My Knight (de la Vega Brother...

By Stefretty

1.6K 55 0

Don't find love, Let love find you. That's why it's called falling in love because you don't force yourself... More

My Knight
Bago ang lahat.
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
WAKAS

KABANATA 25

38 1 0
By Stefretty

-You treat me like a stranger and that feels so rough.-



(Stef's POV)


Nasa tapat na kami ng 143 Tower. Hinatid ako ni Brandon. 6am palang.


"Uhm. May gagawin ka ba mamaya???" tanong naman niya.


"Wala nga ehh."


"Yayain sana kita. Boring kasi." sabi niya.


"Sige." ngumiti ako sa kanya. Maganda narin yung nakakaalis ako. Kesa magmukmok sa condo. Maiisip ko lang siya.


"Susunduin kita. Tatawagan nalang kita mamaya." tumango ako at nagpaalam na.


Pagkapasok ko ay pinagtitinginan naman ako. Malamang dahil sa suot ko!


Yun parin ang suot ko. Dito nalang ako maliligo at magpapalit.


Nagmamadali akong pumasok sa Room. Baka makasalubong ko kasi siya. Ayoko muna siyang makita.


Nagbabad muna ako sa bath tub.


Naalala ko tuloy....


"Akala ko kung ano ng nangyari sayo! Shit! Wag ka ngang matutulog habang nakababad sa tub! Pano kung dimo namalayan malunod ka dyan dahil tulog ka?! Tapos hinayaan lang kita kasi iisipin ko naliligo ka lang? 10 minutes akong katok ng katok! Nag aalangan akong pumasok dahil nga na-naligo ka! Di kaba nag iisip?!"


Kung matulog kaya ulit ako dito sa bath tub? Dadating kaya siya???


Magaalala ba siya ng sobra sakin?


Bakit ko pa ba tinatanong ang sarili ko???


Obvious namang wala siyang pakialam sakin.


"Hindi ko alam na ganun ka kacheap para makipag halikan sa kung sino sino lang. Sabagay. Nabigay mo nga ang Virginity mo sa lalaking iniwan ka lang eh."


Napaiyak na naman ako. Pinagkatiwalaan ko siya. Sinabi ko ang nangyari sakin.


Ang sakit niyang magsalita!


Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong makapag paliwanag!


Maliligo ako ehh... Bakit umiiyak na naman ako.


Nang nagsawa na ako kakaiyak ay lumabas na ako ng banyo.


Nagsuot ako ng Sando at wala. Naka underwear lang ako. Trip ko lang.


Gusto ko ng Pizza....

Nagpadeliver ako. Nagpatugtog ako at sumasayaw sayaw pa. Pang patanggal ng stress.. Hahahaha


Mayamaya lang ay may nag doorbell.


Yung pizza! Yipppppppppieeeeeee!


Kinuha ko ang perang hinanda ko at binuksan agad ang pinto.


Gulat na gulat ang delivery boy dahil naka underwear lang nga kasi ako.


Pagkaabot ko ng bayad ay nagmamadaling umalis.

Pupunta yun sa C.R. tapos ano.... Iihi shempre. Hahahahahaha


Tatlong kahon ng pizza. Yes tatlo! Uubusin ko to ngayon!


Nanood lang ako ng Movie. Action yung pinapanood ko. Ayoko ng Love story. Maiiyak lang ako.


3pm na. Nag ring naman ang phone at...


"Hello?" tumawag sakin si Brandon.


"Busy ka?" tanong naman niya.


"Oo. Busy sa kakakain." sagot ko at agad tumawa.


"Hahaha baliw ka talaga. Sunduin na kita dyan." napa face palm naman ako. Oo nga pala!


"Mag aayos lang ako!" pagkasabi ko nun ay agad akong lumipad papuntang kwarto at naghanap ng masusuot sa walk in closet.


Pink dress ang napili ko. Fit ito at may slit sa gilid sa bandang legs. Mahirap naman kung sa harap ang slit diba??? Like duhh?!

Then black heels.


Nag make up na ako at pinili ko ang kulay rose na matte lipstick.


Inayos kona ang bag ko at tiningnan ulit kung ok na ba ang itsura ko.


Yan! Hindi mukhang Broken hearted! Hahahaha


Nagtext si Brandon. Nasa baba na daw siya.


Pagkababa ay nginitian niya ako. Ngumiti din ako sa kanya. "Masaya kaba talaga???" Loko to ah!


"I hate you." pagkasabi ko ay tumawa agad siya.


Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at umalis narin kami.


Hindi kami naguusap. Wala rin namang pag uusapan eh. Hahaha


Pinark niya ang kotse sa isang French Restaurant.

Mukhang pang sosyal....


Pumasok na kami sa loob.


"Nauna pa sila satin." Huh? Sila? So may mga kasama kami???


Baka marami kaming kasama. Tapos biglang magtatanong ng... Open minded kaba sa business??? Hahahahahaha!


Papunta kami sa gitna.


Nakita ko naman si Regine. So kasama namin yung demonyita?


Pero halos matigilan ako sa paglalakad nang makita kung sinong kasama niya.


Matthew...


Nang makalapit na kami sa table...


"Hi Kuya!" tumayo si Regine at humalik sa kuya niya.


"Hi Stef!" tapos yumakap naman siya sakin. Napatingin ako kay Matthewna hindi tumitingin sakin.


Bakit ba sa lahat ng pwede naming makasama bakit sila pa???! Bakit siya pa???!


Inalalayan akong makaupo ni Brandon. Shit!


Kaharap ko si Matthew.


Napatingin siya sakin. At ako din. Pero ako ang unang nag iwas ng tingin.


Dumating ang waiter at nag order na kami.


Tahimik lang akong kumakain. Si Regine naman at Brandon ay nag uusap.


"Babe... Try mo to masarap." napatingin naman ako kay Regine na kinakausap si Matthew.


Babe???


So sila na???


Parang nagbabara ang lalamunan ko.


"Ang sweet. Naiinggit tuloy ako." sabi ni Brandon.


"Si Brandon din daw Stef." sabi naman ni Regine.


Tumawa lang ako. Kunwaring tawa. Kahit nasasaktan na ako sa sweetness ng dalawa.


"Buti ok na kayo?" tanong naman ni Brandon kay Regine.

Ok na???


"Yes Kuya." ngumiti naman si Regine.


"Ilang taon na din yun diba? Si Regine pa nga yung last date mo ehh. Bukod dun wala na akong alam na nakakasama mong babae. Right Matt???"


What??! Si Regine yung.... Yung kinuwento niya sakin????


Inalala ko yung sinabi ni Matthew sakin. "Pumunta ako sa Condo ni Regine.... Alam ko kasi yung password ng room niya kaya nakapasok agad ako.

May dala pakong flowers and gifts para sa kanya. Plano kona siyang ligawan nun kasi almost 1 month kaming lumalabas para mag date."


Tama! Si Regine nga! Nawala sa isip ko...


Napatingin ako kila Matthew at Regine na nakatingin sa isat isa at nakangiti.


Sila na....


Siguro mahal niya talaga si Regine.... Kaya.... Kaya nung nagsawa na siya sakin....


Naninikip nanaman ang dibdib ko. Sakto lang naman yung size ng bra ko eh.


"Yes. Wala na." sagot naman ni Matthew.. So ano ako??? ANO KA HAH????!


Putang inang yan!!!!!!!!!!!


Nagtawanan naman sila. Ang saya mo. Ang saya saya mo. I..... hate you!


Bigla namang hinalikan ni Regine si Matthew sa lips.


Nabigla ako. Ako dapat yan eh. Ako lang dapat yung humahalik sa kanya. Ako dapat!


Ngumiti lang si Matthew. I can't believe this!


So ganun na nga lang ba talaga yun???


Pagtapos ng lahat???!


Lahat ng pinagsamahannamin????


Lahat ng mga araw na magkasama kami at masaya???


Yung mga araw na ramdam na ramdam ko na mahalaga ako sa kanya??


LAHAT YUN WALA LANG????? Fuck!


Pati yung...


Yung naghalikan kami sa Bar. Wala din yon??? Trip lang???


Ang sakit sakit...


Sobrang sakit na siya masaya at parang hindi ako kilala, ako naman hirap na hirap at laging umiiyak dahil sa kanya!


Hindi kona kaya....


Nagiinit na ang sulok ng mata ko kaya agad akong tumayo. "Excuse me."


Tumalikod agad ako at mabilis nanaglakad papuntang C.R.


Pagdating ko doon ay hindi kona pinigilan ang sarili ko. Doon na ako umiyak.


Umiyak ng tahimik.


Tinatakpan ko ang bibig ko ng sa ganun ay walang makarinig sakin.


Tahimik akong umiiyak..... Dahil tahimik din akong nasasaktan!


Ayoko na. Ayoko ng bumalik doon. Ayoko na siyang makita! Ayoko ng mag mukhang tanga!


Harap harapan eh! Kung mahal niya si Regine at sila na...

Sana wag yung magpapakita sila sakin. Wag yung harap harapan nila akong sinasaktan.


Manhid ba siya???!


Wala akong kasalanan sa kanya para saktan ako ng ganito!


Wala naman akong ginagawang masama ehh....


Tinawagan ko si Brandon.


"Oh San-" pinutol ko ang sinabi niya. Ayokong malaman nila Matthew na ako yung tumatawag.


"Pumunta ka dito sa labas ng restroom please..." humahagulhol pako habang nakikiusap sa kanya.


"O-ok!" at pinatay kona ang tawag


Pinunasan kona ang mukha ko. Nagkalat kasi ang make up. Then sinuot ko ang shades.


Pagtapos ay lumabas na ako sakto namang pagdating ni Brandon.


"What happend?!!" nag aalala niyang tanong sakin nang makalapit na siya.


"Sinabi mo ba sa kanila na ako ang tumawag?" tanong ko agad sa kanya at umiling naman siya.


"Alis na tayo dito..." ayoko na kasing makita pa sila.


"Pero sila-"


"Kung ayaw mo pang umalis ako nalang uuwi mag isa."


"No.. S-sige aalis na tayo.


Inakbayan niya ako at humawak naman ako sa bewang niya.


Yun parin ang dadaanan namin kaya nakita kami ni Regine.

Napatingin din si Matthew samin.


Hindi niya makikita ang mata ko kaya Ok lang.


Sumenyas lang si Brandon at tumango si Regine.


Tahimik lang kami ni Brandon sa sasakyan.


Nang nasa tapat na kami ng 143 Tower...


"Siya ba." anong ibig niyang sabihin?


"Si Matthew." narinig ko nanaman ang pangalan niya.


Tuluyan na akong napaiyak. At nataranta naman siya kaya niyakap agad ako.


"Shit! T-tama na S-stef..." hinahaplos haplos niya ang likod ko. Mas lalo akong napaiyak.


Mabuti pa tong taong to. Kinocomfort ako. Buti pa siya aware na nasasaktan ako! Eh si Matthew??? Mamamatay nalang ata ako dipa niya alam eh!

Matagal akong nakayakap sa kanya. Kaya nung ok nako ay agad akong bumitaw.

Hala! Basang basa ang damit niya!


"Yung damit mo..."


Tumawa naman siya at napatingin sa damit niya. "Ok lang.. Ok ka naba?"


Tumango lang ako. "Wag mo sasabihin ahh..." kapatid niya kasi si Regine e baka sabihin niya.


"I don't knowwhat's going on between the two of you...But don't worry.. I won't tell." ngumiti siya sakin.


"Siya yung kinuwento ko sayo na...Kuya..." nalaglag naman ang panga niya.


"Sige... Thank you talaga ahh? Naistorbo nanaman kita... Sorry.."


"No. It's ok... Nakaka relate din naman ako. Silently hurting..." nag eemote din siya. Hahaha


Ngumiti lang ako sa kanya. "Kaya mo yan. Sige.." Nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako.


"Thank you ulit.." ngumiti lang siya sakin at umalis na ako agad.


Hingang malalim.



Remembering all our memories, and it's time like these that I miss you most, remembering when we were so close.

I watch you laughed in pictures like i used to watch you sleep and I feel you forget me like I used to feel you breathe.


Ngayon parang wala lang. Parang hindi nagkaroon ng ikaw at ako.




Matthew....



You treat me like a stranger and that feels so rough.


Alam mo ba yun?






Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 282 66
Si Monica Ramirez ay matalino mabait at punong puno nang pangarap sa buhay, Nakikita niya na proud na proud Ang kanyang magulang sa kanya At pinanga...
434K 6.2K 24
Dice and Madisson
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...