Once His (Published)

由 mykoryana

538K 9.2K 250

When we love we became stupid. When we love we give everything that we have. When we love we became another... 更多

Once His
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Epilogue
To be Published
Special Chapter

Kabanata 12

11.4K 239 5
由 mykoryana

Mahal...

"Miss, hiring pa din po ba 'yang janitress niyo?" tanong ko sa nurse na nakita kong naglalakad sa hallway ng hospital. "Opo. Punta na lang kayo doon." Aniya at itinuro ang daan patungo sa kung saan.

Natanggap ako sa hospital bilang janitress at nagsimula din ng araw na iyon. "Hello. Ako si Yana." pakilala sa akin ng isang babae na janitress din. Nagpakilala din ako sakanya.

Maganda ang si Yana kahit na bakas sa mukha niya ang hirap. "Bakit ka nag janitress? maganda ka ah. Pwede kang matanggap na sales lady." wika ko.

"Wala pa akong pang requirements eh. Mag iipon muna ako dito bago ako mag apply sa iba." aniya at ngumiti kaya gumanti din ako ng ngiti.

"Sige, Yana.. Lilipat na ako sa next floor para matapos agad." wika ko sakanya, tumango naman siya at nagpatuloy na sa paglilinis.

Pagkatapos kong linisin ang banyo ay nagpahinga muna ako sa room ng janitress, nasa ganoon akong sitwasyon ng tumunog sa phone ko.

Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Jun kaya agad kong sinagot iyon. "Hello, mahal. Kamusta ang baby ko?" bungad ko kay Jorgina. "Mahal, bili mo din akong pe-sung..." napatawa ako sa narinig kong tawag niya sa cellphone. "Mahal, cellphone." pagtatama ko sakanya. "Oo nga mahal. Pesung.. Bili mo ako ah. Si Jun katsi ayaw akong pahiramin." aniya napailing ako habang naka plaster ang ngiti sa mukha ko. "Sige mahal. bibili kita kahit sampu pa." wika ko, sinasakyan ang gusto niyang mangyari. Narinig ko naman ang paghiyaw niya at pang aasar kay Jun.

Napabaling ang mata ko sa wall clock mahigit kinse minuto na pala akong nagpapahinga. Nagpaalam na ako kay Jun dahil ayokong may makakita sa akin na nagpapahinga baka kung anong isipin. Kakaumpisa ko pa lang naman sa trabaho.

Muli kong ginawa ang rounds ko sa floor at pagkatapos ay umakyat ako ng isa pang floor at doon naman nag linis.
Ininda ko ang pagod at pawis ko sa katawan. Kailangan kong magtrabaho para kay Jorgina.

Ayaw ko sana dito kaso nahihirapan akong mag apply sa iba dahil puro call center at pang gabi ang available. Kailangan ko ng sapat na oras para kay Jorgina ayokong magkulang ako sa pag aalaga sakanya.

Nang matapos ang trabaho ko ay nagpalit na ako ng damit at nagpa alam na sa tumanggap sa akin na uuwi na ako. "Vannah!" napahinto ako sa paglabas ko sana sa exit ng hospital ng marinig ko ang pangalan ko, agad ko iyong nilingon at nakita ko si Yana na humahangos ng takbo.

"Yana, bakit?" ngumiti siya sa akin at hinatak ako palabas. "Sabay na tayo. Kaib muna tayo bago tayo umuwi." anyaya niya na agad kong tinanggihan. "Sorry Yana kailangan ko na kasing umuwi." wika ko.

"Bakit ang aga? hindi ka naman papagalitan siguro sainyo kung kakain ka lang saglit." Aniya nginitian ko siya. "Wala namang magagalit. Kaso inaantay ako ng anak ko." napanga-nga siya ng sabihin ko ang dahilan ko napakunot naman ang noo ko ng tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "M-may anak ka na? 'yang katawan na yan may anak na?" natawa ako sa itsura niya. Para kasing ang nakasulat sa mukha niya ay imposible.

"Oo. Babae naman ako ah. May matres kaya magkaka anak." wika ko pa. "Sige mauna na ako." paalam ko ng hindi pa din siya gumagalaw.

"Ah.. sige. Ingat." narinig kong bulong niya.

Pagdating ko sa bahay ay pasado alas nuebe na, naabutan ko si Jun na naka upo sa kahoy na upuan at naka higa sa si Jorgin sa lap niya. "Nakatulog na. Kunin mo na at papasok na ako." aniya agad ko naman nilapag ang bag ko at binuhat si Jorgina. "Kumain na kayo bakla?" tanong ko ng mabuhat ko si Jorgina. "Oo. nangutang ako kay manang sa kanto ng ginataang kalabasa ayun kasi ang itinuro ng anak mo. Kamusta? nakahanap ka?" tanong niya tumango ako. "Oo. Sige pasok ka na. Salamat Jun ah." wika ko pero tinarayan niya lang ako. "Walang anuman. Lock mo ang pinto gaga ka ah. Baka pasukin kayo. Andiyan mga gamit ko." Napatawa ako sa sinabi niya pero nag okay din ako.

"Mahal.." wika ni Jorgina pagkalabag ko sa foam. Half asleep. "Bakit mahal?"

"Mahal.. Mahal kita." aniya. nananaginip siguro.

继续阅读

You'll Also Like

4.5K 354 26
AMOR SERIES # 3 Amor Sincero Doubts. Judgments. And love. Can Jimena accept without inhibitions a love gifted to her sincerely?
4.9K 118 35
An aspiring accountant, aspiring doctor, and soon-to-be heiress. This is a light college story of misadventures and mishaps in reaching their dreams.
Still Mine 由 .

一般小说

115K 3K 58
The second installment of You Are Mine.
3K 234 65
Queen Of Standards Series 1: STARS ARE BLIND by Robin_Blue (The Complete Version) Katulad ng ibang babae,pressured si Jackie makapag-asawa at mag-pro...