I'm His Accidental Wife

By keilyn3029

392K 10.8K 2.6K

I only have one dream "To marry the man of my dreams, the man I truly love and to spend my entire life with h... More

Prologue
CHAPTER ONE. (THE ENGAGEMENT)
CHAPTER TWO. (THE PREPARATION)
CHAPTER THREE (THE WEDDING)
CHAPTER FOUR (THE WEDDING PART 2)
CHAPTER FIVE (I DO)
CHAPTER SIX (NEWLY WED??)
CHAPTER SEVEN (REALITY)
CHAPTER EIGHT (SABINA MEETS PAUL )
CHAPTER NINE (HONEYMOON?!)
CHAPTER TEN (NEW DAY)
CHAPTER ELEVEN (WITHOUT YOU)
CHAPTER TWELVE (LOVE AND DRESS)
CHAPTER THIRTEEN (INTRODUCING ME)
CHAPTER FOURTEEN (QUESTION??)
CHAPTER FIFTEEN (MEMORY)
CHAPTER SIXTEEN (PRESENCE)
CHAPTER SEVENTEEN (AFFECTION)
CHAPTER EIGHTEEN (CRAZY)
CHAPTER NINETEEN (HER REASON)
CHAPTER TWENTY (FROM YOU)
CHAPTER TWENTY TWO (MRS. CERVANTES??!)
CHAPTER TWENTY THREE (CLOSER)
CHAPTER TWENTY FOUR (BACK)
CHAPTER TWENTY FIVE (HATE)
CHAPTER TWENTY SIX (HONESTY)
CHAPTER TWENTY SEVEN (FITS PERFECTLY)
CHAPTER TWENTY EIGHT (DANCE)
CHAPTER TWENTY NINE (SORRY)
CHAPTER THIRTY (PAPERS)
CHAPTER THIRTY ONE (REGRET)
CHAPTER THIRTY TWO (GIVING IN)
CHAPTER THIRTY THREE (DARE)
CHAPTER THIRTY FOUR (MOMENT)
CHAPTER THIRTY FIVE (ENOUGH)
CHAPTER THIRTY SIX (FALLING)
CHAPTER THIRTY SEVEN (CATCH ME)
CHAPTER THIRTY EIGHT (PRESENTATION)
CHAPTER THIRTY NINE (US)
CHAPTER FORTY (MINE)
CHAPTER FORTY ONE (CLOSURE)
CHAPTER FORTY TWO (START)
CHAPTER FORTY THREE (CHANGES)
CHAPTER FORTY FOUR (REVEAL)
CHATER FORTY FIVE (SURPRISE)
CHAPTET FORTY SIX (SIDE)
CHAPTER FORTY SEVEN (BEG)
CHAPTER FORTY EIGHT (TWISTED TRUTH)
Keilyn's Note
CHAPTER FORTY NINE (HOPE)

CHAPTER TWENTY ONE (DRUNK)

7.5K 231 5
By keilyn3029

"Bad mood ka ata pare." bati ni Greg kay Paul ng mapansin niyang nakasimagot ito.

Kararating lang lang ni Paul sa Rico's Heaven, bar na pagmamay ari ni Steven. Agad siyang kumuha at nagbukas ng beer saka uminom at hindi pinansin si Greg.

"Baka meron si Misis.Hindi naka-score." kantyaw naman ng makulit na si Marlon na ikinatawa nilang magbabarkada.

Tinaasan lang niya ng middle finger si Marlon saka uminom ulit ng beer. Hindi din niya malaman kung bakit nawala siya sa mood at kanina pa inis na inis at hindi niya din malaman kung paano maalis ang inis niya iyon.

"Mga pare gusto nyong chix?" tanong ni Steven na kakalapit lang sa table nila. Kahit babaero ito ay magaling itong magpatakbo ng negosyo.

"Bugaw ka na ba ngayon?" pang aasar ni Ryan kay Steven.

"Pwede din ikaw unang ibubugaw ko. Mabenta ka kaya?" sagot ni Steven.

"Ayan ang bigyan mo, kadadating lang nakasimangot na kaagad." - Greg

Sinulyapan naman ni Steven si Paul na nakasandal ng patamad sa sofa.

"Pare, problema mo?" lumapit si Steven sa kanya saka siya inakbayan.

"Chill lang Mighty Paul. Kaya nga nandito tayo para magsaya. 'Wag mo kaming hawaan ng bartrip mo sa buhay ahh." - Marlon.

"Hindi siguro pinagbigyan ng asawa kaya ganyan." pilyong tukso ni Miko.

"Tantanan niyo ko, uminom nalang kayo. Magpakalasing kayo kung gusto nyo." Yamot niyang sabi saka inubos na ang laman ng hawak niyang beer.

Nagbukas siya ulit ng panibagong bote ng beer.

I just hate it. Naalala niya ulit ang mga salitang iyon.

"Sh*t!" he said out of frustration at muling uminom ng hawak nitong beer.

Napatingin naman sa kanya lahat ng barkada. Bihira magmura si Paul dahil nagagalit ang lola niya sa tuwing makakarinig ng ganoong salita. Kaya alam nilang may gumugulo sa isipan nito.

"Pare, relax. Problema lang yan, pinalilipas, hindi tinatambayan." - Ryan.

"Hoy nagpunta tayo dito para magsaya hindi para magmukmok. 'Wag kayong mag drama hindi bagay." - Steven.

"Kumain ka nalang Paul, mawawala yan." alok ni Miko."Aray!" sabay hawak nito sa tuhod.

Binato niya ito ng nahawakan niyang kutsara sa mesa. "Igaya mo pa ko sayo."

"Hayaan niyo ng mag moment si Mighty Paul. Feeling emo eh." - Marlon.

"Tss!" - Paul.

They continue to party and ignore the tantrums of Paul na tahimik lang na umiinom sa sulok.

"Pare!" agaw atensyon ni Steven sa mga kaibigan sabay turo sa grupo ng anim na babae na umiinom at sumayaw sa gilid ng bar counter. "Lalapit yan pustahan." nakangising dagdag nito.

"Mauuna yung naka black. 2K" - Greg.

"No, sabay silang dalawa nung naka red. 2K" - Miko.

"Hindi lalapit yan. 3K" - Marlon. Tinignan naman ito ng lahat ng barkada. "Maiba lang." kibit balikat niyang sagot sabay inom sa hawak na beer.

"Hmm, ano kaya sakin?" tanong Steven sa sarili habang hawak baba na kunwari ay nag iisip. "Ahh, unang lalapit yung mukhang mahiyain na nakaupo. 3K"

"Kahit kailan weird kang babaero ka." - nailing na sabi ni Ryan. "Pag mali ka sakin 3K mo."

"Hoy Alvarez! 'Wag kang mag iba ng mechanics mo. Bawal yan sa Bar ko." sagot ni Steven.

"Ayokong sumali sa kalokohan niyo." - masungit na sabi ni Ryan.

"Sabay sabay lalapit yang mga yan. 5K"

Napatingin lahat ng barkada kay Paul ng bigla itong pumusta at sumali sa kulitan ng buong barkada. Prente itong nakaupo na may hawak na bote ng beer.

"Akala ko natutulog ka na diyan." -Miko.

"Kasali ka pala." - Marlon.

"Huy may nabuhay." -Greg.

"Bad mood pa siya sa lagay na yan." -Ryan.

Sabay sabay silang nagtawanan habang naghihintay ng susunod na mangyayari.

"Tagal naman." -Steven.

"Kating kati ka na noh. Hindi makapaghintay." -Ryan.

"Magsaksakan nalang kayo para matapos na yan bangayan nyo." -Greg.

Seconds passed while the gang are still busy bullying each other when they heard Paul chuckled.

They eyed him. Nagkibit balikat lang si Paul at ngumuso sa direksyon ng mga babae kanina.

"Sh*t!" -Miko.

"Ba yan!!!" -Greg.

"Bakit ba ang swerte mo lagi?" -Marlon.

Napailing nalang naman si Ryan.

"Where did you get all this luck?" -nakasimangot na sabi ni Steven.

Paul won the bet. All the girl are heading to their direction. "Hoy! Don't forget your bet huh." Nakangisi niyang turan.

Sabay sabay naman naglabas ng wallet ang barkada at kumuha ng pera saka inabot kay Paul.

"Awhile ago nagmumukmuk ka." Maktol ni Miko habang inaabot ang pusta nito.

"Swerte pala kapag badtrip." -Marlon.

Nakalapit na sa kanila ang grupo ng mga babae. "Uhm. Hi. Mind if we join you guys?" Sabi nung babaeng naka red spaghetti strap dress.

"No, not at all." Steven replied seductively.

They make way para makaupo ang mga ito sa table nila.

"By the way I'm Trisha." Pakikilala ung naka tube dress kay Ryan na nagpakilala lang din saka nanahimik ulit.

Nagpakilala pa ang ibang mga babae at malugod naman nila iyong pinakitunguan.

Then one of the girl ask Greg about the guy with a grumpy face sitting in the corner of the couch which is apparently Paul.

Greg raised his eyebrows. "Why don't you ask him yourself and find out."

Madali namang kausap yung babae saka tumayo at umupo sa tabi si Paul.

Nag ayos pa muna ito ng buhok bago nagsalita. "Uhm, the night is beautiful for you to frown."

"Yeah." Matipid niyang sagot saka tinungga ang natitirang laman ng hawak niyang beer.

Nang akma na siyang kukuha nuli ng panibagong bote ay mabilis naman inabot iyon nung babae saka binuksan at inabot sa kanya. "I'm Andie."

Napilitan siyang abutin ito saka nagpasalamat.

Nang magsasalita muli ang babae ay agad siyang salita. "Uhm, Andie right?"

Tumango yung babae saka matamis na ngumiti.

"I don't want to be mean but... I don't think my wife would like it if she will find out that someone is flirting with her husband." Sabay taas niya ng kamay kung saan suot ang wedding ring niya.

Sabay sabay namang napangisi ang buong barkada dahil sa sinabi niya. Nasamid pa si Steven dahil kasalukuyang umiinom ito.

To the rescue naman Marlon. "Uhm sorry sexy.. Loyal kasi ang isang yan."

"Natatakot ma-outside the kulambo." sabay tawa ni Greg.

"How sweet naman. Meron pa palang lalaking ganyan ngayon." sabi nung Trisha. "Sana makahanap din ako ng tulad mo. Yung may Forever."  dagdag nito sabay tingin kay Ryan na nag iba naman ng tingin.

"Hahaha! Forever my face." bulong ni Steven.

Nagpatuloy lang silang magsaya kasama ng mga babae habang si Paul naman ay nasa isa sulok lang habang nag iisip.

Nagiging roller coaster kasi ang mga pangyayari sa kanya nitong mga nakaraang buwan. Sa ngayon kailangan niya pang mag-focus sa pagpapatakbo ng Elite.

Sumagi naman sa isip niya ang sitwasyon nila ni Sabina. Kahit lumipas na ang ilang buwan na magkasama sila ay hindi pa din nila napag-uusapan ang set up nila. Maayos namang limilipas ang mga araw sa pagitan nila. Masasabi ding masaya sila.

Pero nitong mga nakaraang araw aminado siyang nagiging attached siya dito. Gaya ng sinabi niya dito nung nagtanong ito ng nag dinner sila kung bakit siya nagpapakita ang affection dito. Sa dami ng iniisip niya at nangyaring bagay na hindi niya kontrolado ay si Sabina ang isang patunay na humihinga pa siya at maayos pa ang lagay niya. 

The feeling that someone needs you gives you reason to live. Reasons why you're still fighting this unpredictable thing called life.

And he feels that she's one of his responsibility when they get married.

Dahil sa lalim ng pag iisip hindi na niya namalayan na nakaalis na pala angmga babae at naiwan silang nag-iinuman.

"Himala, kumpleto pa kayo dito." - namamanghang tanong ni Paul.

"Not my type." - Marlon.

"Masyadong clingy. Allergic ako sa mga ganoong tipo." - Steven.

"Kakain nalang ako." - Miko.

"Hindi naman magaganda." seryosong sabi ni Ryan.

"Hindi kami nang iiwan ng taong nag e-emo sa isang tabi." pabirong sabi ni Greg. "Ano bang problema mo kasi?"

"My wife is receiving flowers from others." yamot niyang sagot. Aaminin niya sa sarili na kahit papaano ay naiinis siya. Napangiti siya doon. 

"So, you're jealous?" - Ryan.

"No.. Hindi naman." depensiya niya. "Parang nakaka-g*go lang." siya sabay tungga ng beer. Tama nakaka-g*go lang sa pakiramdam dahil parang may nangunguha ng pag mamay-ari niya. Nakaka-g*go lang sa pagkalalaki.

"Sabagay, kahit hindi naman normal ang sitwasyon niyo nakakainis pa din isipin na may nagbibigay ng bulaklak sa asawa mo. Nakakasagasa ng ego." - Greg.

"Ano bang plano mo dun sa asawa mo?" - Marlon. "Hindi mo naman siguro balak habang buhay na ganyan ang sitwasyon niyo."

"Don't tell us you're planning to spend your life with her." - Steven.

Hindi siya sumagot sa tanong dahil hindi din niya alam kung anong isasagot duon. Magulo pa ng lahat sa ngayon.

"By the way, I know where she is." - Miko. Kahit mukhang pagkain lagi ang inaatupag nito ay magaling itong mag research at maghanap ng tao.

"Alam mong magkakaproblema kapag nag pang abot sila." - Ryan.

"War freak pa naman yun at hindi napapaawat." - Marlon.

He took a deep breath "Madami pang dapat asikasuhin bukod sa bagay na yan."

----------------------------------

Naalimpungatan si Sabina sa pagtulog at nakaramdam ng uhaw kaya bumangon siya at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig.

Habang kumukuha siya ng tubig sa ref ay naramdaman niya ang pagkaluskos sa bandang pintuan ng condo. Tinitigan niya iyon at patuloy pa din ang ingay na tila nagpipilit na makapasok sa loob. Dumako ang tingin niya sa pintuan  ng kwarto ni Paul, iniisip niyang gigisingin ito.

Nakakaramdam na siya ng takot, mahigpit ang security sa condo at hindi basta basta nakakapasok ang kung sino lang at my cctv din sa bawat sulok ng lobby at hallway, pero walang imposible sa mga masasamang loob, parang BDO, they always find ways.

Agad niyang kinuha ang prying fan na una niyang nakita at dahan dahang lumapit sa pinto. Nag ipon muna siya ng lakas ng loob bago sumilip sa door hole. Napabalik siya sa likod ng pinto ng makitang may lalaki ngang nagpipilit pumasok. Lalong lumakas ang kabog sa kanyang dibdib.

Anong gagawin ko? tanong niya sa sarili.

Muli nilakasan niya ang loob at sumilip. Halos tumalon napatalon naman siya ng makilala kung sino ang tao sa labas na naghihirap buksan ang pinto. Without hesitation she opens the door.

Nasalo pa niya ito na mintikan na itong tumumba ng buksan niya ng tuluyan ang pinto.

"P-Paul."

Tumuwid ito sa pagkakatayo at tumingin sa kanya. "Hello, Mrs. Cervantes." sabi nito na nakangiti.

"Lasing ka ba? Amoy alak ka." sagot niya habang naka alalay pa din sa balikat nito.

Bumitaw ito sa kanya para mapasok at sumandal sa sofa. "Nakainom lang konti."

She closed the door again. "I thought you're already on your room. Hindi ka pa pala nakakauwi."

"Sounds like a nagging wife." biro nito habang nakapikit ang mga mata.

She rolled her eyes on him. When she look at the clock it's already two in the morning. 

Hindi na niya ito pinansin at kumuha na ulit ng tubig sa ref saka nagsalin sa baso.

Habang umiinom ay palihim niya itong tinitignan. Nakapikit pa din ang mga nito at nakasandal sa armrest ng sofa. Gulo gulo ang buhok at natanggal ang ilang botones ng suot ng long sleeves polo habang naka tupi hanggang siko ng manggas nito. Kung titignan mo hindi mo akalain CEO ito ng isang kumpanya dahil napaka-casual ng itsura nito pero gwapo pa din naman.

Muli niyang  naalala ang nangyari kanina. Yung pag sira niya  sa bulaklak na bigay nito. Iniisip niya kung hihingi ba siya ng sorry dito o hahayaan nalang ito.

Naputol ang kanyang pagtingin dito ng bigla itong magsalita "Baka matunaw ako sa titig mo."

Kamuntikan na siyang masamid mabuti na lamang at tapos na siyang uminom.

Nagsalin ulit siya ng tubig sa baso saka lumapit sa dinning table na nakaharap kay Paul.

"Oh." Abot niya dito ng baso. "Hindi ka naman siguro maarte."

He gives a sheepish smile. "We already kissed, mag iinarte pa ba ko?"

Agad niyang binawi ang baso at inilapag ito sa dinning table. For Pete's sake, it's already past midnight at bumabanat pa ito. Nang tignan niyang muli si Paul ay nakapikit pa din ang mga nito.

Katahimikan ang bumalot sa pagitan nila.

Maya maya ay nakita niya itong gumalaw. Agad siyang lumapit dito ng makitang mabubuwal ito sa pagkakatayo.

Nang mahawakan niya ang braso nito ay napasama siya sa pagbagsak dahil hindi niya nakayanan hilahin ang bigat nito.

Sabay silang bumagsak sa malambot ng sofa. And she's on the top of him. She puts her hands on his broad chest, trying to get her balance so she can stand up. Pero ng akma na siyang tatayo ay naramdaman niya ang yakap nito sa likod niya.

"Can we stay like this for a moment?" He said on husky voice and look at her eyes directly.

She smells the liquor in his breathe with a touch of mint. Then a half smile broke on her lips. "To make you feel alive and breathing?" she remembers the time when she asked him why he's showing her affection.

"No...." sagot nito. "So I can feel you close to me." dagdag nito.

Her heart skip a beat. Trying to absorb what he just said is enough to make her heart pump as hard as it could. Nagtitigan lang sila ng ilang sandali ng siya na mismo ang nagbasag ng katahimikan sa pagitan nila.

"Baka matunaw ako sa titig mo." Biro niya

He chuckled because she copied the way he said it earlier.

"Huwag kang tumitig baka ma-inlove ka sa akin. Ikaw rin." Kahit siya ay hindi niya alam kung saan nanggaling mga salitang iyon. Pero ang nagkakapagtaka din ay hindi siya nakaramdan ng hiya. She's actually enjoying the conversation.

Nagtaas ito ng mga kilay. "Bakit hindi ba pwede?" Sagot na tanong nito.

That question stop all her thoughts. Her mind went blank trying to find an answer.

Yeah. What is the answer to that question? Hindi ba talaga pwede? Pwede ba? Ano bang pwedeng isagot?

What makes her feel lost in her thoughts is when she felt his hug tighter. Pulling herself closer.

Without further ado she smile at him. One thing on her mind. She doesn't care anymore.

"Paano kung hindi pwede?" Balik tanong niya.

Nagkunwari naman nalungkot ito at sumimangot. "Aww! Sakit nun ah. Hindi pwede ma-in love sa asawa ko." Inilagay pa nito sa dibdib ang malayang kamay nito na tila sumasakit ang puso. "It hurts you know."

"Malala ka na. Tapos sasabihin mong hindi ka lasing sa lagay na yan." natatawa niyang sabi.

"Tss. Hindi naman talaga. Nakainom lang."

"Nakainom lang.. Hindi mo na nga mabuksan yung pintuan. Tinakot mo pa ko. Akala ko magnanakaw na." sarkastiko niyang sabi.

Ngumisi ito sa kanya. "Ako magnanakaw? Ang gwapong magnanakaw naman nito." sabay kindat sa kanya. "And at least pinagbuksan mo ko. Wife duty."

She rolled her eyes. "Ang cheesy mo, alam mo ba yun? FYI its already 2am, kaya magtigil ka diyan."

Tinawanan lang nito ang sinabi niya. Warm atmosphere envelop between them. Nasa ganoong position pa din sila.

Sabina felt the urge to lean on his chest. She did it without asking for any permission from him. He's becoming her comfort zone whether she admit it to herself or not. Like what she's always saying he's her fresh air.

Hindi din naman tumutol si Paul sa kanyang ginawa. They just stayed for that position like a normal couple do.

Sa bawat araw na nagdaan na silang dalawa ang magkasama sa bahay, isama mo pa kapag nangungulit ito sa opisina, the odd wall between them had already crashed down and replaced by this comfortable and undemanding feeling. No awkwardness. And most of all no expectation.

"Wife." maya maya'y tawag sa kanya nito.

"Hmmm." tangi ng sagot dito. She could sleep lying on his chest with his arms around her.

"I'm hungry. Can you cook for me." lambing nito sa kanya. "Saka ang bigat mo na e."

Tumayo na siya saka hinampas ang braso nito. "Dami mo pang sinabi, nabibigatan ka lang pala. Hindi kita pag luto diyan eh." sabay ali papuntang kusina.

Bumangon na din ito pero nanatiling nakaupo sa armrest ng sofa. "Biro lang. Pikon ka. Sige na ipagluto mo na asawa mo." depensa nito.

Parang itong batang nakangiti na naglalambing.

Nagtingin siya kung anong madaling iluto sa ref. Dahil hindi pa din sila nakakapag-grocery ay walang masyadong laman ito.  Dumako ang mata niya sa freezer at nakakita siya ng hotdog at beef sausage. Agad niya iyong inilabas at itinapat sa faucet para i-unfreeze.

Humarap siyang muli dito. "We don't have stock in the fridge. Hotdog and sausage are fine with you?"

"Basta ikaw ang may luto kahit ano kakainin ko." sabi nito kasabay ang matamis na ngiti.

"Epekto ba yan ng gutom o alak, Mr. Cervantes?"

"Epekto mo 'to Mrs. Cervantes." 

Napailing nalang siya dito. Mas malala pa pala ang kulit nito kapag nakakainom. Dumako siya sa dulong bahagi ng kusina para kunin ang rice cooker. May natira pa kasing kanin na niluto niya kaninang hapunan.

Bumalik siya ulit sa ref para kumuha ng itlog at butter pati na din ng bawang.  She starts mincing the garlic and beat the egg on a bowl.

Pinapanuod lang siya ni Paul habang abala siya sa pag aasikaso ng kakainin nito. Hindi din nito maiwasang mapangiti habang pinapanuod ang ginagawa niya sa kusina.

Lalong nakaramdam ng gutom si Paul ng magsimulang si Sabina mag gisa ng bawang sa frying pan. Nilagay na din niya ang kanin ng makitang mejo luto na ang mga bawang. Habang hinihintay niya maluto ang sinangag kinuha na niya ang hotdog at sausage na faucet. Nang hindi na ito frozen ay agad niyang tinanggal ang balot ng hotdog at hiniwa ng pahalang ang sausage.

Idinagdag na niya ang binating itlog ng makitang golden brown na ang kanina. Sakto din namang naluto na ang hotdog at sausage.

"Oh, kumain ka na." tawag niya dito ng maihain na ang niluto niyang pagkain.

Agad naman itong lumapit sa lamesa at humila ng upuan. "Ang bango naman, lalong nakakagutom." sabi nito pagkatapos amuyin ang nakahaing pagkain.

Akma na siyang aalis para bumalik na sa kwarto ng pigilan siya nito sa braso. "Dito ka muna, kung gusto mo sabayan mo ko ang dami mong niluto. Too much carbs, not good to my abs." pilyo nitong sabi.

Dahil nawala na din ang antok niya, kumuha na din siya ng tinidor saka naghila ng upuan sa tabi ni Paul. Tumusok siya ng hotdog at nagsimulang papakin iyon.

"Hindi ka ba kumain sa pinuntahan mo at parang gutom na gutom." sabi niya na dito ng mapansing sobrang ganado nito sa pagkain.

"Hindi ko nakakain sa bar ni Steven, daming asungot e." sagot nito habang puno ng pagkain ang bibig."

"Hoy dahan dahan naman baka mabulunan ka. Wala kang kaagaw. Parang hindi CEO. Bawas pogi points yan."

Uminom muna ito ng tubig bago nagsalita. "Sorry, I'm already married kaya kahit bawas pogi points pa, don't care." tinaas pa nito ang kamay kung saan naka suot ang wedding ring nila.

Hinampas niya ulit ito sa braso.

"Mapanakit ka talaga. Idadagdag na ba ko sa mga listahan ng battered husband?" himas nito sa braso na hinampas niya.

"Alam mo kumain ka nalang. Hindi ka talaga nauubusan ng bala e." inirapan niya ito saka kumagat sa hawak na hotdog.

Ipinagpatuloy na muli nito ang pagkain. Pinagsalin niya ulit ito ng tubig ng makitang nabubulunan na ito.

"Scuse accettate." sabi nito matapos uminom ng tubig.

Kumunot naman ng noo ni Sabina sa sinabi nito. Pati ang paraan ng pagkaka sabi  nito. "Alien ka ba? Anong sinabi mo?"

Ngumiti ito. "Sabi ko Scuse accettate." ulit nito pati ang paraan ng pagkaka sabi. "Italian word for 'apology accepted'" 

"Huh?"

"My, Oh My." umiiling ito. "Nakalimutan mo na kagad ang bad deeds na ginawa mo sa akin. Ang sama kaya ng loob ko." ipinagpatuloy na nito ang pagsubo.

Lalong lumalim ang kunot sa noo niya. She's clueless on what he's saying. Wala naman siyang natatandaan na ginawa niya. Kinakal pa niya ang isip baka sakaling maalala niya ang sinasabi nito pero wala talaga siyang maalala.

"Ano bang ginawa ko?" 

At kung nakaka baklang tignan ang lalaking umiirap, puwes hindi lahat dahil napangiti si Sabina ng wala sa oras when he rolled his eyes on her. He's cute and adorable like a kid losing patience in explaining his side to his mom.

"You did nothing. You just ruined the flowers that I gave you." naniningkit ang mga mata sagot nito.

Natahimik bigla si Sabina ng maalala iyon. Nag-iwas siya dito ng tingin. She bit her lower lips. Wala din siyang masabi. Alam niyang hindi tama ang ginawa niya.

"Sorry." mahina niyang tungon habang nakayuko.

"Hey!" hinawakan nito ang baba niya para magpantay ang tingin nilang dalawa. "Like what I said, apology accepted. Ok na yun, don't think about it. Ipinagluto mo na ko kaya absuelto ka na, my dear wife. Kaya ngumiti ka na para may dessert na ko."

Ngumiti naman siya dito na parang bata.

They look at each other when Paul suddenly unleashed a loud burp ng dahil sa busog.

Hinampas niya ulit ito sa braso. "Ewww ka. Hindi ka na talaga nahiya sa akin. Halos pinagpapantasyahan ka ng mga babae sa office tapos ganito. Turn off ka Paul alam mo ba yun?!"

"Di ba sinabi ko na sayo, I'm married kaya wala akong pakialam maglaway man sila sa akin. Besides ikaw lang naman ang makakakita nito." tungon nito. "Speaking of which, ikaw ba hindi mo ko pinagpapantasyahan?" dagdag nito na may malisyosong ngiti sa mga labi habang tinataas baba ang mga kilay.

"Pss! Anong pagpapantasyahan ko sayo, yang mga bilbil at taba mo sa katawan? No thanks." sabi niya saka iwinagayway ang kamay sabay pagtawa. 

"Ahh taba pala huh, sige makikita mo yang sinasabi mo at maghanap ka ngayon ng taba sa katawan ko." tumayo na ito habang iniisa isang tangalin ang botones ng suot nitong polo at unti-unting lumalapit sa kanya.

Agad naman siyang napatayo at lumayo dito. Nagpunta siya sa kabilang side ng dinning table. "Hoy, ano yang ginagawa mo?" hindi mapakaling tanong niya.

"Di ba sabi mo puro taba 'tong katawan ko? Puwes tignan mo ngayon." patuloy pa din ito sa paglapit sa kanya at isang botones nalang ang hindi nito natatanggal sa polo nito. "Hawakan mo pa kung gusto mo."

"Huwag kang lalapit sa akin. Isa! Paul!" tili niya ng tuluyan siyang habulin nito. "'Wag sabi!" naghahabulan sila ngayon paikot ng dinning table.

"Lumapit ka na, wag ka ng mahiya." tuluyan na nitong nabuksan lahat ng botones ng polo. Showing his chest and the irresistible abs.

Tumakbo siyang muli nang habulin siya nito. "Ano ba?! Tantanan mo ko!" nasa magkabilang side sila ng dinning table. "Tigilan mo na ko Paul! Hindi ako lalapit sayo, baka mag bounce back ako sa taba mo." biro niya pa dito.

He spread his both hands on his side as if waiting for a hug. "It's free Sabina. This is one of kind opportunity. Hindi ko basta basta pinapa hawak ang katawan ko. Don't worry I will not file harassment case against you."

"Mukha mo!" natatawang sabi niya dito. "Ahhh!" napasigaw siya ng muli siyang nitong habulin. "Hindi hindi mo ko mahuhuli, TABA!" binelatan pa niya ito sabay takbo sa likod ng sofa dahil malapit na siyang abutan nito.

"Mukha ko? Gwapo siyempre." patuloy naman ito sa paghabol sa kanya. Umakma pa itong aabutin siya mabuti nalang at napaatras siya sa kurtina.

"Ayyyy!' muli siyang napasigaw ng bigla itong tumuntong sa sofa at nahablot siya sa balikat. Dahil sa pagmamadali ay muntik na siyang sumubsob kaya tuluyan na siyang nahuli nito at yumakap sa bewang niya.

"Huli ka!" 

"Bitawan mo ko, taba!" nagpipiglas siya habang hindi maiwasang tumawa. 

"You're such a lucky girl. Palay na ang lumalapit sa manok, choosy ka pa." natatawang sabi nito habang pinipilit siyang iharap.

"Hindi ka naman palay e, fats ka." tukso niya pa dito at pinipilit pa ding makatakas mula sa pagkaka yakap ni Paul sa likod niya.

"Ahh ganun." sabi nito saka siya kiniliti sa tigiliran dahilan para mapaharap siya dito.

Napatili siya sa kiliti. "Ano ba Paul! Tama na. Ayoko na.. Ayoko na.." saka niya ipinikit ng madiin ang mga mata para hindi makita ang dibdib at abs nito.

Pero hindi pa din siya tinigilan nito. "Hawakan mo na ng malaman mong walang fats yan. May pa pikit pikit ka pang nalaman." at mas lalo pa nito ipangalandakan ang katawan sa harap niya.

"Oo na. Macho ka na.. Bitawan mo na ko.." sigaw niya habang patuloy siyang kinikiliti nito. "Hindi ko na kaya, masakit na yung tyan ko. Paul.." 

"Open your eyes first." utos nito. "Hindi naman ako pangit para hindi mo tignan." pilit pa rin nito sa kanya.

Tumigil na ito sa ginagawang pagkiliti sa kanya kaya hindi na rin siya pumiglas. "Oh ayan. Bukas na." sabay dilat ng mga mata. Sa mukha nito siya nakatingin.

Napangiti naman ito ng malawak. "Bakit sa mukha ko ikaw nakatingin? Ang gwapo ng asawa mo noh?" sabay kindat nito. 

"GGSS ka talaga." maikli siyang sagot. "Ay meron pa pala.. MMSS. 'machong macho sa sarili'."

"I'm just telling you truth and nothing but the truth, your honor. So help me God."

Napabulalas naman siya tawa sa sinabi nito. Kahit kailan talaga hinding hindi ito mauubusan ng banat at kakulitan sa katawan.

"Iligpit na natin yung pinagkainan mo para makatulog na tayo. Umaga na noh." tungon nalang niya ng matapos na ang kalokohan nito.

Sumimangot lang ito at walang nagawa kundi ang bitawan siya saka laglag ang balikat na sumunod sa kanya sa kusina.

Nagtulog sila sa paglipit at paghugas ng mga ginamit nila. Ito ang taga sabon at siya naman ang taga hugas. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil napag-huhugas niya ng pinggan ang CEO nila. Siguradong marami na naman siyang haters pag nalaman nila ito.

Hanggang sa paghuhugas ng pinggan ay hindi pa din matigil ang kalokohan nito dahil paminsan minsan ay sinasadya nitong lagyan siya ng sabon o di kaya ang platong hinuhugasan niya para hugasan niya ulit at magtagal sila. Tinitignan lang niya ito ng masama at tumitigil naman na.

"Puro ka laro, wala na tayong itutulog. Dalian mo na."

When they finished the dishes they decided to go back to their respective room and have some rest.

"Ouch!" Daing nito ng bigla niyang kurutin ito sa tyan. Nakabukas pa din kasi ang polo nito.

"Ayan, para magtigil ka na." Kunwaring naiinis na sabi niya habang binubuksan na ang pinto ng sariling kwarto.

Pero laking gulat niya ng bigla siyang hilahin sa kamay at ikinulong sa mga braso nito.

She didn't protest, as if it is the right thing to do. And this feeling.. is the right thing to feel. She didn't even argue with her thoughts and not entertain any buts or any reasoning.

"Thank you for the food..." bulong nito habang nakapatong ang baba sa kanyang ulo. "Good night my wife."

Napangiti naman siya sa narinig. He always call her, wife.

"Good night my husband."

He chuckled. This is the first na tinawag niya itong asawa niya.

"First time." he said like he finally remembers the word that he's trying to sort out from his brain. 

Namula siya sa huling sinabi nito bago sila tuluyang naghiwalay saka pumasok sa kani-kanilang kwarto.


Kasalukuyan siyang nakahiga ngayon sa kama niya hawak hawak ang noo habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa dibdib at malalim na nag iisip.

Madami ng nangyari.

Pero madaming tanong ang wala pa ding kasagutan hanggang ngayon.

Mga bagay na hindi maipaliwanag ng mga salita. 

Mga pakiramdam na hindi mabigyan ng pangalan.

Tama o mali?

Meron o wala?

Pwede o hindi pwede?

Bawal o dapat?

Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata. Trying to sweep away all the worries and doubts. 

"You know what?.... It's like a lullaby on a rainy day everytime I'm calling you 'my wife'. It gives an accommodating feeling inside." he whispered then she felt a kiss on her forehead. 

Muli siyang dumilat ng maalala ang sinabi nito kanina at dinama muli ang noo na hinalikan nito. 

Feeling Confused.

Feeling Unsure.

Feeling Lost.

Feeling Careless.

Feeling Uncontrolled.

Feeling Insane.

A faint smile formed in her lips.

She's drunk.

Drunk by the presence of the man sleeping in the room next to her.

And she's drowning little by little, having his existence in her life.


-------------------


K/N:

Thank you for those who add this story on their reading list. :)

Please don't forget to vote and leave your comments.. :)


Continue Reading

You'll Also Like

84.8K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
305K 16.5K 40
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...