OJT 41
Being with Austin is heaven. Lagi man akong nahihiya sa kanya ay siya yung parating nag- aadjust to make me comfortable.
Tahimik man siyang tao ay alam kong marami siyang gustong sabihin. Madalas pinapakita lang niya sa pagsusungit kapag may mga bagay siyang ayaw niya na ginagawa ko pero nevertheless, hindi siya hihiwalay sa akin.
Nilalamig man ako ay hindi ko rin ganong ramdam dahil na rin sa braso niya na nakapulupot sa bewang ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kinakausap ako ni Jarence or ayaw niya lang umalis sa tabi ko.
Sobrang saya ko dahil kasama ko silang lahat. Sana lang wag ng matapos ito dahil ito na lang ang masayang parte ng buhay ko.
Hindi ko na nga namalayan ang oras dahil nalibang ako sa pag uusap at kulitan naming dalawa. Minsan ay si Brix at Jarence ang kausap ko pero hindi ako ganoon kalapit. I know that Austin is watching my moves that's why I kept my distance.
"How I wish Ella is here." Bulong ko habang nagkakatawanan kaming tatlo.
Si Austin ay nanatili sa upuan habang nanunuod.
"Bakit ba wala siya, ate?" Dinig kong tanong ng kapatid ko.
"Umuwi muna sa kanila, sayang nga eh."
"Edi ulitin natin to. Pwede pa naman diba? Sunduin ko si Brix sa pasukan then ako na bahala sa paghatid niya para kumpleto tayo." Aniya ni Jarence.
I smiled at him. He always have ways for things kaya natutuwa akong lalo sa kanya.
"Yown!" They high five, my brother and Jarence.
Napangiti ako sa closeness nilang dalawa kaya ni hindi ko na napansin ang brasong pumulupot sa bewang ko.
"Hey," bati ko sa kanya ng hinarap ko siya. He smiled at me then hugged me.
Magkayakap lang kami ng bigla siyang kausapin ng kapatid ko, "Kuya Austin, sama ka ah, kapag nag swimming ulit?"
Naramdaman ko ang pagtango ni Austin kaya't nilayo ko siya ng konti sa akin.
"Sasama ka? You'll have time for us?" Ngumiti siya at marahan na tumango sa akin.
"And why not? I'll do anything to be with you." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
Kumalabog lang ang puso ko dahil sa saya. Hindi ko mapagkakailang kinikilig ako. Alam kong hindi siya nangangako pero I'm happy that he considered to be with us,to be with my family again.
Umiling ako sa kanya. Nagpatuloy sa kulitan ang kapatid ko at si Jarence habang ako ay nanatili na lang sa gilid ng pool dahil napapagod na akong lumangoy.
Tinignan ko si Austin na nasa upuan habang may kausap sa phone. Hindi ko alam kung sino iyon dahil ng mag ring ay siya lang ang lumapit doon.
Hindi ko na lang pinansin dahil ayokong masabihan na masyadong chismosa.
I focused my eyes to Jarence and Brix that still in the pool. Para silang tunay na magkapatid kung titignan. Lumaki si Brix na ito na ang tinuring na Kuya. Madalas kasi kaming magkapikunan ni Brix dahil maharot ang kapatid ko.
Nang dumating si Jarence sa buhay namin ay ito na ang kaharutan niya. Naging maayos ang samahan namin at dahil doon ay malaki ang pasasalamat ko kay Jarence.
Makalipas ang ilang sandali ay hindi ko napansin na nasa tabi ko na si Austin. Agad na yumakap siya sa akin at isinandal ko naman ang ulo ko sa dibdib niya.
I didn't know na ganito ang feeling kapag may isang lalaking nagmamahal sa'yo. Sobrang saya na akala mo nawawala ang mga problema mo.
Hindi rin nagtagal ay umahon na kami dahil lumakas na rin ang simoy ng hangin. Tinulungan ako ni Austin ibalot ang tuwalya sa katawan ko at niyakap ako pagkatapos. He's very sweet.
Nakita iyon ni Jarence kaya ngumiti ito ng tipid sa akin.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may hindi ako alam sa pagitan ni Austin at Jarence.
Hindi sila madalas mag-usap. Panay tango lang kapag magkakasalubong sila or hindi sila iimik. Parang hindi sila magkaibigan.
Si Austin ang nagdala ng mga gamit ko habang hawak ko lang ng mahigpit ang tuwalya para hindi ako lamigin. Nakalimutan kong magdala ng robe para sana hindi ako nilalamig.
Tumunog na naman ang cellphone ni Austin bago kami maglakad, nasa tabi ko siya kaya ng tignan niya kung sino ang caller ay nakita ko din ito.
Si Kimmy.
Hindi niya sinagot ang tawag kaya lalo along nagtaka. Tumunog pa ang cellphone niya ng isang beses bago pinatay ito ng tuluyan.
"Let's go."
Tahimik lang ako na ginaya niya na akong maglakad. Nagulat pa ako ng mapansin kong nakamasid si Jarence sa amin. Ngumiti ako ng tipid sa kanya bago tuluyan ng lakad.
Doon kami tumuloy ni Austin sa kwartong kinuha niya kanina. Ako ang naunang naligo dahil nilalamig na talaga ako. Isa pa ay may kakausapin lang daw si Austin para magpadeliver ng pagkain dahil nakaramdam kami ng gutom habang pabalik dito sa kwarto.
Palabas na ako ng marinig kong may kausap si Austin sa phone.
"I told you that I'm busy. Wala akong oras para bantayan ang taong iyon. Just forget about him, okay? Hindi magiging sila because I said so!"
Hindi pa ako lumalabas ng C.R. kaya malaya ko pang naririnig ang mga sinasabi ni Austin kahit na hindi ko alam kung sino ang kausap niya.
Nagtataka ng ako kung bakit hindi pa ako lumalabas ng C.R. gayong wala naman akong kinalaman kung anuman ang pinag uusapan nila.
Nang mapagdesisyonna ko ng lumabas. bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa biglang sinabi ni Austin.
"Okay, Kim. I love you. Okay bye."
Hindi ko alam pero natulala na lang ako sa pagkakatayo ko doon. Kung si Kimmy ba ang tinutukoy niya na iyon ay hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ko.
Nasasaktan ako sa narinig ko. Hindi ba dapat ako ang sinasabihan niya ng ganoon? Pero ako nga ay hindi niya pa sinasabihan ng mga salitang gusto ko.
Nawala lang ako sa pag isip ng marinig ko ang pagkatok ni Austin sa pintuan.
"Are you okay, Andrea?"
Hindi agad ako nakaimik ng tawagin niya ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon na gusto ko na lang umuwi at mapag isa. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"Andrea?"
Paulit ulit ang tawag niya pero hindi ako sumasagot. Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya? Dapat ko ba sabihin kung ano ang narinig ko? Dapat ko bang itanong kung bakit niya kailangan sabihin ang mga salitang iyon? Hindi ko maintindihan ang point.
Tangnang buhay to. Nasasaktan ako!
Nagulat na lang ako ng marinig ko ang pagbukas niya ng pintuan at nakita kong nakatayo na lang siya sa harap ko. Nagtataka ang tingin niya kaya't agad kong iniwas ang paningin ko. Ayokong malaman niya na nasasaktan ako. Itatago ko ito hanggang sa kaya ko. Maaaring dahil sa bestfriend niya ito at nagsasabihan talaga sila.
Pero hindi ko matanggap.
"What's wrong?" Tanong niya habang nakakunot ang noo at pilit hinuhuli ang tingin ko.
Things will be different now. Nawalan ako bigla ng tiwala sa kung ano man ang meron kami.
Yung paniniwala kong mahal niya ako ay unti unting naglalaho. Bakit ganito? Hindi ba pwedeng ako na lang? Kung si Kimmy ang mahal niya, bakit ako ang girlfriend?
Kahit anong pilit kong unawain ang sitwasyon at bigyan ng dahilan, hindi ko mapagtakpan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa narinig ko.
Paulit ulit itong magpeplay sa utak ko.
"W-Wala."
Lumabas ako ng banyo upang umiwas lalo. I wanna go home now. Baka hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na tanungin si Austin tungkol sa narinig ko. Baka hindi ko matanggap na niloloko ako at ginagamit lang. Baka hindi ko matanggap ang magiging sagot niya.
Naramdaman ko ang paglapit niya habang nililigpit ko ang gamit ko sa kama. Baka lumipat na lang ako kina Jarence ngayon or mag aya ng umuwi. I don't know. Ang alam ko lang ay either malalaman ni Austin ang tungkol sa narinig ko o uuwi ako para maiwasan yun. I wanna cry at this moment. Hindi kinakaya ng dibdib ko ang nangyayari.
Kanina ay sobrang okay lang kami. Were happy but after a few moments, he was saying I love you to Kimmy.
"Tell me what's wrong, Andrea? May nararamdaman ka bang masama?" Kasabay ang pagkausap niya sa akin ay yumakap siya mula sa likod ko.
Hindi ko lubos maisip na ang mga yakap at paglalambing niya ya hindi totoo. Ang pag-ibig na akala kong meron na ay wala pala. Sino nga ba ako? Sinabi lang naman niyang subukan namin hindi? Marahil ay wala talaga siyang maramdaman. Pero bakit nanatili pa siya dito?
Hindi ko na namanlayan ang pagtulo ng luha ko ng halikan niya ang ulo ko. Bakit ginagawa sa akin ito ni Austin? Bakit?
Pilit niya akong iniikot kahit na ayoko. Ayokong makita niya ang pag-iyak ko kahit na alam kong alam na niya iyon dahil sa hikbi ko. Pumunta siya sa harap ko ng hindi siya magtagumpay sa na iikot ako.
"Hey, may nararamdaman ka bang sakit? Tell me." Tanong niya.
Tinignan ko ang mata niya at nakita ko doon ang pag-aalala. Totoo ba ang pinapakita niya?
Kung makita ko ba ang pagmamahal niya ay para ba sa akin iyon?
Umiling lang ako at pilit na pinipigilan ang iyak ko. Nahihirapan akong huminga kapag nasosobrahan sa iyak kaya gusto ko ng tumigil. Ayokong makita niya ako na ganito kahina. Maiiwan ako sa ere at nasasaktan.
"Hey, baby stop crying."
Panay ang pagpapatahan niya at pag haplos sa likod ko para huminahon ako pero wla siyang magawa. Wala rin akong masabi sa kanya kahit panay ang tanong niya.
Paano ko kakayanin ang sakit na ito? Kailangan ko na bang tigilan to habang ganito pa lang kasakit? Pero umaasa pa rin ako na mali ako ng hinala kahit na sobrang sakit at ayaw tanggapin ng isipan ko.
Nakatatak na ang mga salitang sinabi niya kay Kimmy ng paulit ulit.
"Okay, Kim. I love you. Okay bye"