Mahal Kita Manhid Ka Lang (On...

By freamaetiel

7.3K 109 4

Arriane Jade Dela Cruz is head over heels with her best friend Gian, not until he came, Adam Daine Villaflor... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 2

421 7 0
By freamaetiel

Mahal Kita Manhid Ka Lang
by: simplyB_94

Author's Note: Plagiarism is a crime babies.

©2015

Chapter 2

Arriane Jade Cruz

Start your day with a smile Arriane and huwag magpapaapekto sa mga pampa-BV.

"Psst! Baby girl, bilisan mo na dyan at sa akin ka sasabay. Wag mo nang hanapin si Kuya Arlan kasi umalis na siya." Sabi naman ni Kuya Alvin.

Kakasabi ko lang na start your day with a smile pero nandito na ang isa sa source ng Bad Vibes.

"Whatever Alvin." Pang-aasar ko kay kuya.

"Correction, kuya Alvin princess and bilis na kasi baka pareho pa tayong ma-late."

"Oo na po baka iwanan mo pa ako, eh." Inirapan ko pa siya pero tinawanan lang niya ako.

Hindi ko na siya pinansin kasi baka maaga pang magkaroon ng World War III dito sa bahay. Kung sa bagay kahit ganyan si Kuya Alvin ay hindi niya ako kinakalimutang bilhan ng mga stuffs ko kahit nga sanitary naps eh. Kahit maloko yan ay seryoso yan sa trabaho. Nakarating na kami sa may front gate at doon na rin naman ako binaba ni kuya.

"Thank you, kuya. Ingat ka." Paalam ko and kiss him on his cheeks.

"Yes princess and wag kang magpapa-gabi, ha. Delikado ngayon yung panahon." Bilin pa niya kaya tumango lang ako at nagpaalam na sa kanya.

Pumasok na ako and ang agad kong hinanap ay yung magaling kong bestfriend. Kahit reply man lang sa text ko kagabi ay wala at kahit isang "Good morning, bestfriend." Ay wala.

"Jade? Hinahanap mo si Gian? He's in the gym." Sabi ni Lian nang makasalubong niya ako sa hallway.

"Thanks Lian. Sige mauna na ako."

Sabi ko naman sa inyo na ipinanganak akong friendly. I have friends kahit sa ibang department but we can't avoid naman na walang may sama ng loob sa akin.

Pumunta na ako sa gym dahil sabi ni Lian ay nandito si Gian. Nasa main gate an ako ng gym nang Makita ko si Gian, I mean sina Gian. He's with someone and ang sakit ng nakikita ko ngayon. They're kissing.

Girlfriend niya ba yung babae? Bakit wala man lang siyang sinabi sa akin para atleast ay indi ako masasaktan ng sobra, para kahit paano ay aware ako. Tumalikod na ako and nagsimula ng maglakad paalis sa gym nanlalabo na yung mga muta ko dahil sa luha at kapag minamalas ka nga naman ay bigla pa akong natisod sa batong hindi ko napansin. Ramdam ko yung hapdi sa tuhod ko but it's nothing with pain na nararamdaman ko sa puso ko. Kunyare na lang na dahil 'to sa pagkatisod ko.

"Miss? Are you okay?" mas lalo lang akong naiyak dahil sa tanong ng kung sino mang lalaki. "W-wait, bakit ka umiiyak? Dahil ba sa sugat mo sa tuhod?"

Hindi 'to dahil dyan sa sugat na nasa tuhod kung hindi ay sa sugat na nandito sa puso ko.

"Let me help you. I'll escort you to the clinic."

Inalalayn ako ng lalaki na makatayo. Sa totoo lang ay nahihiya ako dahil para akong dugyot na umiiyak dito sa damuhan at isa pa ay binigay niya sa akin yung panyo niya. Ginamot naman ng school nurse naming yung sugat ko at napansin ko na hindi pa rin pala umaalis yung lalaki at doon ko lang rin napansin na gwapo pala ang lalaking ito.

"Next time Miss tumingin ka sa linalakaran mo para hindi ka madapa at masugatan." Nakangiti na sabi niya sa akin.

"Thank you." Tanging nasabi ko lang sa kanya dala na rin ng hiya.

"You're welcome. Sige mauna na ako."

Tumalikod na siya at lumabas ng clinic. Naalala ko na naman yung nakita ko kanina.

"Stop it Arriane. 'wag mong i-torture yung sarili mo." Para akong baliw na kinakausap yung sarili ko ngayon.

Hindi ko manlang nalaman yung pangalan nang lalaki kanina. I was too occupied because of Gian and that girl. Does this mean that I should stop having feelings for him? I don't know if I can.

"Rriane? Anong nangyari sayo?" biglang sumulpot sa harapn yung lalaking dahilan kung bakit ako umiyak.

"N-nothing. Ha-ha-ha." I awkwardly laughed. "Malayo 'to sa bituka ."

Walang-wala sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Bakit ka ba kasi nadapa? At umiyak ka ba?" tinignan niya ng malapitan yung mukha ko pero umiwas ako.

"Don't mind me Gian. You should go, may klase ka pa diba?" gusto ko lang muna siyang hindi makita. Habang malapit kasi siya sa akin ay mas lalong masakit.

"No, I should stay here." Matigas na sabi niya.

"I want to rest. I want to be alone." Pinipigilan kong 'wag sumigaw.

Does he don't understand? Gusto kong ipahinga yung nararamdaman ko at hindi ko iyon magagawa habang nandito siya at malapit sa akin.

"I'll stay."

"Ano ba? I said, I want to be alone! What part of that that you don't understand?!" I've reached my boiling point.

I can't hold the pain anymore. Alam niya na seryoso ako dahil never pa akong nagka-ganito sa harapan niya. Tahimik akong tao. Kita ang gulat sa mukha niya.

"What did I do wrong?" he's puzzled I know.

"Just leave." I looked away. Sumobra ba ako?

"Sige na Gian, pumasok ka na sa klase mo. Let her rest." Sabi ni nurse. Another embarrassment for me. Parang isinumpa naman yata ako ngayong araw.

Tumalikod na siya at lumabas ng clinic. Doon na naman ako ulit napa-iyak.

"You really like him." Sambit ng school nurse pero hindi ko siya pinansin at umiyak lang ng umiyak. I don't lkke him because I love him.

"Sige na Miss Cruz. Mahiga ka na para makapagpahinga ka."

Sinunod ko naman siya at tumagilid ako habang panay ang pag-agos ng mga luha ko. Itulog mo na lang yung sakit Arriane. Nakatulog naman ako pero ang bigat ng katawan ko noong magising ako. Tumingin ako sa wall clock at ang tagal ko pala talagang nakatulog. 3:30 pm na. Shoot! This is my first time skipping my class. Lagot ako kapag nalaman nina Kuya 'to. Tinignan ko yung class schedule ko at nakita ko naman na wala na akong klase kaya naisip ko na diretsong umuwi na lang.

"Ahm, Nurse. Mauna na po ako and salamat po." Paalam ko sa school nurse. Tumango lang siya at ngumiti sa akin.

"Mag-iingat ka." Bilin niya pa bago ako lumabas.

Hindi ko alam pero feel ko ngayon na maglakad. Hindi ko tinext yung mga Kuya ko na maglalakad-lakad na lang ako. Papara na lang ako ng Taxi if ever na mapagod ako. I need some fresh air kahit na polluted yung air. Okay alam ko na ang corny ng naiisip ko.

"Cheer up, Arriane Jade Cruz. Fighting." Pagpapalakas ko sa loob ko.

Windang ba talaga ako? Gosh! Nasaan ako? Bakit ako napunta sa lugar na 'to? Nagpalingon lingon ako pero hindi ko talaga alam kung ano ang pinasok ko. Basta parang nasa eskinita ako. Ang tanga mo naman talaga Arriane! Alangan naman na nag-sleep walk ka samantalang mulat na mulat ang mga mata mo!

"Tanga ka na nga sa pag-ibig tapos tanga ka rin sa paglalakad?"

Pinapagalitan ko na yung sarili ko ngayon. Naghanap ako ng pwedeng labasan dito pero may mga lalaki na bigla na lang sumulpot sa harapan ko.

"Kailangan mo ba ng tulong Miss Ganda?" Sabi nang isa na balbasin. Ngayon ay tinutubuan na talaga ako ng kaba.

I don't know what am I gonna do. Gusto kong tumakbo papalayo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.

"Oo nga Miss. Parang nawawala ka yata." Ngingisi-ngisi pang sabi ng kasama niya.

"Wag kayong lalapit sa akin. Kung hindi sisigaw ako." Pero humalakhak lang sila. Ramdam ko na ang panginginig ng mga binti ko.

"Alam mo Miss, kahit mapaos ka pang kakasigaw dito ay walang makakarinig sayo." Nagtawanan na naman sila. Palapit sila ng palapit sa akin ngayon. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

God, please help me. Tumulo na yung mga luha ko noong makalapit na ang isa sa akin.

"Oh? Bakit ka umiiyak ganda? Hindi pa naman kita ginagalaw ah." Narinig ko na naman ang halakhakan nila.

"T-tulong! May tao ba diyan?" Sigaw ko pero parang naaaliw lang ang dalawang 'to sa ginagawa ko.

"Sinabi ko naman sayo na walang makakarinig sayo dito." Nanlilisik yung mga mata niyang tinitigan ako.

"K-kuya. Maawa ka po." Halos lumuhod na ako pero panay pa rin ang halakhak nila.

"Hindi ka naman namin gagawan ng masama Ganda. Mag-eenjoy ka lang naman." Sobra-sobra na ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Iyak na ako ng iyak. Naramdman ko na hinawakan ko nang isa sa kamay.

"Sige na kasi Ganda. Sumama ka na sa--"

"Ang bastos naman yata ng ginagawa niyo." Boses ng isang lalaki na dahilan kung bakit napabitaw yung lalaki sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Aba! Sino ka ba ha?! Bakit ka ba nakiki-alam?!" Maangas n sabi nang lalaki.

Napatingin ako doon sa nagsalita and same guy na nagdala sa akin kanina sa clinic.

"You'll regret if you know who I am." Parang bored pa niyang sabi sa lalaki.

"Aba! Gago 'to ah! Sumagot ka ng maayos kapag tinatanong ka." Galit na sabi nang lalaking mukhang adik.

"Adam Daine Villaflor. That's my name." He smirk at them.

"Pare umalis na tayo. T-tara na." Sabi sa kanya nang isa and bigla na lang silang kumaripas ng takbo.

Doon lang ako naka-hinga ng maluwag at biglang nanlambot yng mga tuhod ko kaya napa-upo ako. Humagulgol na naman ako. Ang malas ko talaga sa araw na 'to.

"Tumayo ka na riyan Miss Iyakin." Inalalayan na naman niya ako na makatayo. "Everytime na lang ba na magtatagpo tayo ay sa ganyan kang sitwasyon?"

"S-salamat. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung hindi ka dumating." Napayakap ako sa kanya.

"Okay na Miss. Wala na yung mga mukhang adik na iyon. You're safe now."

Inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya at pinahid ang mga luha na nasa mukha ko.

"Saan ka ba umuuwi at bakit ka napunta sa lugar na 'to. Hindi mo ba alam na tambayan to ng mga sira ulong katulad noong mga lalaki kanina?"

"Sa Blaze Village ako umuuwi and naglakad lakad lang ako. I don't even know na may mga ganoong tao pala dito." Sabi ko naman sa kanya.

"I can walk you home. We're in the same village lang naman."

"Talaga?" Mangha na sabi ko naman sa kanya.

"Yeah. Let's go. Hindi ko dala yung kotse ko kaya maglalakad na lang tayo. We can hire Taxi if you want."

"No, mas gusto ko na maglakad-lakad na muna." Sabi ko at sinundan lang siya. I know that I'm safe kasi kasama ko naman ang lalaking 'to. "By the way, can I ask you something?"

"Go ahead."

"Bakit nagtakbuhan yung mga lalaking yun noong magpakilala ka?" I was just curious sa naging reaction nang mga lalaking 'yon kanina.

"Siguro kasi gwapo ako. Yun yung super power ko."

Okay na sana eh. May pagkamahangin rin pala ang isang 'to. Pero sige na lang at pagbigyan siya dahil dalawang beses niya naman akong tinulungan.

"Oo na lang. Pasalamat ka at tinulungan mo ako Mr. ..."

"Adam Daine Villaflor, your highness." Nag gesture pa siya katulad sa mga lalake na nasa Barbie kaya medyo natawa ako. "Ayan ngumiti ka na. Palagi ka yata kasing umiiyak." Biro niya pa.

"Whatever. Ako nga pala si Arriane Jade Cruz." Nakipag-handshake ako sa kanya.

"Nice to meet and know you. Sana naman sa susunod na makita kita ay yung hindi ka umiiyak."

Kailangan ba niya talagang ulit-ulitin na iyakin ako?

Hindi ko man lamang namalayan na nasa harap na pala ako ng gate namin.

"Dito na ba yung bahay niyo?" Tanong niya kaya tumango ako as a response.

"Yep. So, mauna na ako ha. Salamat ulit and ingat ka." Nagwave pa ako sa kanya and ngumiti lang siya saka diretso na naglakad.

Sana nga na sa susunod tayong magkita ay hindi na katulad sa sitwasyon ko kanina. Parang napaka-haba ng araw ngayon para sa akin. Good luck Arriane kasi sabi nga "tomorrow is another day".

Continue Reading

You'll Also Like

90.1K 323 13
As the title says
1M 91.4K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
42.7K 2.6K 15
ุงู„ูƒุงุชุจู‡ : ุฑู†ุฏ ุงู„ุณุจูŠุนูŠโœ๐Ÿผ ุฑูˆุงูŠุชูŠ ุงู„ุงูˆู„ู‰ ุฃุชู…ู†ู‰ ุชุนุฌุจูƒู… ูˆุงุณุชู…ุชุนูˆ...
4.4M 245K 188
Now available in paperback on Amazon! Though the last chapter is read that doesn't mean the story is over. One shots for A Secret Service including...