagsasama kumpara sa amin? Magkakilala na sila simula pagkabata. Ako naman ay nakilala lang niya sa club kamakailan lang? Mayaman si Sam. Mahirap lang ako.

Sino nga bang mas pipiliin ni prince charming?

Inalog ko ang aking ulo at nagdiretso palabas ng comfort room. Kasalukuyan akong nasa trabaho ngayon pero kahit na anong pilit kong pasiglahin ang aking sarili ay hindi ko magawa.

Naglakad ako pabalik sa aking puwesto pero ganoon na lang ang gulat ko nang biglang may humigit sa aking baywang at mariin akong hinalikan sa labi! Sasampalin ko na sana ang taong gumawa noon pero ang gwapong mukha ni Vaughn ang nakita ko.

"I missed you," bulong pa niya sa aking labi.  At hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napaiyak.

Hinila niya ako patungong fire exit at pagdating doon ay hinalikan na naman niya ako. Napakapit ako sa kanyang braso dahil sa mariing dampi ng kanyang labi. Hindi ko alam kung dapat ko bang katakutan iyon.

"I'm sorry..." humihingal na bulong pa niya at patuloy lang ang pagbuhos ng luha ko. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang daliri kasunod nang mapait na pagngiti.

"Hihiwalayan mo na ba a-ako, V-vaughn?" Nanginig ang boses ko at matamang tumitig sa kanyang mukha.

"What?" Kunot-noo pa siyang napatitig sa akin na para bang hindi niya inaasahan ang tanong ko na iyon. Pero kailangan ko nang itanong ang gumugulo sa isip ko. Kailangan kong malaman kung nasaan nga ba ako sa puso niya. Gusto ko mang maging makasarili, paano naman ako sa huli? Paano kung hindi pala ako ang gusto niyang makasama hanggang sa huli? "I don't understand. Bakit mo nasabi 'yan?"

Napahikbi ako at saglit na bumitiw sa kanya.

"Are you in love with Sam?" Sinundan ko ulit ang tanong at napabuntong-hininga naman siya.

"I love Sam but not as much as I love you, Natalia," seryosong sabi pa niya at muli ay lumapit sa akin para haplusin ang aking pisngi. "I admit, I was not myself lately," pag-amin pa niya sabay mapait na ngumiti. "Sam is a very special girl for me."

Napayuko ako at ang sakit lang marinig na may ibang espesyal sa puso niya.

"She's like a sister and we shared beautiful memories together." Tila hinihiwa ang puso ko sa sakit na idinidulot ng mga salitang binibitiwan niya. Sa wakas ba na-realize na niya kung sino ba talaga sa amin ang pipiliin niya? "But those are not enough, Natalia." Iniangat niya ang aking mukha at muling pinunasan ang luhang bumasa sa aking pisngi. "I'm in love with you. You're not just special... You are my life. I just can't imagine myself without you."

"Vaughn..." Napaawang ang labi ko at hinanap ang sinseridad sa kanyang mga mata.

"Let's start anew, Natalia." Ginagap niya ang aking mukha at manipis akong hinalikan sa labi. "I love you."

"I love you too, Vaughn." Inikot ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg at kinabig siya para halikan. Napangisi siya sa labi ko at mas pinalalim ang paghalik.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa fire exit. We just couldn't get enough of each other.

********

VAUGHN CRAIG's POV

Ilang araw akong wala sa sarili dahil sa naging sagutan namin ni Sam. I care about her a lot, but time changed the way I felt about her. I just didn't know how. Pero sigurado ako sa nararamdaman ko para kay Natalia.

Sinubukan kong kausapin si Sam pero iniiwasan niya ako. I hurt her and I knew I deserved the cold treatment. Possibleng hindi ko na rin maibalik ang pagkakaibigang mayroon kami noon. At siguro nga, hindi ko kayang hawakan pareho. Pero hinding-hindi ko kayang bitiwan si Natalia. I am badly smitten with her. It wasn't temporary.

It's ball's deep as Dalton would have described it.

"Let's go somewhere private, Natalia," malambing pang sabi ko habang patuloy siyang hinahalikan. This is what I missed lately. Kissing her senselessly.

"May trabaho pa ko, Vaughn." Tinapik niya ako sa balikat habang patuloy ko pa rin siyang hinahalikan.

"I'm Tyrone's friend. You do not need to worry," nakangisi pang sabi ko.  And I'm pretty sure, Ty wouldn't mind actually.

"Magpapaalam man lang ako sa bisor ko."

"Ako na bahalang magsabi," sabi ko pa at hinalikan siya sa huling pagkakataon. "Come on, we need to go." Hinila ko siya palabas ng fire exit at nakita kong dinaanan niya ng daliri ang namamaga niyang labi. I kissed her too hard, eh?

Pormal kaming lumabas ng fire exit na para bang walang nangyari. Nakangiting dinungaw ko siya at mariin kong kinagat ang aking labi. Damn, I just wanted to kiss her again. I could still smell the scent of her lips on mine. It's driving me crazy.

She's driving me crazy.

"I could kiss you forever, Cinderella," sabi ko pa sabay pisil sa kanyang palad.

Sa halip na sumagot ay ngumuso lang siya at kinagat ang kanyang labi. She should stop doing that in front of me. I don't want to end up ravishing her with an audience.

Nagdiretso na kami sa parking lot kung saan nakaparada ang aking blue Maserati.

I had set a perfect date for her. At sinisiguro kong wala nang istorbo this time. Walang-wala.

"Saan ba tayo pupunta?" usisa niya lalo pa nga't palabas na kami ng Maynila.

"To a place where we can be alone." Ngumisi ako at napairap lang siya sa akin. Alam na alam niya ang tumatakbo sa utak ko and I couldn't deny that. My body was craving for her so badly.

Halos dalawang oras din ang naging byahe namin papunta sa Tagaytay. It will be a romantic evening with her and I just can't wait.


Nang makarating kami sa villa na pag-aari ng aking pamilya, sa gate pa lang ay sumalubong na sa amin ang matandang mag-asawa na matagal na naming katiwala roon. They've been with the family since I was a kid. Madalang nga lang kaming makapasyal dito sa Tagaytay dahil na rin nasa Manila ang concentration ng aming negosyo.

"Sir Vaughn..." Nakangiting ibinuka pa ni Manang Charito ang kanyang mga kamay at niyakap ako.

"Kumusta po?" Hinagod-hagod ko ang kanyang likod at 'di man kami ganoon kadalas magkita ay naging malapit pa rin ako sa kanya.

"So, eto na ba ang prinsesang sinasabi mo?" Kumalas siya sa yakap ko at pinagpalitan kami nang tingin ni Natalia.

Nahihiyang napayuko lang si Natalia at kahit naman si Manong Andro ay nakangising tumitingin din sa aming dalawa.

"My one and only," sinserong sagot ko pa at para bang kinikilig na napaangat lang nang tingin sa akin si Natalia. I really meant that, my Cinderella.

"Tara na kayo sa loob," kayag pa sa amin ni Manong Andro at malakas akong tinapik sa balikat.

"Vaughn, magtatagal ba tayo rito?" alalang tanong pa ni Natalia sabay tingin din sa kanyang relo.

"Just text them that you're with me. Bukas na tayo uuwi." Ginagap ko ang kanyang palad at iiling-iling lang siyang ngumiti sa akin.

"Mapapagalitan ako sa ginagawa mo, Vaughn," may panermong himig pa niya.

"Wala naman silang magagawa kung kuhanin kita sa kanila," makahulugan ko pang sabi at napakunot-noo lang siya. Ngumisi ako at alam kong palaisipan sa kanya ang sinabi ko. "Come on..." Banayad ko siyang hinila at wala namang reklamong nagpatianod siya sa hawak ko.

Pagpasok namin sa loob ay bumungad na kaagad ang modernong disenyo sa loob. My mom was so fond of paintings kaya mukha yatang museum ang bahay na 'to. But then, it was still classy. I don't have any talent on decorating. Basta malinis at walang masyadong gamit ay ayos na sa akin.

"Magdinner muna kayo." Nakangiting nilingon pa kami ni Manang Charito na noo'y patungo nga sa kusina. Hindi naman kalakihan ang bahay na ito. Malayo sa mansion na tinitirhan namin sa ciudad. Though ancestral house nga sigurong matatawag 'to dahil sa katagalan. Tamang na-remodel man ay nandu'n pa rin ang mga sinaunang thick woods at bricks.

"Sige po." Hinila ko ulit si Natalia patungong kusina dahil sa totoo lang ay kanina pa rin ako nagugutom. And yeah, among other things...

"Planado lahat 'to, 'no?"

"Yup." Nilingon ko siya sabay ngisi. There is so much more, Natalia.

"Ikaw talaga." Pinisil lang naman niya ang aking kamay pero wala naman nang sinabi.

Pagdating namin sa kusina ay nakagayak na ang mga pagkain. Nakagayak na rin ang dalawang plato sa long table.

"Kayo po?" baling ko pa sa mag-asawa na nakangiting nakatitig sa amin.

"Tapos na kami, hijo. Sana magustuhan n'yo."

"It looks good. I bet it tastes good too," nakangiting sagot ko naman at alam ko namang masarap magluto si Manang Charito. Katulad lang din siya ni Yaya Aida na may talent sa kusina.

Ngumiti lang sila nang maluwag sa akin at tahimik na nag-exit.

And now, that we're alone, I think my heart is going to jump out of my throat.


Continue Reading

You'll Also Like

30.7K 633 39
a cliche story na about sa girl na torn between TWINS xDD ... just read the prologue please *u*
356K 10.3K 32
Young love... that's what Jack had for William before he disappeared on their Prom night and never came back until she saw him in Cordonia as a Princ...
231K 7.4K 42
This is one of my favorite series. Sana magustuhan ninyo. Sorry sa chaka na cover. Katamad nang gumawa. Haha!
1M 25.6K 28
(Finished) Sereen Lexi Dela Vega is famous for being a campus queen. She has it all - pretty, rich, a cheerleading captain with a hottie boyfriend, A...