You and Me against Reality (K...

By itsmeeNayumi

114K 1.6K 345

You and Me against Reality...Dalawang puso na kahit anong tago ng nararamdaman mo ay hindi mo pa rin ito maik... More

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)
Chapter 1 Ang unang pagkikita nila
Chapter 2 Ang pangalawang Pagkikita (disaster)
Chapter 3 Charming Attack
Chapter 4 Be my Secretary
Chapter 6 No Choice
Chapter 7 Jealousy attack
Chapter 8 Pretending
Chapter 9 Coincidence?
Chapter 10 Date?
Chapter 11 Jogging Together
Chapter 12 Beginning of LOVE
Chapter 13 Movie Date with LOVE
Chapter 14 True Feelings
Chapter 15 Official GF and BF
Chapter 16 Sweet Gesture
Chapter 17 Problem
Chapter 18 Forgive My Love
Chapter 19 THE PAST
Chapter 20 Saying Sorry
Chapter 21 Getting To know Parents Part 1
Chapter 21 Getting To know Parents Part 2
Chapter 22 The Reality
Chapter 23 Locks of LOVE
Chapter 24 Getting Back Together
Chapter 25 Prank Boyfriend
The Final Chapter 26

Chapter 5 First Day as Secretary

4.6K 66 17
By itsmeeNayumi

PLEASE VOTE and COMMENT po after nyong basahin...sana magustuhan po ninyo itong chapter 5...Pero tiyak matatawa kayo..dahil sa pinaggagawa ko sa kanila....

happy reading :)

****************

Lucille's POV

First day ko sa trabaho, kinakabahan ako na excited na hindi ko maipaliwanag. Sana talaga maging maganda ang araw na ito para sa akin.

Paglabas ko ng apartment ko ay dumaan muna ako sa bahay nina aling lorna para magpaalam. Nakasanayan ko na rin ang magpunta doon para magpaalam, para bang si aling lorna ang naging nanay ko dito sa maynila. Paano ba namn kasi subrang bait nya sa akin.

*knock knock*

Si jonard ang nagbukas ng pinto

"Oh girl ang aga mo ata, diba 9 pa ang pasok mo?" Sabi nya habang gulo gulo pa ang buhok nito na kababangon lang nya sa higaan.

"Oo maaga ako gumising dahil baka malate ako sa trabaho." Sabi ko biglang nanlaki ang mata nya.

"Sus palusot ka pa ehh gusto mo lang makita ng maaga si Mr. Gwapo ehh"

"Oi hindi ako, talagang ayaw ko lang malate sa unang trabaho ko."

"Oh siya yan ang sabi mo ehh. Si tita nasa kusina pa nag hahanda ng agahan sabay ka nalang sa amin, maaga rin kasi ako papasok sa parlor dahil may mga costumer akong nega gusto maaga."

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si aling lorna.

"Tulungan ko na po kayo aling lorna" sabi ko habang inaayos ko ang mga pinggan"

"Oh nanjan ka na pala, hindi na umupo ka na jan" sabi nito at nakita ko rin si jonard na umupo sa kabilang upuan. Pag pala walang make up itong si jonard lalakig lalaki. Sayang talaga ang lahi nito subrang gwapo pa naman.

Pagkatapos naming kumain ay sumabay na ako kay jonard dahil malapit lang yung parlor nito sa building kung saan ako mag wowork.

Pagdating namin sa building ay tinokso oa ako ni jonard.

"Girl wag mong kakalimutan yung bilin ko sayo, ipagtimpla mo ng kape boss mo dahil favorite nya yun."

"Gaga paano mo naman nalaman yang mga bagay na yan?" Tanong ko sa kanya.

"Basta makinig ka nalang sa akin. Dagdag ganda points din sayo yun!"

"Hmm sige na mauna ka na" sabay kung sabi at isinara na ang pinto ng kotse nito.

Pagakyat ko sa building ay mangilan ngilan palang ang nandoon. Binati ko silang isa isa.

"Goodmorning" bati sa akin ng isang babae na nasa edad 50 siguro.

"Goodmorning po"

"Ikaw ba ung bagong secretary ni Sir vincent?" Tanong nito sa akin.

"Opo ako nga po."

"Ayun ang magiging table mo" tinuro sa akin ang close door na opisina.

"Doon po?" Tinuro ko.

"Oo jan ang magiging table mo. Sige na pumasok ka na at ayusin mo na ang papers na nandoon"

Sabi nito tsaka ako pumasok, nakita ko ang pangalan ko sa table. Tama nga yung babae ito nga ang magiging table ko.

"Grabe namn ito ang laki laki ng opisina, hindi ko iniexpect na ganito kagara maging secretary ng mukong na yun" sambit ko.

"Sinong mukong?" Sambit ng isang lalaki sa likura ko. Nagulat ako kasi alam ko kung kanino ang nagmamay- ari ang boses na yun.

"Narinig kaya nya ang sinabi ko?" Bulong ko sa sarili ko.

"Goodmorning sir" bati ko sa kanya paglingon ko.

Pag-angat ko ng mukha ko ay natingin ako agad sa mukha nito.

Jusko patawarin ako ng ama. Ang gwap nya sa suot nitong suits. Biglang kumabog ang puso ko.

"Baka naman pasukan ng langaw yang bunga nga mo" sambit nito. Biglang namula ang mukha ko sa sinabi nito.

"Nauna ka na pala dito sa magiging table mo, sorry kung maliit ito ahh" sambit nito.

"Maliit pa ba ito sayo?" Malakas kung sabi sa kanya.

"Bakit malaki na sayo ito?" Tanong nya.

"Eh Sir secretary lang po ang inapplyan ko hindi supervisor" sabi ko.

"Ganito ako mag treat ng mga employee ko" sabi nito.

"When you settled yourself come to my office at may ipapagawa na ako sayo" sabi nito at lumabas na ng pinto.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas. Pupunta na sana ako sa opisina ni vincent ng maalala ko ang sinabi ni Jonard sa akin kanina"

"Wag mong kakalimutan ipagtimpla ng kape ang Sir vincent mo"

Sumagi sa isip ko yun. Kaya lumapit ako ulit sa babae na nasa mesa nito.

"Excuse me saan pwede magtimpla ng kape" tanong ko.

"Tinuro nito ang pantry sa kaliwang bahagi ng opisina."

"Salamat..."

"Carme. Carme nalang ang itawag mo sa akin, total mag kasing edad lang namn tayo" biro nito tapos tumawa pa siya.

"Hahha sige ate carme"

"Oh bakit may ate pa, carme nalang nakakahiya ehh," tudya nya sa akon.

Nakangiti ako habang papunta sa pantry.

Habang nagtitimpla ako ng kape ay may biglang pumasok sa loob.

Nagtama ang mata namin ni bernard.

"Oh nandito ka na pala, ang aga mo ata" sabi nito habang kumukuha ng mug sa cup board.

"Napaaga lang ako ng dating" sabi ko.

"Ganyan din ako nong bagong pasok ako dito, subrang aga ko rin"

Nagtawanan kaming dalawa.

"Sige mauna na ako sayo" sabi ko sabay labas ng pinto.

Vincent POV

Paglabas ko ng condo ko kanina ay napakaexcited ko. Naiwan ko pati ang susi ng kotse sa loob kaya binalikan ko pa.

Pagdating ko naman sa opisina ay naging maganda ang aura ko.

"Goodmorning sir" bati sa akin ni carme,

"Mas maganda ka sa umaga carme"

"Nambola pa si sir hahaha"

Napatingin ako sa opisina kung saan magiging office ni lucille.

"Dumating na ba ang bagong secretary ko?" Tanong ko kay carme

"Yes sir kakapasok lang nito sa loob,"

"Okay sige" sabi ko at naglakad papunta sa pinto nito, hindi ito nalasara kaya binuksan ko na agad. Narinig ko ang sinabi nitong mukong.

Mukhang napahiya ko pa ata dahil nong tinignan nya ako ay pulang pula ang mukha nito. Ang cute cute nya lang habang nakayuko.

Sinabi kung pumunta siya sa opisina ko. Agad agad.

Pero napagtanto ko ano naman ang ipapagawa ko sa kanya, mukhang nabigla lang ata ako sa sinabi ko.

Pumasok agad ako sa loob ng opisina ko at naghalungkat ng maipapagawa sa kanya.

Pagtingin ko subrang napakagulo na pala ng opisina ko sa kakahanap ng ipapagawa kaya....

Biglang may kumatok sa pinto ko. Ako namn nagulat kaya agad akong nag ayos ng sarili ko.

"Come in" sigaw ko.

Nakita kung pumapasok si lucille sa pinto ko, gulat ako ng makita ko na may hawak pa siyang tasa ng coffee.

"Sir coffee nyo po" nanginginig na pinatong sa mesa ko ang kape na hawak nito.

"Sir ano po yung ipapagawa nyo sa akin?" Tanong nito habang inililibot nito ang mata sa opisina ko.

"Nakikita mo siguro natambakan ako ng mga papers gusto kung ayusin mo ito." Sabi ko tsaka ko kinuha ang kape at tumayo sa upuan ko, at naglakad papunta sa verandah ng opisina ko.

"Agad agad sir." Masayang sabi nito.

Lucille's POV

Pagpasok na pagpasok ko palang sa loob ng opisina nya ay si vincent agad ang mapansin ko na nakaupo sa chair nito. Hawak hawak ko ang tasa ng kape at nilapag ito sa mesa nya. Pero nanginginig ang kamay ko ahh, ewan ko ba bakit ganon ang feeling ko.

"Sir ano po pala ang ipapagawa nyo sa akin" tanong kung ganon sa kanya.

Pero nagpalinga ako at nakita ko ang opisina nya na para bang dinaanan ng tornado sa subrang gulo. Kung gaano kalinis kahapon ngayun naman ay subrang gulo.

"Nakikita mo siguro natambakan ako ng papers, gusto ko ayusin mo ito."sambit nito tsaka nya kinuha ang kape at lumabas ng verandah ng opisina nya.

"Agad agad sir" sambit ko.

Tsaka ko na sinimulan ang pag aayos ng mga papers nya sa mesa. Nakita ko ang isang picture frame sa mesa nito at nakayakap ang babae na nakahawak ng tropy, nakasandal sila sa isang kotse na pang racer.

"Ganda namn ng babae sa picture na yun, siguro ito ang nililigawan nya ngayun, bagay na bagay silang dalawa." Sambit ko habang nagaayos.

Pagkatapos ko ay nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa loob ng opisina ko.

Pinagmamasdan ko ang loob ng opisina ko at iniisip kung ano ang mga ilalagay ko dito.

Paglabas ko na ng opisina ay di ko namalayan na makulimlim pala, tapos wala pang isang minuto ay biglang bumuhos ang ulan. 15mins na akong nakatayo doon at pinapatila ang ulan pero parang wala na atang katapusan ito.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Napalingon ako sa nagsalita, si Vincent pala.

"Uuwi na po Sir, hinihintay ko lang po tumila ang ulan" sambit ko.

"Gusto mo bang ihatid na kita?" Sabi nito

"Naku wag na po Sir. Tatawagan ko nalang po yung kaibigan ko, total nasa malapit lang po siya" sabi ko sabay labas ng phone ko at tinawagan si Jonard.

"Jo, uuwi ka na ba? Pa sundo nalang ako dito sa building namin, maulan ehh"

"Naku girl hindi kita masusundo, maraming costumer dito sa parlor.. Makisabay ka nalang sa mga katrabaho mo."

"Ganon ba, okay sige mag-ingat ka pauwi ahh,"

Sabay baba ko ng phone.

"Ano susunduin ka ba nya?" Tanong ulit ji vincent sa akin.

Umiling nalang ako.

"Oh halika na kasi ihahatid na kita bago pa magbago ang isip ko."

"Sige na nga po, kahit sa train station nalang po ako" hiyang sabi ko.

"Saan ka ba kasi nakatira?" Tanong nito

"Sa pasay po"

"Saan sa pasay?"

"Ahh ehh ituturo ko nalang po, di ko pa po kasi kabisado ang daan ehh,"

"Okay sige, halika na" sabi nya at pinagbuksan pa nya ako ng pinto ng kotse nito. Oh diba ang taray haba ng hair mo lucille.

(Sandali stop muna tayo sa lucille at vincent hihingi daw ng kunting time si Jonard para mag POV)

Jonard's POV

Oh come on ang init namn... Oh diba nauto ko si author nagkaroon tuloy ako ng POV ng wala sa oras.. Tawa pa kayo. Ito na nga sisimulan ko dami ko pa kasing daldal ehh.

Nasa parlor pa ako at marami pang mga costumer, tinignan ko ang relo ko, malapit na pala lalabas si lucille kailangan ko siyang sunduin dahil baka bumuhos ang malakas na ulan.

Hindi na ako nagkamali, kaya dali dali kaming nagsara ng parlor at naglinis.

Pagsakay ko sa kotse ay tatawagan ko sana si lucille pero tinigna ko ang oras pero hindi pa siya nag time out. Kaya pupunta ako building nila.

Pagdating ko doon ay maaga pa ako ng ilang minuto kaya naghintay nalang ako. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Paggising ko ay 15mins na palang nakakalipas, nakita ko na si lucille na naghihintay sa labas, pero ng kukunin ko na ang phone ko ay biglang lumabas si Mr. Gwapo. Hindi ko man naririnig ang pinagusapan nila pero tingin ko ay nag ask si pogi na sumakay nalang sa kanya.

Narinig kung nag ring ang phone ko.

"Jo, uuwi ka na ba? Pasundo nalang ako dito sa building" sambit nito sa akin.

Nakaisip ako ng magandang plano.

"Naku girl, hindi ako pwede ehh daming costumer dito, makisabay ka nalang sa mga katrabaho mo" sabi kung ganon tsaka ako nagpipigil sa pagtawa.

"Ganon ba okay sige" tsaka na nya binaba, biglang sumama na si lucille pasakay sa kotse ni Mr. Gwapo.

Oh yan ang pinaggagawa ko, diba maganda namn hehe sige na pinapalayas na ako ni author oh... Nagmamahal JONARD pretty.

OFFLINE: Jonard

Continue Reading

You'll Also Like

170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
89.2K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
1.2K 295 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...