Virginity List

By pajibar

1.5M 15.7K 2.1K

Virginity List: A list of things she wanted to do before she loses her virginity. More

Note
Virginity List
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.1
Chapter 22.2
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Author's Note
Survey (LOL)

Chapter 14

38.4K 354 25
By pajibar

-       Emieleen’s Point of View - 

Nagising akong bigla dahil sa liwanag na galing sa bintana. Umaga na pala. Bumangon ako sa pagkakahiga at kinusot ang mga mata ko para mas makakita pa ko. Ansakit ng ulo ko.

 Teka? Ano palang nangyari kagabi? Wala na akong maalala. Ang alam ko lang, kasama ko si Kean. Nag-usap kami, nalasing ako....at boom. Hindi na ko virgin.

Wait, sa totoo lang, yung part na lasing lang ako lang yung naaalala ko. After nun....wala na. 

Pero kahit anong isipin ko....wala na.

Wala na yun eh. Wala yung pinaka iingatan kong bagay. Yung big V. Pero sa totoo lang, sinadya kong malasing bago niya gawin yun eh. Para wala akong maalala. Para kahit papano, mawala ako sa sarili ko at, basta.

Nasa kwarto pa rin pala ako ni Kean. Himala, may damit pa rin ako. Hmm? Binihisan niya ba ako? Eh? Hindi naman siguro?

Dumiretso agad ako sa CR para maghilamos at mag-toothbrush. Oo, nahihilo pa rin ako pero syempre kailangan ko ring pumunta sa banyo! Nung naghihilamos ako, napatingin ako sa reflection ko sa mirror.

 Kahit ako, iba na ang tingin ko sa sarili ko. Kahit ako, nawalan na ng respeto sa sarili ko. Wala na eh. 17 years kong iningatan, mawawala lang din pala ng ganun.

Nung makalabas na ako sa Cr, napansin kong may pera dun sa side table ng kama na hinigaan ko kanina. Kahit papano, napangiti pa rin ako. Tinupad niya nga yung deal namin.

Teka, nasaan na pala siya? Nasaan na pala si Kean?

Niligpit ko muna yung kama bago bumaba sa labas para hanapin siya. Syempre nakakahiya naman, nakitulog na nga ako dito tapos hindi man lang ako maglilipit. Nung tapos na kong magligpit, bumaba na ako.

“Ate,” tawag ko dun sa maid nila. “Si Kean po?”

“Ahh eh...” hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Parang nag-aalangan siya. “Umalis siya at s-sabi niya, wag ko nalang muna po ipaalam sa inyo kung saan siya pupunta.”

“Eh? Ganun po ba?” Bakit nanaman? May plano nanaman ba yun?

Pagkatapos nun, bumalik ako sa hospital para ipaalam sa Doctor ni Mama na i-handa na yung operation. Natutuwa lang ako, at last, ma-ooperahan na rin si Mama. Magiging maayos na rin ang lahat. 

“Emi, anak.” tinawag ako ni Mama.

“Po?”

 

“Saan mo naman nakuha yung pera na gagastusin natin dito? Diba masyadong malaki yun para makuha mo sa madaling panahon lamang?” Naagulat ako sa tinanong ni Mama.

Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko. Mama, pinagpalit ko yung virginity ko para sayo. Ayoko namang sabihin yun. Pero ayoko rin namang magsinungaling sa kanya. Isa sa mga bagay na ayokong gawin ay ang magsinungaling kay Mama. So anong sasabihin ko? Isip, Emi, isip.

“A-ah, g-galing po sa kaibigan k-ko...” Totoo naman yun diba? Galing naman talaga yun kay Kean, na kaibigan ko naman. Wew! Atleast hindi ako nagsinungaling!

“Ganun ba? Mukhang mayaman yung kaibigan mo.”

“O-opo, sila po yung...” may ari ng school namin? Teka sasabihin ko pa ba yun? Baka hanapin pa ni Mama kung sino yun eh. “M-may business sila.” Ting! Totoo naman din ulit diba? May business naman talaga sila Kean.

“Ahhh,” nag-nod nalang si Mama. “Minsan nga Emi, ipakilala mo naman sakin yung kaibigan mong yun ha?”

“B-bakit po?”

“Wala lang. Gusto ko lang siyang pasalamatan sa kabutihang nagawa niya sa atin.”

 

Ah, yun naman pala. “S-sige po...”

Pagkagaling ko sa hospital, dumiretso naman ako sa parang clubhouse nila Kean at nung tropa niya. Baka nandito siya eh. Kanina pa kasi hindi nagpaparamdam si Kean eh. Hindi ko siya ma-text, di ko rin matawagan. Asan na ba yun? 

Nag-doorbell ako. Pagkatapos ng ilang segundo ay bumukas na rin ang pinto. Nagulat yung lalaking nagbukas sa akin ng pinto. Kakilala ‘to ni Kean eh, kaibigan niya ‘to syempre. Sino ba ulit yun? Ayun! Alam ko na!

“Mason, right?” tanong ko.

“Right...” nag-nod siya ng dahan-dahan. “Pasok.”

“Kilala mo ko?”

“Papapasukin ba kita kung hindi?” grabe ang sungit naman nito. Pero wala akong ibang nagawa kaya pumasok nalang ako sa loob.

Nung pagkasara niya ng pinto, inunahan niya na ako sa paglalakad at dumiretso na sa loob. Hindi man lang ako in-entertain. Ay, oo nga pala. Sabi pala ni Kean, siya yung pinaka may ayaw sa babae dito. Anong gagawin ko dito? Huhuhu.

Tumayo nalang muna ako dun at nagbakasakali na babalikan pa ulit ako ni Mason. Pero hindi na pala.Grabe naman yun. Maya-maya pa, may narinig akong mga yapak ng madaming tao na tumatakbo. At pakiramdam ko, papunta sila sa’kin.

“Uy may bisita raw tayo!”

 

“Baka BWISITa!”

 

“Baka chix!”

“Baka may dalang pagkain!”

“Baka—” Bigla silang napatigil sa pagsasalita ng makita nila ako.

Ako rin nagulat eh. Nag-uunahan kasi silang tumakbo papunta sakin. Then suddenly, napatigil sila sa pagtakbo at napatitig sakin.

“—baka si Emieelen. tuloy nung isa.

“Hi.” nahihiya kong bati sa kanila.

“H-halika! Pasok ka!” Bigla nila akong hinila papunta sa living room at yung iba naman tinulak ako. Iba yung ine-expect kong ugali nila. Hindi ko alam na ganito pala si kakulit.Oh well, si Mason lang naman ang alam kong cold dito eh. “Upo ka!”

“Eto oh! May tira pa kaming pizza! Sayo nalang!” Offer ng isa. “Eto rin! Juice!” Sunod-sunod yung alok nila sakin, nakakahiya tuloy.

“Thank you...” Nung nagsimula na akong kumain, apat silang umupo sa harap ko at pinagmasdan akong kumain. Ganito ba talaga sila?

“Ehem..” panimula ko. “Ako nga pala si Emieleen, Emi for short.”

“Ah oo! Kilala ka na namin! Madalas kang banggitin samin ni Kean.”

“Ahh...”

“Ako nga pala si Vincent. Siya naman si Marvelous, si Aki, at si Kier.” Hmm, naalala ko na ng konti yung mga sinabi sakin ni Kean dati.

Si Vincent, yung varsity player, pinaka athletic. Si Marvelous, yung tomboy na pogi. Si Aki, yung pinaka makulit. Si Kier, yung substitute lang sa grupo.

“Bakit ka nga pala napadalaw dito, Emi?” tanong ni Marvelous.

“Ano, kasi...nandito ba si Kean?” 

Nagtinginan silang apat. “Umm, hindi kasi namin pwedeng sabihin eh...” paliwanag ni Kier

Bakit naman? “Ah..ganun ba. Sige...” Syempre kung ayaw nilang sabihin, edi okay lang. Malay mo baka private.

“Umalis na si Kean. Pumunta sa America, for good na sila dun.” Napatingin kaming lahat kay Mason na pababa ng hagdan habang nagsasalita.

“Mason!” saway ni Aki. Para bang, pinapagalitan siya. Bakit ba ayaw nilang sabihin sakin??

“What? Kailangan niya rin naman ‘tong malaman.”

Nagkaroon muna ng katahimikan. Napatingin ako sa kanilang apat. Bakit ba bawal nilang sabihin sa akin? Bakit bawal kong malaman? Ano bang meron?

“Totoo ba yung sinasabi niya?” tanong ko. Sabay-sabay silang nag-nod. Totoo nga. “B-bakit? Bakit siya pumunta dun? Bakit hindi siya nagpa-alam man lang sakin? Bakit ayaw niyang malaman ko?”

“Yan na ang hindi namin masasagot, Emi. Kasi kahit kami, hindi na rin namin alam. Basta ang alam ko lang, pumunta siya kaninang madaling araw dito para magpaalam samin. Hindi niya sinabi yung rason niya.”

“P-pero....babalik pa siya diba?”

“As I've told you before, for good na sila dun.” singgit ni Mason.

“Mason's right Emi. For good na daw sila dun...at malabo na yung chance na bumalik ulit siya dito.”

Continue Reading

You'll Also Like

6.4K 976 46
NOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. L...
1K 152 43
Akiesha Cianna Del Via was hidden by his parents. At the age of 9 she accepted that her comfort zone are only in a shelter that designed for her. De...
152K 336 3
Unwanted wedding, that's how their love story started. Tungkol sa dalawang taong parehong ayaw sa isa't isa no'ng una ngunit kalauna'y mamahalin din...
570K 8.9K 52
Sapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New...