She's Scary ( completed )

By pinkanimekawaii

348K 6.6K 285

Paano kung dahil sa kamalasan mo, you end up sa c.r ng boys ? At sa kamalas-malasan mo, nandoon pa yung isa s... More

She's Scary
Prologue
Sa mga magbabasa ng story.
SS 1 : The Girl
SS 2: Girl in the Bathroom
SS 3 : Nightmare
SS 4: Identity Revealed
SS 5 : Confession
SS 6 : Deal
SS 7: Girlfriend
SS 9 : Hide and Seek
SS 10 : Restricted Room
SS 11 : Misunderstood
SS12 : Guy in the Infirmary
SS 13 : Public Announcement
SS14:MISSION: CONVINCE THE SAINTS
SS15: Horror House
SS 16 : Help
SS 17 : Practice Gone Wrong
SS 18 : Laughingstock
SS 19 : Bedscene Act
SS 20: Who is she ?
SS 21 : Angel and Potchi
SS22 : Bathump
SS 23: Family Dinner
SS24: Embarassed
SS25 : Thanks for Last Night ?!
SS26: Questions
SS27: Furious Nate
SS28: What Really Happened
SS29: Joke
SS30 : The Evil Plan
SS31: Part Time Job
SS32: Maui's Revenge
SS33 : The Sleeping Whitelady
SS34 : Forehead Kiss
SS35: Who is it ?
SS 35 : Annoying Nate
SS 36 : Names
SS 37: With them
SS38: Slave for the day
SS39: Date
SS 40: Talk
SS41
SS42
SS43
SS44
SS45
SS46
SS47
SS48
SS49
SS50
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter: That Night

SS 8: Rejection

6.7K 137 3
By pinkanimekawaii

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII

SS 8: Rejection

[ Krizzia's POV ]

Mababaliw na talaga ang beauty ko! Bakit ba nangyayari sa akin ito? Yung mongoloid na Nate na yun yung may kasalanan.

" Can you believe it? Boyfriend niya si Nate? " nagpaparinig ba itong mga ito?

" Kahit ayaw kong maniwala wala akong magagawa. Ang pangit kaya niya. Tapos si Maui, binasted ni papa Nate. Ang ganda-ganda nun. Tapos yan pa yung pinalit niya. Baka naman ginayuma. " gustong-gusto ko nang lapitan itong mga chismosang ito at sabunutan.

Nagulat ako ng biglang tumayo  si Hana. Nilapitan nito ang mga chismosang frog.

" Hoy! Kayong mga babaeng mukhang paa na may alipunga! Manahimik na nga kayo! Kahit na pangit ang bestfriend ko, atleast gwapo boyfriend niya! Eh kayo? Magaganda nga kayo, hindi naman kayo napansin ng boyfriend niya! Pag narinig ko pa kayong nagsalita, babatukan ko kayong mga mukhang alipunga kayo! " kailangan pa talagang isigaw na pangit ako? Ang ga-ganda kaya nung mga girl. Pero alipunga lang yung tawag niya.

Hiyang-hiya ako kay Hana. Siya na maganda. Ilang sandali lang dumating na yung teacher namin na sobrang taray. Si Ms. Lucresia. Tumayo kaming lahat at binati yung teacher namin.

" Goodmorning Ms. Lucresia! " walang buhay naming bati sa kanya.

" Sit down. " nagsiupuan na kaming lahat.

Nagsimula na yung napaka boring na klase. Nakatingin ako pero hindi ako nakikinig. Lumilipad na naman yung isip ko. Pagkatapos mag lecture ni mam, nagpa quiz. Dahil hindi ako nakikinig, pangalawa ako sa pinakamababa.

" Castaña! Nakikinig ka ba?! " pagpapagalit ni mam sa pinakamababa sa quiz. Patay na ang beauty ko! Kailangan kong umexit.

Maghihimatay-himatayan na sana ako. Pero may frog na nag-interrupt sa pagtawag sa akin ni mam. My savior!

" Ms. Pantino! Theres someone who wants to see you! " bakit tuwing ako ang tinatawag ang init ng ulo niya?

Menopausal na kasi! Hahahaha! Tumakbo ako papalabas. Hinila ko yung babaeng naghahanap sa akin.

" Pantinooooo!! Come back here!!!! Your second to the lowest!!!!! " narinig kong sigaw ni mam. Hahaha! Whooo! Buti na lang nakatakas ang beauty ko! Binilisan ko lalo yung pagtakbo ko.

" Hey! Let go! You're hurting me! " sabi ni my savior.

" Salamat at niligtas mo ako! " dahil sa sobrang saya ko, niyakap ko siya.

" Hey! Lemme go! Wag kang papakasigurado na niligtas kita! " tinulak niya ako papalayo.

" Follow me! " nagsimula na siyang maglakad. Sumunod naman ako kay my savior.

Papunta kami sa may auditorium. Ang daming tao! Meron ba silang pinamimigay? Sana naman wag naman yung free napkin. Nakakahiya kaya yun! Palagi kaming binibigyan nun nung elementary pa lang ako.

Yung kaklase ko kasi dating lalaki, nakita niya yun. Kinuha niya sa akin yung napkin at iwinagayway niya habang sinasabing " Tignan niyo! Yung napkin ni Krizzia! " pinagtawanan ako nung mga kaklase ko. Pahiyang-pahiya talaga ako. Nandoon pa yung crush ko noon. Pinagtawanan din ako.

Pumasok na kami sa auditorium. Nabaling naman lahat nang atensyon nila sa amin na kakapasok pa lang. Nandoon din yung campus princess namin, si Maui. Nasaan na yung mga pinamimigay? Bakit wala?

" You're here. You flirty b*tch! " dinuro ako ni Maui. Inikot-ikutan niya pa ako. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Akmang sasabunutan na niya ako nang may sumigaw.

" Stop that! " umalingawngaw yung sigaw ni Nate sa buong auditorium. Papasok pa lang ito ng auditorium.

" Nate! " lumapit ito kay Nate at pumulupot sa braso ni Nate. Nawala yung kaninang mukha niya na mukhang pang maldita at napalitan ng maamong mukha. Tinanggal naman ni Nate yung kamay ni Maui na nakapulupot sa braso nito.

" What do you want?! I told you not to call me! " sinigawan nito si Maui at nanlilisik ang mga mata. Nakita naman ako ni Nate. Napangiti naman siya. Parang bipolar itong lalaking ito.

" I want you to tell the truth! Tell them na hindi kayo niyang babaeng yan! Ang pangit-pangit niya! " dinuro pa ako ni Maui at tinignan mula ulo hanggang paa. Siya na maganda !

Lumakad naman si Nate papunta sa akin. Niyakap niya ako. Hinalikan niya pa ako sa noo. Ano bang problema nitong mongoloid na ito ? 

" You want to know the truth? I love her and I wont leave her! " lalo pang hinigpitan ni Nate yung yakap niya sa akin. Gravity ! Ang galing niya talagang umarte ! 

Lumapit si Maui sa amin. Tinulak niya ako. Dahil sa lakas ng pagkakatulak ni Maui, napaupo ako.

" Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Bakit siya pa?! Bakit yang pangit pa na yan?! " nagsimulang magtuluan sa magandang mata ni Maui ang mga luha. 

" Maui, hindi kita kayang mahalin. Isang kaibigan lang ang turing ko sayo. Sana maintindihan mo. " hinila na ako papaalis ni Nate sa auditorium.

Nung makaalis kami sa auditorium, binitawan na niya ang kamay ko. Poker face na rin siya. Gravity! Ang galing umarte nitong mongoloid na ito.

" Mahal mo ba talaga ako? " hindi ko alam kung bakit ko naitanong yun. Aish! Baliw ka na ba talaga Krizzia ?

[ Nate's POV 

Hindi ko inalo si Maui kahit umiiyak pa siya. Best actress yun. Ilang beses ko nang nakitang umiyak yun at inalo. Sinasabi niyang sinaktan siya nang mga babaeng nakapaligid sa akin. Pero ang totoo, siya ang nananakit. Hinila ko kaagad si Krizzia papaalis doon. Nung wala nang masyadong estudyante, binitawan ko ang kamay niya.

" Mahal mo ba talaga ako? " naubo ako sa tanong nitong pangit na white lady na ito. Assuming masyado.

" In your dreams! " masungit kong sigaw sa kanya.

" Eh bakit simula kanina sa cafeteria, sinasabi mo na sa kanila na mahal mo ako? " masyado namang matanong itong white lady na ito.

" Ang bobo mo talaga! Lalayo ba sa akin yun kung hindi ko sasabihing mahal kita? " maglalakad na sana ulit ako nang sipain niya ako.

Napakandirit tuloy ako ng wala sa oras. Ang sakit nung sipa niya! Hindi pa nakuntento! Bago umakyat binatukan niya ako! Nagkabukol pa yata.

" Ang galing mong umarte! Ang pangit mo! Mongoloid! Chanak! Alien! Baliw! " ano?! Lagot sa akin yung pangit na yun! 

" May LQ dude! Hahaha! " napatingin ako sa mga nagsalita. Sila Josh, John at Zean.

Tinulungan ako ni Josh at Zean. Ang sakit nung sipa nung white lady na yun. Sadista ba siya? Parang bakal yung paa niya. Nung makarating kami sa tambayan namin, umupo ako sa sofa.

" Magkwento ka naman! " sigaw ni John. Kukutusan ko tong ugok na ito eh! Badtrip na nga ako dahil doon sa babae na yun magku-kwento pa ako tungkol sa kaniya?

" Kwento! Kwento! " first time! Nakisali si Josh sa kalokohan ng kakambal nito.

" Magkwento ka na. " uy! Interested si boss. Magku-kwento na nga ako.

Kinuwento ko sa kanila yung nangyari. Tawa sila nang tawa. Yung mga taong parang sobrang ginintuan nang ngiti dahil sa minsan mo lang makitang nakangiti, eh humahalakhak ngayon. Ganun ba talaga nakakatawa yung nangyari?!

" Mahal mo ba talaga ako? Hahahahahaha! Hanep pare! " tawa ng tawa si Josh habang nakahawak sa tiyan niya. O-kay. Totoo ba ito? Tumatawa itong mga kaibigan ko?

" Pakasalan mo na pare! Mukhang type ka! "si Zean na tawa ng tawa.

" Mahal mo ba talaga ako ! "  pang-aasar ni John sa akin.

Hindi ko na lang pinatulan si John. Malakas lang talagang manukso yan. Pero pagdating sa bunso niyang kapatid, takot yan. Gangster yata yun eh ! Sumbong ko kaya ito kay Sonnet para tumigil ?

" Dude, basketball tayo. " yaya sa amin si Zean.

" Sige ba ! " sabay-sabay naming sigaw. Lumabas na kami ng tambayan namin at pumunta sa school gym.

Continue Reading

You'll Also Like

83.4K 2.2K 33
My only.... Forever [COMPLETED]
77.1K 1.4K 80
Maniningil ako. -Echael
1.7M 75.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
263K 18K 85
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...