Ang Promdi At Ang Prosti

By xianrandal

1.1M 25K 1.1K

"O pag-ibig, pag pumasok ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Hindi naman kasi lahat ng nakikita... More

ONE
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY - EIGHT
TWENTY-NINE
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
LAST

TWO

52.5K 1K 86
By xianrandal

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

TWO

Duncan was really pissed. Sira ang kanyang kotse at kanina pa tawag ng tawag si Faye sa kanya. Pinapasundo nito ang bago niyang sekretarya. Lalaki sana ang gusto niyang sekretarya pero nakiusap si Faye, kailangan raw talaga ng pinsan nito na malayo sa Manila. Isa itong home wrecker at kailangang malayo ito sa lalaking kinahuhumalingan niya. Sabi nga ni Faye, GRO ito sa club ng Papa niya, at ngayon susunduin niya ito.

Bakit nga ba siya pumayag na kunin ito. Mukhang sakit lang naman ng ulo ang ibibigay ng babae sa kanya. Pero bukod sa sobrang kulit ni Faye, malaki ang utang na loob niya rito para makita at magkasundo sila ng kapatid niyang naglayas.

Narealize niya na sobrang napakahigpit niya kay Drew. Mahal na mahal lamang niya ang kapatid. Ibinilin ito ng mama niya sa kanya bago ito nalagutan ng hininga.

At ngayon nga, heto siya at gamit ang tricycle papuntang terminal ng bus sa Lebak, Sultan Kudarat. Meron naman silang properties sa Manila at Davao pero mas pinili niyang manirahan at mamalagi sa malayong probinsiya na yun sa Sultan Kudarat.

Sabi nga ni Drew, promding hunk raw siya. Ang kapatid ang namamahala sa iba pa nilang negosyo sa Manila at Davao. Nag eexport kasi sila ng rubber, saging, kape at mangga. Bukod pa sa nagsusupply sila ng iba pang produkto sa ibat-ibang lugar sa Mindanao.

Gusto niya sanang ipasundo na lang sa isa pa niyang tauhan ang pinsan ni Faye pero todo talaga ang pakiusap nito sa kanya na siya ang personal na susundo sa magiging sekretarya. Quits na raw sila kapag tinulungan niya ang dalaga.

Ayaw na ayaw kasi niyang magkaroon ng anumang utang na.loob sa sino. At nagbitiw siya nang salita kay Faye na pwede siyang humiling ng kahit ano basta kaya niya. At ito na nga iyon, limang buwan pa naman ang kontrata niya sa dalaga. Wag lang sana itong magbigay.ng sakit ng ulo sa kanya.

Alas dos ang dating ng bus ayon sa nakausap niya. Tamang tama lamang ang dating ni Duncan. Papunta na siya sa waiting area upang magtanong ng mahagip ng mga mata niya ang isang babae na kausap ang isang batang alam niyang nakatira sa lugar na yon batay sa ayos nito.

There was a sudden attraction. Isa sa gustung-gusto niya sa mga babae ay mahaba ang buhok, nakalugay ang mahaba at bagsak nitong buhok. May kausap itong batang babae at tila tuwang-tuwa sa mga naririnig mula sa bata.

She was wearing a tight fitted jeans, a yellow t-shirt na may malaking smiley na design and a chuck taylor high cut shoes. What a.pleasant sight. Immediately ay parang wala sa sarili na kinunan niya ito ng picture gamit ang cellphone.

"Ano bang nangayari sa akin." Nakakadalawang litrato na siya ng mapagtanto ang ginagawa. He tried to ignore that new feeling and looked for the person he needed.

Pumunta siya sa waiting area para magtanong. Yun kasi ang instruction niya kay Faye para sa pinsan nito. Hindi niya nakuha sa dalaga ang number ng susunduin.

Faye said that his secretary will surely wear a short shorts if not any look that you could link to a girl who works at a night club. Mukha yatang dapat siyang magsisi sa pagpayag sa gusto ni Faye. Nagsimulang umikot ang kanyang mga mata, naghanap ng babaeng tutugma sa paglalarawan ni Faye.

Samantala, nakatanggap ng tawag si Roxanne mula kay Faye. Maaga kasing dumating ang bus na sinakyan niya kaya nakipaglaro muna siya sa batang anak ng nagtitinda ng sigarilyo sa terminal. Ipinakiusap niya ang mga bagahe niya sa ina nito. Naalala niya kasi si Pot -Pot sa bata.

Napabuntong hininga siya. Ang layo ng Kalamansig, Sultan Kudarat. From Cotabato City ay kailangan niya pang magtravel via land. Ganun yata kadesperado si Faye.

"Roxanne, anjan na ang sundo mo. Ano bang suot mo?"

Hindi niya kasi sinunod si Faye. Ang gusto kasi nito ay mag short shorts siya at sleeveless. Hindi talaga siya sanay sa ganoong ayos. Imagine sasakay siya ng eroplano ng ganun at magtatravel ng four na oras via bus.

"The usual clothes I wear, Roxanne." Pagod na sabi niya.

Galit na galit si Faye. "Pwes! Instead na ibibigay ko kay Glenda si Pot-Pot bukas ay hindi na muna." Nanggagalaiti na naman ito na parang baliw. Ganyan si Faye, hindi mo lamang masunod ang nais nito ay maghuhurementado na sa galit.

"Please Faye, intindihin mo naman ako." Pakiusap niya.

Ang laki ng isasakripisyo niya para sa trabahong tinanggap. She will change her image, her whole self just to follow her.

"No way Roxie, if you like, bwisitin mo si Duncan ngayon pa lang. Kapag tumawag siya at nagsumbong sa.akin. Ihahatid ko agad si Pot-Pot kay Glenda bukas.

Iyon kasi ang napagkasunduan nila, gagawin niya ang lahat kapalit ng ampon, ng club at ng katahimikan niya.

"Okay." Tanging nasabi niya, ano ba naman ang magagawa niya? Ang layo niya kay Pot-Pot, at kahit kailan, hindi siya matatahimik hangga't nasa kamay ito ng bruha.

KANINA pa ikot ng ikot sa waiting area ng terminal si Duncan. Hindi niya makita ang hinahanap. Mukhang umpisa pa lang ay problema na talaga ang ibibigay ni Roxanne. Yun ang ibinigay ni Faye na pangalan ng secretarya niya. Ibinigay rin nito ang numero ng dalaga. Minabuti niyang tawagan na lamang ito.

An unregistered number is calling her. Mukhang ito na ang kanyang magiging Boss. Huminga muna ng malalim si Roxanne bago sinagot ang cellphone.

"Haler!" Isang high - pitched Roxanne ang sumagot, muntik na siyang matawa. Isa iyon sa pagpapanggap na gagawin niya.

"Are you Roxanne?" A deep masculine voice asked. Bakit ba siya biglang kinabahan?

"Duh, Yes, me na nga. You is Duncan? Me, waiting for you." maarte niyang sagot. Umingles siya, maling English, RIP English ika nga ng ilan.

Napangiwi si Duncan sa English ng kausap. Sinabi ni Faye na mahina ang utak ng nagiging sekretarya niya. Hindi niya alam na ganun kahina.

"This is Duncan Dizon, ako yung susundo sa iyo. Nasaan ka na ba at kanina pa kita hinahanap?" Iritable niyang tanong.

"Oh! Me Roxanne, waiting too. Where is you? Gosh! I'm like..ahhh..what's English of kanina pa? Yun, you're so matagal." Pinaarte niya pang lalo at nilagyan ng accent katulad ng napapanood niyang Ingles na pelikula.

May saltik yata ang kausap niya, hiningi na lamang ni Duncan ang eksaktong lugar ni Roxanne para siya na lamang ang pupunta.

"Huwag na huwag kang aalis jan." Mahirap na kasing magkasalisihan pa sila, tingin niya kasi ganun ang nangyari.

Sinabi nito kung saan siya naghihintay. Pinuntahan ito ni Duncan and to his dismay, ito ang babaeng kanina lang ay kinukunan niya ng litrato.

Ang ganda nito sa malapitan. Matangos ang ilong, mapupungay na mga mata, mapulang mga labi na alam niyang walang lipstick na ipinahid and that long straight black hair. Ngumiti ito sa kanya, perfect teeth. Malayung-malayo sa inaasahan niyang itsura ng kaharap.

"Ikaw si Duncan Dizon? Ay ang gwapo mo. I'm Roxanne Sandoval. I'm 25, single, available." Malanding pakilala nito. Arte pa, Roxanne, alang-alang kay Pot-Pot!

"Nice meeting you. I'm sorry, nahuli ako ng dating."

"Ay,no probs crush. Naaliw naman ako. Ang daming gwapo dito sa inyo." Kinakabahan si Roxanne habang sinasabi yun. Sinabi ni Faye na ang imaheng ipapakita niya dapat ay malandi,mahilig nga sa lalaki, boba, tatanga - tanga. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa.

"Crush?" Nangunot ang noo ni Duncan. Ano ba tong kaharap niya?

"Yup. Your the most handsomest among all the mens I meeting. Kaya nga crush na kita." She confidently said in English. Nanlalaki pa ang mga mata niya habang sinasabi iyon.

Natawa na si Duncan sa pag eenglish ng kaharap. Anong klaseng sekretarya kaya ito. Isa lang ang sigurado siya, sasakit ang ulo niya, sa Ingles pa lamang ng kausap, ramdam na ramdam na niya.

"Nasan ba ang mga gamit mo at uuwi na tayo."

" Ay wait," kinuha nito ang dalawang naglalakihang maleta niya sa aleng pinag-iwanan kanina.

"Nasan ang car mo,Bossing Duncan?" Tumatakbo ang isip ni Roxanne, kailangang mainis sa kanya ang kaharap bago matapos ang araw na ito.

"Tricycle ang dala ko." Itinuro nito ang nasa harap nila. Isa ito sa mga sasakyang ginagamit niya sa pagpa-farm.

"Yuck, as in jan? Isasakay mo ako jan? Akala ko ba mayaman ka? Sabi ni Faye mayaman ang magiging boss ko tapos tricycle?" Pumadyak pa si Roxanne na parang bata. She is hoping na mabubwisit sa kanya ang kaharap. Kanina pa siya hiyang-hiya sa ginagawa pero kailangan niyang umarte. Ang sabi nga ni Glenda, isipin niya na lang na hindi naman siya kilala ng magiging Boss niya, at kapag natapos ang limang buwan, babalik na sa dati. At higit sa lahat, isipin na lamang niya ang lahat ng taong umaasa sa kanya.

Nabwisit nga sa kanya si Duncan.

"Kung ayaw mo eh di wag, bumalik ka kung saan ka nanggaling." Hindi niya alam bakit naubos bigla ang kanyang pasensiya.

"I'm joke only, no seriousness! Ang pikon mo naman, umaarte lang nga." Biglang hinawakan ni Roxanne ang braso ni Duncan. Inilapit pa ang ulo nito na tila naglalambing.

She felt sudden voltage rushing through her body because of what she did. Hindi kasi siya sanay na dumikit sa lalaki. Isa lang ang naging boyfriend niya. Si Mike Ramos, sa malas di rin naging okay ang lahat.

Damn! Bakit ba kailangan pa ng babaeng ito na dumikit sa kanya? Amoy na amoy tuloy niya ang ginamit nitong pabango.

"Sige na,sumakay ka na. Ako ng bahala sa mga maleta mo."

Sumakay si Roxanne sa harap samantalang ang dala niya ay sa likurang bahagi bg tricycle inilagay ni Duncan. Wala lang sa kanya ang bigat ng maleta. Tahimik na sumampa.ito sa gilid niya. Liliko na sana sila palabas ng terminal ng biglang tumili si Roxanne.

"Waiiiitttt!"

Biglang preno tuloy ng binata.

"What?" Akala mo ay anong emergency na ang isinigaw nito, akala pa naman niya at may nasagasaan na siyang tao.

"Saglit lang talaga crush." May bigla kasi siyang naalala. Napailing naman si Duncan sa salitang crush. Napakadali lang rito na gamitin yun. Napakawalang hiya nga talaga nito. Agad itong bumaba ng tricycle. Sinundan niya ito ng tingin. Nakita niyang kausap nito ang bata kanina sa terminal ng una niya itong makita.

Inalis ni Roxanne ang gamit niyang hair clip na suot at inilagay ito sa buhok ng bata, pagkatapos ay niyakap ito at hinalikan sa pisngi.

Duncan was touched with that scene. Kanina lang ay ang arte ng dalaga, ni ayaw sumakay sa tricycle niya, ngayon yakap at hinalikan pa nito ang batang hindi kilala.

"Tara na Bossing." Nakangiti na ito nung bumalik. Alam ba ng babaeng ito kung gaano siya kaganda kapag ngumingiti?

Habang nasa biyahe ay panay ang wow ng dalaga. Napakaganda kasi ng dagat na nadadaanan nila. Panay rin ang tanong nito sa magiging boss.

"Bossing, tayo lang ba dalawa sa bahay mo?" Tanong nito sa kanya.

"Duncan, not bossing. Yah, but every weekend umuuwi ang anak ko, minsan may mga tauhan rin na natutulog sa bahay."

"May anak ka na crush?" gulat si Roxanne sa nalaman. Hindi iyon nabanggit ni Faye sa kanya. Ibig sabihin, pamilyadong tao ito?

"Oo. Ilang beses ko ba sabihing Duncan, not Bossing, not crush. May makarinig sayo."

"Duh! Ano namang masama. Eh sa bosing kita at crush na kita." Roxanne rolled her eyes. "Teka, are you double?"

"Double?"

"May asawa? Double? Hindi ba sabi mo, may anak ka, siyempre, may asawa." Bakit parang ayaw niyang may asawa ito?

"Wala akong asawa. Hindi lahat ng may anak ay kailangang mag-asawa." Pambabara nito sa kanya. Hindi na nagsalita pa si Roxanne, nakuntento na lamang siyang tumingin sa paligid.

Narating din nila ang Dizon farm. Tamang-tama lamang ang bahay ng binata. Kumpleto ito sa gamit. May internet connection rin.

"Wow! In fairness Bossing, pang mayaman ang mga gamit mo ha." Umikot ang mga mata niya sa kabuuan ng bahay.

Itinuro nito ang kwarto ng dalaga. Kaharap nito ang kwarto ni Duncan. Iisipin pa lang na dadalawa lang sila sa bahay na iyon ay kinakabahan si Roxanne pero kailangang magpakatatag siya, magpakapal ng mukha. Sabi nga ni Glenda, mabilis ang five months. Baka nga raw magising na lamang siyang tapos na.

Maayos naman ang kuwarto ibinigay ni Duncan sa kanya. May personal.computer ito, kung sa bagay, sekretarya nga siya hindi ba? Biglang tumunog na naman ang kanyang cellphone.

"Hello." Walang ganang sinagot niya ang phone. Si Faye.

"Mukha yatang hindi mo pa.makukuha si Pot-pot. Walang tawag galing kay Duncan eh. Gawin mo ang pinapagawa ko sayo Roxie, isa kang babaeng bayaran sa tingin ni Duncan, at alam ko ang ugali niya ----"

Hindi na niya pinatapos magsalita si Faye. Magalit na ito kung magalit.

Inialis pa niya ang mga damit sa.maleta. Si Faye ang naglagay ng ilang gamit niya, puro mga damit na hindi niya alam kung kaya ba niyang suotin.

Napabuntung -hininga siya. Kailangan pa palang mainis si Duncan sa kanya at ng tatawag ito kay Faye. Pinili niyang suotin ang oversized jersy na may natatak na Miami Heat. Hindi na siya nag abalang magshorts. Balak niyang lumabas ng ganoong ayos at inisin si Duncan. Pakapalan na lamang talaga ng mukha. Alang-alang kay Pot-Pot.

NAGKAKAPE si Duncan sa sala ng lumabas si Roxanne. Muntik na.niyang maibuga ang kapeng iniinom. The girl was wearing nothing but an oversized jersey. Lantad ang napakakinis, at maganda nitong legs. Napakabalbon pa nit at konting tuwad na lang ng dalaga at lilitaw na ang panty niya.

She's damn hot!

But what is she doing?

"What the hell are you wearing?"

"Baketz? Kung makareact ka naman wagas! May sunog ba!" Kinakabahan si Roxanne. Ngayon lang kaya siya haharap sa lalaki ng ganoon. Nakatingin pa rin sa kanya si Duncan, para bang hinihintay ang paliwanag niya.

"Bibili lang naman ako sa labas." Nasabi niya rin sa wakas.

"Nang ganyang ayos?" Wala ba talagang kahihiyan ang kaharap.

"Yes Bossing." Kailangang laging may landi ang mga sagot niya.

"Damn! Magpalit ka nga, hindi ka ba nahihiya sa ayos mo?" Ni hindi nga nahiya sa kanya ang babae, sa iba pa kaya?

"Bakit, pangit ba? Ayaw mo? Pinili ko pa naman ito para sayo crush. Sabi mo nga, dadalawa lang tayo sa bahay."

"What the hell are you talking about?" konti na lang at sasabog na siya.

"Aakitin sana kita,crush." Pagbibiro ni Roxanne.

Tumayo si Duncan at lumapit sa kanya. Few inches away from Roxanne. Parang hihimatayin na siya sa kaba. Seryosog-seryoso ito, patunay ang salubong na mga kilay.

"I'd like to clarify something here Roxanne. Nandito ka dahil kay Faye. Kung ganyan ka sa Manila then magtino ka rito. Ayaw ko ng ayos mo, ayaw ko ng naglalandi. Forgive the word but it implies what you're doing right now. At higit sa lahat, hindi.uubra yang pang-aakit mo na yan. Wala kang ka appeal appeal sa akin. You're not even my type. Even in my dreams." Hindi niya napigilan ang sarili sa sobrang inis.

Duncan saw sudden pain in her eyes. Gusto niyang pagsisihan ang mga nasabi pero kailangan. Faye told him na kailangang ganun ang gagawin niya kung gusto niyang tulungang tumino ang babae.

Ang sabi sa kanya ni Faye, parang kapatid na ang turing nit okay Roxanne, kaya nais nitong magbago ang dalaga. But she told him that Roxanne is such a bitch. Pero bakit gusto niyang magsisi sa mga nasabi ng makita ang sakit na rumehistro sa mga mata nito?

"Ouch!" Hinawakan pa ni Roxanne ang dibdib nito. Iniwas ang tingin sa kanya. " Sakit naman ng sinabi mo Bossing." It was just a joke, but deep inside, she was affected.

"Ano bang bibilhin mo sa tindahan, ako ng bibili." Tila lumambot ang mukha ng binata.

"Sanitary Napkin."

Niloloko yata siya nito?

"Kung ayaw mo bossing, ako na.lang. Magpapalit lang ako. Lam na dis, Bossing, girl thing kung baga."

"Ako na." Naiinis na umalis siya.

"With wings, Bossing ha!" pahabol pang sigaw nito.

Roxanne went back to her room. Dun tumulo yung mga luha niya. Kahit hindi totoo yung sinabi ni Duncan may talab pa rin sa kanya. It was really painful. Unang araw pa lang pero parang gusto niya ng sumuko.

Nag-ring ang phone niya, si Faye ulit. Sinabi nitong tumawag si.Duncan para pagreklamo. Tuwang-tuwa si Faye, at dahil dun ihahatid niya na si Pot-Pot kina Glenda bukas. Tila nabuhayan siya ng loob at nainspire na medyo bwisitin si Duncan. Hindi rin pwedeng sobra dahil baka itapon siya nito pabalik ng Manila.

Duncan gave her the sanitary napkin. Kumatok ito sa pinto ng kuwarto niya. Pinagsabihan siyang magpalit ng damit. Nang lumabas siya sa kwarto ay ganun pa rin ang suot ng dalaga, nagsuot nga lang ito ng napakaikling shorts.

"Thanks Bossing. Ang galing mong pumili ng napkin." humagikhik siya.

Unang sinipat ni Duncan ang suot ni Roxanne. Nakahinga siya ng maluwag ng makita niya na may suot na itong maiksing shorts. Pupuwede na kesa sa una.

"Kumain ka na Roxanne." Nagprito na lang ng buttered chicken si Duncan. Alam niyang pagod sa biyahe ang kaharap.

"Wow! buttered chicken. Sa totoo lang, gutom talaga ako Bossing. Hindi pa kasi ako nananghalian." That was true.

Naawa naman si Duncan. Mukha nga talagang gutom ang kaharap. Kumain ito na parang wala ng bukas. Saan kaya nilalagay ng babaeng ito ang kinakain? Ang lakas kumain pero ang payat naman. Naconscious si Roxanne. She realized na marami na pala siyang nakakain.

"No, go ahead Roxanne. Natutuwa lang ako sayo. Kumain ka lang."

Nilunok muna niya ang huling subo bago nagsalita. "Crush mo na rin ako Bossing?" Biro ni niya.

Nabulunan si Duncan. Agad namang iniabot ni Roxanne ang tubig sa binata.

"Biro lang." Bawi ng dalaga.

Seryoso lamang itong nakatingin sa kanya. "After this, mag-usap tayo ng matino."

Nakakatakot naman ito. Itong lagay na to, 'di pa ba matinong usapan?

Nang matapos mailigpit ang mga pinagkainan ay lumabas siya ng sala para sa 'matinong usapan' na sinasabi nito. Nakakakaba si Duncan lalo at seryosong-seryoso ang pagmumukha.

"Let's make things in order Roxanne. You're my personal secretary that's why I want.everything to be clear and proper." Umpisa nito sa kanya.

"Nosebleed bosing" Inilagay pa ni Roxanne ang daliri sa ilong niya.

Nakakaintindi naman siya ng Ingles, yun kaya ang itinuturo niya sa university. Kaya lang, Faye keep on reminding her na tatanga-tanga siya rito. Nakakatuwa rin kasi ang kaharap, npakaseryoso nito. Tuloy napansin niya yung tumutubong stubbles sa mukha ng binata, mas lalong naging lalaking-lalaki ang dating.

Napabuntung hininga si Duncan.

"Gustong kong malinaw ang lahat sa atin Rox.....

"Hep!" Putol ng dalaga. " I understanding English bosing. Dont repeat performance."

Ang kulit ng kaharap. Kailagan yatang masanay na siya.

"Mga ayaw ko Roxanne. Una, probinsiya ito, hindi Manila, yung pananamit mo baguhin mo. I want it to be decent, malinaw ba?'

Napakamot ng ulo si Roxanne, kailangan niyang umarte.

"Ano ba yung decent,boss? fashion ba yun?"

Patience Duncan Bumili ka ng marami nun, nasabi ng binata sa sarili.

"Decent, maayos, katanggap-tanggap,hindi bastusin." Paliwanag niya.

"Ah, decent pala yun. Bakit, bastos ba yung mga damit ko Boss? Hindi naman nakikita yung boobs ko at pe....

"Watch your language Roxanne!" putol nito sa anumang sasabihin ng dalaga.

"Chill lang. Okay." kahit kinakabahan ay nagawa pa ring magbiro ni Roxanne, nakakatawa na kasi ang itsura ng kaharap.

" Yung mga damit mo, katulad niyang suot mo, bagay yan kung saan ka galing. Sa club pwede yan, dito hindi. Ngayon kung ayaw mong sumunod,umuwi ka na."

This lady here makes him mad.

Ayun na naman, sumakit na naman ang dibdib niya sa sinabi ng binata. Nakakalungkot na binabase nito ang paghusga sa kanya batay sa suot niyang damit.

And again Duncan saw that sudden pain in her eyes. Ito yung bagay na nakakapagpalambot da kanya.

"Sorry, eto kasi nakasanayan ko bosing. Yaan mo, titignan ko yung mga dala-dala ko kung may Filipiniana." Napahagikhik siya.

"Roxanne!" Nagsimula na talagang uminit ang ulo niya.

"Yup, I clearly understand what you had said." Anak ng! nakakastraight English with correct accent siya. Nakakatakot kasi si Duncan. Di pwedeng matalino siya rito. Baka magwala si Faye.

"Another, hindi office works ang ipinunta mo rito. Madalas sa bukid o sa farm tayo magtatrabaho Ayaw ko ng maarte, ng puro reklamo, at ng puro salita. Madudumihan ka, mapapagod ka dahil kung saan ako pupunta nandun ka rin."

"Okies." Tanging nasabi ni Roxanne. Less talk, less mistake ika nga.

"Magpahinga ka na muna bukas. Sa susunod na araw, pupunta tayo sa Baranggay Silang, titignan ko kung pwede ng anihin ang mga kape. You will meet natives in that place. Ayaw ko ng taong nanlalait ng kapwa niya."

Dun na nag react si Roxanne. " Bossing, di ako ganun. Maarte lang ako at maganda pero kahit kailan hindi ako nanlait ng kapwa ko."

Duncan thinks that what he just uttered was below the belt. Agad naman siyang humingi ng paumanhin.

"Sorry."

Ngumiti si Roxanne. "Forgiveness."

"Forgiven. "Pagtatama ni Duncan. Nakakaaliw ang kaharap na nakakainis ang kaharap.

"Whatever Duncan!"

First time niyang narinig na binaggit nito ang pangalan niya, may halong pang-aasar pero tila ang sarap sa tenga.

Crazy!

"Yan na lang muna as of now, Roxanne. You don't need to wake up early tomorrow, sulitin moa ng pahinga mo dahil sa mga susunod na araw, maaga ka ng gigising. Kaya matulog ka na."

"Bossing,pwedeng magtanong?" Humirit pa siya.

Tingin lang ang ibinigay ng binata.

"Pwedeng magtanong?" ulit nito. Baka kasi hindi siya narinig.

"Okay."

"May anak ka na di 'ba? Bakit hindi siya dito nakatira? Asan yung asawa mo? Okay lang ba sa kanila na magkasama tayo, at....

"Roxanne,that's too personal. Oo may anak ako, at wala akong asawa. The rest, itulog mo na lang."

"Fine Duncan!" she rolled her eyes. Masyadong masikreto ang Bossing niya.

Napangiti si Duncan. Ganun pala kapag naiinis si Roxanne, tatawagin yung pangalan siya then rolls her eyes. Parang bata.

"Go to bed hardheaded secretary."

"Wanna join me, hunk boss?"

"Crazy!"

Continue Reading

You'll Also Like

80.2K 3K 100
[Highest Rank: #15 in Humor] How do you define HIPON? Tapon ulo, katawan only. Yung least sa pinaka pansinin sa school kasi nakakasura ang pagmumukh...
487K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
65.7K 1.5K 53
nainlove kana ba sa isang basketball player? o isa kadin sa medyo galit sa isang basketball player? si faye jimenez ay isa sa mga babae na medyo aya...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...