Roommate

Oleh MsNamelessness

430K 8.5K 638

"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas t... Lebih Banyak

ROOMMATE
Prelude
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Author's Note

Chapter 34

5.3K 119 6
Oleh MsNamelessness

Chapter 34- What happened


Ayoko na. Is what I told myself last night, but here I am, sitting in front of the person that could possibly know why these things are happening.

Isang light meal ang nakahain sa harap namin pareho. Dalawang pares ng matang nagtititigan. Tatlong minuto na ang lumipas matapos ilapag sa harap namin ang inorder ngunit wala pa ring nagsasalita.

Siya lang naman itong hinihintay ko, dahil siya lang naman itong may sasabihin.

"Anong paguusapan natin?" binasag ko ang katahimikan. Sa tingin ko ay hindi siya magsisimula hangga't hindi ako nagsasalita.

Tumikhim siya at napayuko, dahan dahan gumalaw ang kamay at maingat na ipinatong paharap sakin ang hawak na larawan. Kunot ang noo ko nang muli kong ibaling sa kanya ang aking paningin, upang makakuha ng sagot.

Subalit hindi siya nagsalita, napako lamang ang kanyang paningin sa larawan ng babaeng iyon. "Kilala mo siya?" tanong niya kasunod ng pagtama ng paningin sakin. "Bakit meron ka niyang picture?"

Nilabanan ko ang kanyang tingin, hindi ko maiwasan ang pagsasalubong ng kilay ko. Bakit? Bakit niya ako tinatanong ng ganito? Ano kung kilala ko siya? Siya ba, kilala niya yun? Kaano-ano niya? Ano ang relasyon niya sa babaeng nasa larawan, at bakit kailangan namin siyang pag usapan?

"Anong pag uusapan natin? Ikaw, kilala mo ba siya?" out of frustration nakakalimutan ko na kung sino ang kausap ko. Ang tono ng boses ko ay hindi ko nagugustuhan, ngunit kusa nalang lumalabas iyon sa bibig ko.

Bumuntong hininga siya. "Yes," sagot niya, gusto kong magulat pero hindi ko magawa. Siguro ay dahil inaasahan ko nang kilala niya nga iyon. Hindi naman siguro siya magtatanong kung hindi, ngunit ang pinagtataka ko ay kung anong relsyon niya sa babae? "K-kaibigan ko siya. Malapit na kaibigan."  

Hindi ako sumagot, nakinig lamang ako sa kung anong sasabihin niya. Diretso ang tingin at hindi man lang ginalaw ang nakahain sa harap namin. Masyado akong tutok sa kung anong lalabas sa sasabihin niya kaya hindi ko rin maramdaman ang gutom o interes sa pagkain ngayon. Pakiramdam ako ay mabubusog ako sa mga malalaman ko.

They're close friends, posibleng marami siyang alam.

"Alam mo bang... p-patay na siya?" nag-aalangan niyang tanong. 

Tumango ako. "Pero ang hindi ko alam ay kung bakit at paano siya namatay. Sino ang pumatay sa kanya? Ayun ang gusto kong malaman, na kung bakit hanggang ngayon ay hindi siya matahimik?" pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Nakakalimutan ko kung nasan kami at kung sino ang kaharap ko.

Nagtataka ang itsura ni Kuya Rex ng tingnan ako, "Anong ibig mong sabihin?"

"Oo, ginugulo niya ako! Ang pamilya ko at ang mga malalapit sakin! Namatay ang boyfriend ko dahil sa kanya sa hindi ko malamang dahilan! Ginugulo niya ako at gusto kong malaman kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito!" pinigilan ko ang pagtaas ng boses ngunit hindi ko na kaya pang pigilan ang panggigigil at ang pagpatak ng luha ko nang maalala ang nangyari kay Travis. "Nawala yung mahalagang tao sakin dahil sa kanya. Sa kaluluwang hindi ko alam kung bakit ginagawa ang lahat ng ito! Yung araw-araw pumapatay sakin sa pagkawala ng taong mahal ko at sasabayan pa ng mga kababalaghang pinaggagawa niya."

Nakikita ko ang pinaghalo-halong awa, gulat at lungkot sa mga mata niya. Halatang hindi niya rin malaman ang sasabihin kaya ang tanging nagawa lang niya ay tingnan ako ng ganoon.

Nagbaba ako ng tingin at huminga ng malalim. Ilang minuto ang lumipas bago ako muling nagsalita. "Bakit siya pinatay? Paano? Sino?" hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit tinutuloy ko pa rin ito. Siguro ay dahil kahit na tumigil at lumayo ako ay hahabulin niya pa rin ako at hindi titigilan. 

Narinig kong muli ang pagpapakawala niya ng hangin na tila hirap na hirap siyang magkwento. "Four years ago namatay si Marianne. Pinatay siya. At hanggang ngayon ay hindi ko masigruo kung pinatay o napatay lang." nanlaki ang mata ko sa gulat.

Ano? Bakit? Hindi ba ito inimbestigahan ng mabuti? Anong kaso ang isinampa sa gumawa nito sa kanya kung ganoon? Walang lumabas na salita sa bibig ko kahit napakarami kong tanong.

"Bata pa lang si Marianne nasaksihan niya na kung paano palging mag-away ang mga magulang niya, hanggang sa mapagdesisyunan ng magulang niya ang maghiwalay. Pinilit siyang sumama sa mama niya, dahil sabi nito na mas maaalagaan siya nito ng husto. Pero ilang buwan o taon palang ang lumipas nang maghiwalay ang magulang niya ay nakahanap na ng lalaki ang kanyang mama at itinaboy siya nito." sunod sunod ang kwento ni Kuya Rex. Sumibol ang awa ko para sa babaeng iyon na Marianne pala ang pangalan.

"At ang papa niya?"

"Hinanap niya ang papa niya, natuwa siya nang makita itong muli, parang nabuong muli ang mundo niya, nagkaroon ng pag-asa sa kanyang puso. Sa pag-asang magsasama na sila ng papa niya, lalo na at sinabing pag-aaralin at susustentuhan siya ngunit sa isang kondisyon. Ang kondisyon na muling nagpaguho sa mundo niya." tumigil siya at tumingin sakin.

"Anong kondisyon?" nananabik ako sa susunod na sasabihin niya kahit na may kaunting kaba akong nararamdaman. Naiinis ako dahil bakit ba kailangan niya pang putulin ang pagkwento?

"Na huwag siyang lalapit at magpapakita sa pamilya nito. Masakit man pero tinanggap pa rin iyon ni Marianne, umasa siyang tatanggapin at titira siya kasama na ang kahit isa sa mga magulang niya. Pero ang mga magulang na kinagisnan niya ay siyang tumataboy sa kanya. Inilayo siya nito at pinatira sa boarding house na tinutuluyan mo ngayon. Pinag-aral siya at binibigyan ng allowance ngunit kahit na ganoon ay hindi maramdaman ni Marianne ang pagmamahal nito. Dahil sa tingin niya ay ginagawa lang iyon ng tatay niya dahil anak lang siya. Anak sa pagkakamali. Anak na kunsensya ng ama kung hindi niya pakakainin."

Ngayon ay parang puro awa nalang ang nararamdaman ko.Parang nalimutan ko na lahat ng ginawa niya nitong araw. Para bang kakaunting galit nalang ang nasa puso ko dahil tinabunan na ito ng awa para sa kanya.

"Hanggang sa dumating ang araw na sobrang laki ng pangangailangan ni Marianne, hindi niya ugaling manghingi sa tatay niya dahil nahihiya siya rito.  Kinailangan niyang magbayad para sa renta ng bahay at tuition niya rin sa school. Sorbrang gipit na niya ay pumunta siya sa bahay ng papa niya.Ilang buwan na kasing hindi nagpaparamdam sa kanya ang tatay niya at hindi nito natutustusan ang pangangailangan. Pagdating niya sa bahay ng pamilya ng papa niya ay nakita ito ng panganay nilang anak na babae. Galit na galit ang papa niya nang malaman 'yon. Sinugod siya ng tatay niya sa boarding house nang araw ding iyon, ang paalam ng papa niya sa may-ari ng bahay ay kakausapin lang, ngunit nang lumipas ang ilang araw at napansin ng mga nakatira sa bahay na para bang tahimik ang kwarto ni Marianne at di ito lumalabas, hindi na rin namin siya nacontact at di pumapasok, sinubukan nila itong katukin at doon lamang nila nalaman na wala na itong buhay sa loob ng kwarto niyang iyon. Nalaman nilang ang papa niya ang pumatay sa kanya."

Gusto kong magmura sa mga naririnig ko, ni hindi ko magawang magsalita dahil baka kung ano lang ang masabi ko. Gulat na gulat ako nang malamang sarili niyang ama ang pumatay sa kanya. Hindi ko masikmura ang ginawa sa kanya ng sarili niyang pamilya, lalong lalo na ng sariling niyang ama. Paano nila iyon nagagawa ay hindi ko alam. Masyado silang masama para gawin iyon sa kanya.

Ngayon ko lang naisip, kaya siguro ganoon nalang rin ang galit niya at kagustong maghiganti sa mga gumawa nito sa kanyan. Pero... anong kinalaman ng pamilya ng tatay niya at bakit sila ang binabalikan? At ano ang kinalaman ko bakit ako ang ginugulo? Imposibleng si papa iyon, at si kuya ang panganay. Imposible, pero natatakot akong baka may alam siya rito.

"T-teka, anong nangyari sa papa niya? At k-kilala mo ba ang pamilyang iyon ng papa niya?"

"Nakulong ang papa niya, pero nabalitaang namatay rin agad ito sa kulungan. Hindi ko na nalaman kung anong kinamatay." sagot niya.

"Yung p-pamilya ng papa niya? Kilala mo ba? Sino?" napakabilis na ng kabog sa dibdib ko. Natatakot akong marinig pero gusto kong malaman.

Tumingin siya sa gilid ko na tila malayo ang iniisip. Inaalala kung sino nga ba iyong pamilyang iyon.

"Ang pagkakatanda ko ang apelyido nila ay---" naputol ang pagsasalita niya nang tumunog ang cellphone sa bulsa ko.

Kinuha ko iyon at nakita ang pangalan ni Tita Tracy na nagflash sa screen. Tumingin na muna ako kay Kuya Rex, tumango siya saka ko sinagot ang tawag.

Bakit kaya siya napatawag bigla?

"Hello, tita---"

"Candace, si Ate Trance mo dinala sa ospital!" narinig ko ang pagiyak at pagkataranta sa boses ni Tita Tracy.

"P-po?!" gulat na gulat kong sabi. Napatingin ako kay Kuya Rex at nakita ko ang nagtataka niyang tingin. "S-saang ospital?"

Sinabi sa akin ni tita ang ospital na pinagdalhan kay ate Trance. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay emergency, sa boses pa lang ni tita ay kinakabahan na ako. Binaba ko ang cellphone at humarap kay Kuya Rex.

"Kuya Rex, maraming salamat. Thank you dahil sinabi mo sa akin ang lahat ng ito pero kailangan ko nang umalis." sinserong sabi ko. "Marami pa akong gustong malaman, but I really have to go. Please, tell me everything you know some other time." pakiusap ko pa.

Tumango naman siya at ngumiti. Nagpalaam akong muli bago nagmamadaling tumayo, nag iwan na rin ako ng pera para sa inorder at saka umalis sa lugar na iyon para pumunta sa ospital kung nasan si Ate Trance at Tita Tracy.

What happened to Ate Trance?



--

HAPPY HALLOWEEN PO! :) ♥

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

7.9K 530 40
Fanfic of Kellin and Kryzel of ALESANA (The Demon Gangster) by XxWannaSeeMeDiexX 11232014 03252015
11.6K 206 19
"I am YOUR GUARDIAN ANGEL"
19.4K 716 32
Napagkatuwaan nila Pamela at ng mga kaibigan nya na laruin ang isang Apps na Call Momo, na nakakapagtawag umano ng espirito. Akala nila hindi ito to...
221K 9.6K 27
Ano ang gagawin mo kung ang taong palaging nagliligtas sa iyo ay siya namang nasa panganib at kailangan mong iligtas? Tunghayan ang muling pakikipa...