Halaga

By ItsJustAxela

28.2K 1K 49

Para sa mga nasasaktan. Para sa mga hindi na masaya sa taong mahal nila. Para sa mga nahihirapan. At para sa... More

Teaser
Chapter 1.1
Chapter 1.2
Chapter 2.1
Chapter 2.2
Chapter 3.1
Chapter 3.2
Chapter 3.3
Chapter 4.1
Chapter 4.2
Chapter 5.1
Chapter 5.2
Chapter 6.1
Chapter 6.2
Chapter 6.3
Chapter 6.4
Chapter 7.1
Chapter 7.2
Chapter 8.1
Chapter 8.2
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 10.1
Chapter 10.2
Chapter 10.3
Chapter 10.4
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 11.3
Chapter 12.1
Chapter 12.2
Chapter 12.3
Chapter 12.4
Chapter 14.1
Chapter 14.2
Chapter 14.3
Chapter 15.1
Chapter 15.2
Chapter 15.3
Chapter 15.4
Chapter 15.5
Chapter 16.1
Chapter 16.2
Chapter 16.3
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 17.3 (The End)

Chapter 13.1

449 13 0
By ItsJustAxela

Maine's POV

JANUARY NA. MAY PASOK NA ULIT. Hays. Parang ang bilis naman ng Christmas break pa. Wala talagang permanente sa mundong 'to. Parang love. Nu'ng una masaya ka pa sa piling ng iba tapos ngayon mag-isa ka na naman. Hahahaha. Chos.

Papalabas na 'ko ng room. Grabe. 6PM na pala. Ito lagi ang pinaka-late na out ko. Hindi ko nasabihan si Tisoy. Nakakahiya naman kung naghintay siya. Sana kakarating niya pa lang or on the way pa lang siya. Hindi ko kasi kabisado ang schedule niya.

"'Bye, girl," paalam ni Apple. Mukhang nagmamadali siya. "Bukas na lang ha? May date ako ngayon."

Natawa na lang ako. Lagi na lang kasing may date si Apple lately. Ang weird nga eh. Kung kelan malapit na ang graduation at lalayas na siya sa bansa ay 'tsaka naman siya nakipag-date.

"Go ahead," sagot ko. "Don't forget to prepare ha? May field tayo bukas."

"Sa'n daw ba tayo?" parang wala sa sariling tanong ni Apple.

Ngumuso ako. "'Di ka talaga nakikinig. Sinabi 'yon ni Sir Jonathan bago mag-Chirstmas break. Sa GMA tayo bukas. Then next week sa Tarlac tayo maa-assign."

"Hay ano ba 'yan. Mapapagod ako nang husto," maktol ng kaibigan ko. "Oh siya. Sige na. Una na 'ko ha?"

Lumabas na ng room si Apple. Inayos ko naman ang mga gamit ko at pagkatapos, lumabas na rin ako. Sinimulan ko nang maglakad papuntang gate 1. Du'n kasi naghihintay si Tisoy.

Hays. Sobrang alaga talaga 'yung ibinibigay ni Tisoy sa 'kin. Sa saglit pa lang na panliligaw niya, nahaplos niya na ka'gad 'yung puso ko. Iba na nga yata 'tong nararamdaman ko sa kanya.

Ewan.

Siguro, mahal ko na yata si Tisoy.

Ah ewan!

Ganito na kasi 'yung nararamdaman ko. Gusto ko lagi ko na siyang kasama. Gusto ko lagi ko siyang nakikita at nakakausap. Sa paggising ko, mukha ni Tisoy 'yung unang naiisip ko. Kapag natutulog ako, siya pa rin ang maaalala ko. Hanggang sa panaginip, si Tisoy na rin ang nakikita ko. Grabe nga eh! The last time I felt this was almost two years ago. Nu'ng na-in love ako kay Bren.

Pero mas matindi 'to eh. Para na 'kong naaadik kay Tisoy. There were times na kapag alam kong may date kami kinabukasan o kaya ay dadalaw siya sa bahay ay hindi na 'ko nakakatulog. Minsan kahit hatinggabi, tatayo ako para tumingin kung ano ba'ng magandang isuot.

May mga cases din na sumasakit na 'yung puso ko sa sobrang sayang nararamdaman ko. Ewan ko ba. Ang weird na talaga ng nangyayari sa 'kin.

Pero teka.

Ba't parang ang daming may hawak na balloons? Birthday ba ng isa sa mga dean? O baka 'yung may-ari ng university. Ang weird. Lahat yata ng students may nakataling lobo sa bag nila or sa braso nila. 'Yung iba, napapatingin pa sa 'kin.

Teka.

Dahil ba wala akong hawak na balloon? Ganern?

Patay-malisya akong tumuloy sa paglalakad sa pathwalk. Whatever. 'Di ko alam kung anong peg ng mga students ngayon pero 'di ko na sila papatulan.

Forever na sana akong walang pake kung hindi ko lang napansin 'yung mga kasunod na balloons na nakita ko.

Hey!

Bakit may mga picture ko 'yung ibang balloon?!

Nanlalaki na 'yung mga mata ko. Hindi ko alam kung ano 'yung mga nakikita ko. Binilisan ko na lang 'yung paglalakad ko. Nagulat na lang ako nang mapadaan ako sa school bulletin. May isang malaking tarpaulin na nakalagay doon at may nakalagay na, "I love you, Meng." With matching pictures pa!

Hey, what's going on?!

Kinakabahan na 'ko. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng gate 1. Parang may idea na 'ko kung ano'ng nangyayari perp s'yempre ayoko munang mag-assume.

At nang makalabas nga ako, nagulat na naman ako sa dami ng estudyanteng nagkakagulo. Oh no. Hindi naman siguro...

"Maine!" malakas na tawag sa 'kin ng classmate kong si Claire mula sa mga estudyanteng nagkakagulo. Mukhang nagliwanag 'yung mukha niya nang makita niya 'kong lumabas ng gate.

Nginitian ko siya nang alanganin. Pero mali yata 'yung naging pagtawag niya sa 'kin dahil pagkatapos no'n, unti-unting nabaing sa 'kin ang atensyon ng lahat. May mga nakangisi. May mga kinikilig. Halo-halo.

Hey, did I do something wrong?

I saw how the crowd slowly divided into two, followed by the sudden appearance of a man holding a bouquet of red roses and an accoustic guitar. He was walking slowly towards my direction. He walked with a smile. A big smile.

Butterlfies started to play inside my stomach. My heart was almost leaping out of my chest. I got goosebumps out of the blue.

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ako kinikilig? Bakit ako kinakabahan? Bakit para akong mahihimatay anytime?

Small red candles were placed and arranged at the edges of the pathwalk. On the top of bermuda grasses were fresh petals of rose. Many students were holding a heart-shaped balloon, as if it was Valentine's Day during that tiring night.

Parang palakas na rin nang palakas ang tibok ng puso ko. This was the vey first time hat my heart reached its maximum happiness. Para bang kahit sumakit ang puso ko ngayon ay masaya pa rin akong maisusugod sa ospital.

When he stopped infront of me, he gave me the bouquet, but I felt like it was his heart that he was giving me. And I accepetd that while staring at him, without blinking an eye.

Why? Why are you giving me sweet tortures everytime? I asked myself during that time.

He held his guitar with his two hands. Slowly, he started to play with the strings. His eyes were talking. He was the sweetest mistake anyone would love to have. He was the music I would love to hear for the rest of my life.

Oo. In love na nga ako kay Richard Featherson Jr. Hindi ko alam kung kelan pa nagsimula. Pero ngayon ko lang nasigurado. Ngayong binabaliw niya 'ko sa kakaibang pakiramdam na 'to.

Sana siya na talaga ang para sa 'kin. Ayoko nang masaktan pa ulit.

Mahal ako ni Tisoy kahit na alam niyang nasaktan na 'ko noon. Mahal niya 'ko kahit may sakit ako sa puso. Mahal niya 'ko. Kahit minsan ay hindi siya napagod na mag-effort para sa 'kin. Kahit kelan ay hindi niya isinumbat sa 'kin ang mga ginagawa niya. He gave me everything.

For all the times I felt cheated

I complained, you know how I love to complain...

That song... God Gave Me You... Kahit kailan ay hindi ko narinig na inalayan ako ng lalaki ng ganyang kanta. But this man, he was singing with all his heart. With all his sould. He was the best gift God sent me, and he was thinking the same.

God gave me you, to show me what's real

There's more to life, than just how I feel

And now that I'm worth, it's right before my eyes

Now that I live for, though I didn't know why

Now I do... Cause God gave me you

Tuluyan nang tumulo 'yung mga luhang nagpupumilit dumaloy mula sa mga mata ko. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang saya. At mas lalo akong naluha nang makita kong may namumuo na ring tubig sa sulok ng mga mata ni Tisoy.

Hindi na natapos ni Tisoy 'yung kanta. Nakita ko ang paglandas ng mga luha sa magkabila niyang pisngi. Luhang kahit kailan ay hindi ipinagkaloob sa 'kin ng lalaking una kong minahal.

Lumuhod si Tisoy sa harap ko. Ibinaba niya 'yung gitarang hawak niya. He then reached for my hands. He was looking at my teary eyes.

"You're the greatest gift God has ever sent for me. Maine, please... Please be my girl. Please let me love you. Let me cherrish you and let me do anything and everything for you."

Natakpan ko ang bibig ko gamit ang isang kamay. Hindi ko akalaing sa ganitong paraan ako tatanungin ni Tisoy. Parang sasabog na talaga ang puso ko. Oo medyo masakit na, pero kaya kong kontrolin 'yung nararamdaman ng puso ko physically, but not emotionally.

I couldn't believe how this man loves me with all his heart.

Ito na po ba talaga 'yon, Lord? What something so good did I do to have this kind of gift from You?

Hinila ko patayo si Tisoy. Ibinalik ko ang mga kamay ko sa kamay niya. "Ikaw 'yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko. I was fooled. I was hurt. But you came to unbreak my heart. Yes, Tisoy. Pumapayag na 'kong maging girlfriend mo."

"R-Really?" parang hindi makapaniwalang sabi ni Tisoy habang titig na titig sa mga mata ko na para bang kinakabahan siya kung biro lang ang mga sinabi ko.

I placed my palm on his face. "Yes, yes."

Naiyak si Tisoy. Napangiti siya at napabuga nang malakas bago niya 'ko nagmamadaling niyakap. "Thank you."

Napangiti na lang din ako habang umiiyak. Real men cry, at napaksuwerte ko dahil umiyak sa harap ko ang isang lalaking gaya ni Tisoy.

"I love you," he said out of the blue.

Wala sa sariling napahigpit ang yakap ko sa kanya. "I love you too."

Hindi nagtagal nang marinig naming nagpapalakpakan at naghihiyawan ang mga kapwa namin estudyanteng nanonood sa live na drama naming dalawa. But I don't care. I was too happy during that moment to think of anything.

Lord, salamat po para sa ibinigay Niyong regalo. Wala na po akong mahihiling pa sa buhay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

125K 6K 36
Highest Ranked Achieve #1 Humor, #1Text (c)MhaiVillaNueva (c)TextSerye (c)AllRightReserved2018 Date start: February 11, 2018
12.8K 305 25
republished. Written by Gazchela Aerienne Cover Credits to Ate KrungRi_Gizibe "Ang tanging dahilan kung bakit ako kumakapit sa ideya na galit ako at...
13.4K 415 65
Teaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito a...
111K 2.6K 38
When games aren't playful anymore, how will they play?