My Knight (de la Vega Brother...

By Stefretty

1.6K 55 0

Don't find love, Let love find you. That's why it's called falling in love because you don't force yourself... More

My Knight
Bago ang lahat.
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 29
KABANATA 30
WAKAS

KABANATA 28

32 1 0
By Stefretty

-Blurred Picture-



(Matthew's POV)

Umaga na.

Hindi parin ako makatulog.

Ano ba tong nangyari samin?

Mali ba yung ginawa ko?

Nung nakita kong naghalikan sila Justin, gusto kong sumugod doon.

Anong sasabihin ko? Eh ako nga nakipag halikan kay Casey eh.

Inisip kong si Stef yon... Siya ang iniisip ko nung hinalikan ko si Casey.

Lalo atang lumala ang sitwasyon namin.

Hindi na ako makapag isip.

Galit ako sa kanya.

Galit na galit.

Kaya nung nakita niya kami ni Regine na magkasama sa Room ko noong Pasko, hinayaan ko na siya kung anong isipin niya.

Walang nangyari samin.

Nagkasundo lang kami ni Regine.

*FLASHBACK*

May nag doorbell sa pinto at nagmamadali naman akong buksan ito sa pag aakalang si Stef iyon.

"Hi Matt!" si Regine.

Bakit ko nga ba siya hinihintay? Siya yung may kasalanan sakin diba?

"Bat andito ka?" tanong ko sa kanya at pumasok naman siya sa loob.

"Kay Kuya pala nagtatrabaho si Stef." bumilis ang tibok ng puso ko dahil naalala ko nanaman yung nakita ko.

Kilala ko si Brandon.

Nung hindi pa dumating si Stef ay nagtanong ako kung saan siya nagtatrabaho. Pumunta ako doon at eksaktong pagdating ko nakita kong naghalikan sila.

Sobrang sama ng loob ko. Masakit sakin na akala ko..... Akala ko mahal niya rin ako.

"I know." sabi ko sa kanya at umupo sa sofa.

"Hindi ko na kayo nakikitang magkasama ah?" tanong naman ni Regine.

Hindi ako sumagot.

"Ohhh... Nag away kayo?" natatawang sabi niya.

"It's none of your business."

"Sungit!"

"Dito ako matutulog."

"What??! Hindi pwede."

"Ganun? Kay Stef nalang. Tapos papupuntahin ko si Kuya...." sabi ni Regine nang nakangiting aso.

"Shut up Regine."

"Ayaw mo? Edi dito nalang ako." hindi na ako tumutol. Ayoko. Ayokong pumunta doon si Brandon.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nag shower. Pasko ngayon. Ano kayang ginagawa niya? Andyan kaya siya?

Naka bathrobe pa ako nang bigla kong maalala na may binibake nga pala ako sa Oven.

Shit! Baka sunog na yun!

Kaya lumabas ako at nakasalubong ko si Regine na naka bathrobe din.

"Inalis ko na sa Oven. Buti di pa sunog." sabi niya at napansin kong may hawak siyang Strawberry.

"Bat mo pinakialaman yan?! Kay....." Kay Stef yan....

Tumawa naman siya.

"Oh sayo na!" sabi niya at nilalapit sa bibig ko ang strawberry.

"Tumigil ka nga Regine!" sabi ko sa kanya.

"Isang kagat lang!"

"Ayoko! Tumigil ka nga ang harot mo." pwede banag manapak ng babae? Kahit isang beses lang?

Hindi parin siya tumigil. "Isang kagat lang tapos hindi na ako manggugulo promise!" arrrrggghhhh! Shit naman oh.

"Fine! umalis kana agad ha!" sabi ko sa kanya.

Tuwang tuwa naman siya at dahan dahan niyang sinubo sakin yung Stawberry.

Saktong pagkagat ko ay nakita ko mula sa gilig ng mata ko na nabuksan ang pinto.

Lumingon ako doon.

Si Stef.

Halatang nagulat siya.

Ngayon ko nalang ulit siya nakita... Gusto ko siyang yakapin pero..... Galit ako sa kanya.

Hindi ako nagsalita maging si Regine ay nakatingin lang kay Stef at maya maya'y nagsalita na siya.

"A-ano...N-nagtext si Mommy Line.. D-di k-ka d-daw niya m-matawagan.."

Hindi siya nakatingin samin habang nagsasalita. Pagtapos niyang sabihin yon ay agad siyang umalis.

"Ooops?" sabi ni Regine at pumasok na siya sa kabilang kwarto.

Umalis na rin si Regine at naiwan akong mag isa doon. Hindi ako pupuntang Baguio. Dto lang ako sa Condo ko.

*END OF FLASHBACK*

Nung araw naman na nakasama namin sila Stef at Brandon sa Restaurant, tinext ako ni Regine non.

Sinabi niya na niyaya siya ni Brandon na kumain sa labas.

Sabi pa niya na tutulungan niya akong pagselosin si Stef.

Meron din daw siyang pagseselosin kaya parehas daw kaming makikinabang.

Nagalit ako nun dahil mag de date sila. Kaya pumayag ako.

Nagulat din ako nung hinalikan ako ni Regine. Alam ko plano niya yun.

Nakita ko kasing kanina pa nakatingin saming dalawa yung lalakeng katapat ng table namin.

Malamang yun yung pinapaselos ni Regine.

Sinakyan ko lang si Regine nun dahil gusto kong ipamukha kay Stef na hindi ako naaapektuhan sa halikan nila ni Brandon.

Nakakapagtaka nga na bigla silang umalis.

First time kong masampal.

Pero hindi ko maramdaman yung sakit ng sampal ni Stef dahil ang nararamdaman kong sakit ay wala sa mukha ko kundi nasa dibdib ko.

Pinagmukha niya akong tanga non. Gusto niya pang magpaliwanag. Hindi ko na yun pinakinggan dahil wala ring kwenta.

Natigil ako sa pag iisip sa mga nangyari nang nag ring ang cellphone ko.

"Kuya asan ka???" tanong ni Steffan.

"Condo bakit??"

"Pupunta ako dyan. Wag kang umalis."

Anong kailangan nun? Hindi naman kasi siya pumupunta dito.

Maya maya lang ay may nag doorbell.

Malamang si Steffan na to.

Pag bukas ko ng pinto tama nga ako. Si Steffan.

Pumasok na siya at agad umupo sa Sofa.

"Nakakapagod! Galing pa akong Baguio." sabi niya at nagpunas ng pawis.

"Penge naman akong tubig." sabi niya at kumuha naman ako sa ref ng tubig at binigay sa kanya.

"So... Anong pinunta mo dito? Mukha namang hindi ka naghihirap..." nilapag niya ang baso at seryosong tumitig sakin.

"Anong nangyayari sayo?" tanong niya.

"What?" tanong ko sa kanya.

Napailing siya.

"Alis na rin ako." sabi niya at naglakad palapit sa pintuan.

"Pumunta ka lang dito para makiinom ng tubig???" siraulo talaga to.

Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay binuksan niya ang pinto at bago pa siya tuluyang makalabas...

"Ohh... " May kinuha siya sa bulsa niya at inabot ito sakin.

Cellphone at susi.

Wait..

Kay..... Stef yan ahh?

Nakatitig lang ako sa hawak niya nang nagsalita ulit siya.

"Nakipag kita si Stef sakin kanina." napatingin ako sa kanya.

"Pinapabigay niya." kinuha ko ang cellphone at susi.

Anong ibig niyang sabihin???

"And.... pinapasabi pala niya. Thank you daw sa lahat."

Para akong pinasabugan ng bomba sa sinabi ni Steffan sakin.

Anong.....

Bakit niya binigay to???

Bakit..... Nag thank you siya?

Naguguluhan ako.

Susi ng Condo.... ibig sabihin.... Umalis siya?!

"U-umalis siya????" tanong ko sa kanya.

"Di ba obvious Kuya? Happy now?" pagkasabi ay agad siyang umalis.

Shit!

Bakit siya umalis?

H-hindi na ba siya babalik???

Nagulat ako nang mag ring ang cellphone.

Hindi niya tinanggal yung Sim...

Number lang yon. Hindi ko sana sasagutin pero... na curious ako kung sino yon.

I answered the call. Pero hindi ako nagsalita.

Hindi rin nagsalita yung tumawag. Maya maya ay narinig ko itong tumikhim.

Lalake??? Sino kaya to?

"Si Stef pa ba to o.... si Matthew???" Brandon! Si brandon to!

"Brandon????"

Narinig ko siyang tumawa.

"Akala ko nagbibiro lang si Stef. Sabi niya kasi wag na ako magtext o tumawag. Ibabalik na daw niya kasi yung Cellphone sayo." napalunok ako sa sinabi niya.

Hindi ako nakapag salita.

"You know.... Ayokong makialam pero... You don't deserve her." umigting ang panga ko sa sinabi niya.

"Wala-" pinutol niya ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"I kissed her because my Ex was there. Pareho naming hindi ginusto yun. And I really feel sorry to her na sinasaktan mo siya dahil sa pangdadamay ko sa kanya sa problema ko."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nahihirapan akong huminga.

I thought....

"Ngayon ko lang nalaman lahat Matthew! It was her fucking Birthday! Gago ka ba????!" sigaw niya sa kabilang linya.

Napalunok ako. I know.... Iniwan ko siya doon dahil...sobrang galit ako.

"At di kapa nakuntento? Alam mo bang ako ang kasama niya nung pasko?"

Nagulat ako sa sinabi niya. So umalis pala siya pagtapos niyang pumasok sa Room ko?

"Nakabanggaan ko siya sa daan Matthew. Tumatakbo siya. Basang basa at umiiyak." nanghihina ang boses niya.

Nag iinit ang sulok ng mata ko.

Shit!

Ano ba itong nagawa ko???

"Wala akong gusto sa kanya. Oo tinititigan ko siya minsan... no madalas dahil nakikita ko sa kanya yung Ex ko. Pero wala akong gusto sa kanya dahil mahal ko parin yung ex ko. And pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit nasaktan yung inosenteng babaeng yun."

Napaupo ako... Nanghihina ako..

Ang tanga ko Shit!

"Pero... hindi mo dapat siya ginanun... Yung ganung klaseng babae Matthew dapat minamahal... dapat iniingatan... dapat pinoprotektahan... Pero anong ginawa mo?"

Tumulo na ang luha mula sa mga mata ko. Nagbalik sa isip ko ang sinabi ko sa kanya nung Birthday niya...

"Hindi ko alam na ganun ka kacheap para makipag halikan sa kung sino sino lang. Sabagay. Nabigay mo nga ang Virginity mo sa lalaking iniwan ka lang eh."

Naihilamos ko sa mukha ko ang kamay ko. Sinabi ko sa kanya yun.... Nasabi ko sa kanya yun!

Fuck!

Hindi ako nag iisip! nagpadala ako sa galit at selos ko!

Napaka walang kwenta ko. Sinabi niya lahat sakin... Nagtiwala siya....

Putang ina naman! Ano tong nagawa ko??!!!!

Naisip ko yung nakita niya kami ni Regine na naka Bathrobe.... Yung nasa Restaurant kami.... Yung nasa bar...

Shit! Wala siyang ginawang masama.... Ako! Ako ang may ginawa!

Binaba na niya ang tawag at agad akong tumayo at binuksan ang pintuan.

Wala na siya.... Kanina pa ba?? Baka andyan pa siya sa Room niya ..

Agad kong binuksan ang Room niya at pumasok doon.

"Baby...." tawag ko pero walang sumagot.

Ganon parin sa loob. Walang nagbago.

Pumasok akong kwarto niya. Nakabukas ang Walk in Closet at nakita kong andun parin ang mga gamit na binili ko para sa kanya.

Iniwan niya???

Iniwan niya lahat ng binigay ko para sa kanya????

Nakita ko ang teddy bear na nakapatong sa kama niya.

Nanginginig akong lumapit doon.

Hinawakan ko ang teddy bear at nakita kong may nakasabit na ribbon dito.

May nakasulat...

Baby Matt <3

Napapikit ako.

Damn!

Napaka Gago ko!

Paano ko to nagawa sa... Baby ko..........

Wala na siya....

Umalis na siya!

I-iniwan na niya ako...

"Argghhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Ang tanga tanga ko!" Ibabalibag ko na sana ang unan sa tabi ko nang makita ko ang mga pictures sa ilalim nito.

Nabitawan ko yung unan at kinuha ko ang mga pictures.

Mga kuha namin sa Baguio....

Tiningnan ko ito.

Nung naka angkas siya sakin... Nung nasa puno ng mangga kami...

Nabigla ako nung makita ko yung isang picture na blurred.... Nabasa???

Malabo kasi ito at may parang patak...... Patak???

Napakagat ako sa labi ko.. Patak kaya ng.....luha to????

Tinitigan ko itong mabuti. Sa puno to ng mangga.... Malabo yung banda kay Stef..

Ang mejo malinaw.... Ako.

Kahit diko masyadong makita ang mukha ko dito, nakayuko ako.

Alam ko to!

Ito yung...... Yung nakatitig ako sa labi niya..... Shit..

Tiningnan kopa ang ibang pictures...

Ang huling picture ay yung.... Nakayuko ako sa ilalim ng puno..

Ito yung.... nasigawan ko siya!

Parang kinurot ang puso ko nung maala ko yun....

Pinaiyak ko siya noon..... Pinaiyak ko ulit siya ngayon.

Fuck! Ang tanga ko!

Hindi siya pwedeng umalis...

Hindi ko kaya..... No...

Lumabas na ako ng kwarto at paliko na sana ako papuntang pintuan nang may nahagip ang mata ko.

Sa basurahan.

Napahinto ako at dahan dahang lumapit...

"P-painting?"

Kinuha ko ito...

Dalawa....

Nanginginig ang kamay ko sa nakita ko...

Sunod sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko.

"She paint me....." pumiyok ang boses ko.

Tiningnan ko naman yung isa.

Ito yung blurred picture....



"Baby......I'm....So Sorry............"

At tuluyan na akong napaluhod at iniyakan ang kagaguhang ginawa ko.





Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 245 28
A compilation of what-ifs and short stories about GaLor. Enjoy!
346K 18.3K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
809K 1K 3
Playful 1: Zeke Ace Nixon Married life should be like fantasy- waking up with a light weighted feeling and shimmering smile. Bakit nga ba naging gani...