She Who Stole Cupid's Arrow

By alyloony

35.3M 1.1M 344K

Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5 (10/30/14)
Chapter 6 (11/8/14)
Chapter 7 (11/10/14)
Chapter 8 (11/11/14)
Chapter 9 (11/19/14)
Chapter 10 (11/24/14)
Chapter 11 (11/25/14)
Chapter 12 (11/27/14)
Chapter 13 (11/28/14)
Chapter 14 (12/1/14)
Chapter 15 (12/05/14)
Chapter 16 (12/6/14)
Chapter 17 (12/9/14)
Chapter 18 (12/17/14)
Chapter 19 (12/23/14)
Chapter 20 (12/29/14)
Chapter 21 (12/30/14)
Chapter 22 (1/2/15)
Chapter 23 (01/07/15)
Next update will be on....
Chapter 24 (2/1/15)
Chapter 25 (02/07/15)
Chapter 26 (2/16/15)
Chapter 27 (3/15/15)
Chapter 28
Chapter 29 (3/25/15)
Chapter 30 (4/2/15)
Chapter 31 (04/18/15)
Chapter 32 (5/6/15)
Chapter 33 (5/19/15)
Chapter 34 (6/9/15)
Chapter 35 (6/14/15)
Chapter 36 (6/16/15)
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
The Living Arrow - Book 2 of SWSCA

Chapter 54

389K 14.6K 8.4K
By alyloony

Chapter 54


[Jillian's POV]


"West, stop.."

Medyo humiwalay ako sa kanya. He's still holding me close. Ramdam ko pa rin ang hininga niya sa mukha ko.

"Stop? Really?" he whispered and then, he claimed my lips again.

Nakasandal na ako sa poste na nasa tabi namin. Hindi ko alam kung paano ako napasandal dito. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari.

Ang tanging nasa isip ko na lang ay, gosh, West is kissing me and I am kissing him back.

"Jillian.." bulong ni West. Malapit na malapit na ang labi niya sa tenga ko. Ramdam ko ang pag hinga niya sa leeg ko.

Gosh ano ba! Akala ko alak lang ang nakakalasing pero bakit pakiramdam ko na-ha-high ako kay West ngayon? Ano ba!

"W-West, we shouldn't be doing this."

"Really?"

"O-oo!"

"Bakit ayaw mong alisin ang dalawang kamay mo sa batok ko?"

Oh damn it!

Hindi ko napansin na I'm still pulling him closer to me. Shit naman.

"Should I stop, Jillian?" he breathed then he planted a kiss on my lips.

Damn! Damn!!! West naman eh!

He grinned, "ba't hindi ka nagsasalita?"

Hayop! Paano ako magsasalita kung bago pa ako makasagot sa kanya hinahalikan na niya agad ako?!

At anong meron sa mga kamay ko? Mukhang na-glue na ata sa batok ni West. Hindi ko magawang tanggalin!

Ano ba! I should push him away. Dapat itigil 'to. Mali 'to! Mali! Mali!

Oh what the hell. He's kissing me again. And I'm kissing him back again!

Ano ba! Nakakainis naman eh? Ba't ba ang weak ko. Ano ba!

"W-west.."

Humiwalay siya at tinignan niya ako ng diretso sa mata.

"W-West... I-I want to..."

I want to stop. Please. Let's stop this. Mahihirapan lang tayo lalo.

"What do you want Jillian?" he asked softly.

Napapikit ako.

"I want to go home."

Mas lumayo sa akin si West then he smiled at me.

Yung genuine smile niya na kayang-kayang tunawin ang puso ko.

Ipinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko.

"Then I'll bring you home."

Napalunok ako.

Hindi kaya iba ang iniisip ng isang 'to?!

"Let's go Jillian."

Tell him uuwi ka mag isa. Tell him na maiiwan siya dito at ikaw, aalis ka na. Na hindi ka niya pwedeng ihatid kasi---holy crap! Mag-isa lang ako sa bahay. At baka halikan ulit niya ako. At baka kung saan pa ito mauwi.

"Jillian?"

Napalunok ako.

At sumunod ako kay West papuntang parking lot.

Holy shit.

Bakit ba napakahirap gawin ang tama?!


~*~

Nandito kami ni West pareho sa tapat ng apartment ko. Nasa loob pa rin kami ng kotse. Walang nagsasalita. Mula kanina nung umalis kami, walang umiimik.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Hindi ko na alam ang next move ko.

Ano? Ano nang gagawin ko? I kissed him awhile ago. Kung sasabihin kong hindi ko siya mahal, paano pa niya ako paniniwalaan kung maliwanag pa sa sikat ng araw ang nararamdaman ko sa kanya.

Ano ba. Paninindigan ko na 'to? Hahayaan ko nang maging kami?

Then what? Habang in a relationship kami, ima-matchmake ko siya sa iba, ganun ba?

Nakaka-lecheng senario yun pag nagkataon.

Or...

Or bahala na si Cupid? Bahala nang magulo ang timeline niya? Basta paninindigan ko na 'to at wala na akong paki kung ako lang at si West ang magiging masaya. Kung lahat ng tao sa mundo eh hindi na mahahanap ang soulmates nila dahil ginulo ko na ang timeline.

Ganun ba ang gusto kong mangyari?

"Jillian."

Naramdaman kong hinawakan ni West ang kamay ko. I badly want to pull away pero hindi ko magawa.

Bakit ba mahal na mahal ko ang isang taong hindi naman para sa akin?

"Jillian, I---"

Hindi naituloy ni West ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang phone niya.

Nasa dashboard ang phone ni West kaya naman nakita ko kung sino ang tumatawag.

It's Zyron.

Pareho kaming natigilan. Pareho kaming napatitig doon sa phone.

Hindi sinagot ni West ang tawag pero unti-unti siyang napabitiw sa kamay ko.

Sumandal si West at ipinatong ang kamay niya sa ibabaw ng mata niya.

I know that for a moment, nakalimutan niya ang kapatid niya. At alam kong ngayon na naalala na niya si Zyron, guilt is eating him up.

Hindi ako umimik. Hinihintay kong siya ang unang mag salita. Kasi sa totoo lang, hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

"Jillian."

Napalunok ako.

"Please look at me."

Paano ko gagawin yun West kung natatakot ako? Baka 'pag lumingon ako sa'yo, hindi na ako makaatras. Alam kong 'pag tinignan ko ulit ang mga mata mo, mawawala na naman ako sa sarili.

Lalo na pag hinalikan mo ulit ako. Baka mamaya niyan makaimutan ko na ang lahat.

"Jillian please.."

Hinawakan niya ulit ang kamay ko. This time, ang higpit na ng hawak niya.

Nagulat ako ng ipatong ni West ang isa pa niyang kamay sa pisngi ko at iniharap niya ako sa kanya.

"Jillian, I still love you. Hindi na ata kita mapapalitan sa puso ko."

West please...

"Kanina, you kissed me back. Kanina, niyakap mo ako. Mahal mo ba ako? Ayoko nang mag assume. Gusto ko nang marinig mismo sa'yo 'to."

"West..." iniwas ko ang tingin ko. "I-I can't answer you."

"At bakit hindi?! Naguguluhan ka ba ngayon? Do you love Zyron? Kung mahal mo ang kapatid ko, irerespeto ko yun. Pero kung hindi, I swear Jillian, hindi ako titigill o susuko because I love you so much."

Tinignan ko ulit si West then I touched his cheek.

Napalunok ako dahil ramdam ko na naman ang luha sa mata ko.

"Bakit mo ba ako minahal ng ganito?" I whispered.

He gave me a sad smile. "Hindi ko alam. Yun na ata ang destiny ko. Ang mahalin ka nang husto."

"West I---"

"Hey!"

Bigla kaming naghiwalay ni West nang may kumatok doon sa bintana niya.

HOLY CRAP.

"Hey! West? Jill?"

Oh my gosh!

"Si Eros."

Tumango ako.

"Uh, West uhmm I need to go."

"Jillian," he smiled at me. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Pero okay lang. I-a-assume ko na lang na binibigyan mo na ako ng second chance."

"West---!"

"Kahit na itulak mo ako palayo, hindi kita susukuan. I love you."

At bago pa ako makapag react, hinalikan niya ako sa pisngi.

~*~

"Aray! Aray ko! Masakit Jillian ah! Nakakarami ka na sa akin ng sapak!"

"Eh bwiset ka! Bwiset bwiset!!" pinagsusuntok ko ang braso ni Cupid habang patuloy ako sa pag ngawa ng iyak. "Nakakainis ka! Ba't ang tagal mong nawala ah? Hayop ka talaga!!! Nakakainis ka!"

"Ow! Ang sakit! Ganyan ka pala magpadama ng pagkamiss sa isang tao. Nananapak."

"Sinong nagsabi sa'yong namiss kitang hayop ka na patay gutom ha?"

"Namiss mo 'ko eh! Umiiyak ka eh!"

"Leche ka! Umiiyak ako kasi sobrang frustrated ako sa'yo! Hayop!"

He chuckled.

Bwiset!

"Cupid...si Cassandra, wala na siya."

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Cupid at napalingon siya sa akin.

"A-anong nangyari?"

"Nakita siyang patay sa may palengke."

"Na-report na sa pulis?"

Tumango ako, "oo. Pero tingin ko si Ayesha ang may gawa nito."

"Si Ayesha? Bakit naman? Jillian, bakit naman sasaktan ni Ayesha ang isang mortal na kagaya ni Cassy?"

"Cupid, nakakakita si Cassy ng hinaharap. Binabalaan niya ako. Naramdaman kong kagagawan ito ni Ayesha para mapatahimik si Cassy!"

Umiling si Cupid. "It's impossible Jillian. Nag masid ako kay Cassy, she's a fraud."

"Ha? No. Hindi magsisinungaling si Cassy sa akin!"

"Jillian I swear. Lahat ng sinabi ni Cassy sa'yo ay hindi totoo. Baka may problema siya sa pagiisip. Kaya wag mo nang isipin na si Ayesha ang dahilan. Wag mo na rin isipin na ikaw ang may kasalanan. Mag dasal na lang tayo na mabigyang hustisya ang pagkamatay niya."

Hindi ako umimik. Gusto kong paniwalaan ang sinabi ni Cupid para hindi na rin ako ma-guilty. Pero bakit ganoon? Bakit iba pa rin ang pakiramdam ko rito?

"What are you doing inside West's car?" tanong ni Cupid sa akin.

Napalingon ako sa kanya.

"Cupid, I love him."

Napabuntong hininga si Cupid, "Jillian, hindi siya ang para sa'yo."

Umiling ako, "I know. Ilang beses mo nang pinaulit-ulit yan sa akin. P-pero pwede bang mag request?"

Hindi umimik si Cupid. Alam kong may idea na siya sa irerequest ko. Alam ko ring katangahan na itong gagawin ko. Pero hindi ko na talaga kaya.

Lumuhod ako sa harap ni Cupid.

"Jillian?! What are you doing?!"

"Cupid please? Pwede mo ba kaming bigyan ng time? Kahit saglit lang. Kahit ilang araw lang. Gusto ko lang maging masaya kasama si West. Please Cupid."

"Jillian!" lumuhod din si Cupid at hinawakan ang magkabila kong braso para alalayan ako patayo.

"Jillian.."

"I love him so much," my voice broke. Tuloy tuloy na naman ang pagbagsak ng luha sa mata ko. "I love him, Cupid. Nahihirapan na ako. Please?"

Hinila ako papalapit ni Cupid at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry Jillian. I'm so sorry."

"Wag ka nang magsorry. Pagbigyan mo na lang ako."

"Jillian, magugulo ang lahat."

"Wala akong paki! Wala na akong paki kung magulo ang lahat o mas masaktan ako sa huli. I just want to be with him now. I love him and damn it! It hurts!"

Humiwalay si Cupid sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako ng seryosong seryoso.

"Jillian, wala pa akong plano sabihin sa'yo dapat ito pero kung ito lang ang magiging dahilan para mas maging malinaw sa'yo ang lahat, then I think I need to tell you this."

"A-ano yun?"

"Si Zyron ang nakatadhana para sa'yo."

Napalayo ako kay Cupid. Parang nabibingi ako sa naririnig ko.

"And remember your best friend nung nasa ampunan ka pa? Si Ana Morillo? Siya ang nakatadhana para kay West, Jillian. At bukas, kailangan natin siyang puntahan dahil kailangan na siyang makilala ni West bago pa mahuli ang lahat."

Napaupo na lang ako sa sahig. Ayaw mag sink in ang lahat ng sinasabi sa akin ni Cupid.

Hinawakan ako ni Cupid sa magkabilang balikat.

"Kung ipipilit mo ang gusto mo, paano na lang si Zyron at Ana? Kung ipipilit mo 'yan, malalagay lalo sa kapahamakan ang lalaking nakatadhana talaga para sa'yo dahil alam mo naman na gusto siya ni Ayesha. Jillian, alam kong gustong gusto mo nang maging masaya. Alam kong sa ngayon, gusto mo nang magpaka selfish. Pero please, magtiwala ka sa akin. Alam kong hindi biro ito. Pero pinapangako ko sa'yo, you'll be happy. Pangako yan. Pero sa ngayon, may misyon ka."

Hindi ako makasagot. Ni-pagtango hindi ko magawa.

Ang bigat sa dibdib. Ang sakit.

Tanging luha na lang ang naisagot ko kay Cupid.

~*~

[West's POV]

"West, saan ka galing? Where's Jillian? Kasama mo ba siya?" salubong sa akin ni Zyron nang makauwi ako. "Pareho ko kayong hindi ma-contact eh."

Nilingon ko siya. Bakas sa mga mata niya ang pagaalala.

I know how much he loves Jillian. At ayokong masaktan ang kuya ko.

Pero hindi ko na kayang pigilan 'to. I love her so much. Akala ko nung una kaya kong magparaya.

Pero hindi ko pala magagawa yung kung hindi rin ako lalaban para mahalin niya ako.

I'm sorry Zyron.

"West?"

"We need to talk."

Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Zyron.

"You're with her awhile ago."

Tumango ako.

"I kissed her."

Hindi umimik si Zyron pero kita ko ang galit sa mga mata niya. Ramdam ko na gusto niya akong sapakin ngayon.

"I still love her, kuya. I'm sorry. Hindi ko siya kayang bitiwan. Mahal ko siya."

Napapikit si Zyron. I saw he balled his hand. Nakailang buntong hininga siya bago niya iminulat ulit ang mata niya at tinignan ako.

"Wala na ba akong magagawa?"

Hindi ako sumagot.

"Okay then," sabi niya. This time, mas mahinahon na ang boses niya. "May the best man win."

"Kuya..."

He smiled at me at hindi ko mapigilan na mapangiti rin.

"Babala lang kapatid, hindi agad ako susuko kay Jillian," sabi niya.

"Same here. Hindi ko rin siya susukuan."

"Edi goodluck na lang sa ating dalawa."

To be continued....


Continue Reading

You'll Also Like

66.4K 3K 13
Isang babae ang mahilig sa music. Halos lahat ng bagay na kanyang ginagawa ay binibigyan niya ng karampatang musika. Lagi na lang siyang nabobroken h...
15.9M 503K 55
(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butterflies and rainbows. Every relationship...
4.9M 226K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
1.7M 58.4K 21
Meet Kiel and Angel, the star-crossed lover of this story. Marami nang kinilig sa kanila kahit na nasa ligawan stage pa lang sila. Halos lahat ay bot...