Blood and the Seven Vampires

By xtinepasman

7.9K 167 41

Mirror, mirror on the wall. Who's the fairest of them all? Snow White? Fairy tale? Kathang-isip lamang na hin... More

All Rights Reserved.
PROLOGUE
UNANG KABANATA
PANGATLONG KABANATA

PANGALAWANG KABANATA

1.3K 49 22
By xtinepasman


Puting buhok, may pulang hikaw sa kaliwang tenga at sing puti din ni Don. Malayo ang tingin ng lalaki sa labas ng nakabukas nyang bintana. Hindi pa ba sapat ang lamig ng aircon sa kanya na halos manginig na nga ang mga tuhod ko dito? Mukhang pinagwawalang-bahala lang din ng iba na nakabukas ang bintana nya. Kelangan na ba akong masanay sa mga ugali ng taga-syudad?

Natigil ako sa pagsusuri sa kanya nang tumingin sya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Agad ko namang binawi ang tingin ko.

Pero maiba nga, may kadena din sya. Sya pa lang ang nakikita kong may kadena maliban kay Don dito sa unibersidad. Ibig sabihin ba magkauri din sila ni Don?  Nalalaman kaya ng mga may kadena na magkauri sila?

Pinagmasdan ko pa sila lalo pero na kay Don nakatuon ang mga mata ko. Mahirap na kung mahuli na naman ako ng lalaking yun na nakatitig sa kanya. Kung sakali mang maging magkaibigan sila ni Don, sya ang magiging kauna-unahang makikilala ni Don na may kadena din. Sana magkasundo sila.

Biglang tumayo si Don. Siguro'y nagtataka kung bakit ako nakatingin sa kanya.

Nilapitan nya yung babaeng gustong makipagpalit ng upuan.

"Kung gusto mo, tayo na lang magpalit?" turo nya sa pinanggalingan nyang upuan.

"Ha? E-eh, k-katabi mo si. . .si C-Cedric?" Cedric? Pangkamahalan naman pala yung pangalan.

"Mukhang wala kasing gustong makipagpalit sayo kaya ako na lang ang tatabi sa kaibigan ko." nakangiti nyang pangungumbinsi.

"H-ha? H-Hindi na. Dun na lang ako sa dulo. S-sige." at naglakad na sa kabilang dulo kung saan may nag-uumpukang mga kalalakihan. Mukhang kilala nya naman ang mga ito pero parang inaasar sya dun.

"Tinakot mo kasi, ayan tuloy." natatawang Don ang umupo sa silyang binakantehan ng babae.

"Good morning. I am Professor Roger Sy and I'll be your Economics professor for the entire sem- Excuse me, Mister. . ." mukhang nakakatakot naman tong prof nato.

Bigla-bigla na lang pumapasok tapos ang laki pa ng boses. Tapos kakapasok nya pa lang, nananaway na.

Dahil nakatingin sya sa bandang likod, nakitingin na rin ako upang matukoy kung sino ang kinakausap nya.

"You, by the window, what is your name? You know fully well that this room is fully air-conditioned. Now, close the window! Hindi porke't sa inyo nanggaling ang pinapambayad ng AU sa elektrisidad doesn't mean aabusuhin nyo na ito. Hindi lahat nag-aaral dito mayayaman. And you are wasting their money!" may narinig akong napahugot ng hininga pagkatapos ng pahayag ng prof.

Tumingin ulit ako sa propesor na matikas pa din ang tindig sa harap.

Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, sinulyapan ko na naman ulit si Cedric.

Ayun sa ekspresyon nya, mukhang wala syang planong makinig sa inuutos sa kanya.

"Nakikinig ka ba?" at sa huling pagkakataon ay nasa propesor na naman ulit ang atensyon ko.

Naglalakad na yung prof papunta sa kinauupuan ni Cedric. Nang napadaan na sya sa may gilid ko ay narinig ko ang pwersadong pagsara ng bintana at ang paggalaw ng mga kurtina na syang ikinatigil ng prof sa mismong gilid ko.

Dahan-dahan kong sinilip ang mukha ni Cedric at masama na itong nakatingin sa naturang prof habang nakaupo at kampanteng nakasandal na sa upuan nya. May naririnig na rin akong mga bulungan sa paligid.

"You work here to teach us. So why don't you get your ass with your boring economics instead of wasting your time lecturing me about electricity and other people's business." matapang nyang sagot.

Nakakatakot naman pala talaga ang lalaking to. Pero sana naman kahit ganito ugali ng prof namin ay magbigay pa rin sya ng konting respeto.

Tinignan ko ang prof na naka-limang piso kay Cedric. Makikitang namamawis sya. Siguro ang laki ng epekto ng mga salita ni Cedric sa kanya. Nakita kong huminga sya ng malalim at babalik na sana nang mapadako ang tingin nya sa akin.

"And you? What is your name?"

"C-Ciarda Vivyan Pontacio, S-Sir."

"Is that a scorpion? Why are you bringing that in school? To think na nasa leeg mo pa  yan. Don't you know it's dangerous? What if it stings someone? Can you afford a life?"

"H-Hindi naman po nangangagat si Leo. Wala pa po syang nakagat simula noon."

"I see. It also have a name. Now I want you to choose. Itatapon mo yan? O ikaw ang itatapon ko palabas ng classroom?"

"P-po? Hindi ko po maaaring itapon si Leo." nakita kong nagdugtong ang kilay nya sa sinabi ko.

"Hindi ka na elementarya, hija. Nasa kolehiyo ka na. Now if you don't throw that thing, then I will throw both of you myself." bigla nya akong hinila mula sa pagkakaupo kaya pati ang mesa ko ay nagalaw din. Pati ang babaeng katabi ko sa kanan ay medyo napapalayo din sa upuan nya.

"S-sir, sandali lang po. . ." pagpupumiglas ko at napatayo na rin si Don.

Itinaas ng prof ang kamay nyang hindi nakahawak sa akin at mabilis na tinampal si Leo mula sa leeg ko. Tumilapon sya sa harapan at yung mga kaklase ko sa bandang harap ay napaakyat sa kani-kanilang silya. Si Leo naman ay nakatihaya at hindi gumagalaw.

Leo!

"Don, si Leo!" di natuloy si Don sa paglapit sa amin at nagmadaling puntahan si Leo habang ako naman ay pinipilit pa ring makawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ng demonyong prof na to.

Ngayon ko lang naramdaman ang sensasyong ito. Pakiramdam ko may kumukulo sa loob ko na gustong sumabog. Ipasabog sa mismong mukha ng halimaw na to. Wala syang awa. Gusto ko itapon itong mesa sa mukha nya na patampal din katulad ng ginawa nya kay Leo. Pero kelangan ko munang makawala mula sa pagkakahawak nya.

"Sir, pakiusap, bitawan nyo na po ako." pinipilit nya akong kaladlakarin pero gamit ang buong lakas ko ay sinusubukan ko pa ring manatili sa pwesto ko habang hinihila din ang kamay ko upang makawala sa hawak nya.

"Sabi ko, BITAW!"

"AH!" hiyaw nya nang biglang humangin ng malakas kaya napabitaw na din sya sa akin. Napatingin sya sa kanyang kamay.

Di ko naman sinasadyang sigawan sya pero yung sensasyong naramdaman ko kanina ay kusa na lang lumabas sa sistema ko.

"Not just a scorpion but you also secretly brought a stun gun inside school premises? Ilabas mo yan." ha? Stan dan? Ano yun?

"P-po? W-wala po akong stan dan."

"You liar!" itinaas nya ang kanyang malaking palad at umanyong sasampalin na ako pero bago pa man dumampi ang palad nya sa mukha ko ay natigil sya nang may bagay na dumaan sa pagitan namin.

Nang sinundan namin ang tinahak ng bagay na iyon, isang walang takip na ballpen ang nakatusok sa white board.

Sabay naming hinanap kung sino ang may gawa. Halos lahat ng ulo ay nasa iisang tao lang nakalingon.

Cedric.

"There is a rule that a teacher doesn't have the right to hurt his or her student. Now, are you gonna start your lesson? Or am gonna kick your balls out?" iba talaga sya. Wala atang kinakatakotan to.

"How dare you attack a teacher?" halos umalingawngaw ang boses ni prof sa buong silid.

"Back at you, Professor Roger Sy. How dare you raise your hand at a student? Why don't you just do your job? Ah, thought you might forgot. Your job is to teach, and discipline according to the book-" halos huminto ang oras nang isang makapal na kwaderno ang tumama sa mismong mukha ni Cedric. Nag-iwan pa ito ng isang maliit na sugat sa kanyang noo.

"Now, you're attacking." nakangisi pa sya kahit mukhang ansakit nung pagkakatama ng kwaderno sa mukha nya.

"Anong nangyayari dito, Mr. Sy? Bakit mo binato ng notebook ang estudyante mo?" isang matangkad na babae ang biglang pumasok sa aming silid.

Inayos nito ang suot nyang salamin. Mga nasa kwarenta anyos pataas na ang edad nito. May kasama din syang dalawang lalaki na naghihintay lang sa labas ng pinto.

"D-Dean. . .binastos kasi ako ng batang yan-"

"Binastos, minura, pinagtawanan, it is still against the law to hurt your student unless your life is concerned and you're doing it to defend yourself. Get out of this class now, Mr. Sy. I'm sure the CCTV footage have reached the President already. And please kindly pack your things at the office."

"Bwiset." dinig ko mula sa prof namin habang masamang nakatingin sa akin.

"Mr. Sy?" tawag ulit ni Dean sa kanya kaya nagsimula na syang maglakad palabas.

Sa pag-alis ng prof sa loob ng silid ay syang pagtayo din ni Dean sa gitna.

"Are you both okay? Mr. Tansen, you might need to visit the clinic." tumayo naman agad si Cedric.

Tansen ba apelyido nya? Amoy pangkamahalan nga.

"Cia." nasa gilid ko na pala si Don at inaabot si Leo sa braso ko.

"Salamat, Don. Leo, pasensya ka na, sana okay ka lang." sabay gapang sa braso ko paakyat sa loob ng manggas ng damit ko.

"Baka pwedi padaan?" medyo nabigla ako sa nagsalita sa likuran ko.

Ang maputi at walang emosyong mukha ni Cedric ang agad na nakaharap ko. Dahil dun ay napaupo ako sa silya ko. Hindi dahil sa sobrang lapit nya sa akin kundi dahil sa mga mata nyang ibang-iba kay Don. Kahit saglit ko lang nakita ang mga mata nya, nakita kong walang laman ang mga ito. Yung mas akma pa sa kanya ang diskripsyong sinabi kanina ng lolang nakasalubong ko tungkol kay Don.

Dahil nga sa napaupo ako, sila naman ngayon ni Don ang magkaharap at medyo matagal-tagal pa silang nagkatitigan bago tumabi si Don para padaanin si Cedric.

Napansin kong sa pagdaan din nya ay ibinalik nya sa babaeng katabi ko ang kwadernong itinapon sa kanya.

Nang makalabas na si Cedric, nagsalita na ulit si Dean.

"I apologize for Mr. Sy's actions. He's a newly hired professor here and unfortunately, hindi pa nga nakakapagsimula, masisipa na. Anyways, moving on, kindly proceed to your next class. As for your Economics subject, kindly check on the bulletin board on Wednesday kung may bago na kayong prof. And by the way, for the new students, welcome to Amspec University. I hope you enjoy your lessons here."

Paglabas ni Dean ay binalot na naman ng katahimikan ang buong silid. Pagkatapos ng ilang minuto ay unti-unti na ding nagsilabasan ang mga kaklase namin.

Nanatili lang muna kami ni Don sa kinauupuan namin. Si Don halatang malalim ang iniisip habang ako naman ay nakatitig lang sa white board.

"Uhm, excuse me." napatingala ako sa babaeng katabi ko. May maliit syang ngiti.

"O-okay ka lang ba?" tama ba tong naririnig ko? May kumakausap na sa akin?

Bigla akong napatayo na halatang ikinagulat naman nya.

"A-ako pala si. . .si. . .si Ciarda Vivyan Pontacio. Cia na lang." unang pagkakataon ito na may naunang kumausap sa akin na hindi bibili o hinahanap sina Lolo o Lola.

"Tanga. Hindi yung pangalan mo tinatanong nya. Yung kalagayan mo." may nagsasalita ba? Kunyare hindi ko narinig ang pambasag na yun ni Don.

Biglang tumawa yung babae at parang ako rin ay gustong tumalon-talon.

Medyo may kaliitan ang babae sa akin. Katamtaman lang ang haba ng buhok at mabibilog ang mga mata.

"You're both so funny. Mukhang hindi naman pala kayo nakakatakot tulad ng mga kwento-kwentong naririnig ko. I'm Aellen Valdez, nice to meet you Cia and. . ." tumingin si Aellen kay Don.

"Don." ako na ang sumagot.

"Don? Don lang? Don sa Malate, Don sa Cubao?"

"Ah, Don Verden." medyo naguguluhan ata sya kaya kinompleto ko na.

Tumawa na naman sya ulit.

"Ano ka ba? Ang slow mo. It's a joke. By the way. . ." nilipat nya ang tingin nya sa may kwelyo ko.

"Leo, right?" gusto ko na sya. Sya pa ata ang unang nakipagkilala kay Leo kaya tumango-tango ako.

"Will he be fine in there?" ngumiti ako nang napakalawak. Nag-aalala din sya sa kalagayan ni Leo.

"O-Oo. Sanay na sya dyan." masaya kong sagot.

Tumango-tango sya.

"So, what's your next class? Or vacant subject nyo?" tanong ni Aellen.

"Ha? Ah, oo nga naman. May susunod pa pala kaming klase. Lika na, Don." yaya ko at  sabay na tumayo.

"Ano ba susunod nyong subject?" tanong ni Aellen habang inaayos namin yung mga upuang nakaharang sa daanan namin.

"Foreign Language." sagot ni Don.

Malaking tulong din si Don sa akin pagdating sa ibang bagay na tinatamad ako. Tulad na lang nitong pagmemoryado ng schedule namin.

"Talaga? Sabay na tayo. Pareho pala tayo ng subject eh. Ano ba section nyo?" tanong naman nya ulit.

Ang ganda lang sa pakiramdam na may kumakausap na sa akin ng matagalan.

"BM-01." ako na sumagot.

"Eh magka-blockmate pala tayong lahat eh, sus." tumatawa kami habang papalabas nang may nakabanggaan akong lalaki pagbukas ko ng pinto.

Bumagsak ako sa sahig at napapikit sa sakit sa aking pwet.

"Cia!" sabay na napasigaw sina Don at Aellen.

"Aray ko." narinig ko namang daing ng lalaking bumangga sa akin na bumagsak din kaharap ko.

Tinulungan ako ni Aellen na makatayo at sya na ang pumagpag sa pantalon ko. Ang bait nya talaga, nakakaiyak naman itong ginagawa nya para sa akin.

"Pare, ingat naman." sabi ni Don dun sa papatayong lalaki.

"Sorry. Sorry talaga. Ano, late na ba ako? Tapos na ba ang klase?" hinihingal na tanong nya.

Matangkad sya kesa kay Don, sing tangkad nya ata si Cedric. Medyo maangas ang dating nya pero dahil palangiti sya, hindi nakakatakot ang kaangasan nya. Para syang batang walang pakialam sa mundo.

"Stan! Ikaw lang pala eh. Wala na, pinatalsik kanina yung prof natin sa Economics. Binato kasi si Tansen ng notebook kanina. Kala ko wala talaga syang kinakatakotan dahil ang lakas ng loob nyang banggain ang mamamatay tao na yun, yun pala bago lang sya dito kaya wala syang kaalam-alam. Pinadala na dun yung CCTV sa itaas, makikita mo rin yun. Pero alam mo, parang ako pa yung aatakihin sa puso sa ginawa nya eh. He's actually digging his own grave." kwento ni Aellen. Medyo nabagabag pa ako sa sinabi nyang mamamatay tao. Sino? Si Cedric?

"Talaga? Kakarating ko lang eh. Teka, bakit iba tong mga kasama mo?" nagkatinginan kami ng tinawag ni Aellen na Stan.

"Ah! Ikaw yung transferee galing sa poor na college." makaturo naman ito. Hindi lang ako noh? Si Don din.

Tapos biglang gumapang si Leo palabas ng manggas ko kaya napatingin sya dito.

Tinulak ko naman nang konti si Leo pabalik sa loob at bumalik naman ito.

Nagtama ulit ang mga mata namin at inaasahan ko nang magtatanong sya pero wala nang lumabas na salita sa bibig nya.

"Walang preno talaga yang bibig mo, Stan ano? Pumasok na nga tayo. 15 minutes na lang bago mag-9:30." yaya ni Aellen.

"Mauna na kayo. Punta muna akong cafeteria, 15 minutes pa naman eh. Di pa ako nakapag-almusal kasi nga late na akong nagising. Kitakits na lang mamaya." at dali-daling umalis na medyo patakbo.

Nakatitig ako sa likod nyang papalayo at naramdaman ko ang pakiramdam na kay Don ko lang nararamdaman.

Ang pakiramdam na. . .

Ligtas ako sa kanya.


tbc

Continue Reading

You'll Also Like

2M 135K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
5M 342K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...
271K 15K 33
CS3
202K 5.8K 62
EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling...