HIS MODERN CINDERELLA (Taming...

By fedejik

6.2M 171K 11.3K

Nasanay si Vaughn na nakukuha ang lahat ng kanyang gusto. Nang makilala niya si Natalia ay naranasan niya an... More

Teaser
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Epilogue

Chapter 24

97.7K 3.1K 215
By fedejik


CHAPTER 24


NATALIA's POV

"Hello there guys!" masayang bati pa ni Sam at ibig ko na lang magtago kung saan.

Ginagap ni Vaughn ang aking kamay sa ilalim ng table at saglit akong napasulyap sa kanya. Tipid siyang ngumiti na para bang sinasabing wala akong dapat na ipag-alala.

Nagsipagbatian at nakipagbeso rin naman si Sam sa mga barkada at mga asa-asawa ng mga ito. Sa tingin pa lang ay mukha ngang 'di na rin iba sa kanila si Sam. Kalabisan talagang nandito ako.

"Hi, Vaughn." Pinakahuling binati niya si Vaughn na agad naman ding tumayo at hinalikan ito sa pisngi. At kahit pa wala akong karapatan, ang hirap pa ring hindi magselos.

"May kasalanan ka sa akin, a," maktol pa nito at pirmes na nakahawak sa braso ni Vaughn.

"Yeah, I'm sorry about last time," maikling sagot ni Vaughn na para bang wala ring interes at sinulyapan pa nang tingin ang mga barkada niyang nakatitig ding lahat sa kanila.

"Kumain muna kayo, Sam," pormal na sabi lang ni Vaughn at napahapyaw din nang tingin sa akin.

"Oh yeah, sure," sagot lang ni Sam at 'di ako sigurado kung dapat ko ba siyang batiin o papaano. "You're here too, Natalia." Literal akong nanigas sa kinauupuan ko pagkadinig pa lang sa sinabi niyang iyon.

"Hi, po." Nag-angat ako nang tingin at tipid na ngumiti.

Mapakla naman siyang ngumiti pero agad ding binawi ang tingin sa akin.  Para bang napilitan lang siyang batiin ako dahil na rin sa mapagmatyag na mga mata ng mga tao roon.

"Vaughn, nand'yan mga friends ko. Say hi to them man lang," malambing pang sabi ni Sam at alanganin pa akong nilingon ni Vaughn.

"S-sure..." pilit pang sabi lang nito at saglit akong tiningnan. "I'll be back."

Tumango ako at muli na lang itinuon ang atensyon sa pagkain.

Nang makaalis si Vaughn kasama si Sam ay lalo akong nailang sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko kasi, lahat na lang ng mga mata ay nakatutok sa  akin.

"Hey, masarap ba ang pagkain?" nakangiting tanong pa ni Janella na nakaupo na pala agad sa tabi ko nang hindi ko namamalayan.  Milya milya ang nararating ng isip ko dahil sa presensya na iyon ni Sam.  Wala man siyang sinasabi ay parang naririnig ko na ang boses niya sa aking isip.

"Oo, masarap." Tumango ako at kahit pa mukha siyang mabait ay nahihiya pa rin ako.

"Alam mo, I think Vaughn really likes you." 'Yung Kirsten ang nagsalita. Noon ko na lang napansin na mga babae na ang nakapaikot na sa akin at sama-sama na 'yung mga lalaki sa kabilang gilid.

"Naku, impossible po 'yun," nahihiyang sabi ko pa. Wala akong masabi dahil ang gaganda nila!

"Playboy 'yang si Vaughn at hindi nagpakilala ng ibang babae sa amin 'yan." 'Yung Jordan na buhat pa ang super cute niyang baby.

"Si Sam po ang girlfriend niya." Yumuko ako at nahihiya naman din akong sabihin ang tunay na status namin ni Vaughn. Pero may pakiramdam akong alam nila at ayaw lang nila akong pangunahan.  Nakikisama ako kay Vaughn dahil nagbabayad utang ako sa pamamagitan ng sex.  Wala na yatang mas nakakahiya pa sa rason na iyon.  Marahil ay sobrang baba kong uri ng babae sa paningin nila.

"I'm not sure though. Pero ang distant pa rin niya kay Sam." Si Kirsten. "Sa'yo lang siya ganyan makabakod," ngiting-ngiti pang dugtong niya.

Napailing lang ako at hindi ko naman alam ang dapat kong ikomento roon.

"He's pussy whipped but he just can't admit it," natatawang sabi pa ni Janella at halos sabay-sabay kaming napalingon sa kinalalagyan ni Vaughn kasama si Sam at mga kaibigan nito.

Nagseselos ako. Iyon lang ang alam kong totoo sa ngayon.  Ang makita siyang kinakausap ang babaeng minamahal niya ay pumipiga nang kuntodo sa aking puso.

"Hindi pa ba siya nagtatapat sa'yo?" nakangiting usisa pa ni Jordan.

"Naku, malabo po kaming dalawa." Umiling ako at napasulyap pa sa mga barkada nitong napapasulyap din sa gawi namin. Nasisiguro kong ako rin ang pinag-uusapan nila.

"You can't say that." Si Kirsten. "Pupusta ako. Vaughn likes you." Bigay todo pa itong sumandal at saglit pang kinawayan ang gwapo niyang anak na buhat n'ung gwapo rin niyang asawa na si Chance. Wala akong masabi at napapalibutan ako ng mga magaganda at gwapo. "I'd never seen him like this at all." Muli ay bumaling kami sa kinalalagyan ni Vaughn at saktong pagtingin din niya sa akin.

Naghiyawan sila at agad akong pinagtutukso. Iiling-iling si Vaughn sa kanyang kinalalagyan na para bang nahuhulaan na niya ang nagaganap na pag-uusap naming mga babae.

"Pabebe 'tong si Vaughn!" Malakas pang tawa ni Jordan. "Pero kinikilig ako in fairness." Nakangiting tumingin pa ito kay Vaughn at tamang parang nagpipigil siya nang ngiti sa kinatatayuan niya.  Mariin nitong kagat ang labi at hindi maikakaila ang ngiti sa kanyang mga mata.

"Balitaan mo kami kapag kayo na, huh," nakangiting sabi pa ni Janella.

Tumango ako at nahihiya pa rin akong makipag-usap. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na sila nagtanong nang kung ano. Naging tagapakinig na lang ako at hindi talaga ako komportable makipagkuwentuhan sa kanila. Pero ramdam ko namang nage-effort silang maging kampante ako sa kanila.


Matagal din bago bumalik si Vaughn sa table namin. Naubos ko na ang aking pagkain at naiwang nakatiwangwang ang pagkain niya. Si Jordan ang nagtiyagang kumausap nang kumausap sa akin kahit pa halos wala naman siyang makuhang sagot. Kahit papaano ay nalibang ako sa mga kuwento niya. Nang lumaon ay nakisama na rin sina Janella at Kirsten at nagkuwento rin tungkol sa mga love life nila. Hindi ako makapaniwalang para ring fairy tale ang mga storya nila. Ang swerte nila sa kanilang mga asawa na bukod sa sobrang gwapo na ay mahal na mahal pa sila. Nakakalungkot isipin na hindi ganoon ang kapalaran ko.

Ni hindi ko namalayan ang oras at sa totoo lang ay parang gusto ko na umuwi. Isa-isa na kasing nawawala ang kanina ko pa kausap dahil sa kanilang mga anak. Mali talagang nandito ako.

"Hi." Agad akong napaangat nang tingin sa bumati. Isang gwapong mukha ang bumungad sa akin at kung hindi ako nagkakamali ay parang nakita ko siyang kasama ni Sam.

"Hi." Tipid akong ngumiti at kahit yata ang makipag-usap sa kanya ay 'di ako komportable.

"Can I?" Tiningnan pa nito ang bakanteng upuan sa tabi ko at wala akong nagawa kung 'di ang tumango. "Thanks." Matamis pa siyang ngumiti at agad na naupo sa tabi ko. "By the way, I am Mason. You are?"

"Natalia." Iwas pa ang mga mata kong tumitig sa kanya. Hindi ako sigurado pero parang pamilyar ang mukha niya.

"Hey,Mason, anong ginagawa mo d'yan?" nakangiti pang tanong ni Terrence 'di kalayuan sa amin.

"Panira ka ng moment, dude!" Iiling-iling pang sabi ni Mason at nagkatawanan lang silang dalawa. Hindi naman na nakisali ulit si Terrence at itinuon ulit ang atensyon sa kanyang barkada.

"You look familiar," sabi pa ni Mason at mataman akong tinitigan.

"Marami siguro akong kamukha," mapakla ko pang sagot pero sa totoo lang ay kinakabahan ako.

"Oh, I remember." Nagliwanag pa ang mukha nito at agad kong naramdaman ang kamay niya sa sandalan ng aking upuan. "You're the girl from the bar. The stripper," nakangisi pa nitong sabi at halos literal na tumigil ang puso ko sa pagpintig. Napaawang lang ang labi ko at hindi ko alam kung dapat ko bang kumpirmahin ang sinasabi niya o hindi.

"I-I don't know what you're talking about," pilit ko pang pinatatag ang pagsasalita ko at diretso siyang tiningnan sa mata.

"No, I am dead sure na ikaw 'yun," sigurado pang sabi nito. "Sa Bistro. I am a regular costumer."

Nanlamig ako nang husto at iniwasan ang kanyang titig. Gusto ko sanang magwalk-out pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin matanaw si Vaughn sa kinauupuan ko. Nasaan na ba siya?

"Anong ginagawa ng isang stripper dito?" Nakakaloko pa siyang ngumiti at halos manindig ang balahibo ko nang hagurin niya ng kanyang daliri ang aking braso.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo!" tanggi ko pa at agad na ring tumayo.

Hinawakan ni Mason ang kamay ko at nagbabanta ang kanyang mga titig.

"Ang killjoy mo naman, Natalia. Nagsasayaw ka nga nang halos hubad sa club."

Nag-init nang husto ang pisngi ko at pilit na inagaw ang kamay ko rito. Mabilis ding tumayo si Mason at mas hinigpitan ang hawak sa braso ko.

"Pa-kiss nga. Isa lang." Mabilis siyang nakakilos at agad akong hinalikan nang mariin sa pisngi.

"Bastos!" Malakas ko siyang sinampal sa pisngi at halos mapatingin ang lahat ng mga taong nandoroon sa amin.

"You fvcking slut!" Marahas niyang hinablot ang aking braso at halos mag-apoy ang kanyang pagtitig sa akin.

"What the fvck do you think you're doing, Mason?!" Halos mapatalon kaming parehas sa lakas ng boses ni Vaughn.

Marahang lumingon si Mason kay Vaughn taglay ang nakakalokong ngiti.

"Oh, you're dating the stripper, Vaughn?" nakangisi pa nitong sabi at agad na nag-igting ang panga ni Vaughn.  Madilim ang kanyang mukha at halos maglitawan ang ugat sa kanyang braso dahil sa mariing pagkakakuyom ng kanyang palad.

"Take your fvcking hands off her!" mariin pang utos ni Vaughn at balisa akong napatingin sa paligid namin. Nakakuha na kami nang atensyon at dumadami na rin ang nakikiusyoso.

"Hey, ano bang nangyayari rito?!" Nagmamadali pang lumapit si Sam sa amin at napayuko na lang ako. Gusto ko nang lumubog sa sobrang kahihiyan.

"No couz, wala naman. Nagkakatuwaan lang kami ni Vaughn," sagot pa ni Mason. "But seriously, is he dating the stripper? Itong babaeng 'to ang ipinagpalit niya sa'yo? Really?!" Bakas ang pang-uuya sa kanyang boses.

Hindi ko na lang namalayan ang pagtulo ng luha ko. Agad ko iyong pinalis at nang saglit akong mag-angat nang tingin ay nasalubong ko ang madilim na mukha ni Vaughn. Napatiim-bagang siya at nananatiling kuyom ang palad.  Pero agad din siyang nag-iwas at galit na tinitigan si Mason.

"It's none of your gaddamn business, Mason," matigas pang sabi ni Vaughn at naramdaman ko na lang ang kamay niya sa aking baywang. Hindi ko na magawang tumingin sa paligid namin.

"Paasa ka, dude." Igting ang panga ni Mason at sarkastiko pa siyang napapangiti. "Pinaglalaruan mo lang ang pinsan ko."

"Mason, shut up!" saway naman ni Sam at hinawakan pa niya iyon sa braso. "Vaughn, I'm sorry," sabi pa niya at galit na titig naman ang pinaulan niya sa akin.

"You're crazy Sam," inis pang sabi ni Mason na bahagyang napapailing. "You're desperate about this man who doesn't even care about you? At ayan, sa isang stripper ka pa ipinagpalit!" Dinuro pa niya ako pero mabilis na tinabig iyon ni Vaughn.

"What? Are you going to deny na sa club mo lang natagpuan ang pokpok na 'yan?"

Mas lalong nanigas ang katawan ni Vaughn na para bang nagbabadyang sumabog. Maagap kong hinawakan ang kanyang braso para pigilan ang anumang galit na maaari na niyang ilabas. Dinungaw niya ako gamit ang nag-aapoy na mga mata at marahan naman akong umiling. Ayoko namang magkagulo pa sila nang dahil sa akin.

"You paid to bed a stripper?" nakakaloko pa nitong sabi at hindi ko na naagapan ang kamao ni Vaughn na mabilis na lumipad sa mukha ni Mason.

Literal na napatigil ang lahat at mga nagulat sa pangyayari. Nagsilapitan ang mga kaanak at kaibigan sa amin at nawalan na ako ng mukhang ipapakita.

"Vaughn, 'wag..." Niyakap ko siya sa baywang at tiningala ko siya. Punung-puno pa rin ng galit ang kanyang mga mata at ramdam ko ang tensyon sa kanyang katawan.

"I will fvcking kill you, Mason!" galit pang sabi niya at tumayo si Sam sa pagitan nila.

"Stop it!" naiiyak ding sabi ni Sam at hinarap si Vaughn. "I can't believe na sasaktan mo ang pinsan ko para sa babaeng 'yan!" galit pang sabi niya kay Vaughn na nananatiling galit din ang ekspresyon ng mukha.

"Totoo naman ang sinabi ni Mason, 'di ba?" Naglandas ang luha ni Sam at galit na tumitig sa akin. "She's a stripper! At ipinagpalit mo ako sa isang stripper!" halos pasigaw pang sabi niya.

Mariin kong kinagat ang aking labi kasabayan ng mga luhang kanina pa bumabasa sa aking mukha.  Hindi na ako nag-abalang mag-angat nang tingin dahil ramdam ko na ang mapanuring titig nang lahat sa akin.

Igting ang bagang ni Vaughn pero ni hindi nagawang sumagot agad. Lumagay sa gilid namin ang mga barkada ni Vaughn at sa totoo lang ay gusto ko na maglaho ngayon. Grabeng kahihiyan na ang inabot ko.

"Wala akong ipinagpalit, Sam," malumanay pero may tigas na sagot ni Vaughn. "I didn't commit myself to you in the first place, remember?" Ginagap niya ang aking kamay at walang paalam na hinila ako palayo sa karamihan ng mga taong iyon.

"Vaughn!" malakas pang tawag ni Sam pero parang wala lang narinig si Vaughn at sobrang dilim pa rin ng kanyang mukha.


Continue Reading

You'll Also Like

30.7K 633 39
a cliche story na about sa girl na torn between TWINS xDD ... just read the prologue please *u*
496K 25.2K 55
A sweet light hearted story. ROMANCE/FANTASY This is a taglish story. JULY 2023
1.8M 44.6K 50
C O M P L E T E D --- "Falling for the Billionairess" as told from the POV of Meredith Balajadia. --- My name is Meredith Balajadia, EVP ng Balajadi...
1M 25.6K 28
(Finished) Sereen Lexi Dela Vega is famous for being a campus queen. She has it all - pretty, rich, a cheerleading captain with a hottie boyfriend, A...