Unfinished 3

By vonjopastor

101K 3.9K 1.1K

"It will come to an end!" (The last book of Unfinished)(Trilogy) Ang lahat ng bagay na may kinalaman sa nakar... More

Authors Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 "the Mid-Finale"
Unfinished 3 part 2
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
EPILOGUE

Chapter 46

1.2K 58 15
By vonjopastor

Chapter 46

Alexandria

Pare-parehas kaming nakatanggap ng text mula kay Vonjo. Isang hindi kapani-paniwalang balita ang aming nalaman. Higit pa ito sa aksidenteng kakatapos lang maganap sa aming paaralan. Iniisa-isa na ang grupo namin ng Red Blood Organization, ang kamatayang sinapit ni Zamuel ang kanilang panimula.

Nakita namin na kasama ni Kim si Luther bago kami makalabas ng gate ng school. Sabay-sabay na kaming pumunta sa ospital na sinabi ni Vonjo. Pero ng makarating kami doon, hindi na namin inabot ang bangkay ni Zamuel.

"Wala na siya dito....." Sambit ni Vonjo.

"Pina-cremate na ang bangkay ni Zamuel. Tatawagan nalang ako ng contact ko kung tapos na." Dagdag ni Officer Perez.

Halos lahat hindi maipinta ang mukha dahil sa insidenteng nangyari. Lungkot at takot ang nangingibabaw sa aming lahat. Dahil sa isang iglap lang, maari na kaming mamatay lahat.

Ito ang ikalawang pagkakataong nagkaharap-harap ang grupo namin. Ang Mystery Club, Ghost Club maliban kay Shen, Arvine at Romylyn, sina Officer Alejandre at Perez, pati narin si Abbygale.

Ilang sandali pa ay dumating na si Shen kasama si Ada. Para bang sabik na sabik si Ada na tumakbo kay Vonjo. Mahigpit itong yumakap sa kanya.

"You're safe..... Akala ko, kung ano na ang ginawa sayo ng Red Blood." Garalgal na usal ni Ada habang mahigpit parin siya sa pagkakayakap. Samantalang napansin ko namang nairita si Abbygale sa kanyang nakikita.

"Wala silang ginawa sa akin, may bagay lang sinabi sa akin ang Supremo, tungkol sa magaganap na Red Blood." Tugon niya at tuluyan na itong kumalas kay Ada.

"Ito rin ang isa pang dahilan kaya ko kayo pinapunta dito." Dagdag pa niya.

"Anong ibig mong sabihin Vonjo?" Tanong ni Rodylien.

"Oras na para malaman ninyong lahat ang mga nangyayari. Ang katotohanan sa katauhan ng bawat isa." Bigkas ni Vonjo na nakatitig kay Luther.

Luther

Seryosong nakatitig sa akin si Vonjo, agad akong nakaramdam ng kaba. Marahil ito na ang oras na malalaman ng mga kasama ko kung ano ang relasyon namin ng Supremo.

"Katotohanan sa katauhan ng bawat-isa? Teka teka! Huwag mong sabihing may traydor sa grupo natin." Naguguluhang reaksyon ni Tom.

Umabante ako ng isang hakbang at taas noong tumingin kay Vonjo. "Sige, sabihin mo na sa kanila."

Humawak sa braso ko si Kimberly, nagtataka rin siya sa nangyayari. "Teka nga Luther, ano bang nagyayari?" Tanong niya.

"Ama ni Luther ang Supremo!" Mabilis na tugon ni Vonjo.

Pinutol na niya ang mga tanong sa isip ng mga kasamahan namin, para bang biglang natahimik at natulala ang lahat. Hindi sila makapaniwala sa katotohanang nalaman nila, isa-isa silang napaatras sa akin. At ang mahigpit na kapit sa akin ni Kimberly ay unti-unting lumuwag. Hanggang sa tuluyan na siyang bumitaw.

Liningon ko siya, kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot dahil sa natuklasan. Pero mabilis na napalitan ng galit ang kanyang emosyon at bigla nalang niya akong binigyan ng isang malakas na sampal.

Tila nagising ang buong katawan ko dahil sa malakas na sampal na iyon. Ramdam na ramdam ko ang sakit at pamamanhid ng kanang pisngi ko. Pero ayos lang iyon, dahil ito ang kabayaran sa paglilihim ko sa kanila.

"Bakit mo to nagawa sa amin?" Umiiyak na tanong ni Kimberly.

"Inilihim mo sa amin ang katauhan mo! Trinaydor mo kami Luther! Isa ka pala sa kanila! LINOKO MO KAMING LAHAT!" Galit na galit siyang sumugod sa akin, muli niya akong sinampal tapos pinagsusuntok na din niya ako sa dibdib.

Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko magawang magsalita. Napakasama ko talaga, ako na nga ang pumatay kay Trevor, nagawa ko pang itago ang katotohanan sa pagkatao ko. Wala akong pinagkaiba kay Diethard Keegan. Ang demonyo kong ama!

"TAMA NA KIMBERLY!" Pasigaw na pagpigil ni Vonjo.

Natauhan ang mga kasama namin kaya mabilis na linapitan at pinigilan ni Alex at Abbygale si Kimberly, inilayo nila ito sa akin.

"Hindi ko ito sinabi sa inyo para magkawatak-watak ang grupo natin. Sinabi ko ito para mas makilala nyo si Luther....." Pauna ni Vonjo.

"Hindi nyo alam ang pinagdaanan niya. Kimberly, kayo nga dapat ang nakakakilala kay Luther dahil kayo ang mga kaibigan niya. Alam ninyong hindi niya ginustong maging anak ng Supremo." Dagdag pa niya.

"H-hindi ko alam...... Na ang Supremo ang ama ko........ Kimberly, pagkatapos nating maghiwalay nung gabing napalibutan tayo ng Red Blood Organization, iyon ang oras na inilantad sa akin ng Supremo ang katauhan niya-----na siya pala ang ama ko." Paliwanag ko.

"P-pero kahit magkadugo kami, nasusuklam parin ako sa kanya...... D-dahil sa mga k-kasamaang ginagawa niya.... D-dahil wala niyang awing pinatay ang nanay ko...." At hindi ko na napigilang lumuha.

"Tama ang narinig ninyo, pinatay ng Supremo ang nanay ni Luther-----si Mrs. Cassandra Keegan. Bago pa man lang sila nagkakasama ni Luther, binawi kaagad ng supremo ang muling pagsasama ng mag-ina. Kagabi lang nangyari ang insidenteng iyon, kaya naman sigurado akong nasasaktan parin si Luther hanggang ngayon." Tapos ay lumapit si Vonjo sa akin.

"Pero sa kabila ng pagkawala ng kanyang ina, nadito parin siya, kasama parin natin siya! Dahil isa lang ang gusto nating mangyari, iyon ay ang mapabagsak ang Supremo at ang buong Red Blood Organization."
"Kaya naman sigurado akong-------kakampi natin si Luther, kahit na anong mangyari." Nagawa akong pasayahin ni Vonjo sa sinabi niyang ito.

Isa-isang tumingin at ngumiti sa akin ang mga kasama namin, ngiti na nagtitiwala parin sila sa akin.

"May tiwala ako sayo Luther...." Sambit ni Tom.

"Ako rin." Pag-sang-ayon ni Alex.

"Kahit anak ka pa niya, alam kong mabuti ka Luther." Nakangiting bigkas ni Ma'am Bernadette.

Nakayuko lang si Kimberly, alam kong hindi niya pa ako kayang patawarin ngayon dahil sa paglilihim ko sa kanila. Siguradong sumagi nanaman sa isip niya yung ginawa ko kay Trevor.

Muling kinuha ni Vonjo ang aming atensyon.

"Nagdeklara na tayo ng gyera sa Red Blood Organization. Kaya maging handa kayo sa pag-atake nila. Hindi natin alam kung saan at kailan sila susugod. At kung sino ang isusunod nila kay Zamuel. Kaya naman siguraduhin ninyong lagi kayong may kasama." Paalala sa amin ni Vonjo.

Tumingin si Vonjo kina Officer Alejandre at Perez. "Ang buong kapulisan ng bayan na ito ay kakampi na natin ngayon, kaya naman makakaasa tayo ng tulong mula sa kanila." Dagdag pa ni Vonjo.

Mabuti naman at nakuha na namin ang buong kapulisan, mas madali na naming mapipigilan ang mga plano ng kalaban. Kahit papaano ay may laban na kami sa kanila kumpara noong nakaraang taon.

"Gusto ko rin sanang malaman ninyo, na ako ang pinakakailangan ng Supremo." Pag-amin ni Vonjo sa aming lahat.

"Ako ang huling sakripisyo para sa Red Blood. Ako ang gagamiting bagong katawan ng bubuhayin nilang ninuno." Dagdag pa niya.

"K-kung ganon pala, ikaw ang dapat naming protektahan...." Ani ni Angelito na positibong-positibo sa kanyang sinabi.

"Hinde...... Hindi ninyo ako kailangang protektahan." Seryosong pagkontra ni Vonjo.

"Bakit naman? Sabi mo ikaw ang kailangan nila, kung hindi ka nila makukuha, masisira ang plano nila." Pahabol pa ni Chryztyn.

"Ipinapangako ko sa inyong hindi nila ako makukuha. Kaya hindi ninyo ako kailangang protektahan............. At simula ngayon, si Officer Alejandre na ang mamumuno sa grupong ito." Ani ni Vonjo.

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Pati si Officer Alejandre nagulat sa narinig niya. Mukhang biglaan lang ang naging desisyon ni Vonjo.

"Teka Vonjo, ano bang sinasabi mo? Wala ito sa usapan." Naguguluhang tanong ni Alejandre ng lumapit siya dito.

Tumingin si Vonjo kay Officer Alejandre, tapos ay ipinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ng pulis. "May dahilan ako Officer kaya ako nag desisyon ng ganito. Ikaw na ang bahala sa pagpigil sa RBO sa mga natitirang huling hantungan. Pamunuan mo sila." Ani nito na buong nagtitiwala. Tumango-tango nalang si Alejandre.

"Kung ganon ano ang dahilan mo Vonjo?" Tanong ni Shen.

"May kailangan akong alamin... Kaso ako lang dapat mag-isa." Tugon ni Vonjo.

Dali-daling nag-iba ang reaksyong ng mukha ni Angelito. Mabilis siyang lumapit kay Vonjo at hinablot ang damit nito. "Sawang-sawa na ako sa kakasabi mo ng ikaw lang mag-isa! Nangako tayo na sama-sama sa misyong ito tapos ganyan ka nanaman!" Nanggigigil na usap ni Angelito.

"Stop it Angelito!" Pasigaw na pigil ni Clarissa ng humawak ito sa isang kamay ni Angelito. Pero tinapik lang nito ang kamay ni Clarissa at patuloy na binalingan ng tingin si Vonjo.

"Simula pa nung insidente kay Tamara, handa kaming damayan ka sa problema. Pero anong ginagawa mo? ikaw lang lagi ang nagdedesisyon para sa grupo! Lagi mong sinasarili ang lahat para sa kaligtasan naming lahat! Wala ka paring pinagbago hanggang ngayon. MAKASARILI KA!" Mas lalong tumindi ang galit ni Angelito. Samantalang natahimik naman ang iba pa niyang kasamahan sa Ghost Club.

Mukhang nairita din si Vonjo kaya hinatak niya rin ang damit ni Angelito. Mas may pwersa ang paghatak niya na nakapagpalaki sa mga mata ni Angelito dahil sa gulat.

"Oo inaamin kong mali ang ginawa ko dati. Pero iba ang nangyayari ngayon Angelito. At ako lang ang pwedeng gumawa nito! Hindi nyo ko kailangang protektahan dahil ako ang kailangang prumotekta sa inyo. Hindi ko hahayaang may mamatay ng dahil sa akin." Paliwanag ni Vonjo.

"May tiwala ka sa akin diba? Kaya hayaan mo ako sa desisyon ko...... Ito na ang huling pagkakataong magiging makasarili ako." Panapos na salita ni Vonjo bago tuluyang bumitaw si Angelito sa pagkakahawak sa damit niya. Ganon din ang ginawa ni Vonjo ng kumalma na si Angelito.

"Pigilan nyo ang ikaapat na sakripisyo sa huling hantungan. Iyan ang huling utos ko sa inyo.......... Huwag kayong mag-alala, matatapos na ang kababalaghan na ito." Nakangiting sambit ni Vonjo bago siya tumalikod sa amin at maglakad palayo.

Susundan sana siya ni Abbygale pero pinigilan siya ni Ada.

"Pag sinabi ni Vonjo na siya lang mag-isa, siya lang dapat mag-isa." Sambit ni Ada.

"Pero kailangan niya ng kasama, kailangan ko siyang damayan. Kailangan ko siyang tulungan." Pagpupumilit ni Abbygale.

"Trust me Abbygale, minsan ko na ring sinabi iyan kay Vonjo. Ilang beses niya akong pinigilan pero pinilit ko parin dahil gusto kong makatulong. At sa huli, naging pabigat lang ako sa kanya-------kaya siya na-comatose. Kaya kung gusto mo talagang makatulong, huwag mo na siyang sundan." Naging epektibo naman ang paki-usap ni Ada dahil hindi na sumunod si Abbygale sa direksyon ni Vonjo.

Vonjo

Sa kabila ng mga binitawan kong salita sa mga kasama ko kanina, may bigat parin akong nararamdaman sa dibdib ko. Pilit kong pinapalakas ang loob nila kahit na durog na durog na ako. Ayokong makita nilang pinanghihinaan ako, gusto kong ipagpatuloy nila ang plano para iligtas ang ibang tao.

Nung una si Tamara ang nawala sa akin, tapos muntik ng mawala ang mga kaibigan ko pati na rin si Ada. At ngayon sa pagkamatay ni Zamuel, bumalik nanaman yung pakiramdam kung paano mawalan ng kaibigan. Hindi ko kayang makitang isa-isang namamatay ang mga kaibigan ko, mas makakabuti pang ako ang unang mawala.

Tama! Ako ang dapat mawala!

Total naman ako ang kailangan ng RBO para sa itinakdang araw.

Kung mamamatay ako, masisira na ang plano nila.....

Ito nalang ang natitirang solusyon para mailayo sa kapahamakan ang mga kaibigan ko...

Wala na akong ibang maisip, sarado na ang utak ko sa mga ideya. Binalot na ako ng depresyon. Wala ng ibang solusyon kundi ang kamatayan ng dahilan ng lahat.

"Wala ng ibang mamatay maliban sa akin....." Dinampot ko ang baril na ipinatong ko sa lamesa.

Sa gitna ng madilim na kwarto ng aking bahay, nabuo ang isang madilim na desisyon na posibleng makapagbigay ng katapusan sa nangyayaring kasamaan.

"Patawarin ninyo ako."

Itinutok ko ang hawak kong baril sa aking sintido....

At walang pagdadalawang isip na kinalabit ko ang gatilyo.

*****BANG!*****

Continue Reading

You'll Also Like

5.7K 58 81
Sa Pagmamahal,hindi naman porke't mahal mo na siya,makukuha mona!Sadyang minsan may mga taong nakatakda din para sa atin.Hindi mo naman pwedeng ipili...
3.1K 86 6
Bakit nga ba laging tumatahol ang aso tuwing Alas dose ng madaling araw kasabay nito ang pagbili ng kandilang puti. -*- This is just a short story...
164K 5.9K 96
Ang buhay mong maayos at payapa magugulo ng dahil sa CATASTROPHE, ang 12 mga lalake na nakakasilaw ang kagwapuhan, magiging Disaster na ba talaga ang...
789 33 56
Sa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na...