a/n: dedicated to kay ate @ImmaForlornPythoness .. hahahaha. habagn tinatype ko kasi to .. sya yung kakulitan ko eh.. pati nadin sila @bling_girl at @JaeZy_JS ..
*kaway* *kaway* mga kafatid :)
---------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 32
(Nicka's POV
weeks past ..
tapos na Christmas dto sa U.S pero ngayon lang kami magcecelebrate ng christmas eve .. haha para daw sabay sa pilipinas sabi nila lola. miss na daw kasi nila dun eh.
ayaw naman nila bumalik dun .. haaay gulo kausap.
"Hi babe" -he kiss me on my cheeks.
sino sya ??
He's TYLER ..
oo si tyler nga .. we're almost 3 weeks in a relationship. wala naman napilitan eh. sadyang i like him. sya kasi yung nasa tabi ko lagi nung mga time na down na down na ko at nasasaktan.
hahaha. alam ko na kinain ko yung salita ko na hinding-hindi nya ko magiging Girlfriend.
malay ko ba naman na magugustuhan ko din sya dba ?
hindi naman ganun kabilis eh. oo gusto ko sya .. pero kahit papano nasa puso ko parin si jaycee. Cheater ba ang tingin nyo sakin ?? haaaay. okay lang .. alam ko rin naman sa sarili ko na parang ginagamit ko lang si tyler ... pero totoo naman yung sinabi ko eh ..
I REALLY LIKE TYLER ..
and
I MEAN IT !!
"eat dinner here okay ??" -ako
"opo .. di ka naman tumatanggap ng sagot na hindi eh." -tyler
hahaha. oo nagtatagalog na sya .. tinuruan ko sya eh. kaso andun parin yung funny accent nya kapag nagtatagalog.
"haha. buti alam mo !!" -ako
"by the way ?? asan sila lolo michael ?" -tyler
"sa kitchen .. nagluluto silang apat eh. haha" -ako
"hay nako .. halika na tyler at kumain na kayo." -lola kana
"haha. opo lola." -tyler
kasama namin ngayon si tyler na magcecelebrate .. yung parents daw kasi nya wala naman dito .. kaya ayun .. kami muna kasama nya.
(Daryl's POV)
Christmas eve ? hmmm .. ayos naman eh. yun nga lang di tulad ng dati na kasama ko din mga kaibigan ko .. ngayon kasi parents ko lang eh. I'm happy but it feels like ?? something's missing. di ko alam kung anu at hindi ko alam kung bakit ganun yung nararamdaman ko.
"daryl .. bernice and her parents were coming over" -mommy
"for what ?" -ako
"dito din sila mag-cecelebrate .. kasama natin" -mommy
"haha. alam kong gusto mo si bernice, anak" -sabay tapik ni daddy sa balikat ko.
"oo nga po eh .. kaso ka-date nya si jaycee eh .." -ako
"tss. alam namin na hindi sila para sa isa't isa. haha. kahit ang daddy nya yun ang sinabi .." -mommy
"eh ? panu nyo po nasabi ??" -ako
"hiling lang ni bernice yun. haha" -mommy
"yun na nga po eh .. gusto sya ni bernice." -ako
"hindi ganun yun. haha." daddy
"di ko po gets. -____-" -ako
*ding dong*
*ding dong*
*ding dong*
"haha .. wag mo ng pansinin yung sinabi ko." -daddy
pinuntahan nila kung sino man yung nag-doorbel .. pero ako naiwan na nakatayo dto malapit sa may mini-bar sa bahay.
baka sila bernice na nga yun.
ay teka ? nasabi ko na ba sainyo na gusto ko si bernice ?? hmm. hindi pa siguro. pero ayun nga, totoo naman na gusto ko sya at hindi ko ipagkakaila yun. since when ? yun ang hindi ko alam kasi sabi nga nila .. dumaan pa ako sa indenial stage .. (haha. ang gay)
okay parin naman ang lahat eh .. haha .. si mark at kristian ?? still together. si rose at angel ?? ayun nagdecide na mag-long distance relationship with jam at rick. si coline naman ?? ayaw na kay luke kaya ayun .. si luke laging nagmumukmok !!
ay teka ??!!!
si jaycee .. girlfriend si mae !!! eh dba ka-date nya si bernice ??!!
hala .. ang gulo !!
timer na talaga si jaycee.
nakakainis !!!!!
"mommy dun lang kami ni daryl sa garden nila tita ah ?" -nabalik nalang ako sa katinuan nung hinala ako ni bernice papuntang garden namin.
nakahawak pa sya sa braso ko ah ??
malupit lang manghatak to eh -__-
at nandito na kami sa garden ni mommy -_-
"may sasabihin ako .." -sabay ng pagluwag ng hawak nya sa braso ko.
"hmm ?" -di ko sya magawang tignan .. ang lungkot ng boses nya eh.
"hahaha. di na kami nagdi-date ni JayceeBabes !! haha" -ang bitter pa ng tawa .. -___-
"tss. bat ka bitter ?" -ako
"shunga !! di ako bitter !!" -napahampas pa sakin ah ??
sadista talaga neto >___< kainis !!
"di daw .. tss. dun ka na nga !!" -ako
"di nga ko bitter. ang awkward lang nung dahilan." -bernice
"tss. ewan ko sayo. dun ka na nga." -ako
"bat ayaw mo ko pakinggan ??" -bernice
"wala lang." -ako
"bestfriend ba talaga kita ?!" -bernice
"hindi !!" -ako
"ang sama mo !!" -bernice
"oo na. sge anu bang dahilan ?" -ako
"wala. nevermind" -bernice
"anu nga kasi ?? nagtampo pa oh .. tss" -ako
"kasi po ....................." -bernice
"kasi ????" -ako
"kasi ........." -bernice
ang hilig mambitin neto -____- ssabay yumuko pa ?? anu ba kasi yun ? lalo ko nacucurious eh -__-
"anu ??" -ako
"i miss your prsence .. *sabay lalong yumuko* ang awkward dba ?" -mas mahinang sabi nya
"luh baliw ?!" -ako
"tss. ayaw edi wag !! bwisit !!" -bernice
lumakad na sya palayo .. pero bago pa sya tuluyang makalayo hinigit ko sya palapit sakin para yakapin.
"stay here !" -utos ko.
di sya sumagot at ginawa nga yung sinabi ko.
"i truely like you bernice .. siguro nga hindi pa malinaw pero alam ko na gusto kita." -sabi ko.
wala parin syang imik ..
"tayo na ba ???" -ako
hahaha. lumayo sya sakin .. sabi ko na nga magrereact to eh.
"kapal mo ah ?? di pa nanliligaw tapos tayo agad ? ang galing mo naman .." -sarcastic na sabi nya
hahahaha. ang kulit lang talaga nya.
"odi let me court you." -ako
"oo na po ^_^" -bernice
at yun na nga ang sagot nya. haaay siguro tama na tong gabing to bilang cristmas gift :)
(Jaycee's POV)
tss. wala kaya ako sa mood magPOV -__-
(a/n: ang damot naman ? minsan lang eh.)
oo na sge na .. pero kung tatanungin nyo ko kung kamusta ako ??? isa lang ang sagot.
HINDI-AKO-OKAY !! -___-
"hoy !! anung muka nanaman yan tol ?!" -jam
"muka ng gwapong katulad ko na gustong magwala, manuntok at magmura !!" -sagot ko na may halong galit.
"haaay .. hiwalayan mo na kasi eh." -rick
"alam nyong hindi pwede dba ?" -ako
"tss.. alam mo ?? wla namn talagang hindi pwede sa taong nagmamahal eh" -jam
ay teka .. andito kami pala sa bar. yung dati parin umiinom .. at oo kami nila jam ang magkakasama at ito ang way namin para icelebrate ang malungkot na pasko namin.
kami na nga ni mae. 2 weeks na rin. balita ko nga si nicka may 3 weeks boyfriend na eh .. yun na nga ata ang pinakamatagal nya so far eh. haaay. seryoso na kaya sya this time ??
"oy tol ? panu mo nga ba kasi naging girlfriend yun ?" -rick
"tss. sabi nya kasi sya yung batang nameet ko nung 5 years old ako.naniwala na ko kasi alam nya yung pangalan ng yaya ko dati." -ako
"tss. baliw ka !! baka nagkataon lang." -jam
"ganito kasi yun ....." -ako
*flashback*
2weeks ago .. sa school, 3rd floor hallway
"uhm ? jaycee ? pwede ba tayo magusap ?" -mae
"ah ? osge." -ako
"pwedeng private ?" -mae
"sge san ba ?" -ako
"coffee shop ?" -mae
pumayag na ko kasi wala rin naman akong gagawin eh.
lumabas na kami ng campus tutal uwian na rin naman eh. half day lang naman kasi eh
>> sa Coffee Shop <<
"tungkol ba saan ?" -ako
"uhm ? k-kasi ano .. a-ako yung batang babae na nameet mo 10 years ago .. ikaw yung lalaking sinabi ko nuon na magiging boyfriend ko. i-ikaw yun." -mae
"p-panong ikaw ? p-panu mo nalaman na a-ko yun ?" -ako
"pinahanap ka ni daddy. nagkataon na alam ni yaya yung pangalan ng yaya mo kaya napadali." -mae
"a-ah ? sge." -ako
"tayo na ah ?" -mae
niyakap nya ko kaagad kaya naman niyakap ko na rin sya. wala akong naramdaman na kahit ano. talagang si nicka parin pala kahit bumalik at makilala ko ulit yung sinasabi ko nuon na babaeng seseryosohin ko.
*end of flashback*
"yun na yun." -ako
"tss. yun lang ? wala man lang patibay na nagkakilala nga kayo nuon ??" jam
"baka niloloko ka lang nyan dre ?" -rick
"kahit loko pa o hindi .. wala narin naman nicka na babalik para mahalin ko eh." ako
"ang OA mo na tol !! panu mo naman nasabi na hindi na sya babalik ??" -jam
"tss. nabalitaan nyo rin naman sigurado na may boyfriend na sya dun dba ?" -ako
"so kapag ganun di na babalik ?" -rick
"haaay ewan ko .. mahirap eh." -ako
"talaga. maging girlfriend mo ba naman ang taong sobrang kulit at hindi mio mahal eh." jam
"mawawala rin naman yung nararamdaman ko kay nicka eh. sigurado" -ako
"odi panindigan mo na !!" -rick
"sira !! mahal nga nya si nicka eh -__-" jam
"di naman sigurado kung babalik" -rick
"bahala na nga lang." -ako
"okay .. " -rick at jam
tumahimik na kami at uminom nlng .. haaaay.
pero may naalala ako.
iba yung sinabi ni mae sa natatandaan ko.
ang sabi kasi ni mae. sya lang at ang yaya nya ang nandun nung mga panahon na nagkita kami.
ang naaalala ko naman ??
tatlo yung nakita ko nun..
yung batang babae
yung kuya nya
at yung tita nya.
na ang pagkakaalam ko nabanggit ni yaya dati na mycka ang pangalan nung tita nung bata.
haaaay ewan ko !! >___<
bat kasi di ko natanung yung pangalan nya nuon eh -_____-
- - -
Daryl and Bernice sa side