Maghihintay Sayo (The Love St...

Oleh Gidgetwitty

46.3K 937 419

Paano pang ipagpapatuloy ang buhay kung ang taong pinakamamahal mo, ang tinalagang soul mate mo ay biglang ma... Lebih Banyak

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 (A new beginning)
Chapter 8

Chapter 4

3.1K 88 36
Oleh Gidgetwitty

Please play the music video by Ariel Rivera, "Sa Aking Puso (Nag-iisang Ikaw)"

"Anong ginagawa mo dito?" manghang tanong ni Sam kay Alex.

"Sandy, I need to speak to you now!" may galit sa boses ng lalake na hindi niya maintindihan. Napatingin siya sa gawi ni Xander na mahimbing na natutulog. Mahigpit pa ang hawak nito sa lumang asul na baby blanket.

"Mag-usap tayo sa labas ng kuwarto." Hinawakan siya nito sa braso at giniya palabas ng silid.  "Miss, pakibantay sandali ng anak namin. May kailangan lang kaming pag-usapan ng asawa ko." Bilin nito sa nurse na kinukunan ng vital signs si Xander.

"Yes po."

"Anong ginagawa mo? How dare you?" singhal niya kay Alex paglabas nila ng kuwarto ni Xander.

"Don't say another word, Sandy! I'm trying to control my temper right now." Nag-uusig na tinitigan siya nito. 

Bigla siyang natahimik sa sinabi ni Alex. Halatang malapit na itong sumabog sa galit kung pagbabasehan ang paninigas ng mga panga nito.

"Anak ko si Xander, Sandy." Walang pagdududa nitong sambit. "Ipupusta ko ang lahat ng kayamanan namin, ako ang ama ng anak mo!"

Napabuntong-hininga si Sam. "Alex, hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Patay na ang ama ni Xander. At hindi ako ang nawawala mong asawa na si Sandy."

"Sandy, Sam kahit na ano pang pangalan ang gamitin mo, hindi ako nagkakamali. Ikaw ang nawawala kong asawa at kaya kong patunayan iyan!" Halos sumigaw na ito sa galit at frustration.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para manilwala ka na hindi ako si Sandy," tahimik niyang sagot.

"I told you before, let's get your DNA test as soon as possible para matapos na ito."

"Pa DNA test mo na rin si Xander para malaman mo na hindi ikaw ang ama ng anak ko."

"Hindi na kailangan. Ako ang ama ni Xander." Kumpiyansa nitong sagot. "Akong-ako ang itsura ni Xander noong baby pa ako. You can ask my mom."

"Para matapos na itong kabaliwan mo, sige pumapayag na ako sa DNA test."

"Okay, here's what's going to happen honey. Paglumabas ang DNA test na ikaw si Sandy Lagdameo, sasama na kayo ni Xander at doon na kayo titira kasama namin ni Marion sa Manila."

"Ano?"

"Natatakot ka sa resulta ng DNA dahil ikaw nga si Sandy," nakangiting sabi ni Alex.

"Aba, hindi ah. Sigurado ako na hindi ako si Sandy."

"We will see, honey."

"Ma'am, gising na po ang anak ninyo. Umiiyak po at hinahanap kayo," sabi ng nurse na lumabas ng kuwarto ni Xander para hanapin si Sam.

"Thank you, Miss. Sige, papasok na ako."

"Sandy, kailangan mo na akong ipakilala sa anak natin," tahimik na sabi ni Alex nang makaalis na ang nurse.

"No! Hindi ikaw ang ama ni Xander!" Madiing tanggi ni Sam.

"Sandy, pinahihirapan mo lang ang sarili mo. Hindi ako aalis dito sa tabi ninyo ng anak ko, lalo na ngayong may sakit si Xander."

"Alex, pwede bang panglabas na lang ng DNA saka tayo mag-decision tungkol diyan," pagsusumamo niya sa lalake.

"Honey, you____" umpisa ni Alex.

"Please, Alex. Pagbigyan mo muna ako this time. Malilito ang anak ko."

Napilitang tumango si Alex bilang pagpayag sa gusto ni Sam. "Pagbibigyan kita ngayon, Sandy. Pero binabalaan kita, oras na lumabas ang resulta ng DNA magsasama na tayong lahat bilang isang buong pamilya."

Tahimik na tumango si Sam saka pumasok sa loob ng kuwarto ni Xander.

"Mommy, yayay ulo," reklamo ni Xander sa ina nang pumasok ito. Tinuturo nito ang ulo.

"Gusto mo hilutin ni mommy ang ulo ng gwapo niyang baby?"

"Mommy, sino siya?" tanong ng bata nang makita si Alex na sumunod kay Sam sa kuwarto.

"Ah siya si Alex Lagdameo," simple sagot ni Sam.

"Kumusta ka na, Xander? Gusto mo ba ako na lang ang maghilot sa ulo mo?"

"No, gusto ko mommy lang," tanggi nito sa maliit na boses, halatang nanglalambot pa.

"Pwede bang dito muna ako sa tabi mo? Babantayan lang kita."

Tumingin ito sa ina na parang nagtataka. Halos hindi makahinga si Sam sa nararamdaman ng oras na iyon. What are you trying to do to my son, Alex. Ginugulo mo ang buhay naming mag-ina. Ito ang laman ng isipan ni Sam ng oras na iyon.

"Anak, okay lang ba sa iyo na nandito si Alex? 

"Opo, mommy." Bumaling ito kay Alex. "May  candy ka?"

"Anak, ibibili na lang kita ng candy mamaya," maagap na sabi ni Sam.

"It's okay, hon. Ako na ang bahala." Dinukot nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon at saka may pinindot na numero. "Usting, pumunta ka kaagad sa grocery at bilhin mo ang iba't ibang klaseng candies na makita mo. Dumaan ka na rin sa restaurant at umorder ka ng pagkain. Orderin mo iyong mga paboritong ulam ng Ma'am Sandy mo, okay?"

"Alex, anong ginagawa mo?" bulong ni Sam sa mahinang boses para hindi marinig ng anak.

"Nagpapabili lang ng gusto ng anak natin at saka ng favorite dishes mo. Alam ni Usting lahat iyon, remember, matagal na nating family driver iyon."

"I don't know what to think Alex, nalilito ako sa nangyayari ngayon."

"Honey, I hope you'll remember Usting when you see him, sige ka baka magtampo iyon pag hindi mo matandaan. Balat-sibuyas pa naman ang driver natin," tudyo ni Alex.

"Misis, nakahanda na po ang dugo na isasalin kay Xander," sabi ng nurse na hindi nila namalayang pumasok ng kuwarto.

"Thank you, nurse."

"Miss, sigurado ba kayo na magiging okay lang ang anak namin?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa nurse.

"Opo, Sir. I will monitor his vital signs closely. Wala po kayong dapat ipag-alala."

"Siguraduhin lang ninyo na magiging okay ang anak ko kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho," matigas na banta ni Alex.

"Alex, ano ba?" mahinang saway ni Sam. Tinitigan nito si Alex ng matalim.

"What?" takang tanong ni Alex sa kanya.

Sumenyas si Sam na humingi ng sorry si Alex sa sinabi nito sa batang nurse na medyo natataranta na.

Napakamot sa batok si Alex. "Miss, sorry sa nasabi ko. Pasensya na medyo natetense lang ako ngayon dahil anak ko ang may sakit."

"Okay lang po, Sir. Naiintindihan ko po kayo."

Magsasalita pa sana si Alex nang mag-ring ang cellphone nito.

"Hi Sweetheart! How are you, baby?"

"Daddy, I miss you na! When are you going home? Is mommy coming with you?"

"Baby, soon. Are you behaving well? HIndi mo binibigyan ng sakit ng ulo ang Yaya Nita mo?"

"I'm good, daddy. Tita Lillian was here earlier, she bought me another dress and a doll."

"Did you say thank you to your Tita Lillian?"

"Yes, daddy. Tita Ava was also here, she's looking for you. Daddy."

"Okay, baby. Don't forget to brush your teeth before sleeping and say your prayers also.

"I want to speak to mommy please," walang kaabug-abog na sabi nito.

"Ha? Wait, sweetheart." 

"Honey, do you have a minute?" tawag nito kay Sam na nakaupo sa tabi ng kama ni Xander.

"Ano iyon? At pwede ba huwag mo akong tinatawag na honey sa harapan ng anak ko. Mabuti na lang at hindi pa nahahalata," pinangdidilatan niya si Alex.

"Our daughter wants to speak to you," inabot nito ang cellphone sa kanya.

"Ano? Hibang ka na ba talaga?" 

"Hon, baka marinig ka ng anak natin," saway nito. Bigla nitong nilagay uli sa tainga ang cellphone.

"Marion, baby. Your mommy is here," sabi nito at saka inabot sa kanya ang IPhone.

Wala ng magawa si Sam kung hindi kunin ang cellphone.

"Hi Marion," simple niyang bati sa bata.

"Mommy, I miss you already!!!"

"Ah eh, I mi-miss you too," halos gumaralgal ang boses niya ng oras na iyon. Mapapatay ko talaga ang ama mo . Hmmp!

"Mommy, when are going home? Please come home na," malambing nitong sabi.

"Marion, ah pag-uusapan muna namin ng daddy mo okay?" 

"I love you so much, mommy! How much do you love me, Mommy?"

"Ha? Ah I love you too," walang malamang isagot si Sam. Oh my Lord, sana bumalik na ang tunay na ina ng batang ito. Kawawa naman.

"Mommy, you're suppose to say "Priceless". You forgot?" Malungkot nitong sabi.

"Baby, I'm sorry. Nakalimutan ko lang. Here's your daddy na." Naiiyak na inabot ni Sam ang cellphone sa kaharap na lalake.

"Sweetheart, go to sleep early and don't forget what I told you."

"Yes, daddy. I love you!"

"I love you more, baby."

Mahimbing na natutulog si Xander, katatapos lang nitong salinan ng dugo. Samantalang sa matinding pagod ay nakatulog na rin si Sam sa tabi ng bata. Samantalang si Alex naman ay naidlip na rin sa sofa na malapit sa kama. Hindi namalayan ng tatlo ang pagpasok ng isang babae. Muntik na itong mapasigaw nang makita si Alex na natutulog sa sofa. Halos manginig ang buong katawan nito sa pagkabigla. Diyos ko po hindi ako dapat makita ni Alex dito. Iyong lang at  saka ito nagmamadaling lumisan sa lugar na iy on.

Kinabukasan ay maagang nagising si Sam sa marahan na pagyugyog ng balikat niya. Nakangiting mukha ni Xander ang nakatunghay sa kanya.

"Mommy, kain na ko! Galing Mado!" Masayang nitong bida.

"Pinakain ko na, mahimbing kasi ang tulog mo kasi kanina, hon." Masayang sabi ni Alex.

"Ha, sorry . Napagod lang ako. Thank you, Alex." Humikab pa si Sam. Halatang inaantok pa.

"Mommy, ang dami kong candies." Pinakita nito ang mga hawak na chocolates sa ina.

"That's good, Xander. Pero huwag mong kakainin lahat ha. Paisa-isa lang muna," bilin niya sa anak.

"Sabi daddy, bili pa siya malami," bulol bulol nitong sabi.

"Daddy?" napataas ang boses niya sa sinabi ng bata. Hayop na Alex ito hindi marunong tumupad sa usapan.

"Daddy!" Itinuro nito si Alex.

"Hon, I'll explain later," nakangiti nitong sabi sabay bulong sa kanya. "Kalma lang hon, we don't want to upset our son. Remember, hindi pa niya masyadong naiintidihan ang lahat."

"You, you bast___"

"Honey, don't say it please. Magtatampo ang mga in-laws mo. Legit ako na anak ng Lagdameo." Nakangiti nitong biro.

"How could you?" Nanggigil na sambit ni Sam sa mahinang boses para hindi marinig ng paslit.

"Simple lang hon, dahil sigurado ako na ako ang daddy ni Xander at ikaw Sandy ang tunay kong asawa."

Magsasalita pa sana si Sam nang dumating ang doktor ni Xander.

"Misis, tumaas na ang blood count ng anak ninyo. Kung magpapatuloy ang pagbuti ng kalagayan ni Xander ay pwede na siyang ilabas bukas ng umaga."

"Thank you po, doktor."

"Nasaan ka na ba Ate Amelia? Hindi ka na bumalik. Ang sabi mo kukunin mo lang sandali ang damit," bulong niya sa sarili.

"May sinasabi ka ba, hon?"

"Wala, gusto ko lang kausapin ang sarili ko. Mahirap kasing maghanap ng matinong tao dito sa paligid ko," sarkastiko niyang sagot.

"Ang aga-aga mainit na ang ulo ng misis ko," masaya nitong sabi.

""Hoy, pwede ba tumahimik ka muna. Kanina pa ako naiinis sa iyo."

"Hon, careful. Baka marinig ka ng anak natin."

"Heh! 

"Mommy, galit ka?" tanong ni Xander.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Dati mainit lang ang ulo mo pagbuntis ka." 

"Pwede ba tigilan mo na ako kung ayaw mong dalhin ka sa morgue ng ospital na ito."

"Opss, okay titigil na honey."

Nagdaan ang maghapon na hindi nagpakita si Amelia sa ospital. Hindi naman ito sumasagot sa cellphone nang tinawagan ito ni Sam.

"Alex, kailangan kong umuwi sandali. Pwede bang ikaw na muna ang bahala kay Xander."

"Sure, magpa-drive ka na lang kay Usting. Iyong van na nirent ko para sa iyo ay  pinabalik ko muna  sa agency. Tutal magkasama naman tayo ngayon." Makahulugan nitong sabi.

HIndi na binigyan ng kahulugan ni Sam ang sinabi nito. "Kaya kong mag-tricycle papunta sa amin."

"Stop being so stubborn, Sandy. Magpa-drive ka na para mabilis kang makabalik."

"Ma'am, tara na po." Hindi namalayan ni Sam na nasa may pintuan lang pala ang driver ni Alex at naghihintay kung may kailangan iutos ang amo nito.

Walang kibong sumunod si Sam sa driver.

"Mommy!" tili ni Xander bigla. Akmang bababa ito ng kama, mabilis na kumilos si Alex para pigilan ang bata.

"Daddy is here, Xander. Ako muna ang bahala sa iyo habang wala si mommy," amo nito sa paslit.

Agad naman nitong napakalma ang bata. Napailing na lang si Sam sa nakita. Mabilis nakuha ni Alex ang loob ng anak ko.

"Ma'am, huwag po kayong magagalit sa akin ano po pero talaga pong carbon copy ni Xander si Sir," pukaw ni Usting sa iniisip niya.

Hindi kumibo si Sam. Kaya ba pamilyar ang mukha ni Alex sa akin dahil kahawig siya ng anak ko?

"Aling Lydia, alam po ba ninyo kung nasaan si Ate Amelia?" tanong ni Sam sa kapitbahay nila nang hindi niya nadatnan ang pinsan  sa bahay.

"Naku hind eh. Akala ko nga pumunta na sa ospital kasi may dalang bag," sabi ng kapitbahay nila.

Nasaan ka ba Ate Amelia?

Samantalang sa isang lumang bahay.

"Nagkita na silang dalawa. Ano ngayon ang gagawin ko? Ayokong makulong, wala sa usapan natin ito. Kailangang tulungan mo akong makalayo dito kung ayaw mong malaman nila ang katotohanan," sabi ng isang babae sa kabilang linya.

"Shit, hindi ka nila dapat makita. Magtago ka muna, ako ang bahala sa iyo. Ipapadala ko agad ang mga kailangan mong pera."

"Hindi ka nila mapapatawad pagnalaman nila ang katotohanan."

"HInding hindi nila malalaman ang sekreto natin. Walang pwedeng magmay-ari kay Alex kung hindi ako lamang."

Kinabukasan ay na-discharged si Xander sa ospital. Kahit na anong pilit ni Alex na isama ang mag-ina sa Maynila ng araw na iyon ay hindi nito natinag ang decision ni Sam na bumalik ng bahay nila sa Palawan.

"Hon, may kukuha ng DNA specimen mo ngayong hapon," sabi ni Alex.  Kasaluyan silang nakaupo sa sala habang natutulog si Xander sa kuwarto.

"Sige, nakahanda na ako para matigil ka na," tahimik niyang sagot.

"Kailangan ko munang bumalik sa Maynila ngayon. HInahanap na ako ng isa pa nating anak. Babalik uli ako sa makalawa, isasama ko na si Marion pagbalik ko dito para makapag-bonding naman sila ni Xander."

"Wait, ang bilis mo naman. Hindi pa nga natin alam ang resulta ng DNA."

"Formality na lang ang DNA, honey. Ihanda mo na ang sarili mo because this time, magsasama-sama na tayo uli bilang isang pamilya."

****Thank you sa pagbasa ninyo ng chapter 4. Pasensiya na at natagalan ang UD ko. Sana nagustuhan ninyo ito.

Ano ang masasabi ninyo sa kabantang ito? Ano ang resulta ng DNA test? Sino ang mga taong may hawak ng sekreto ni Sam?

 @Gidgetwitty (If you want to follow me on Twitter and Instagram)

Gidget Corpuz (Facebook)

http://www.facebook.com/groups/gidgetwitty/  (Please join our open reading group Kim Xi FanFic Stories by Gidgetwitty)

www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty. (Please like our fan page also. Thanks.)        

Lanjutkan Membaca