BHO CAMP #5: Syntax Error

By MsButterfly

3.6M 89.8K 9.1K

Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 ~ Distance ~
CHAPTER 2 ~ Grow Up ~
CHAPTER 3 ~ Nothing ~
CHAPTER 4 ~ Breaking ~
CHAPTER 6 ~ Flaw ~
CHAPTER 7 ~ Lips ~
CHAPTER 8 ~ Heart ~
CHAPTER 9 ~ Possibility ~
CHAPTER 10 ~ More ~
CHAPTER 11 ~ Result ~
CHAPTER 12 ~ Calculation~
CHAPTER 13 ~ Out of control ~
CHAPTER 14 ~ Dour ~
CHAPTER 15 ~ Yes ~
CHAPTER 16 ~ Positive ~
CHAPTER 17 ~ Try ~
CHAPTER 18 ~ Dispatch ~
CHAPTER 19 ~ Restrain ~
CHAPTER 20 ~ Want ~
CHAPTER 21 ~ Always ~
CHAPTER 22 ~ Call ~
CHAPTER 23 ~ Deception ~
CHAPTER 24 ~ Pretense ~
CHAPTER 25 ~ Letter ~
CHAPTER 26 ~ Confab ~
CHAPTER 27 ~ Rose ~
CHAPTER 28 ~ Box ~
CHAPTER 29 ~ Fluff ~
CHAPTER 30 ~ Martins ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Special Chapter
Up Next

CHAPTER 5 ~ Battle ~

89.6K 2.7K 306
By MsButterfly

CHAPTER 5

SNOW'S POV

Pakiramdam ko tumigil ang oras sa lugar na iyon. Para akong nakulong sa panahon na iyon kung saan paulit-ulit kong naririnig ang boses niya at ang naging sagot ko. Hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko kung tama ba ang naging desisyon ko

I want to be angry and blame him for making me decide for him but I can't. Lahat ng sabihin ko sinusunod niya. Lahat ng gustuhin ko ibinibigay niya. But Phoenix always do what's best for me. Kapag alam niya na ikapapahamak ko ang gusto kong gawin inaako niya ang bagay na iyon at siya ang kumikilos kahit na mapahamak pa siya. And now for once, he asked me something that he wants. Something that I cannot give him.

"Kahit na maliit na parte lang sa puso mo, Snow. Just tell me. Do you love me?"

"No."

"Snow?"

Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Mira. Pilit ang ngiti na humarap ako sa kaniya. "Bakit?"

"Kanina ka pa tulala. Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Okay lang ako. 'Wag ka ng masyadong mag-alala. Ikaw nga dapat ang kinakabahan ngayon eh. Ilang minuto na lang papasok na tayo sa loob."

Nagkalat ang mga agent sa paligid. Inaayos na ang pila nila habang ako naman ay ang huling papasok bago si Mira. Hindi katulad nang mga nakaraang kasal sa BHO CAMP ay tahimik ang mga agent na para bang kalkulado ang ginagawa nila.

"Snow?"

"Yes?"

Sa pagkagulat ko ay hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Wala siyang sinabi na kahit na ano. Nanatiling hawak niya lang ang kamay ko habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko mapangalan ang ekspresyon sa mga mata niya pero pakiramdam ko may kung anong pumipiga sa puso ko.

"Mira..."

"Someday, you will smile your beautiful and bright smile again. Someday you won't be in pain anymore."

"Ano bang sinasabi mo?" pilit ang tawa na tanong ko sa kaniya. "Ganiyan ba ang mga malapit ng ikasal?"

Napatingin ako sa kaliwa ko nang marinig kong may tumatawag sa akin. Hinila ko ang kamay ko na hawak pa rin ni Mira pero hindi niya kaagad iyong pinakawalan. "Mira, kailangan ko ng pumasok sa loob."

Bumuka ang bibig niya at tila may sinabi pero dahil sa malakas na tugtog na ngayon ay nagmumula sa loob ng simbahan ay natabunan no'n ang boses niya. "Hindi ko narinig. What is it again-"

"Snow!"

Sandaling nakatingin lang ako sa babae pero nang manatili siyang walang kibo ay napilitan akong bitawan siya at tumakbo na papunta sa kinaroroonan ni Athena na siyang tumawag sa akin. Bago pumasok ay muli kong nilingon si MIra pero nakayuko na lang siya na parang may malalim na iniisip.

Huminga ako ng malalim nang makita ko si Athena naglakad na palapit kay Stone at pagkatapos ay sabay silang naglakad papasok.

Pakiramdam ko tumatambol ang tibok ng puso ko ng senyasan ako ng wedding coordinator na sumunod na sa kanila. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Gusto kong pumasok pero buong pagkatao ko ay pakiramdam ko pinipigilan ako.

"Miss, kailangan niyo na pong pumasok!" natatarantang sabi ng coordinator at inabot sa akin ang bouquet ko.

Walk, Snow. You can do it. Everything will be alright.

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang bouquet at halos mapiga ko iyon nang magsimula na akong maglakad papasok. Kakayanin ko. Alam kong kaya ko. Alam ko na magagawa ko.

Pero hindi pala ganong kadali. Dahil nang bumungad sa akin si Phoenix na nasa dulo ng altar pakiramdam ko pahigpit ng pahigpit ang pagkakasakal sa akin ng tila lasong unti-unti akong dinudurog. Nagtama ang mga mata namin pero hindi ang matalik na kaibigan ko ang nakikita ko kundi isang tao na alam ko na kinakailangan ko ng pakawalan.

I want to look at him and smile. I want to look at him and be his friend. To be happy for him. But I can't stop feeling this way. Na para bang sa bawat hakbang ko, unti-unti akong pinapatay.

"Anong pangalan mo?"

"Phoenix."

"Ako naman si Snow. 'Wag kang maingay ha? 'Wag mo akong isusumbong. Gusto ko lang naman umakyat sa punong 'yon eh. Kukuha lang ako ng mangga tas bababa na ako, promise."

"Sandali!" pigil niya sa akin.

"Bakit?"

"Ako na lang ang kukuha."

"Eh? Bakit? Kahit naman babae ako kaya ko rin umakyat diyan ah! Anak kaya ako ng agent kaya magaling din ako." nakasimangot na sabi ko. "Para ka naman palang mga kapatid ko eh. Kaya ko naman mag-isa!"

"Kapag nahulog ka mababali ang buto mo. Masakit 'yon. Kaya ako na lang ang kukuha para sa'yo."

"Paano kung ikaw naman ang masaktan?"

"Kapag ba kumuha ako ng mangga ngingiti ka na ulit?"

"Oo!"

"Eh di okay lang."

Pinanood ko siya ng mabilis na inakyat niya ang puno. Halata sa kaniya na nahihirapan siya pero pilit niyang kinuha ang mga mangga na sunod-sunod kong itinuro sa kaniya. Nang bababa na siya sa pagkagulat ko ay dumulas ang mga paa niya hanggang sa tuluyan siyang mahulog.

Malungkot akong ngumiti. Isang ngiti na alam ko na hindi na niya mapapansin. Dahil ang mga mata niya ay hindi na sa akin nakatingin.

You made the right decision, Snow. Even if it hurts.

Alam ko na dahil sa desisyon ko ay nasaktan ko siya. Pero umaasa ako na mawawala din iyon, na mabilis mawawala ang sakit. Dahil hindi siya sasaktan ni Mira. Hindi niya kailangan mahirapan kapag kasama niya si Mira.

Ako naman ngayon ang aakyat sa isang puno para sa kaniya. Para sa pagkakataon na ito hindi na siya masasaktan ng lubusan. Kahit maramdaman niya ang kirot ng desisyon na ginawa ko, hindi siya ang mahuhulog at tuluyang masasaktan.

I won't make him hurt her. Even though he didn't tell me himself, I know that he loves her. Maybe not like what he feels for me...but he loves her still.

Selfish. I was selfish. I won't do that now. I shouldn't. Because he should be happy and she deserves to be happy too.

Sa bawat paghakbang ko ay kasabay ang pagkahulog ng piraso ng puso ko. Habang sa isip ko ay isa-isang lumalabas ang mga bagay na hindi ko maamin sa sarili ko noon.

Ako si Snow Night, isang agent ng BHO CAMP organization. Pero matatawag nga ba ako na agent? Kung ang ginagawa ko lang naman ay painitin ang ulo ng kapatid ko kapag pumapalpak ako, ubusin ang pasensya ng boss at pinsan ko na si Dawniella, at higit sa lahat ang maghapon kong pamimitas ng mangga kasama ang best friend ko na si Phoenix Martins?

Pero kahit ano pang sabihin ng iba, kuntento na ako sa buhay ko noon. Bakit pa kailangang magtrabaho kung nandiyan naman ang pamilya at best friend ko para sa akin? Alam kong hindi ako iiwan ng pamilya ko. Alam ko na hindi ako iiwan ng best friend ko.

Pero nagising na ako sa katotohanan. Teka....hindi lang pala ako ginising. Sinampal pa ako ng katotohanan.

Kasi ngayon, nandito ako at nakatingin sa kaniya. Nakangiti siya at nagniningning ang mga mata niya, halata ang kasiyahan na nakabakas sa mukha niya. Na para bang hindi na siya makapaghintay.

Sunod-sunod ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko sasabog iyon sa paraan ng pagkakatingin niya. Iisa lang ang nararamdaman ko.

Kasiyahan?

Hindi. Hindi sa kasiyahan. Dahil kung kailan nagising na ako, kung kailan alam ko na ang totoong nararamdaman ko at saka naman naging huli na ang lahat. Dahil hindi ko na maaaring bawiin ang natapos na. Hindi na tama.

Dahil ngayon nandito ako at nakatingin na lang sa kaniya. Nakangiti siya, ngiti na para sa akin lang noon. Pinakaespesyal na ngiti na sa akin lang niya binibigay noon pero ngayon ay nakalaan na para sa iba. Nagniningning ang mga mata niya sa kasiyahan...at hindi na siya makapaghintay na pakasalan ang babaeng mahal niya.

Isang taong hindi magiging ako.

Dahil huli na. Dahil ako at siya ay mananatili na lang na syntax error.

Animo hinila ako pabalik sa kasalukuyan ng maramdaman ko na may humila sa akin. Ang kapatid ko na si Freezale. Narating ko na pala ang dulo ng altar. Iginaya niya ako hanggang sa makaupo kami sa unang row ng mga upuan.

"I hope you won't regret this Snow."

"Freezale, magaling ka sa math di ba?" Nilingon niya ako na para bang nababaliw na ako pero nagpatuloy ako. "Kahit na anong gawin mo, kung hindi mo alam ang tamang equation, syntax error pa rin ang kalalabasan." Tumingin ako sa altar kung saan naroon si Phoenix at si Mira. Malungkot na ngumiti ako. "I know the right equation now. Hindi lang tama iyong akin pero noong sinubukan ko ang sa iba, alam ko na tama ang kalalabasan."

"Maybe you miscalculated your own equation."

"No-"

"Maybe 2+0 is indeed equals to 2. While your equation is 1+1 but you mistakenly put a negative beside the positive. That's why your answer is syntax error."



NAPASINGHAP ako ng bigla na lang may kumuha sa kopita ng alak na hawak ko. Nakasimangot na nilingon ko ang taong iyon at lalong nalukot ang mukha ko nang mapagtanto ko na si Kuya Waine iyon.

"Kumuha ka ng sa'yo Kuya. Akin 'yan eh." sabi ko sa kaniya at ipinanturo ko pa sa kaniya ang bouquet ni Mira na ngayon ay nasa akin na. Ako kasi ang nakasalo no'n kanina. Fate have a wicked humor apparently.

Nang akmang kukunin ko ulit sa kaniya ang alak ay tinungga niya ang laman no'n at tinaasan ako ng kilay. "You were saying?"

"Ang sama mo talaga."

"Dear, you're hammered. Wala akong problema sa mga taong gusto na magpakalasing but you can't do that right now."

"Gagawin ko kung anong gusto ko." bulong ko.

"I thought you instantly grew up ang made a choice that you thought was right? Looks like you're still the same Snow."

"Alam kong tama ako."

Pinakatitigan niya ako na para bang nababasa niya ang laman ng puso at utak ko, "Sigurado ka?"

Inikot ko ang paningin ko sa paligid namin. Tuloy-tuloy ang programa ng reception nina Phoenix at Mira. Mukhang wala namang nakapansin na nandito ako sa isang sulok. Halos lahat ng mga bisita ay tutok ang atenyon sa mini stage kung saan nandoon ang mag-asawa. Mag-asawa. Right. That's what they are now.

"I guess not."

Masama ang tingin na ipinukol ko sa kausap, "Ano bang problema mo? I know I made the right decision. He's happy. She's happy. Mali pa rin ba ako? Growing up means doing the right thing. It means stopping yourself from making a selfish decision. Iyon naman ang ginawa ko di ba? Mali pa rin ba? Kulang pa ba?"

Umuklo siya hanggang sa ilang dangkal na lang ang lapit ng mukha niya sa akin. "Wrong. Growing up doesn't mean that you should sacrifice your own happiness. Ang mga taong nag-iisip ng ganiyan ay pinaniniwala lang ang sarili nila na tama ang ginawa nilang desisyon. So they could feel better. Growing up means being happy, fighting for that happiness, and accepting the guilt that by having that blissful feeling you manage to hurt another person."

I chuckled bitterly. "Are you saying that I should trample a poor girl's heart so I can be happy?"

"No. I'm telling you that you shouldn't trample your own feelings. This world is a battle, Snow. Lahat tayo dapat ipaglaban ang kung anong makakapagpasaya sa atin. Lahat tayo masasaktan at lahat tayo makakasakit. Akala mo ba eto lang ang paraan? You think because you get all you want all your life that it's wrong to be happy now? That it's right to be lonely because this should be the right thing? It doesn't work that way. By growing up, Snow, it means you're willing to crawl and dug the earth just to fight for yourself. Not by letting the people around you hand it to you. Not by putting a white hat by sacrificing. It's by taking all the guilt and consequences because you know you're strong enough to handle it. Hindi ibig sabihin na lumalaban ka, selfish ka na. Hindi ibig sabihin na may masasaktan ka makasarili ka na. Dahil lahat tayo dapat lumaban para sa sarili natin. But you fought for her battle and not yours."

Nang hindi ako nakasagot ay malungkot siyang ngumiti. "You don't get it do you? It's so simple. It just means you need to be strong enough to fight your own battles."

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang pagkawala ng luha mula sa mga mata ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa mga kamay ko pero hinawakan lang niya ang mukha ko at pilit na iniharap sa kaniya.

"Running and fighting is different." he whispered.

Tumayo ako at akmang maglalakad na paalis pero napatingin ako sa kinaroroonan nila Phoenix kung saan kasalukuyan na silang naghihiwa ng cake at ngayon ay sinusubo sa isa't-isa ang piraso ng mga iyon.

"All I can do now is run."

"Snow-"

Bago pa siya makapagsalita ay hinila ko siya at ilang sandali lang ay magkalapat na ang aming mga labi. "Take me away."

Continue Reading

You'll Also Like

717 59 17
They were childhood best friends. Their parents hope they could end up together. Except they don't even like each other.
189K 3.5K 39
He hurt her without even knowing it he just know that she just left without giving any reasons. She saw something that makes her leave him without k...
2.8M 73.4K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
2.3M 48K 44
| COMPLETED | 22 August 2016 - 5 October 2016 | Stonehearts Series #2 | Due to her bitter past and her dad's unfortunate marriage, Amorr Amethyst Bue...