Game of Love 2: Still in Love...

Par JeraldineTanL

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... Plus

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend
[ 3 ] A New Friend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 7 ] The Other Sides of the Story
[ 8 ] The Reunion
Game of Love Softcopy :)
[ 9 ] Change
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 20 ] Caught in the Act
[ 21 ] The Result
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 26.2 ] So In Love
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 31 ] Remember
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 40 ] Hello and Goodbye
[ 41 ] Trap
[ 42 ] A Big Problem
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 46 ] Minor Accident
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 53 ] Past
[ 54 ] Forgive
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 55 ] Unexpected

35.9K 506 45
Par JeraldineTanL

Chapter 55: Unexpected

Naisipan ni Jin na pumasok sa opisina dahil gusto niyang makapagpaalam sa mga ka-opisina niya bago siya tuluyang umalis doon. Pagkadating niya, nakita niya si Haeja na busy sa mga trabaho niya. Pati kasi ang mga trabaho niya ay siya na din ang gumagawa.

"Jin, akala ko hindi ka na makakapasok. Hindi ka kasi pumasok kahapon."

"This is my last day. I will just finish some unfinished business here."

"Nakakalungkot na dito kapag wala ka. Wala na akong makakausap at kasama."

"’Wag kang mag-alala, sinabihan ko na si Gab na maghanap ng kapalit ko para hindi ka mahirapan lalo na sa kondisyon mo ngayon."

"Wow! That’s good news. Thank you, Jin."

"Oo nga pala, dumating na ba si Gab?"

"Tumawag siya kanina sa ‘kin. Ngayon daw ang alis nina Mr. Teppei kaya male-late siya."

Nagsimula na si Jin na ligpitin ang mga gamit niya. Matagal tagal din siyang naging sekretarya ni Gab at alam niya na mamimiss niya ang trabahong ito pero mas gusto niya na mapagsilbihan si Gab bilang girlfriend nito at hindi sekretarya kaya niya naisipang umalis.

"Excuse me, who is Ms. Jin Charel Tan?" tanong ng isang lalaki.

"It's me. Why are you looking for me?"

Nilapitan sila ng lalaki at iniabot sa kanya ang isang bouquet ng pulang rosas.

"May nagpapabigay po sa inyo."

"Sino naman?"

"Hindi ko po pwedeng sabihin. Sige po, aalis na ako."

"Sige, salamat."

Tiningnan ni Jin ang bulaklak. Wala man lang nakalagay na sulat doon kaya naisip niya na si Gab ang nagbigay noon sa kanya.

"Siguro si Gab ang nagbigay nyan sa ‘yo, Jin. Ang sweet! Bagay na bagay talaga kayong dalawa," kinikilig na sinabi ni Haeja.

"Siguro nga. Dadalhin ko muna sa sasakyan ‘to pati na din ‘yong ilan kong gamit, babalik din ako kaagad."

"Sige. Gusto mo ba na tulungan kita?"

"Hindi na. Mabigat ‘to. Bawal kang magbuhat ng mabigat. Okay lang ako, kaya ko na ‘to."

Umalis si Jin doon at pagbalik niya, umupo siya sa tabi ni Haeja at tinulungan naman ito sa mga ginagawa niya.

"Jin, dumating na pala si Gab. Nasa opisina niya na siya."

"Ganun ba? Sige pupuntahan ko na muna siya, ha?"

Nginitian lang siya ni Haeja bilang sagot. Tumayo siya at dirediretsong pumasok sa opisina ni Gab. Nang makita siya ni Gab ay halatang nagulat ito dahil hindi niya inaasahan ang pagpunta ni Jin.

"Good morning, hon!" masiglang bati ni Jin.

"Good morning, bakit ka nandito? Akala ko ba--"

Nilapitan siya ni Jin at hinalikan sa pisngi at saka siya umupo sa sofa doon. Agad naman siyang sinundan ni Gab at tinabihan.

"Thank you sa flowers. Nagustuhan ko ‘yon."

"Anong--"

"Akala ko hindi mo alam na red roses na ang gusto ko ngayon. Ang sinasabi ko kasi na gusto ko noon, blue roses."

"Jin, hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Stop pretending, Gab! Nahihiya ka pa!"

Hinawakan ni Gab si Jin sa magkabilang balikat at tiningnan ng deretso.

"Makinig ka. Hindi ako ang nagpadala ng bulaklak sa ‘yo. Ni hindi ko nga alam na pupunta ka dito ngayon dahil sabi mo sa ‘kin kagabi, hindi ka na papasok. Kung dito mo ‘yon natanggap, imposible na sa ‘kin manggaling ‘yon dahil alam ko na hindi ka papasok."

Nagbago ang ekspresyon ni Jin. Nagtataka siya.

"Kung hindi ikaw, sino naman ang magpapadala sa ‘kin ng bulaklak?"

"Hindi ko din alam."

"Sorry, I thought you were the one who--"

"Okay lang. Magtatrabaho na ako ulit. Marami akong kailangang gawin ngayon dahil hindi ako pumasok kahapon."

"Sige. Tuloy pa din naman tayo sa Sabado, hindi ba?"

"Oo, yayain mo na sina KL."

"Okay. May gusto ka bang kainin o inumin?"

"Hindi na, okay lang."

Lumabas si Jin sa loob ng opisina ni Gab at bumalik sa pwesto niya na naguguluhan pa din. Hindi niya alam kung sino ang nagbigay ng bulaklak na ‘yon sa kanya at alam niya na nakakahiya para kay Gab na mapagkamalan niya ito na siya ang nagbigay noon sa kanya. Pakiramdam niya din ay nainis si Gab dahil sa natanggap niya pero iniisip niya na lang na baka busy talaga ito.

"Jin, may problema ba?"

"Hindi galing kay Gab ‘yong bulaklak."

"Pasensya na, akala ko sa kanya galing ‘yon."

"Akala ko din. Sino naman kaya ang nagbigay nun sa ‘kin?"

"Hindi kaya may lalaki na nagkakagusto sa ‘yo bukod kay Gab?"

"Imposible ‘yon. Wala akong kilala na pwedeng magbigay sa ‘kin nito."

~

Kanina pa nakatitig si Gab kay Jin pero hindi niya ito pinapansin. Kanina pa nilalaro ni Jin ang pagkain sa harap niya at parang wala siya sa sarili.

"Ayaw mo ba ng pagkain dito?" tanong ni Gab.

Hindi siya napansin ni Jin at tuloy pa din sa ginagawa niya.

"Jin," mas malakas na sinabi ni Gab.

Nagulat si Jin at itinigil ang ginagawa niya.

"Ano ulit ang sinabi mo?" tanong nito.

"Ayaw mo ba ng pagkain dito?"

"Hindi sa ganun."

"Kanina ka pa wala sa sarili. Kung iniisip mo pa din ang nangyari kanina, okay lang sa ‘kin ‘yon kaya ‘wag mo ng isipin."

"Iniisip ko kung kanino nanggaling ‘yong bulaklak."

"Baka kay Marc."

Napailing siya.

"That's impossible."

"Ask him to make sure."

"Okay lang sa ‘yo?"

"Kung ‘yan ang makakapagpatigil sa pag-iisip mo, oo."

"Sige, tatawagan ko siya mamaya."

"Kumain ka na. Kailangan ko agad bumalik sa opisina."

Kumain na lang sila ng mabilis at bumalik sa opisina. Bumalik sila sa kanya kanyang ginagawa nila at naisipan na din ni Jin na tawagan si Marc at agad din naman nitong sinagot ang tawag.

"Napatawag ka?"

"May gusto sana akong itanong sa ‘yo."

"Ano ‘yon?"

"Ikaw ba ang nagpadala ng bulaklak sa ‘kin?"

"Bakit naman kita papadalhan ng bulaklak?"

"Sagutin mo na lang ang tanong ko."

"Hindi. ‘Yan lang ba ang itinawag mo?"

"Hindi. Gusto din sana kitang yayain. May lakad kami ng barkada at sabi ni Gab, imbitahin na din kita. Pwede ka bang sumama?"

"Titingnan ko. ‘Yon lang ba?"

"Oo. Bakit ba parang atat na ata ka na ibaba ‘tong phone?"

"Busy kasi ako. Bye."

Binabaan siya ni Marc bago pa man siya makapagpaalam dito. Gusto niya na makasama si Marc para na din maipakilala siya sa mga kaibigan niya.

"Haeja, gusto mo din bang sumama?"

"Saan?"

"Sa Sabado, may lakad kami kasama ang buong barkada namin."

"’Wag na, Jin. Salamat na lang."

"Sayang naman kung ganun."

"Buntis kasi ako, mahirap na. Oo nga pala, may pumunta ditong lalaki kanina at hinahanap ka niya."

"Sino?"

"Terrence daw ang pangalan niya. Sayang kasi hindi niya kayo naabutan ni Gab. Kakaalis niyo lang din noon nung dumating siya at nagkasalisihan kayo."

"Bakit daw siya pumunta dito?"

"Gusto ka lang daw niyang makita. Tawagan mo na lang siya para kayo na ang mag-usap."

"Sige Haeja, thank you."

"You're welcome."

Tinawagan ni Jin si Terrence at agad naman itong sinagot ni Terrence.

"Jin, I've been waiting for your call."

"Kailan ka pa nasa Pinas?"

"Kaninang madaling araw lang ako dumating. Natanggap mo ba ang bulaklak?

"Yes, thank you."

"Can we meet today?"

"What time?"

"Are you available now?"

"Yes. Where will we meet?"

"Let's talk inside my car. I will be waiting in the basement parking. See you there in fifteen minutes."

"Okay, see you."

Pinutol ni Jin ang tawag at pumunta sa opisina ni Gab para magsabi dito tungkol sa pagkikita nila ni Terrence. Naabutan niya doon si Gab na abala sa mga ginagawa nito.

"Gab.."

"Do you need anything?"

"No, I just want you to know that I will be seeing Terrence in a while."

"Sige, mag-ingat ka."

"O-okay lang sa ‘yo?"

"Yes."

Lumabas si Jin sa opisina ni Gab at bumalik sa pwesto niya para mag-ayos. Tapos na siyang magligpit ng mga gamit niya at nandoon lang siya para magpalipas ng oras. Pumunta siya sa basement ng building at nakita niya doon si Terrence kaya nilapitan niya ito at pumasok sila sa loob ng sasakyan.

"Coffee?" alok ni Terrence.

"Thanks."

"It's good to see you again, Jin. It’s been a while."

"You're right. What brought you here?"

"I have some business here. I will be heading back to Korea in three days."

"You must be very busy."

"I really am. How are you? You’ve become skinnier. Are you eating well?"

"You haven't changed. I'm okay, don't worry about me."

"Take care of yourself."

"You, too. You might as well find someone you can take care, I mean a girlfriend. Do you have someone you like?"

"Hm.. I think I have one."

"Really?! That's great! Who is she?"

"Gab's secretary."

"Haeja?"

"I was just kidding, Jin."

"She's pretty and she’s nice. She's also single. Are you interested?"

"Jin, I was just joking."

"I know. Why not give it a try?"

"I’ll think of it."

Nagpatuloy pa ang usapan nilang dalawa. Masaya si Jin na magkasundo na sila ulit ni Terrence at wala na ang ilangan sa kanila matapos niyang iwan ito.

~

Sabado na at nasa isang beach resort sina Jin, Gab, Steven, KL, Spencer at si Marc. Naisipan nila na lumabas para makapagsama sama sila. Kakarating lang din naman nila doon.

"Guys, I want you to meet my new friend, Marc," sabi ni Jin sa mga kaibigan.

"Siya ‘yong manager ni Mika, ‘di ba?" tanong ni Spencer.

"Kilala na namin siya noon pa dahil kay Mika," dagdag ni Steven.

"I met him at the bar before," sabi ni KL.

"Hindi kayo nagsasabi sa ‘kin na kilala niyo na pala siya," reklamo ni Jin.

"Hindi naman namin alam na siya ang ipapakilala mo sa ‘min," sagot ni Spencer.

"Kumain na tayo," pagyayaya ni Gab.

Umupo sila sa harap ng lamesa at nagsikain.

"Oo nga pala pre, nasaan si Aine? Hindi yata sumama ‘yon?" tanong ni Gab.

"Nag-away kami kagabi. Umalis din siya sa bahay at sa ibang bahay daw natulog. Susunod din ‘yon dito. Ayaw lang nun sumabay sa ‘tin dahil nasa isang van lang tayo at iniiwasan niya ako. Ang arte kasi," sagot ni Steven.

"Buti pa kami ni babe hindi nag-aaway," pagmamalaki ni Spencer.

"Tigilan mo nga muna ako, Spencer. Ano na naman ba’ng ginawa mo kay Aine, Steven?" tanong ni KL.

"Pinakialaman niya ‘yong phone ko at nabasa niya ‘yong mga text ng mga chicks ko noon kaya ayun, nagalit. Hahaha!" pagkukwento ni Steven.

"Nagpapahuli ka kasi, pre. Sa susunod, galing galingan mong magtago," payo ni Gab.

"Sabi niya, ayos lang mambabae ako tapos ngayon na mayroon, nagalit. Mga babae nga naman oh, ang gulo ng isip."

"Alam mo Steven, iba na ngayon. Ang tagal mo na siyang girlfriend kaya normal lang na magselos ‘yon. Pasaway ka pa din kasi, ang tanda mo na, eh," pagpapangaral ni KL dito.

"Bumawi ka na lang sa kanya pagdating niya dito para magkaayos kayo," suhestyon ni Jin.

"Ako pa! Magkakaayos din kami nun. Mahal ako nun, eh."

"Siguraduhin mo lang, dude. Baka mamaya, iwan ka ulit nun. Ayaw ko ng makita ulit ‘yong drama mo," pang-aasar ni Spencer.

"Tayo na lang kasi para masaya! Walang magseselos!" pagyayaya ni Steven.

"Ayoko nga sa ‘yo. May KL na ako."

Inakbayan ni Spencer si KL. Tiningnan ni Steven si Gab at alam na ni Gab ang ibig sabihin ng pagtingin ng kaibigan.

"Hindi tayo talo! May Jin na ako," agad na sinabi ni Gab.

"Para namang gusto ko kayo! May Aine din naman ako, nag-away lang kami. Mamatay kayo sa inggit kapag nandito na ‘yon," sagot ni Steven.

Nagpatuloy sila sa pagkain at pagkatapos nun ay lumabas sila para magswimming. Nagpaiwan na muna sina KL at Jin sa kwarto.

"Bessy, magbibihis muna ako," pagpapaalam ni Jin kay KL.

"Sige, magbibihis na din ako pagkatapos mo," sagot nito.

Nakaupo si KL sa isang upuan at hinihintay si Jin nang may makita siyang isang kumikinang na bagay sa sahig. Tumayo siya para damputin iyon at nanlaki ang mata niya nang makita niya ang itsura non. Napaupo siya at pilit na tinitingnan ‘yon. Bigla na lang may pumasok sa pinto at nakita niya doon si Marc.

"KL, bakit ka nakaupo dyan?" tanong ni Marc.

"W-wala."

Inalalayan siya ni Marc na makatayo. Tinitingnan niya si Marc na tila ba kakilala niya ito.

"May dumi ba sa mukha ko?” tanong ulit ni Marc.

"Wala. Bakit ka pala nandito?"

"May nakita ka bang kwintas na itim na may silver na pendant?"

"I-ito ba ang hinahanap mo?"

Itinaas ni KL ang bagay na dinampot niya kanina at napangiti si Marc nang makita ‘yon.

"Ito nga. Saan mo ito nakita?"

"Sa sahig. S-sa ‘yo pala ‘yan."

"Oo. Sige, salamat."

"Teka lang, Marc."

"Ano ‘yon?"

"Sa ‘yo ba talaga ‘yang kwintas?"

"Oo. Bata pa lang ako nasa ‘kin na ‘to, bakit?"

"Wala. Sige, pwede ka ng umalis."

Paglabas ni Marc, natulala na lang doon si KL at napaupo. Hindi siya makapaniwala sa narinig at nakita. Pagkalabas ni Jin sa CR, agad niyang napansin na wala sa sarili ang kaibigan kaya nilapitan niya ito.

"Bessy, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Jin.

"Okay lang ako, Jin."

"Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit--"

"Sa tingin ko nahanap ko na ang kapatid ko. Si Marc ang nawawala kong kapatid."

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

2.6M 60.6K 47
Book 3 of Falcon University Series (Josh & Red's story)
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
4.7M 112K 56
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- Ang kwento ng matalinong-pilosopo na si Miller! Kung gusto nyong malaman ang kwento ng l...
191K 5.5K 36
Minsan may mga bagay talaga na nasa iyo na mawawala pa. Kahit anong pilit nating pagaalaga kung hindi talaga para sa atin wag ng pilitin, masasaktan...