Project: Black Out (Philippin...

By EMPriel

50.5K 1.7K 290

Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawag... More

Project: Black Out (Overview)
Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)
Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)
Chapter 3: Broken Dreams, Broken Promises (Nasirang Pangarap, Nasirang Pangako)
Chapter 4: Unusual Story (Hindi Karaniwang Kwento)
Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)
Chapter 6: Civil War Rising (Ang Pagbangon ng Digmaang Sibil)
Chapter 7: Identity Crisis
Chapter 8: City in the Dark (Ang Siyudad sa Dilim)
Chapter 9: Written in Blood (Isinulat sa Dugo)
Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)
Chapter 12: Burn Baby! Burn!
Chapter 13: The Flawless and the Renegade (Ang Pino at ang Taksil)
Chapter 14: Time Will Tell (Ang Oras ang Makakapagsabi)
Chapter 15: A Shadow's Blood (Ang Dugo ng Isang Anino)
Chapter 16: Before the Dawn (Bago Magliwanag)
Chapter 17: War of the Shadows (Ang Digmaan ng mga Anino)
Chapter 18: Freedom Fall (Ang Pagbagsak ng Kalayaan)
Chapter 19: The Dogma (Ang Prinsipyo)
Chapter 20: Black Propaganda
Chapter 21: March of the Dead (Ang Martsa ng Kamatayan)
Chapter 22: Oblivion Cry (Panaghoy ng Kawalan)
Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)
Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)
Chapter 25: The Final Countdown (Ang Huling Bilang)
Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)
Chapter 27: Illusions in the Air (Ang mga Ilusyon sa Hangin)
Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)
Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)
Chapter 30: The Last Laugh (Ang Huling Halakhak)
Chapter 31: Santelmo

Chapter 10: An Invisible Enemy (Ang Hindi Makitang Kalaban)

1.4K 43 12
By EMPriel

Mankind is divided into rich and poor, into property owners and exploited; and to abstract oneself from this fundamental division; and from the antagonism between poor and rich means abstracting oneself from fundamental facts.

-Joseph Stalin

"Isang subastahan ng mga antigong gamit?" tanong ng isang lalaki habang hawak ang kanyang baril. Nakauniporme siya ng pang-guerilla at abala sa pakikipag-usap sa kanyang mga tauhan.

"Oo. Kung gusto mo siyang makita ay kailangan nating pumunta doon. 'Yon lang ang paraan para makausap siya," sagot naman ng isang babae na may mahaba at itim na buhok. Panay ang silip niya sa lente ng sniper na kanyang hawak habang nakaupo sa isang kahoy na mesa. Kitang-kita ang ganda ng hubog ng kanyang katawan dahil sa suot na itim na tights. Nakasuot naman siya ng bullet proof vest kung saan nakapalibot dito ang ilang piraso ng bala at magazine.

"Hindi tayo sigurado kung darating nga siya doon Tanya," sagot naman ng lalaki.

"Kailan mo nga ba pinaniwalaan ang sarili mong anak? Hindi ko nga alam kung anak mo nga ba talaga ako," pagmamaktol ng dalaga. Agad namang tumingin sa kanya ang lalaking iyon. Napahilamos siya ng mukha at tumabi sa kanyang anak. Tiningnan niya din ang malayong bintana mula sa kanilang puwesto. Pinagmasdan nito ang pagpatak ng mga malalaking niyebe sa labas. Tila umaagos naman ang tubig mula sa niyebe na iyon sa mga basag na piraso ng salamin sa ibaba. Umuusok naman ang mga bibig ng dalawang nagbabantay malapit sa salamin. Sinisilip nila ang labas mula sa lente ng kanilang mga sniper.

"Sir Albert!" agad namang naglakad ang isang lalaki na nakasuot ng pangsundalo. Nakatakip ang kanyang mukha ng isang itim na bandana. Agad siyang sumaludo at tumayo ng tuwid sa kanyang harapan. Sumaludo din si Albert, inilapat niya ang kanyang apat na daliri sa kanyang kilay at agad ding ibinagsak upang makapagpatuloy.

Inabot naman ng sundalong iyon ang isang hologram stick. Doon ay ipinakita niya ang isang balita na isinulat lamang sa online news magazine.

'Dr. Levine Klein in the Philippnes.To unravel the mystery of Black Out?Or to protect the bidders and MEMO Corp.?'

"Dr. Levine Klein?" wika ni Albert.

"Isa sa mga stockholder at shareholder ng MEMO. Isang engineer at pinaniniwalaang nagbigay ng pahintulot sa gobyerno ng Pilipinas para ipasok sa bansa ang memory gene. Pilipina ang asawa niya.Erlinda Klein ang pangalan. Ang ipinatatayong malaking building sa Maynila malapit sa Roxas Boulevard ay pinaniniwalaang kanila. Kung susumahin daw eh baka sa tatlong buwan na lang...tapos na ang building," paliwanag ng lalaki.

"Iyon lang ba ang nakuha niyong impormasyon?" tanong ni Albert.

"Sa pagkakaalam ko, pumunta talaga siya dito simula nang pumutok ang balitang may panibago na namang biktima si Black Out. Yung panglabing-walo.Sabi naman sa media pumunta siya dito para sa pagbubukas ng building," wika ng lalaki.Napangiti naman si Tanya at napailing. Tumayo siya at ginawa niyang tungkod ang mahabang sniper na kanyang bitbit.

"So maniniwala ka?" tanong niya sa kanyang ama. Napakunot naman ng noo si Albert habang tinititigan ang kanyang anak.

"Nabayaran na ang media simula pa lang ng pumunta siya dito. Yan ang sigurado. Wala nang totoo ngayon sa mga balita. Depende na lang kung kayang paikutin ng pera mo ang mga tao sa media," dagdag pa nito. Hindi naman nakaimik sa Albert at napatingin lang sa kanyang anak. Alam niyang may alam ito at hindi lamang niya sinasabi. Tumingin naman siya sa kasamahan na nakatayo sa kanyang harapan at tumango. Senyales na alam na niya ang nangyayari.

Tumayo naman si Albert pagkatapos noon at tumalikod sa kanyang anak. Alam naman ni Tanyw na sinusubukan nang umiwas ng ama sa kanya.

"Wala kang gagawin?Pagkakataon ang sinasayang mo, pero ikaw ang bahala. Alam kong hindi ka talaga makikinig sa akin. Anak mo nga lang naman ako. Ikaw ang pinuno ng New Order," wika ng dalaga.

"Pupunta ka sa subastahan.Magbabantay kami sa paligid," sagot naman ng kanyang ama. Bago naman umalis ang dalaga ay tumingin muna siya sa nakatalikod na ama. Ngumiti muna ito at saka naglakad palayo.

_________________________________

"Sigurado na po ba kayo dito Master? Hindi pa magaling ang sugat ninyo," wika ni Brigand. Patuloy naman sa pag-aasikaso sa kanyang mga susuotin si Dylan. Tumingin lamang siya sa kanyang butler at ngumiti.

"Ang mga librong isusubasta ngayong gabi sa PICC ay ang mga libro na matagal nang hinahanap ni lolo. Ang mga librong iyon ay mahalaga sa kanya. Kailangan ko iyong makuha Brigand," sagot naman ng binata. Lalo namang nag-alala si Brigand sa kanyang sinabi ngunit alam niyang kapag nagdesisyon na si Dylan ay hindi na niya ito mapipigilan.

"Kung iyon po ang gusto niyo Master.Ipahahanda ko na po ang inyong sasakyan," sagot ng matandang butler.

"Brigand," wika ni Dylan. Aalis na sana noon ang matandang butler ngunit muli siyang napatingin sa kanyang amo.

"Tayo lang dalawa ang kailangang pumunta. Hindi ko na kailangan ng bantay. Hayaan mo lang silang magpahinga dito," sagot ng binata. Agad namang humarap si Brigand at yumuko sa kanyang harap. Lumabas din siya ng kwartong iyon pagkatapos. Mula naman sa kwartong iyon ay tinitigan ni Dylan ang painting ng itinuring niyang ama. Sa gitna ng lahat ng kagamitan at sa itaas ng mesa iyon nakasabit. Sinubukan niyang itayo ang kanyang sarili upang abutin ang kahoy na tungkot na may ginintuang palamuti upang makalakad siya ng maayos. Lumapit siya sa malaking painting na iyon. Ngumiti siya at tila sinundan ng kanyang mga mata ang magarang suot ng kanyang amain. Nakatayo at tila makapangyarihan ang postura ng kanyang ama sa painting na iyon. Hawak niya ang kanyang baston na hawak din ni Dylan sa pagkakataong iyon. Nakasuot siya ng magarang coat at ang kanyang buhok ay maayos na sinuklay. Madilim ang likuran sa painting na iyon at makikita ang ilang mga laruan na nakakalat sa kanang banda nito kung saan siya nakatalikod. Naalala niya noong mga panahong ipinipinta pa ng pintor ang obra na iyon. Naaalala niya ang paglalaro niya habang ang kanyang ama ay nakatayo sa kanyang gilid. Tila naiinis ang kanyang amain sa kanya dahil sa kanyang kalikutan ngunit hindi naman siya maaaring gumalaw dahil maaaring mabago o hindi niya maging kamukha ang painting na iyon. Tila natatawa naman ang pintor, nakaisip siya ng paraan at inilagay na lamang ang mga laruan sa gilid ng kanyang lolo. Hindi naman iyon nagustuhan ni James Ford. Kaya't nagpapinta ulit ito ng panibago sa pintor. Iyon ang dahilan kung bakit nakasabit ang painting na iyon sa kanyang kwarto. Ang panibagong painting naman ay nakasabit sa malaking hall ng mansyon kung saan makikita ang magarang hagdan na naghihiwalay sa bukana paitaas.

Ang ngiti ni Dylan ay muling napalitan ng lungkot. Napailing na lamang siya at sinubukang iiwas ang tingin sa painting ng kanyang itinuturing na ama at lolo. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at hinimas ang gilid ng painting. Isang boton ang nakatago sa likod ng painting na iyon. Agad niyang pinindot ang boton na iyon. Mula naman sa kanyang likuran ay gumalaw ang pinagpapatungan ng isang puting ceramic vase kung saan nakatanim ang isang nalalanta nang rosas. Ang kahoy na sahig naman na iyon ay tila nagkaroon ng hati na pabilog. Dahan-dahan nitong ibinaba ang malapad na poste kung saan nakapatong ang vase at matapos ang ilang segundo ay nagkaroon na ng butas sa sahig. Paika-ika naman siyang pumunta sa butas na iyon. Isang hagdan ang kanyang tinahak pababa. Paikot ang porma ng hagdan na iyon at madilim sa kanyang binababaan. Nang makababa siya sa pinakailalim ay isang kahoy na pinto ang tumambad sa kanya. Nasa likuran niya naman ang malapad na poste na pinapatungan ng ceramic vase. Agad niyang itinaas ang kanyang tungkod at ihinarap ang mga mata ng leon na palamuti nito. Isang kulay pulang scanner naman ang naglabas ng ilaw at tinutukan ang mga mata ng leon. Matapos noon ay bumukas na ang pinto pagilid. Agad siyang pumasok sa madilim na kwartong iyon ngunit nang ilapag niya ang kanyang paa sa tila tiles na sahig ay bumukas naman ang mga ilaw.

Puno ng mga libro at ilan pang mga antigong kagamitan ang lugar na iyon. Naroon ang isang singsing na may malaking dyamante na kulay asul. Nakasilid pa iyon sa babasaging sisidlan. May mga painting ng ilang mga tanawin, mga pangyayari at maging ng iba't-ibang mga tao. Kapansin-pansin din ang isang malaking painting na nakasabit sa kaliwang banda ng pader. May hila-hilang bihag ang isang sundalo sa painting. Duguan ang lalaki at ang mga nakikiusyoso sa paligid ay takot. May ilan namang nanlilibak at ang iba ay nakikiramay. Nakalagay naman ang titulong 'Spoliarium' sa ibaba nito. Halata na ang kalumaan ng painting. May gasgas na sa bawat kanto ang frame at maging ang ilang kulay ng mga pintura ay kumukupas na kaya't nakasilid din iyon sa isang malaking salamin na kung titingnan mabuti ay parang isang malaking picture frame.

Naglakad naman si Dylan sa gitna ng kwartong iyon at tumungo sa dulong bahagi nito kung saan naroroon ang ilang mga libro at painting. Hinimas niya pa ang isang pugot na ulo mula sa estatwa ng pambansang bayani na si Rizal. Mapapansin ang marka ng pagkapugot ng ulo na iyon sa leeg gamit ang isang matigas na bagay. Buo pa naman ang ulon ngunit may tama ng bala ang ulo sa noo nito. Naroroon pa ang balang iyon at hindi na tinanggal pa. Nakapatong lamang ang ulon sa puting malapad na kongkreto. Nasa ibaba pa ng ulong iyon ang pangalan na nakadikit sa poste: 'Dr. Jose Protacio Mercado y Realonda Rizal. Ang pambansang bayani ng Pilipinas.'

Nang makarating sa dulo ng kwartong iyon ay huminto siya sa kinaroroonan ng isang memory gene na nakalagay din sa isang babasaging sisidlan. Pinapatungan din nito ang isang puti at malapad na poste. Inalis niya ang babasagin na sisidlan at hinawakan ang memory gene na iyon. Kapansin-pansin na wala nang laman ang memory gene na iyon dahil sa numero nito ngunit natitira pa rin ang numerong '1' sa screen nito. May kalumaan na rin ang memory gene at halos kinakalawang na ang mga kable sa likurang bahagi nito.

Isang kamay naman ang humawak sa kanyang balikat. Alam niya sa pagkakataong iyon ay si Brigand ang dumating. Hindi ito gumawa ng kung ano mang kaluskos upang hindi maabala ang binata.

"Matagal na siyang patay, pero inaalala mo pa rin ang lahat," wika ng matandang butler.Hindi naman lumingon ang binata. Tinitigan lamang nito ang memory gene na kanyang hawak.

"Hanggang sa huling hininga niya, hindi niya pa rin ako maipagmalaki. Hindi ko alam Brigand," wika ng binata.

"Hindi mo kailangang gawin iyon. Dahil alam niya noon pa na espesyal ka. Kaya ikaw ang napili niya upang humalili sa lahat ng ari-arian at mga naiwan niyang trabaho...at pangarap."Sa pagkakataong iyon ay humarap na si Dylan. Napalunok siya ng kaunting laway at yumuko.

"Una pa lang, pinili ka niya...dahil kakaiba ka sa lahat. Inisip niya na kaya mong ibahin ang takbo ng sistema. Baguhin ang lahat. Naniniwala siya sa kakayahan mo na isang araw titindig ka sa gitna ng lahat at aalisin ang bulok na sistema. Gusto niyang tanggalin ang dibisyon na ito dulot ng memory gene," wika ng matandang butler.Sa pagkakataong iyon ay napangiti naman si Dylan. Hinawakan niya ang balikat ni Brigand at naglakad ng kaunti palayo.

"Ilang beses kong uulitin Brigand, hindi ako ang taong iyon. Hindi ako ang wawasak sa dibisyon na ginawa ng memory gene. Paano ko gagawin 'yon kung ako mismo gumagamit ng sinumpang aparatong 'to?" tanong ng binata. Hindi naman nakapagsalita si Brigand. Humarap lamang siya sa binata at astang susugod ng pagsuntok. Sa isang iglap ay nawala siya sa kanyang kinatatayuan. Ramdam naman ni Dylan ang hangin sa kanyang paligid kaya't ipinangharang niya ang kanyang gamit na tungkod. Hinuli niya ang kanang kamao ng matandang butler at gamit ang kanyang balikat ay pinaikot niya iyon hanggang sa umalpas sa kanya si Brigand.

Tila hindi naman pinagpawisan ang binata sa kanyang ginawa. Muli niyang ibinaba ang kanyang tungkod upang ipangkalso sa kanyang katawan. Ngumiti naman si Brigand at yumuko.

"Hindi mo na ako kailangang subukan kaibigan, may sugat nga ako. Pero tandaan mo na ang sugat ay hindi nakakahina ng kalooban," wika ng binata.

"Naiintindihan ko po Master. Pasensiya na rin po kung nakikialam ako sa paniniwala niyo," sagot naman ng matandang butler habang nakayuko. Napatingin naman si Dylan sa kanyang likuran. Lumapit siya sa kinalalagyan ng memory gene ng kanyang itinuring na ama, ibinalik niya ang memory gene sa kinalalagyan nito at ibinalik din ang salamin na sisidlan. Napatingin naman siya sa kanyang kanan at nakita ang dalawa pang memory gene na nakapatong naman sa isang kahoy na mesa. Natatakpan din ang salamin ang mga memory gene na iyon. Makikita na marami pa ang numero sa dalawang memory gene. Kahit kailan ay hindi niya sinubukang galawin ang dalawang aparato. Agad niyang naalala ang kanyang ina, ang pagkakataon kung kailan tinutugis sila ng mga bidder upang bawiin sa kanila ang dalawang memory gene na iyon.

"Hanggang ngayon wala pa rin akong kasagutan Brigand. Hanggang ngayon nangangapa pa rin ako sa dilim. Hindi ko na makikita pa ang mga lalaking iyon na pumatay sa aking ina," wika ng binata. Inaalala niya sa kanyang isipan ang mukha ng mga lalaking iyon. Ang isa ay nakita niya pa sa alaala ng kanyang huling biktima.

"Maaaring nagbago na ng katawan ang lalaking iyon. Hindi na iyon ang mukha ng aking biktima. Nagbago na sila ng mukha dahil matagal na rin matapos mangyari ang lahat," dagdag niya pa.

"Maaaring magbagong bihis ang isang tao, pero ang dungis sa kanyang dangal kailanman ay hindi maiaalis," tugon naman ng matandang butler. Lumingon naman si Dylan at paika-ikang naglakad patungo sa isang lumang kahon na nakapatong din sa mesa kung saan nakapatong ang mga memory gene. Binuksan niya iyon at doon nakita ang aparato na kanyang ginagamit upang burahin at kuhanin ang memorya ng kanyang mga biktima. Napakunot lamang siya ng noo at sinarang muli ang kahon na iyon.

______________________________

"Kailangan mo ba talagang pumunta doon?" tanong ng isang babae. May katandaan na ang mukha nito at halata ang labis na pag-aalala sa kanyang asawa.

"May mga importanteng tao sa subastahan na 'yon. Hindi ko puwedeng iwan ang trabaho ko Emily," wika ni Inspector Robert Vega habang kinakasa ang kanyang baril at inilalagay sa holster sa kanyang likuran. Agad namang kinuha ng kanyang asawa ang puting mahabang trench coat na nakapatong sa kanilang kama.

"Akala ko ba may nakuha kayong sample ng dugo niya? Hindi niyo pa ba alam kung sino siya?" tanong naman ng bababe.

"Lahat ginawa na namin. Walang nagmamatch na DNA sa lahat ng mga may kaso sa NBI. Nakipagtulungan na rin kami sa United Nations, wala pa rin. Imposible pero..."

"Pero ano?" aligagang tanong ng kanyang asawa.

"Maaaring hindi basta-bastang tao sa lipunan ang Black Out na 'yon. Kung ganoon nga, mas delikado ang mga magiging sitwasyon. Kaya niyang makihalubilo sa mga pulitiko at sa mga may kaya na may kinalaman sa MEMO. Ang tanong nga lang ay bakit niya iyon ginagawa?" Napakamot lamang ng noo ang inspektor habang isinusuot sa kanya ang mahabang trench coat. Napayakap naman ang kanyang asawa sa kanya mula sa kanyang likod.

"Nag-aalala lang naman ako nab aka isang araw, hindi na ang mga nilulutas mong kaso ang nasa headline, kundi ikaw mismo," wika ng babae. Napalingon naman ang inspektor sa kanyang asawa at ngumiti. Binigyan niya ito ng mainit na yakap ngunit hindi pa rin doon natuon ang kanyang pansin. Agad niyang naisip ang pangyayari saMalakanyang. Imbis na sugurin siya ni Black Out ay tumakas lamang ito. Sa kanyang bilis ay kaya niyang tuluyan ang kanyang buhay ngunit mas pinili niyang tumakas. Napakunot lamang siya ng noo at kumalas ng pagkakayakap sa kanyang asawa.

"Kailangan ko nang umalis Emily. Hindi pa naman huli ang lahat. Malalaman din namin kung sino siyang talaga. Dadalo din sa subastahan na 'yon si Levine Klein. Makikipagtulungan siya sa amin para tugisin at tapusin na ang Black Out na 'yon. Kailangan ko ring protektahan ang buhay niya. Alam kong target na rin siya ng kawatan na 'yon," wika ng inspektor. Agad siyang pumunta sa kinaroroonan ng isang salamin na pinto. Automatic naman iyong bumukas nang lumabas siya. Naiwan namang nakatayo at nag-aalinlangan ang kanyang asawa na nakatitig lamang sa kanya.

___________________________

Maraming bisita ang dumalo sa subastahan na iyon sa PICC o Philippine International Convention Center sa Pasay. May mga heli ship ang paikot-ikot sa paligid. Sakay nito ang ilang mga pulis at militar. May mga estasyon din sa entrance ng malaki at malawak na gusaling iyon at bawat estasyon ay napapalibutan ng mga pulis na nakauniporme ng mga kulay itim na jacket. May mga fiber glass na helmet din ang mga ito at bitbit ang mga matataas na uri ng baril. Bawat hover car ay kailangang huminto upang inspeksyunin gamit ang kanilang mga xray machines. Kailangan ding kapkapan ang mga sakay ng hover car na papasok.

Ang mga gumagamit naman ng heli ship ay kailangang huminto sa ere upang mainspeksyon din bago tuluyang bumaba sa heli pad ng gusali. Mga mayayaman lamang ang nakakapasok sa lugar na iyon dahil sa ID Pass na kailangang ipakita. May apat na butas ang asul na card na iyon, walang ibang nakalagay o nakatatak kundi ang letrang 'M' sa gitna nito.

Sakay si Dylan ng isa sa mga puting hover car. Agaw pansin ang kotseng iyon dahil alam ng karamihan na ang kanyang itinuring na ama ang nagdisenyo ng naturang kotse ngunit nagkaroon ng kontrobersya ang naturang disenyo dahil sa mga pangyayari bago pumanaw ang kanyang ama kaya't napagdesisyunan mismo ni Dylan at ng iba pang CEO na palitan ng kaunti ang disenyo ng sasakyan. Hindi naman sila agad nakaalpas sa entrance ng PICC kahit na ipinakita na at ini-scan na ng mga pulis ang ID Pass ng binata. Binusisi nila ang lahat ng parte ng kotse upang makaiwas sa gulo at sakuna. Hindi naman alintana ni Dylan ang perwisyo na nagaganap. Hinintay lamang din ni Brigand ang go signal ng mga pulis bago patakbuhin ang hover car na minamaneho.

"Ayos na po sir, salamat po sa cooperation," wika ng isa sa mga pulis.

"Ayos lang, walang problema. Ginagawa niyo lang ang trabaho niyo," sagot naman ni Dylan. Agad namang ngumiti ang pulis na iyon. Pinaandar naman ni Brigand ang sasakyan at nagpark agad sa bukana ng entrance.

Kapansin-pansin ang pagtingin ng mga tao sa sasakyan na iyon nang bumaba si Brigand. Ngumiti lamang ang butler at tumindig sa pagkakatayo. Ngumiti din ang mga taong iyon at yumuko ng bahagya sa kanyang harapan bilang pag-galang. Tumungo siya sa kabilang pinto pagkatapos upang pagbuksan si Dylan. Sa pagbaba ay naunang tumungtong ang tungkod ni Dylan. Saka niya kinapitan ang kanyang kanang paa upang ilabas. Nang makalabas ay agad siyang tumayo at ngumiti din sa ilang mga bisita.

Magagara ang mga sasakyan at heli ship na naroroon. Hindi mabilang na mga bisita ang pumunta at nagpaunlak sa paanyaya ng kompanya na nag-organisa ng subastahan. Pawang mayayaman ang mga pumapasok. Halata sa kanilang postura at pananamit. Simple lamang ang suot ni Dylan nang gabing iyon. Nakasuot lamang siya ng mahabang itim na trench coat at ang panloob na puting longsleeve niya ay mayroong tela pa na lumalabas sa kanyang dibdib. Napapatungan naman ng isang itim na sombrero ang kanyang ulo. Bawat lakad niya gamit ang tungkod na iyon ay tila parusa sa kanya dahil sa sakit at lamig na nararamdaman. Dahil na rin sa malamig na panahon ay kumikirot ang sugat na iyon. Pinipilit niya na lamang ngumiti sa mga daraanang bisita na kilala siya sa mukha at maging sa pangalan.

_________________________

"Maghanda kayo. Malapit na tayo," wika ni Albert sa mga kasamahan nang makitang malapit na sila sa PICC. Katabi niya si Tanya na kasalukuyang naghihintay din habang hawak ang damit na gagamitin. Kulay pula ang damit na iyon at napapalibutan lamang ng mga palamuti gamit ang tela. Simple ngunit elegante. Kasama sa kanyang susuotin ang isang itim na mahabang jacket upang maiwasan ang lamig. Sa pagkakataong iyon ay nakasakay sila sa isang hover truck at halos naglalaman ng walong katao lamang.

"Sir, malapit na tayo sa pick up point," wika ng nagmamaneho ng hover truck. Agad namang kinatok ni Albert ang bintana na naghihiwalay sa kanila.

Lumiko sila sa isang parking lot malapit sa CCP o Cultural Center of the Philippines. Isang itim na magarang hover car ang nag-aabang doon. Upang hindi sila makita ng mga rumorondang mga heli ship sa paligid ng PICC ay kailangan nilang magpalit ng sasakyan. Tila namangha pa si Tanya sa ganda ng itim na hover car na iyon.

"Hindi kita maihahatid doon Tanya, maaaring alam na nila kung sino ako. Ang magagawa ko na lamang ay pabantayan ang paligid ng PICC. Kung sakaling mangailangan ka ng tulong, gamitin mo lang ito," wika ni Albert. Isang hologram stick, communicator at maliit na camera na nakakabit sa isang brooch ang ibinigay nito sa kanyang anak.

"Huwag mo ring kakalimutan ang isang 'to." Muli namang dumukot si Albert sa kanyang bulsa at iniabot ang isang ID Pass.

"Hindi ka makakapasok kung wala 'yan."

"Naiintindihan ko," tugon ng dalaga. Agad namang tumungo si Tanya sa sasakyan na iyon. Ang isa naman sa mga sundalo ng New Order ay nagpanggap bilang isang butler. Magara ang suot nitong longsleeve at ribbon tie naman sa kanyang leeg. Posturang-postura ito para sa pagpapanggap. Sumakay naman si Tanya sa loob ng hover car. Sumunod din ang sundalo na magpapanggap bilang kanyang alalay. Pinaandar naman ng sundalong iyon ang sasakyan. Umangat ito ng bahagya mula sa semento at umugong ang makina nito.

"Tandaan mo Tanya...mag-iingat ka. Hindi mo kailangang dalhin sa atin ang lalaking iyon. Delikado, hindi natin alam kung ano nga ba ang iniisip niya," wika naman ni Albert. Nakapatong pa ang kanyang mga kamay sa bintana ng dalaga at tila nag-aalala.

"Malaki na ako pa. Saka sigurado naman akong hindi ako sasaktan nu'n," wika ni Tanya at para bang namumula pa ang kanyang pisngi.

"Hindi ito date! Hindi ito isang laro tandaan mo. Wala siyang pinapatos kahit na ang babaeng katulad mo. Lalo na kung malalaman niyang isa ka sa New Order," paalalang muli ni Albert. Tila nainis naman si Tanya at pinindot na lamang ang boton sa gilid ng kanyang pinto upang itaas ang salamin na pangharang ng bintana. Walang nagawa si Albert kundi tanggalin ang kanyang kamay sa pagkakakapit sa bintanang iyon. Agad namang umandar ang hover car at lumabas sa tila compund ng malaking garahe sa loob ng CCP. Kinuha naman ni Tanya ang kanyang damit. Hinubad niya ang suot na itim na overall tights at ang tanging natira lamang sa kanyang suot ay ang kanyang panloob. Hindi naman napigilan ng kanyang kasama ang mapatingin gamit ang rearview mirror nito.

"Sige lang, silipin mo lang nang makatikim ka!" pagbabanta niya. Tila napalunok naman ng laway ang lalaking kasama at tumingin na lamang sa kanyang dinaraanan. Sinuot naman ni Tanya ang kanyang pulang damit, maging ang makapal at mahabang itim na jacket ay sinuot niya rin upang painitan ang sarili. Matapos noon ay binuksan niya ang kanyang hologram stick. Agad namang nagpakita iyon ng blueprint na tila mapa ng loob ng PICC.

"Malapit na po tayo," wika naman ng lalaki. Nilabas naman ni Tanya ang ginagamit na ID Pass. Nang huminto ang sasakyan ay inabot niya ito sa isa sa mga pulis. Ngumiti ng mahinhin at tumingin-tingin sa paligid. Ininspeksyon naman ng iba pa ang hover car at tila iniscan gamit ang xray machine na kanilang hawak ang bawat pader nito.

"Welcome po Ms. Tanya Arevalo," wika naman ng pulis na nag-scan ng kanyang ID Pass sa kanilang scanner. Litrato nga ni Tanya ang nasa hologram computer ngunit lingid sa kanilang kaalaman na iba ang tunay niyang apelyido.

Agad namang pumasok ang sasakyan at nagpark naman sa basement ng PICC. Napakarami ding tao sa basement parking. Ang iba ay nag-aayos pa, may mga dalang briefcase ang ilan sa mga bisita na naglalaman ng pera. Ang iba naman ay puno ng mga bodyguard na sumusunod lamang sa kanila.

Nang bumaba ang kasama ni Tanya ay agad na itong nagpanggap. Ngumiti siya sa iba pa, maging ang mga bisita naman ay ngumiti din sa kanya. Inayos naman ng dalaga ang kanyang buhok bago siya bumaba at alalayan ng kasama.

Agaw pansin naman ang kagandahan ng dalaga nang siya ay bumaba sa magarang itim na hover car na iyon. Tila napalingon pa ang ilang mga kalalakihan mula sa mayayamang angkan. Nag-astang arogante naman si Tanya, itinaas niya ang kanyang ulo at naglakad sa gitna nilang lahat. Nang makarating sa elevating platform ay muli niyang binuksan ang kanyang hologram stick. Hinanap niya doon ang kinaroroonan ng bulwagan na pagdarausan ng subastahan. Tila hindi naman naging hadlang ang kapalaran nang bumukas ang elevating platform. Bumungad agad sa kanyang harapan si Dylan. Tila hindi naman nakagalaw ang dalaga nang tingnan siya nito ngunit matapos noon ay agad nang umiwas ang binata at naglakad palayo gamit ang kanyang tungkod.

Agad namang sinuot ni Tanya ang kanyang communicator sa kanyang tenga. Kasabay noon ng paggamit ng kanyang hologram stick.

"N-nakita ko na ang target," bulong niya na tila nauutal-utal pa.

"Sige, magsabi ka lang kung may problema. Maririnig namin ang usapan niyo mula dito," wika naman ni Albert habang nakikinig sa kanyang anak. Sa loob ng hover truck ay nakabukas ang isang hologram computer. Nakapark pa rin ang truckna iyon sa loob ng parking space ng CCP. Nagkukumpulan naman ang ilang mga sundalo mula sa pwersa ng New Order. Nakasuot naman kay Albert ang communicator upang marinig ang kanyang anak. Sinuot naman ng dalaga ang kanyang brooch sa kanyang balikat at binuksan ang camera sa pamamagitan ng hologram stick. Mula naman sa van ay nakikita na nila ang paligid ni Tanya.

"Alpha, Bravo...report. Over," ani Albert sa kanyang communicator.

"Alpha nakapwesto na dito sa west wing," wika ng isang sundalo na nakasakay sa isang hover van malapit sa PICC. Kasama niya ang dalawa pang mga sundalo na may mga bitbit na matataas na kalibre ng baril. Gamit din ang camera ay sinusubaybayan nila ang pangyayari sa labas ng CCP.

"P-pasensya na. Bravo handa na. Nagkaroon lang ng detour. Mahigpit ang seguridad sa North site," sagot din ng isang sundalo na nakasakay din sa isang hover van kasama ang dalawa pa.

"Ayos lang, bantayan niyo ang lugar. Kung may papalapit umalis kayo kaagad sa mga lugar niyo at pumunta dito," utos ni Albert, ang pinuno ng New Order.

"Roger," wika ng mga sundalo mula sa dalawang grupo.

"Mag-iingat ka Tanya," wika ni Albert. Nanahimik naman ang dalaga at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Dylan. Agad naman niyang tinakpan ang kanyang tenga dahil sa communicator gamit ang kanyang buhok.

"Dylan! Sabin a nga ba makikita kita dito eh. Haha!" Agad umiwas si Tanya nang may lumapit na isang lalaki sa binata.

"Inspector Vega. Magandang gabi," wika ni Dylan. Agad namang yumakap ang lalaki sa binata. Tila nasagi napaiwas naman si Dylan dahil nasagi nito ang sugat sa kanyang kanang binti.

"Pati si Ford, naimpluwensyahan ka na. Nahihilig ka na rin talaga sa pangongolekta ng mga antigong gamit at mga libro. Sabihin mo nga sa akin, ano ba ang balak mong bilhin ngayon?" wika ng inspektor bago kumalas sa pagkakayakap at pagtapik sa binata. Napaigtad naman si Dylan matapos kumalas ng inspektor. Agad namang napansin ni Inspector Robert Vega ang iniinda nito sa kanyang binti.

"Ah pasensya na..."

"Ayos lang po inspektor," tugon ni Dylan.

"Ano ba ang nangyari diyan?" pag-uusisa ng inspektor habang nakatingin sa mga mata ng binata.

"May kalikutan kaya nasugatan ng kaunti," sagot ng binata.Tila natawa naman ang inspektor. Si Dylan naman ay nakitawa na lamang din upang hindi maghinala ang inspektor. Tila nag-alala naman si Brigand.Ano man ang mangyari ay handa itong ipagtanggol ang binata.

"Parehas talaga kayo ni Ford. Kahit matanda na ay malikot pa rin kahit sa babae Haha! Ay nako...kung buhay pa sana siya. Bakit kasi mas pinili pa niyang mamatay kesa ilipat ang memory gene niya..." wika niya. Nag-iba naman ang guhit sa mukha ng binata matapos iyong marinig.

"A-ah wala akong ibig sabihin doon Dylan. Alam kong matagal na niyang inayawan ang sistema. Alam konghindi niya din gugustuhing ilipat sa 'yo ang kanyang memory gene," wika nito sabay tapik sa balikat ng binata. Ngumiti na lamang si Dylan habang tumatango. Ang iba namang mga kababaihan ay nagsimula nang magsilapitan sa kanya. Tila nagpapapansin ang mga ito habang nakangiti.

"Pasensiya na po, pero kailangan na nating hanapin ang puwesto natin, Master," sabat naman ni Dylan.

"Ah oo nga. Maiwan ko po muna kayo inspektor. Magkita na lamang po tayo mamaya para makapag-usap," wika ni Dylan. Inalis naman ng inspektor ang kanyang kamay sa balikat ng binata. Tumalikod naman si Dylan at naglakad, tila binigyan pa siya ng daan ng mga kababaihan na nakikiusyoso para lang makita siya. Muli namang napansin ng ispektor ang paika-ikang paglalakad nito at ang pagkalso ng kanyang katawan sa tungkod na dala na humahaba lamang hanggang sa kanyang bewang. Napakunot na lamang ang kanyang noo, tila may naglalaro sa kanyang isipan ngunit matapos ang ilang segundo ay umiling siya at ngumiti.

"Hindi puwede..." bulong niya sa sarili bago tumalikod at makipag-usap sa iba pang kakilala.

Mula naman sa nilalakaran ni Dylan ay palihim na tumitili ang ibang kababaihan. Nakasunod lamang si Brigand sa kanya. Maging si Tanya ay sumusunod din sa di kalayuan. Panay naman ang ngiti at tango ng binata sa mga makakasalubong nito.

"Sinusundan ko na ang target..." bulong ni Tanya. Kahit malayo ay tila narinig naman ni Brigand ang sinabi ng dalaga. Para bang iyon lamang ang kanyang narinig sa dami ng mga tao sa paligid. Dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang likuran. Sa dami ng mga taong iyon ay hindi naman niya malaman kung sino ang nagwika. Muli siyang humarap sa binata at tila mas lalong naging alerto. Para bang bumagal ang lahat sa kanyang paningin. Naging madilim ang paligid at tanging siya lamang at ang binata ang kanyang nakikita.Sinubukan niyang pakiramdaman ang paligid upang makita ang babaeng nagwika.

"Ako na ang bahala, hindi siya mawawala sa paningin ko..." muling wika ni Tanya. Sa pagkakataong iyon ay tila lumabas na sa kadiliman na iyon ang babaeng nagwika. Biglang lumingon si Brigand sa kanyang likuran. Agad namang nagtago si Tanya mula sa kumpulan ng mga tao. Kinabahan siya at tila nanginig.

"Paano niya ako narinig?" bulong niya sa kanyang sarili.

"Ayos lang po ba kayo?" tanong naman ng kasama niyang nagpapanggap bilang butler. Tumango lamang ang dalaga at lumayo sa kinaroroonan ni Dylan.

"Brigand, may problema ba?" napatigil naman si Dylan upang kunin ang atensyon ng kanyang butler.

"W-wala po Master. Parang may narinig lang ako. 'Wag niyo pong alalahanin. Tayo na." paliwanag naman ng matandang butler.

"Tanya anong nangyari?" wika naman ni Albert mula sa kanyang communicator.Hindi naman nakapagsalita si Tanya. Lumayo muna siya sa dalawa bago tuluyang magsalita.

"Tanya!"

"Pasensiya na. Kailangan kong lumayo sa kanila. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yon pero...naririnig ako ng alalay ng target," wika ni Tanya.

"Paano nangyari 'yon? Eh maraming tao diyan?" tanong ni Albert.

"Hindi ko alam. May kakaiba sa kanya,," tugon ng dalaga.

"Master, alam kong hindi magandang pagkakataon ito pero...gusto ko lang po sanang magpaalala na mag-ingat kayo," wika ni Brigand. Sa pagkakataong iyon ay hinahanap na nila ang kanilang upuan sa malaking bulwagan ng PICC.

"May kailangan ba akong malaman?" tanong ni Dylan. Uupo na siya sa kanyang upuan. Bahagya pa siyang nahirapan dahil sa sugat sa kanyang kanang binti.

"Hindi pa ako sigurado kung kayo ang tinutukoy. Pero mas mabuti na pong mag-ingat."

"Wag kang mag-alala kaibigan. Ako ang bahala," tugon ni Dylan.

"Mr. Ford? Device niyo po for bidding," wika naman ng isang babae habang ibinibigay ang isang hologram tablet. Nakabihis ito bilang isang usher. Bawat linya ng mga upuan naloob ng bulwagan ay may mga usher na nag-aabot din ng mga hologram tablet para sa subastahan na magaganap. Binuksan naman ni Dylan ang hologram tablet na iyon at doon ay nakita ang kanyang profile, item at presyo. Naroon din ang halaga ng pera na idineklara niya para sa subastahan na iyon na umaabot ng halos tatlumpung bilyon.

"Ladies and gentlemen, guests of honors...bidders, friends from the company and staff. We will start our bidding in just a few moments. May I remind everyone to please be seated," wika ng lalaking host para sa subastahan. Agad namang nagsiupuan ang iba pang mga bidder. Ang iba naman ay patuloy na nakikipagkamayan sa kanilang mga kakilala. Ang iba ay nagkukwentuhan pa rin ngunit unti-unti ay humuhupa na rin ang ingay sa bulwagan na iyon.

"Nakapwesto na ako. Tanaw ko pa rin siya, 'wag kang mag-aala..." bulong ni Tanya. Bagamat hindi makita mula sa kanyang camera ang pwesto ng binata ay nakikita naman niya ito mula sa malayo.

"Ms. Tanya? Device niyo po for bidding," wika ng isang babae na dumaan sa kanyang harapan upang ibigay ang kanyang hologram tablet.

"Oh, thank you," mataray niyang sagot.

"Sige, bantayan mo siyang maigi...kung dumating ang pagkakataon. 'Wag mo nang palampasin," wika ni Albert mula sa kabilang linya.

"Oo, alam ko na ang gagawin ko," sagot naman ng dalaga. Muli naman siyang tumingin kay Dylan.Sa pagkakataong iyon naman ay ngumingiti lamang ang binata upang batiin ang iba pa.

"Guest of honors, guests and bidders. Thank you for waiting. We are now officially opening our 214th International Bidding for Arts and History!" bulyaw ng host.Agad namang nagpalakpakan ang mga bisita. Ang iba ay napatayo pa nang makita ang iba't ibang ilaw at ang dagundong ng musika sa buong bulwagan. Ipinapakita naman mula sa stage ng malaking hall na iyon ang hologram image at tila video na nagpe-play at ipinapakita ang mga dating subastahan ng mga antigong gamit. Maging ang mga mahal na libro at ilang kagamitan na ipinapakita doon ay masasabing antigo na at mahinap nang mahanap ay ipinapakita din sa video.

"Nagsimula na," wika ni Tanya mula sa communicator.

Isang ilaw ang muling sumabog sa loob ng bulwagan. Tila fireworks ang effect ng mga hologram lights na naglalaro sa paligid. Napanganga na lamang ang iba habang pumapalakpak dahil sa magarbong panimula na iyon. Naglabasan naman ang ilang mga mananayaw sa entablado. Naka-costume pa ang mga ito ng iba't ibang kultura ng mundo.Tila iisa ang sinasayaw nila upang isimbolo ang pagkakaisa.Sa hulihan ng sayaw na iyon ay lumuhod sila at itinaas ang kanilang mga kamay. Agad namang lumabas sa hologram image ang itsura ng memory gene. Muling sumabog ang mga ilaw at lumabas naman ang logo ng MEMO. Tila napasimangot naman si Dylan sa kanyang napapanood. Para sa kanya, iba ang sinisimbolo ng kanilang pagsayaw at pagluhod sa harap ng memory gene. Tila sinasamba na nila ang aparatong iyon.

"Puro kasinungalingan..." bulong niya.Agad namang nagpalakpakan ang iba pa. Tila bulag sila sa katotohanan na nasa likod ng sayaw at panimulang iyon. Lalo namang lumakas ang mga hiyawan at palakpakan ng lumabas ang isa sa mga stockholder at shareholder ng MEMO. Isa sa mga utak ng paglaganap ng memory gene sa Pilipinas at maging sa buong Asya.

"Let's give it up for one of the CEO's of MEMO that will share this event for tonight! Mr. Levine Klein!"

Muling nagtayuan ang mga bisita, walang humpay ang kanilang mga palakpak. Tila napapaluha pa ang iba habang minamasdan ang mukha ng doktor na iyon sa kanilang harapan. Para namang isang diyos si Levine Klein habang itinataas ang kanyang mga kamay at nakangiti sa mga bidder na nagbibigay pugay sa kanya. Dahan-dahan namang pumapalakpak si Dylan habang nakatitig sa kanya ng masama. Mula naman sa malayo ay pinagmamasdan din ni Inspector Vega ang kanyang kinikilos. Matalas ang pagkakatingin nito kay Dylan. Si Tanya naman ay nakangiti lamang at tila natutuwa sa ipinapakitang emosyon ng binata.

"You can all sit down now..." wika ni Dr. Levine Klein. Agad namang umupo ang mga tao nang magsimula siyang magsalita.

"At first I was surprised. I was never informed that I have to do the honor for the opening remarks because I was used to speak for the closing..." wika ng doktor. Agad namang nagtawanan ang mga tao.

"Judst kidding. I want to use this opportunity to open this event with joy, despite of the struggles that our country is facing. I want you to know that every bidder is still protected." Muling nagtayuan ang mga bidder at pumalakpak. Muli namang itinaas ni Dr. Klein ang kanyang mga kamay, sumesenyas na muling maupo at manahimik upang siya ay makapagpatuloy. Panay naman ang flash mula sa mga camera ng mga photographer sa ibaba. Maging ang mga gumagamit ng drone ay panay din ang kuha ng litrato.

"As we all know, a criminal has been threating our country and MEMO as well. Our families, friends, and loved ones are not safe because of this threat. Let me clarify the rumors that the people keep asking me. Am I here to stop this crime?" tanong niya.Sumagot naman ng mahinang 'yes' ang iba.

"I can't hear you. We are here for the same answer. The answer that you seek. Your enemy is my enemy. Am I here to stop this crime?!"

"YES!" bulyaw ng mga tao. Tila gigil ang kanilang mga boses at uhaw ang kanilang mga ulirat sa hustisya. Hindi naman sumagot si Dylan sa tanong na iyon. Napansin din ng inspektor ang kanyang pananahimik sa tanong na iyon.

"H-hindi puwede...Dylan.Imposible," bulong ng ispektor.

"Then you are right! I am here in the Philippines to stop the crimes of this so called Black Out! I will asure you that this criminal will face justice and will be punished by death!" bulyaw ni Dr. Levine Klein. Lalong naghiyawan ang mga tao sa kanyang sinabi.

"Napulitika na..." bulong naman ni Tanya. Tila napapangiti naman ang mga sundalo ng New Order sa sinabi ng dalaga. Maging si Albert ay napapangisi din at napapailing.

"Akala ko ba subastahan ng mga antigong gamit ang narito? Bakit parang may eleksyon?" tanong muli ng dalaga.

"Hayaan mo na, mas maigi nang malaman natin mismo sa kanya kung ano talaga ang pakay niya sa pagpunta dito," sagot naman ni Albert. Muli namang tinitigan ni Tanya ang binatang si Dylan. Sa pagkakataong iyon ay tahimik pa rin ang binata ngunit kapansin-pansin ang pagngiti nito na para bang nangingisi. Dahan-dahan naman siyang pumapalakpak.

"Bravo. Bravo..." wika niya na tila nang-aasar pa.

"Now now. Don't let me spoil the fun. The event today is about our heritage, a world heritage. A taste of the world through history and arts. Tonight is one of the grandest night as we celebrate life itself through culture of our world! I am officially opening this bidding as I also share this moment to you!" panapos na wika ng doktor. Tila hindi naman natuwa si Dylan sa panapos na iyon. Iba naman ang naging reaksyon ng mga tao. Nagpupunas na ng luha ang mga ito matapos ang maikling talumpati ni Dr. Levine Klein. Ang iba ay hindi naman matigil sa pagpalakpak.

"If Black Out is here, I'll be damned!" bulong niya sa isa sa kanyang mga security. Malalaki ang kanilang mga katawan at nakasuot pa ng mga bullet proof vest na napapatungan na lamang ng kulay itim na suit. Inaalalayan siya ng mga ito habang pababa ng entablado.Kumaway-kaway naman ang doktor habang bumababa.

Napangiti naman si Dylan habang tinititigan at binabasa ang mga salita na lumalabas sa labi ng nagsalita. Napailing siya ng kaunti at muling napangisi.

"Thank you for that Mr. Levine Klein. And now what are we waiting for?! Let the bidding begin!" wika ng announcer. Tila nag-iba naman ang itsura ng entablado. Umikot ito at agad na nagpakita ng isang antigong gamit na nakasilid pa sa loob ng isang babasaging salamin. May dalawang babae pa nan aka-costume bilang hapon habang inaalalayan ang antigong gamit na iyon. Agad din silang yumuko matapos tumigil sa pag-ikot ang entablado. Muli namang bumukas ang hologram screen sa gitna ng lahat. Nakita nila sa loob ng sisidlan na iyon ang isang lumang samurai. Halata na ang kalumaan nito dahil sa handle ngunit kapansin-pansin na hindi pa rin kinakalawang ang talim nito.Agad namang tumayo si Dylan, gamit ang kanyang tungkod ay itinayo niya ang kanyang sarili upang maglakad.

"Master?"

"Kailangan ko lang magbanyo Brigand," wika naman ng binata.

"M-masusunod po." Agad ding tumayo si Brigand at sumunod sakanya.

"Gumalaw na si Black Out, mukhang target niya si Levine Klein," bulong ni Tanya.

"Magaling, sige. Alpha! Bravo! Alerto kayo.Kumikilos na si Black Out!" wika naman ni Albert. Agad namang tumayo si Tanya at nakiraan sa iba pang mga bisita upang makalabas. Tila naging alerto din ang ispektor sa mga kilos ni Dylan. Agad din siyang tumayo at sinundan ng tingin ang binata. Nakiraan din siya sa mga bisita upang sundan ang binata.

"Pasensiya na makikiraan lang! Pasensiya na..." wika niya habang nagmamadali.

Humahangos siya ng takbo nang makalabas sa malaking bulwagan na iyon. Agad niyang pinuntahan ang kinaroroonan ni Dr. Levine Klein sa unahang bahagi ng entablado. Dumaan siya sa backstage ngunit hindi niya nakita si Dylan doon.

"Walanghiya..." bulong niya. Muli siyang lumabas mula sa blwagan. Hinanap ng kanyang mata ang binata ngunit ni anino nito ay hindi niya nakita.

"S-sandali...mukhang may isa pang nagbabantay sa kanya," bulong naman ni Tanya nang makita ang inspektor na humahangos at tila hinihingal sa paghahanap.

"Sige kami na ang bahala," wika ni Albert. Agad nakita ang mukha ng inspektor. Nagprofile naman ang isa sa mga sundalo ng New Order at agad nakita ang pagkakakilanlan nito.

"Inspector Robert Vega. Mula sa secret service at sa PSG. Nagsilbi din sa Philippine Navy at naging private detective ng mga mayayamang pamilya maging ng mga may katungkulan sa gobyerno," wika ng isa habang pumipindot sa hologram keyboard.

"Tanya, mag-iingat ka, mas maayos kung susundan mo lang din ang isang yan," sagot ni Albert.

"Oo naiintindihan ko."

Agad namang kumilos si Tanya at sumunod sa inspektor. Isang lalaki naman na nakasumbrero ng kulay pula ang nakasandal lamang sa pader kung saan huling nagsalita ang dalaga. Sinundan niya iyon ng tingin at hindi man kita ang kanyang mukha ay makikita naman ang kanyang malaking ngiti. Ngumiti ito siya na parang isang pusa habang inaamoy at tila sinusundan ang pabango ni Tanya.



Continue Reading

You'll Also Like

142K 3K 66
Amanda Perez, was born blind who grew up with the presence of her loving mother and an elder brother that loves her so much. Until one night, an acci...
50.5K 1.7K 32
Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawagin ay memory gene. Ang aparatong ito ay...
37K 1K 25
They say your downfall is what turns you into a monster. And that's what happened to Aeniere Kizume, the second heir of Kizume Mafia Clan. But is she...
27.9K 543 28
I can see, but I shouldn't be seen. I can speak, but I shouldn't be heard. I can touch, but I shouldn't be felt. I am invisible to the world. I sh...