Deathbound [Published Under C...

By iamrurumonster

1.7M 72.3K 7.3K

A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates... More

Author's Note
Prologue
1. Banished
2. Run. Hide. Run
3. Ensnared
4. Ali's Culprit
5. Captives
6. Ascend
7. Buttonholed
8. New Abode
9. The Recruits
10. Split Emotions
11. Chains and Clones
12. Unkempt Gut
13. Freed
14. Sheryl's Curse
15. Thorns of the Dark Rose
Deathbound Characters
16. Near Yet Far
17. Bounced Back
19. Raiders
20. Plan. Print. Pain.
21. Almost
22. Happenstances
23. The Noobs
24. Bue's Secrets
25. Transformed
26. Levi
27. Nułł
28. Torn
29. Gutter
30. Deceived
31. The Channel
32. The Puzzle
33. Tempted
34. Unreturned
35. A Dark Return
36. Blur
37. Flipped
38. Double Source
39. Prince of Tulsa
40. Envisage
41. Hidden Agenda
42. Missing Pages
43. The Lucas Journal
44. The Crisis
45. The Last Reunion
46. Claremur
47. The Great War
48. Dodged
49. Plan B
50. On the Cards
51. It Lasted Til Death
52. Undetected
53. The Annihilation
Epilogue
Deathbound Published Under Cloak Pop Fiction

18. Tempt Me Not

32.5K 1.3K 236
By iamrurumonster

I felt him. Again. I saw him for a split second. It was too fast but long enough to bring back the memories we shared together. Ang pinagtataka ko lang, ang dating nararamdaman ko'y tila nagbago, nabago na- parang nabawasan at hindi na ganoon kasidhi. Anong nangyari? Anong nabago?

Napatitig ako sa kisame habang nakaupo sa gilid ng kama. Wala akong makita kundi ang blankong kisame na napipinturahan ng puti. Pero maraming tanawin ang lumalabas sa puso ko. Maraming ala-ala na parang nangyayari pa lang sa pagbabalik tanaw ko. Kung paano kami pinakilala ni Levi sa isa't isa. Nanariwa sa utak ko ang unang pagdadaupang palad namin, hanggang sa training na lagi kaming magkasama, our adventures and misadventures na siya mismo ang kasangga ko. We grew up together as my feelings towards him grew fonder. I grew up with him. Lahat ng alaala naming dalawa nasa puso ko.

Ngunit bakit ngayong nakita ko na siya, tila hindi na buo ang nararamdaman ko para sa kanya? Bakit parang may isang sulok sa aking puso na hinihila ako palayo sa mga alaalang 'yon. Natulala ako sa mga binubulong ng puso ko. Buo ang kagustuhan ng utak kong si Levi parin at hihintayin ko siya hanggang sa handa na kaming pareho para ipagpatuloy ang nasimulan namin. Pero ang puso ko -isang traydor- na taliwas sa sinasabi ng utak ko. Tila may isang damdaming gustong kumawala sa aking dibdib at gustong ipagsumigawan na handa na akong lumimot at humakbang palayo sa mga alaalang ilang taong kinupkop ng puso't isip ko. Na si Levi na dating nilalaman lang ng puso ko ay pwede ko nang kalimuytan. Pero pinipigil ako ng alaala sa aking utak. Si Levi parin. Si Levi lang wala nang iba, walang ibang lalaking maaaring magmay-ari nito. Walang iba... walang Alec?

Si Alec. Kailan pa ba nagkaroon ng puwang si Alec sa puso ko? Pati na rin sa buhay ko? Napahiga ako pabalik sa kama kung saan ako dinala ni Levi. Sa puntong iyon ay nahimasmasan ako sa kung anong bumabagabag sa loob ko. Kung bakit parang hati na ang puso ko. Akala ko noon, kapag nakita ko si Levi, muling aapoy ang nararamdaman ko sa kanya pero mali ako. Tila niyapos ng damdamin ko para kay Alec ang kalahati ng apoy na matagal nang nasindihan. Ginulo nga ni Alec ang mundo ko... pati ang puso ko.

Tang ina mo Alec! Napamura ako ng di oras. Buong akala ko'y hinalikan lang ako nito dahil gusto niya akong lituhin at pigilan sa pag-alis ko. Pero bakit parang sariwa pa saakin ang pagdampi ng mga labi niya? Bakit parang may epekto ang lahat ng ginawa niya? Bakit may dating ang lahat ng kilos niya, ang lahat ng sinasabi niya? Kailan ba nagsimula ang gantong nararamdamann ko para kay Alec? Since when did he matter? Since we first met? Since he kissed me?

Hindi ko namalayang padaanin ang mga daliri ko sa aking mga labi. Biglang sinakop ng isip ko ang mga malamlam na berdeng mata ni Alec, ang mapupula niyang labi, ang matipunong katawan at mabangong sabon na gamit niya.

Oh shit! No! Napailing-iling ako. Pinilit kong iwaksi ang tagpong iyon. Naguguluhan ako!

Babangon na sana ako nang biglang tumunog ang malaking pintuang bakal ng kwarto! Wala na akong panahon para takpan ang sarili ko na nakapanloob lang. Tila nabato ako dahil sa magkahalong gulat at hiya. Sino ang lalaking pumasok? Oh shit no!

"A-Alison?" ang boses na kanina pa laman ng isip ko. Siya ang biglang pumasok!

"Shit! Bastos!" sigaw ko. Nahihimasmasan ako sabay takip sa sarili ng makapal na comforter.

"Huh? What is wrong with you? Ako pa ang bastos?" he answered defensively. Nangungunot na ang noo nito habang tinatanggal ang suot na leather jacket na parang wala ako sa kwartong 'yon.

"Anong gagawin mo? Hoy anong binabalak mo? You know you can't just easily take me down to this bed right? Subukan mo at wawasakin ko yang puso mo?" singhal ko na halos tumalsik na ang laway. Nanlilisik ang mga mata ko sa sobrang yamot sa bastos na lalaki.

Natigilan sa pagtanggal ng combat boots si Alec habang nakaupo sa may bedroom chair. Napaawang ang bibig nito at tila hahagalpak na sa tawa dahil sa naisip. "Assuming ka rin no Alison? You think I came here on purpose just to r-rape you? Oh well, you can hitch my will and command me to rape you but on a normal state I won't ever do that. Ever, until you're one hundred percent mine. So stop reacting like you're too vulnerable," kumawala na ang kanina pa nagbabadyang hagalpak nito. Halos malukot ito sa sobrang lakas ng tawa. It sounded almost sarcastic.

"Baliw ka na?" tipid kong singit para maputol ang nakakainsultong pagtawa nito.

Pinigil nito ang tawa saka nagsalita, "I already told you Ali. I did not enter this room to feed your fantasy. This is my room okay? Wala akong balak gawin ang iniisip mo. I'm not that kind of guy. ibahin mo 'ko."

Natigilan ako. Bigla kong naramdaman ang pag-init ng aking pisngi at tainga. Holly crap! "T-this is your room?"

"Yes. Now if you think you can seduce me with the drama you are trying to put on, honey, no. I will never touch you unless our feeling is mutual," he went on. Lahat ng salitang binibitawan nito'y tumatagos na sa aking dibdib. I am totally drawn.

"W-well, I am not trying to seduce you," nahirapan akong mag-isip kung paano ako magpapalusot. Nakatitig parin ito habang patuloy na tinatanggal ang mga saplot sa katawan. Napalunok ako nang magtanggal ito ng sando at tumambad saakin ang malalapad nitong dibdib. Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib nang pinunasan nito ang pawisang puson kung saan nakahilera ang mga pandesal nito sa tiyan. Hi sweat made his body look sexier. Lihim akong napamura nang matitigan ko ang buhok na naglalakbay sa puson nito pababa sa pagkatao niya. Lihim ko ring pinagalitan ang sarili ko dahil sa mga tumatakbo sa utak ko.

Tumayo ito sa kinauupuan bago nagtungo sa closet. Pagbalik nito'y seryoso na ang titig niya habang bitbit ang isang itim na roba. Nagising ako bigla nang ibato nito saakin ang hawak na roba. "Put it on and leave. I am about to take off my pants. Wala akong underwear kaya may chance ka pang lumabas bago mo makita ang future mo," he delivered those lines with a flavor of seduction as he started to unbuckle his belt. Napansin kong sinunod niyang in-unbotton ang tight pants nito saka lumingon saakin na tila nanghahamok.

Bigla akong nanginig. Nataranta ako at mabilis na isinuot ang robang bigay nito. Halos marinig ang mabilis kong paghinga habang nagbibihis saka matulin kong tinakbo ang pintuan. nang pihitin ko ang seradura ng pinto at umikot ito pero hindi ko tuluyang nabuksan. "Shit!"

Natawa ito na tila natutuwa sa inasta ko. "Nakadouble lock yan. The door can only open with my finger. It opens with a finger print recognition of the room owner."

"Being the Lord of War of Claremur, this is one of your perks? Double security?" usal ko nang hindi siya nililingon. Napapikit ako nang narinig ko ang pagbagsak ng buckle ng kanyang belt sa sahig that made me conclude he's totally naked. "Oh crap. That's bullshit. Get me out off here."

Narinig ko ang paglakad nito palapit saakin. napakuyom ako ng palad at pinigil ang aking paghinga habang siya'y papalapit. I heard a thud on the door. His fist landed on the surface. Halos dumikit ang matipuno nitong bisig sa aking pisngi nang sumandal siya para pagbuksan ako. Napapikit ako nang maisip kong may isang hubad na lalaki sa likuran ko. lalong humigpit ang pagkuyom ng aking mga palad nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tainga.

"Open it," mariin kong sabi. Napamulat ako ng mata at hinintay na iangat nito ang isa pang palad para i-scan ang finger print nito.

I heard him chuckle na tila natutuwa sa mga nangyayari. "You look so sexy on that robe," bulong nito. Itinaas nito ang isa pang kamay para sa scanning ng kanyang finger print.

Naramdaman ko ang pagdikit ng dibdib nito sa aking likuran. I had hair shock from all over. Nagpigil ako sa paghinga at halos hindi gumalaw sa kinatatayuan ko. Isang maling galaw ko lang paatras, tiyak na lagot na ako. Napansin ko ang paggalaw ng mga muscles niya sa bisig nang idikit nito ang hinlalaki sa scanner.

"ACCESS GRANTED!" isang automated voice ang nagsalita na nangangahulugang bukas na ang pintuan.

Nagmadali akong humakbang patagilid. Sa sobrang tagal ng pagkakatayo ko na halos walang paggalaw ay namanhid ang aking mga paa at tila nanibago sa aking paghakbang. Pinilit kong tumayo ng tuwid at maiwasang madikit sa lalaki pero nabigo ako dahil sa paglikot ng balanse ng aking katawan ay nadikit ako sa hubad na lalaki. Nasalo ako ng isang bisig nito na kanina ay nakasandal sa pintuan.

"Careful," mahina nitong bulong sa kanang tainga ko. Mahina ngunit napakalakas ng dating no'n sa aking dibdib. Animo'y sirang plakang naulit-ulit dahil sa totoo lang ay lihim na natuwa at nagdiwang ang puso ko sa sinabi nito. I have never felt so secured in my life.

Pinakawalan ko ang pigil kong paghinga. Huli na nang mapagtanto kong magkadikit na aming katawan. Ang dibdib nito na bumabangga sa likuran ko, ang bisig niyang nakapulupot sa baywang ko. I felt his arousal behind me. Nagitla ako at biglang naguluhan lalo na nang hagurin nito ang bandang puson ko.

"Alison, please..."

"Please what?" halos manginig ako sa pagsagot. Nakakadeliryo na ang halos pagyakap at pagbulong na ginagawa niya.

"Please leave before I loose control," he released a heavy sigh then continued, "I don't want to do this when you're heart is not totally mine. I am possessive and when I want something, I have to have that something without anything around it."

He released my waist. The burning flame went cold. Napasandal ako sa door frame at huminga ng malalim bago tuluyang lumabas sa kwartong iyon. Walang lingon-likod kong nilisan ang masters room at mabilis na tinakbo ang kwarto ko.






It took me half an hour before I was able to gather myself together. Bumalik ako sa training barracks kung saan naroon ang mga iba pang recruits. Ang araw na mismong 'yon ang schedule para personal naming makapulong ang royalty -ang hari, ang reyna, ang prinsesa at ang mga masters o mga may mataas na katungkulan sa realm.

Sakto lang ang dating ko dahil kakasimula lang ng seremonyas. Mabilis akong napansin ni Pea na nasa likuran lamang ng mga nakahilerang paupo na mga tauhan ng Claremur -from skilled swordsmen, to archers, to warriors and alius. Nandoon lahat para makinig sa anunsyo ng royalty.

Ito ang unang pagkakataon na makikita ko ang royal leaders. Nasa trono ang hari na nanlalaki na ang tiyan sa suot na coronation mantle. Bata pa ang itsura ng king na nasa edad quarenta hanggang singkwenta anyos. Nasa tabi nito ang reyna -maputi ang buhok, malamlam ang mga mata at maamo ang mukha. Sa kaliwang bahagi ng trono ay ang prinsesa na balita ko'y kakadesi otso lang noong bago pa kami dalhin sa Delta. Maganda ang mukha nito, maputi at makinis ang balat at kulot ang buhok na lagpas balikat. Abot hanggang mata ang mga ngiti nito na nakatanaw sa harapan.

"The princess," pasimula ni Pea, "Princess Kristell of Claremur. She can control gravity and that's it. The Queen Theodora, can manipulate the motion of a living organism. The King Paul, can totally control the decomposition of an object, even a person. Kaya pala walang masyadong basura sa kingdom. Totally decomposed with the king's ability. Quite an impressive family isn't it?" siniko ako ni Pea habang nakatingin sa royal family.

"The King is a bit dangerous," 'yon lang ang nasabi ko bago itinuon ang atensyon sa harapan.

Nasa gilid ng trono ang mga masters kung saan nabibilang si Alec. Naroon ang master or armory, master of war, master of aid, master of miscellaneous at iba pa. Maraming masters na hindi ko pa personal na nakakausap.

"Look at Princess Kristell, kanina pa siya sulyap ng sulyap kay Alec at parang lalanggamin na sa sobrang tamis ng ngiti. May tinatagong landi ang prinsesa," bulong ulit saakin ni Pea.

Mabilis kong hinagilap ang dalawang tinutukoy ni Pea. Totoo ngang nagngingitian ang dalawa. Alec was smiling back at halatang kinikilig sa kanya ang prinsesa. "Baka may makarinig sa'yo. Prinsesa pa naman ang pinag-uusapan natin, we could be dead anytime."

"Hayaan mo nga ako, mahina lang naman eh. Eh diba may something kayo ni Alec? Bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin at mukhang nag-iba siya ng putahe?"

"Pea? Stop it baka may makarinig sa'yo," pigil ko sa kaibigan. Pero sa loob-loob ko'y parang gusto kong maniwala sa sinasabi niya. Lihim akong nanggigil.

"People of Claremur," pinutol ng boses ng hari ang tumatakbo sa isip ko, "just recently, may nakapasok na tatlong kalaban sa ating teritoryo. Ayon sa mga nag-imbestiga, galing ang tatlong alius na 'yon sa pinakamalakas na kaharian, ang Bartsville."

Nagulat ako sa binalita ng hari. Bartsville? Nasa pinakamalakas na kaharian si Levi?

"Malapit na ang preparation day para sa quarterly clash. Bahagi 'yan ng strategy ng mga kalaban, ang maagang pag-loloot,' the king continued his speech.

"Loot?" tanong ko kay Pea.

Automatiko naman nitong pinaliwanag ang ibig sabihin ng hari. "Can you see that nostrum collector planted in you wrist?"

Tumango ako.

"Diyan nilalagay ang mga nostrum na maaring makuha sa war mismo or through looting. Nag-loloot ang mga kalaban ng nostrum para sa maintenance. Nostrum is a cure-all drug and can help maintain our strength and our power as an alius. Pagdating kasi ng quarterly clash, we need to sustain our strength to last longer for offense and defense that's why every real needs enough nostrum. The more nostrum, the greater the chance we can win against the other five realms."

Sa pagsasalaysay ni Pea, bumalik ang ala-ala ko nang operahan ako sa bisig at paalalahanan ng doktor na ang nostrum collector ang magiging susi ko para mabuhay ng mas matagal. Doon ko lang unang napagtanto ang lahat.

"So, by the next days, we will be deploying some skilled alius for the looting. Kailangan nating makakolekta ng sapat na nostrum as early as possible," anunsyo ng hari na ikinagulat ng lahat.

Sa puntong 'yon, nagsimula nang mamahay ang takot ko para sa kaharian, para sa mga bata at sa mga inosente. Malapit nang magsimula ang digmaan. Digmaang para saaki'y maaring magtagpo saamin ni Levi hindi bilang magkaibigan kundi bilang magkatunggaling alius.

###

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 124K 71
GIFTED SERIES #2 Hide. Hide yourself. Hold your breath and don't make a sound. Look at your surroundings and watch your step. The hunters are here. G...
394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
192K 3.6K 11
60 stunning girls, One handsome bachelor, One reality dating show, A battle of fancy dresses and stilettos begins. In a journey of dreams, hope, lov...
259K 19.3K 47
⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enough of the thrill she had always sought fo...