BHO CAMP #4: The Retribution

By MsButterfly

3M 72.4K 5.6K

I'm Serenity Hunt. A simple woman with a simple life. Or that is what I'm trying to show everyone. Maayos na... More

BHO CAMP #4: The Retribution
CHAPTER 1 ~ Serenity ~
CHAPTER 2 ~ Supladong Alien ~
CHAPTER 3 ~ Kiss ~
CHAPTER 4 ~ Forever ~
CHAPTER 5 ~ Visit ~
CHAPTER 6 ~ Detective ~
CHAPTER 7 ~ Game Time ~
CHAPTER 8 ~ Unravel ~
CHAPTER 9 ~ Fifth ~
CHAPTER 10 ~ Storm ~
CHAPTER 11 ~ Ale ~
CHAPTER 12 ~ Code ~
CHAPTER 13 ~ Yat Yat and Mi Mi ~
CHAPTER 14 ~ Beauty ~
CHAPTER 15 ~ Fiancé ~
CHAPTER 16 ~ Warning ~
CHAPTER 17 ~ Tears ~
CHAPTER 18 ~ Start ~
CHAPTER 19 ~ XX ~
CHAPTER 20 ~ Promise ~
CHAPTER 21 ~ Call ~
CHAPTER 22 ~ Face ~
CHAPTER 23 ~ Failure ~
CHAPTER 25 ~ Through The Years ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Up Next

CHAPTER 24 ~ End ~

111K 2.5K 257
By MsButterfly

CHAPTER 24

STORM'S POV

Napaigik ako ng maramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa handle ng sasakyan ng maipasok ako roon. Hindi ko na nagawang indahin iyon ng makita ko si Hermes sa labas. The pain in his eyes is unmistakable. It's as if he's seeing me on that day again. The day that I died.

I don't want to see him like that. I don't want him to hurt but I can't do anything but watch him feel that again. Naalis ang mga mata ko sa kaniya ng may gumalabog at nakita ko si Sky na tinatalian ng dalawang lalaki.

"Let her go." I said.

Lumingon sa akin ang isa pero hindi siya tumigil sa ginagawa niya. "Alam ko na magkapatid kayo pero wala akong balak na bumalik sa lugar na iyon para kunin lang siya ulit kapag nakatakas siya."

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Hindi siya tatakas."

"Of course she will."

Napakamot na lang ako sa pisngi ko. Kahit kailan talaga. "Seriously, Detective Dalton, just let her go. She won't wake up in a few hours."

Bumuntong-hininga ang lalaki na marahil ay natantiyang wala akong balak na tigilan siya. Binitawan niya ang kapatid ko at pagkatapos ay maingat na inihiga niya ang babae sa likuran bago ako hinarap. "Are you sure about this?"

I know his question is not about Sky. It's about everything. "Matagal na nating ginawa ang plano na ito Detective. Alam na ng mundo na patay ka na, alam ng BHO CAMP na patay ka na. No one have their eyes on you now. We have one left thing to do. Ibabalik ko sa iyo ang tanong mo. Are you sure about this?"

Hindi madali ang pinagawa namin kay Detective Dalton. Hindi din madali na gawing peke ang pagkamatay niya. It's brain wrecking for the XX but we managed to carry out the plan. Kinakailangan namin iyong gawin upang mas mapadali ang mga plano.

Claw Organization won't look for him. BHO CAMP wont either. Nasa listahan na ng Claw si Detective Dalton dahil pilit niyang pinababagsak ang nasabing organisasyon. Ano bang alam namin sa kayang gawin ni Wyatt lalong lalo na at naiipit na siya? His enemies are going to him from both sides and Detective Dalton would be an easy target.

Habang ang BHO CAMP naman ay binabalak ng alisin si Detective sa larawan. I'm very sure that they won't kill him but they will do anything to lock him down so he won't interfere. So I decided to fake his death and make him join me. The good thing about that is Detective Dalton is a package deal. Hindi lang siya ang pumanig sa akin ng magawa ko siyang makumbinsi na bumilang sa grupo.

He know people who won't blink on the thought of destroying Claw. Mga taong pinagmalupitan ng nasabing organisasyon, mga taong sumuko na sa gobyerno, mga taong nawalan na ng pag-asa na makakuha ng hustisya. The funny thing is these people are on the law's side before. And now they are on mine.

"Kasalukuyan ko ng nilalabag ang batas." sinalubong niya ang mga mata ko at muling nagsalita. "Hell yes, I'm sure."

SUMALUBONG sa amin ang ingay pagkapasok pa lamang sa hideout. Napatigil lamang sila ng pumasok kami sa loob kasama si Detective Dalton na kasalukuyang buhat si Sky na wala pa ring malay.

"Chum." tawag ko sa lalaki na nakasimangot habang nakatingin sa mga monitor. Hindi siya lumingon kaya muli ko siyang tinawag. "Chum!"

Kunot noong humarap siya sa amin. "Ano?"

"Everything okay?"

"Yes. Kasalukuyan na nagwawala ang mga junior agent niyo, lalong lalo na ang Brennan na iyon. Muntik pa akong mawalan ng leeg ng pumasok ako para bigyan ko ng pagkain." lalong napasimangot si Chum. "Pasalamat siya hindi ko siya nilason."

"Chum." I said with a warning in my voice. "Focus. I want the news on the agents."

"Whatever." tumipa ang lalaki sa keyboard at lumabas sa isang monitor ang kuha sa harap mismo ng headquarters ng BHO CAMP. "Iyan lang ang nag-iisang security camera na na-hack ko. Kanina marami. Pero mamaw ang nasa control room niyo dahil mabilis niyang nabawi lahat maliban sa isang iyan."

"Freezale is up."

"Ano?" tanong niya. "Anong freezer?"

"Free..zale. Freezale." ulit ko at dinahan-dahan pa ang pagsasalita para mas maintindihan niya. "My cousin. Paniguradong hati ang atensyon niya kaya may isa pa rin na natira na security camera."

"Wow ha? Hindi pa siya nakapokus niyang lagay na iyan? Ano bang genes ang meron kayo at parang hindi kayo mga tao?"

"Chum."

"Oo na oo na." tinuro niya ang monitor. "Magigising din ang mga agents na pinatulog natin. Obviously we're not using real bullets. Ano pang saysay ng paghihirap ko sa mga bala na iyon di ba kung hindi natin gagamitin?" nagpatuloy siya ng makita niyang binigyan ko na naman siya ng masamang tingin. "Hindi mataas ang tama ng mga balang iyon. Mabilis din silang magigising, with no side effects of course, dahil kinakailangan pa natin sila mamaya para sa final mission. We rattled them and now they got no choice but to call back ups."

Kumunot ang noo ko. "Matagal na nilang na-activate ang Davids' Code remember?"

"I'm not talking about that. I'm talking about your parents and the others. Nakita kong pumasok ang ilan sa kanila sa BHO CAMP. And let me tell you it was not good. Kahit nanonood lang ako pakiramdam ko ang bigat ng aura sa paligid."

"Shit." mabilis na tumakbo ako patugo kay Chum at tinabig ko siya paalis. Tumipa ako sa minitor at mabilis na pinatay ko ang nakakonektado sa BHO CAMP.

"What the hell?! Anong ginagawa mo?!" sigaw ni Chum na pilit na pinipigilan ako sa ginagawa ko.

"The Second Generation Elites and the Original Elites may not agree to the Davids' Code but since BHO CAMP are under attacked, they will help and they will fucking track us before they get to Claw. They don't know about my plan and they won't know that it's me behind this. Nakatatak sa utak nila na parte tayo ng Claw. Wala akong balak na makaengkwentro sila. Claw is the main target here and that won't happen if BHO CAMP will get to us because we will be the target. And that means our plan will be over."

"Kumalma ka nga. Hindi nila tayo masusundan!"

Hinarap ko siya ng lumabas sa screen na nagawa ko ng maputol ang koneksyon. "Hindi mo sila kilala. Hindi ba't nagtataka ka kung bakit iisa na lang ang natitira na koneksyon mo sa BHO CAMP? Freezale eliminated everything except for one. Now I know that it's not her. Malaki ang posibilidad na hindi siya dahil maaaring ang naunang henerasyon ng mga agent ang gumawa no'n at kaya sila nagtira ay para mahanap tayo."

Hindi maaaring pumunta rito ang mga agent. They need to focus on the original mission. Hindi makakatulong na pumunta sila rito dahil mag aaksaya lang kami ng oras. This hideout is just full of junior members and Davids' Code people.

"Okay. Calm down. Everything will be fine." pagpapakalma sa akin ni Chum.

Huminga ako ng malalim at binalingan ko si Detective Dalton. Napabuntong-hininga ako ng makita ko na itinatali niya si Sky sa isang kama na nandito sa loob ng sarili kong control room. "Detective."

"Mabuti na ang sigurado."

Akmang magsasalita pa ako ng may lumapit sa akin na isang lalaki. Inabutan niya ako ng bote ng tubig. He's young. Maybe in his early twenties. Kita sa mga mata niya ang pagtatalo pero walang namutawing kahit na anong salita sa kaniya at sa halip ay itinikom na lang niya ang bibig niya.

Napabuntong-hininga ako. "Just ask."

"Makakabalik na po ba kami sa mga pamilya namin? Sa tatay ko?" mahina niyang tanong.

Now I remember. He's Callum James. Ang tangi niyang pamilya ay ang tatay niya na anak ng dating nagtatrabaho sa Davids' Agency. Nag-aaral si Callum bilang doktor. Sigurado ako na hindi pa siya nakakahawak sa tanang buhay niya ng baril. He was part of the Davids' code.

Nakatadhanang magbigay ng representative ang bawat pamilya na may kauganayan sa Davids' Agency sa panahong i-activate ang Davids' Code. His father should be the one but he insisted that we take him.

Bago pa makakilos ang BHO CAMP ay inunahan ko na sila. Kinopya ko ang listahan na nakuha ni Freezale sa pag activate ng nasabing code. Hinanap ni Detective Dalton ang mga taong nasa listahan at isinama niya ang mga magiging representative dito sa hideout upang itago. But of course we cannot just leave it like that.

Kinailangan namin ng maraming FF machine o Fake Face Machine. Pinalitan namin ang bawat tao sa pamilya na kabilang sa code. Those people are trained unlike the supposed representatives.

Ang mga taong iyon ang kasama ngayon ng BHO CAMP. Kinailangan namin itong gawin para walang masaktan. To lower the chance of failure. We cannot let the original representative of the Davids' Code to partake in the mission. They will just end up dead. Alam ko na sinubukan ng BHO CAMP na ma-train ang mga taong nakuha nilaa pero hindi iyon magiging sapat. Kung ang orihinal na mga tao na kabilang sa Davids' Code ang nakuha nila ay malamang sa hindi na hindi sila mabubuhay kapag nakaharap ang Claw. But since we managed to fool the agents and now they got trained people and they even trained them again. The chances are good.

"Malapit na." binigyan ko siya ng matipid na ngiti. Tumango ang lalaki at pumunta na sa kabilang panig ng control room upang tulungan ang mga naghahanda na mga tao. Hinarap ko si Detective Dalton at tinawag siya. "Detective?"

Hindi ako nilingon ng lalaki at naglakad na siya palabas sa pintuan ng control room. "I got it."

HERMES' POV

"Are you really sure she's okay?"

Nakaupo ako sa katabi ng gurney na kinahihigaan ng kapatid ko na si Hera. Hindi kami pinahintulutan na gamitin ang BHO CAMP Hospital at sa halip ay nandito kami lahat sa headquarters.

Sa kabila ng galit sa amin ni Tita Autumn ay tinapik niya ang balikat ko at tumango. "Ganoon din sa ibang mga agent. Hindi totoong bala ang ginamit nila. Kahawig ng bala ng mga taong sumugod dito ang Mist ng BHO CAMP."

Ang tinutukoy niya ay ang baril na ginawa upang patulugin lang ang kalaban at hindi mapatay ito. But that doesn't make sense. Bakit gagawin iyon ng Claw? Walang kaluluwa ang mga miyembro ng organisasyon na iyon.

"Kung sinabi niyo lang sana ng mas maaga sa amin natulungan pa sana namin kayo. You wouldn't even need to activate that damn code." she hissed.

Nanggaling ang mga salitang iyon sa taong nasa pintuan ngayon. My father. Cloak Jase Scott.

Wala na kaming nagawa ng magdesisyon si Dawn na tawagin ang lahat ng mga agents. Laha- lahat. It was not the original plan. Itinago namin sa mga Original Elites at Second Gen Elites dahil alam namin na hindi nila pahihintulutan ang Davids' Code. But now they can't do anything to help too. We're out of time.

Hindi mapapantayan ang galit nila sa amin. Kahit na si Tito Wynd at Tito Ice na palaging masaya at nakangiti sa amin ay nag aapoy ang mga mata ng bumalik dito sa BHO CAMP. Sila ang pinanahirapan kami na inalis sa BHO CAMP para maisagawa ang plano. Hindi naman kasi sila basta-basta makakaalis dahil sila ang mga doktor sa BHO CAMP Hospital. We've given them a trip around the world with their wives while we hired temporary doctors. Hindi naman sila nagduda dahil may tiwala sila sa amin. At sinira namin ang tiwala na iyon.

"What the hell were you thinking?!"

Sa buong buhay ko ngayon ko lang narinig na magtaas ng boses ang ama ko. Kahit na bihira siya na magsalita at minsan lang siya magalit, kahit kailan ay hindi siya nagtaas ng boses sa akin...sa amin ni Hera. But I know this is a different case. By agreeing to the plan I risked my sister's life. My father's real child.

"Enough Cloak." my mother, Fierce Scott, whispered.

"Fie-"

"Hera's fine."

"I know she's fine, Fierce! Pero paano kung hindi lang ito ang nangyari? What if Hermes' been hurt because of this too?!"

"What if is a stupid game Cloak. Maayos si Hera at ganoon din si Hermes. Now-"

Naputol ang kung ano pa man na sasabihin niya ng muling bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang mga pumasok. Hurricane and Reese Reynolds. And Mishiella Night.

Nagtama ang mga mata namin ni Tita Hurricane at pilit na ngumiti siya. "Mukhang napasok na naman sa gulo si Storm at ngayon pati ang kakambal niya."

My face paled. "Tita-"

"Alam ba ni Sky at ni Storm ang tungkol sa planong ito?"

"Alam ni Sky." mahinang sagot ko.

"Bakit hindi mo sinabi kay Storm?"

"I..." huminga ako ng malalim bago ako muling nagsalita. "I don't want her to shoulder this. Ang dami na niyang pinagdaanan. Gusto ko lang siyang maging ligtas. Ayoko na may alalahanin pa siya. I just want this to be done."

"You think there's too much on her shoulder?" she asked after a moment.

"Of course, Tita."

"The best thing you can do to lighten her burden is to help her carry them. Not take them away. Dahil may mga pagkakataon na hindi mo magagawang maisalba ang isang tao sa bigat na dala niya sa buhay. By taking them away, the things she carry will just crumble and crush her before you can save her."

"Tita-"

Muli lang niya akong pinutol ulit. Tinanguhan niya ang ina niya na si Mishiella Night. Kumatok ang ginang sa pinasukang pintuan at ilang sandali lang ay pumasok si Tito Warren kasunod ang isang lalaki na kasama sa David's Code na si Callum.

He was one of the best fighter we trained. Hindi namin inaasahan na madali silang matututo pero ganoon nga ang nangyari.

"You kids are still babies." Mishiella Night declared. "Hindi ko kayo masisisi kung ilang beses kayo na nagkakamali. Hindi maiiwasan iyon. You think you all were born to be an agent? The answer would be no."

Naririnig ko ang mahinang echo na nagmumula sa labas. Hindi lang kami ang nakakarinig sa sinasabi niya kundi ang mga taong nasa labas. O maaaring maging ang buong headquarters

"This is not what you are born to do but this is the only thing you know how to be. Nakita niyo ang trabaho ng mga magulang ninyo at automatiko na sumunod kayo sa mga yapak nila. You don't have the drive to be an agent. Not all of you have. But mistakes are not the basis of that. Dahil kahit kami ay ilang beses pumalpak sa buhay namin bilang isang agent."

She continued. "Ang taas ng mga pride ninyo. Hindi kayo humingi ng tulong kahit na alam niyo na mahirap ang bagay na pinapasok ninyo. My generation didn't have a smooth sailing ride but we survived and you know why? Because we might not have a lot but we have each other. The Second Generation also encountered a massive hit. It was almost the end. But they got us and they succeeded. Iyon ang wala sa inyo. Wala kayong pagkakaisa at hindi niyo magawang ibaba ang mga pride ninyo. Alam ko na gusto niyong gawin ang lahat para matapos na ito. I know you want revenge. But if you want to succeed then control your emotions, be fueled by the fire of anger and the sense of justice and not be controlled by guilt. Dawniella is probably blaming herself again. Trying to be like his grandfather and his father and failing. But it's not her fault. It's all your fault on agreeing to this. It's your fault on not putting your trust on us. My dear ones, let me say this. You need your elders. You need them to keep you all straight."

Lumakas ang ginang patungo kay Callum na nakatungo at tahimik lang. "Now back to business. If you want to start, take hold of all of these people that now will fight against you."

And before I can utter a word, she touched Callum's face and rip it apart.

STORM'S POV

"What was that?" takang tanong ko.

Kasalukuyan akong nakasakay sa passenger seat ng isang van. Sa tabi ko ay naroon si Waine na siyang nagmamaneho. Sa isang kamay ko ay hawak ako ang tablet pc na nakakonekta sa XX headquarters na kinaroroonan ni Chum. Ipinapakita roon ang dinadaanan namin, ang kinaroroonan ng kabilang team, at ang kinaroroonan ng mga BHO CAMP agents. It's our tracker. Para masigurado namin na naaayon sa plano ang lahat.

"I don't know. A glitch? I'm looking into it."

Bigla na lang kasing may lumabas na kung ano pero mabilis din na nawala. Halos kaparehas ng tinitignan ko pero may napansin akong kakaiba. "Make sure it's just a glitch."

"Okiedoks!" sagot ni Chum.

Hindi ko nilingon si Waine na alam kong napatingin sa akin. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa labas ng bintana.

"Storm?"

"Ano?

"Are you sure you can do this? Makikita mo ulit si Wyatt-"

"I'm not sure." I said honestly. "I don't want to see him. All I'm sure about is that I want to end this."

Hindi na muling nagsalita si Waine ng sabihin ko iyon. Nagpatuloy kami sa byahe ng wala na muling nagsasalita. Tahimik rin ang mga tao na mga kasama namin. Kahit na sabihing pinaghandaanan namin ito ay hindi maitatanggi ang kaba sa mga dibdib namin.

The last time I went too close to Claw was something I can never forget. Hindi na mawawala ang takot sa akin. Hindi na mawawala sa akin ang kagustuhan kong bumalik sa piling ng pamilya ko at hayaan na ang lahat. But I need to do this. We need to do this.

"Yow."

Napakurap ako ng marinig ko ang boses ni Chum. "What?"

"Team A and Team B are on the move."

Nahahati sa dalawa ang BHO CAMP agents. Ang Team A kung saan nandoon ang Elites at ang mga junior members. Ang Team B naman ay binubuo ng ilang mga junior members at ng mga tao ng Davids' Code.

Ang Team B ay tutungo sa isang warehouse sa Quezon City na pag-aari ng Claw. Naroon din ang Team B ng XX na pinangungunahan ni Detective Dalton. Habang ang Team A ng BHO CAMP ay patungo sa safe house na kinaroroonan ni Wyatt na siyang pupuntahan namin ngayon nila Waine.

Mas nauuna kami sa BHO CAMP. Kailangang makapasok muna ako bago sila makapasok para maisagawa ko ang plano ng XX.

Mabilis na kumilos ako ng ihinto ni Waine ang sinasakyan namin. Tinanggal ko ang plug na nakakabit sa tenga ko at inabot ko iyon kay Waine. Inalis ko din ang baril ng BHO CAMP sa katawan ko at lahat ng devices na dala ko. Except for my knives.

"Storm."

Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ko ang mga mata ni Waine. "Sundin mo ang plano. Wala akong paraan para makontak kayo. Lahat ng gamit na nasa akin pati na ang mic ay kailangan ko na iwan dito. You need to start counting."

"Paano kung mahuli ka?"

"Stick to the plan. Twenty minutes then you follow."

Pagkasabi niyon ay walang salita na bumaba ako ng van at tumakbo ako. I know where to go from here since I memorized the map.

Hindi maaaring lumapit ang van sa kinaroroonan ng safe house dito sa Manila ng Claw. We're using most of the devices by BHO CAMP and Claw can detect that. Though our listening device and mic were made by XX, we don't want to risk it. Masyadong maraming pagkakapareha ng mga iyon sa BHO CAMP. Idagdag pa na lahat ng mga materyal na ginamit namin ay galing sa headquarters.

Nang makarating sa tapat ng mataas na gate ng bahay na kinaroroonan ni Wyatt Claw ay kaagad na hinanap ng mga mata ko ang security camera. They used a visible one for the outside. But I'm hell sure it won't be that easy to get in.

Nang mamataan ko ang camera na malapit sa isang maliit na pintuan ay kaagad na idinikit ko ang katawan ko sa gate at iniwasan ang anggulo na tinatapatan niyon. Nang matantiya ko na hindi iyon liliko sa kinaroroonan ko ay inilabas ko ang isang panyo mula sa bulsa ko at itinakip ko roon.

I spotted another one at the bush and took care of it. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko nagawang maayos ang mga nasa labas. Binalingan ko ang pader at pagkatapos ay walang pag-aalinlangan na inakyat ko iyon.

I scanned the place quickly and when I saw guards roaming around, I threw myself and let myself fall. Nagawa ko pang makakapit sa sanga ng isang puno bago ako tuluyang bumagsak. It was a dangerous move but I have no choice. I'm not wearing BHO CAMP's Chameleon Black Suit but I'm wearing an ordinary bullet proof suit and a mask.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa mga guards. Obviously walang laser alarm dahil nagkalat sila at paniguradong tatamaan sila niyon dahil napapaligiran nila ang buong lugar.

The only odd things is they don't get closer to the shadows of the trees. Lahat sila ay parang iniiwasan iyo ngunit paminsan-minsan ay tumatapat ang mga baril nila sa kinaroroonan ng mga puno. Kung iisipin, wala namang ibang paraan para makapasok kundi umakyat sa pader. At ang nag-iisang sasalo sa papasok ay ang mga puno. They put sensors here.

"Psst." Napatingin sa gawi ko ang gwardiya pero kaagad na nakapagtago ako. "Psst!"

Umangat ang sulok ng labi ko ng makita kong kunot ang noo na lumapit siya sa mga puno. Nang matantiya ko na malapit na siya sa akin ay hinugot ko ang patalim mula sa leg holster ko at hinayaan ko na mahulog ako mula sa puno. I used the knife to cut the trunk of the tree so I can control the fall.

Nabiglang nag-angat ng tingin ang gwardiya pero bago pa siya makapagsalita ay nagawa ko na siyang hilahin at itutok sa leeg niya ang patalim. Hinila ko siya hanggang sa dalawa na kaming natatakpan ng anino ng mga puno habang sa paligid namin ay umaalingawngaw ang tunog ng alarm.

"Hubad." bulong ko.

"A-Ano-"

"Take your clothes off or I will cut your throat."

Nagmamadaling naghubad siya. Binalingan niya ako ng maalis na niya ang suot na uniporme at akmang magsasalita peronatigil iyon ng walang salitang itinarak ko sa leeg niya ang isang patalim na kasing nipis ng pako na pangkahoy pero kasing haba ng maliit na patalim. Kapiraso lang niyon ang tumusok sa balat niya pero kaagad na umepekto iyon at bumagsak siya sa sahig. Chum and I call this knife Mercy.

Mabilis na sinuot ko ang uniporme niya at ipinatong sa suit ko bago ko kinuha mula sa ulo niya ang sumblero na suot niya. Hinayaan ko na matakpan niyon ang mukha ko at pagkatapos ay kinuha ko ang shotgun na hawak niya kanina.

Lumabas ako sa pagkakatago at muntik pa akong bumangga sa isa pang gwardiya.

"Anong ginagawa mo roon? May nakita ka ba na pumasok?"

"Pusa." sagot ko sa malalim na boses.

Mukhang hindi naman pinansin ng lalaki ang boses ko o sadiyang hindi niya lang kilala ang mga kasamahan niya at naglakad na siya patungo sa iba pang nagroronda at ipinagbigay alam na false alarm lang ang nangyari.

"Pucha naman! Ilang beses ng nangyayari iyan ah."

Tahimik na nilagpasan ko sila at tinungo ko ang pinuntahan ng isang gwardiya na pumasok sa loob ng bahay. Pero bago pa ako tuluyang makapasok roon ay tinawag ako ng gwardiya na nakausap ko kanina.

"Hoy! San ka pupunta?"

"Security room." sagot ko.

"Lasing ka ba? Nasa likod iyon. Hindi tayo pwedeng pumasok diyan. Pili lang ang pinapapasok ni Sir Wyatt."

Tinikom ko ang bibig ko at naglakad ako papunta sa likurang bahagi ng bahay. Madali kong nakita ang isang may kalakihan na tool house. Ngunit imbis na tumuloy roon ay iniangat ko ang isang bintana at walang pag-aatubli na pumasok ako sa bahay. Nang makapasok roon ay isinukbit ko sa balikat ko antg shotgun at yumukyok.

Hindi maaaring nasa maliit na tool house na iyon ang main security ng Claw. Wyatt Claw is not that stupid. He will surely put it inside.

Sandaling nakatigil lang ako at nakayuko sa kinaroroonan ko habang pinakikinggan ko ang paligid ko. May naririnig akong mahinang mga nag-uusap na paniguradong malayo sa kinaroroonan ko at mga yabag na patungo naman dito. Hindi ako umalis sa puwesto ko habang nakikinig.

"Bridget! False alarm daw sabi ng security room sa labas. Pusa na naman daw. Sigurado ba iyon?"

"Oo. Wala akong nadetect na kahit na anong devices."

I made a fast conclusion. The security outside is for the sensors. Alam lang nila ang parte na iyon. Ordinaryong security alarm system at ordinaryong security team ang nasa labas. Wyatt Claw is still outnumbered. They're using the people outside to give time for the people inside. Their barricade. The security inside this house is the real Claw Security.

Nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang pagpasok ng tinawag kanina na Bridget. Tahimik at mabilis ang naging pagkilos ko pero agad niyang naramdaman ang presensiya ko. But she's too late. The moment she faced me I throw a punch on her windpipe. Hindi na niya nagawa pang makakilos pa dahil kasunod niyon ay itinarak ko sa kaniya ang kaninang ginamit ko para patulugin ang isang gwardiya. Bago pa lumikha ng ingay ang magiging pagbagsak niya ay sinalo ko na siya. Kinaladkad ko siya hanggang sa pinto ng kusina. Sandaling ipinikit ko ang mga mata ko habang inaalala ko ang tunog ng mga yabag niya kanina. So I can determine which way to go.

Nagmulat ako ng mga mata at dahan-dahan na binuksan ko ang pintuan ng kusina. Nang matiyak ko na walang tao roon ay lumabas ako habang kinakaladkad ko pa rin si Bridget. Hinila ko siya patungo sa isang makitid na pasilyo. It's not an easy thing to do. She's bigger than me and taller. Daig ko pa ang kumarga ng isang lalaki.

Nang marating namin ang dulo ng pasilyo ay mahina akong napamura ng makita ko ang pintuan na kailangan ng security code. I gritted my teeth and started pushing random codes. Tumatagaktak na ang pawis ko at nararamdaman ko na dumudulas na si Bridget na nasa unahan ko.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Paniguradong nagtataka na ang mga tao sa loob. Iniangat ko si Bridget hanggang sa nasiguro kong natatakpan niya ako sa camera sa unahan. I stiffened when I heard something. Footsteps. Kailangan kong makapasok bago pa ako maabutan dito ng kung sino man.

"Bridget?"

Sandaling nanigas ang katawan ko at nakahinga lang ako ng maluwag ng mapagtanto ko na nangagaling ang boses mula sa loob. Nagpatuloy ako sa pagpindot ng codes habang patuloy din ang pag-iingay niyon sa kada pagkakamali ko.

"Are you drunk again? Anak ka ng tokwa talaga."

Mabilis na tinulak ko ang katawan ni Bridget papasok sa loob nang umilaw ang pintuan tanda na binuksan iyon mula sa loob. Kaagad na pumasok ako sa loob.

I heard someone shouted from the room at the same time I felt something move on my right side. I immediately ducked and pushed my right shoulder. I planted my feet heavily then I used the impact to collide to the body. Humagis kung saan ang babae na umatake sa akin pero may isa pa na lumapit sa akin at ngayon ay hinila ako sa buhok.

Napaigik ako sa sakit pero ininda ko iyon at sa halip ay iniangat ko ang kamay na nakahawak sa akin at ibinaon ko roon ang mga kuko ko. Kasabay ng pagsigaw niya ay siniko ko siya. Hitting the person on the sternum.

I straightened and pulled out my knives. I threw the knife I'm holding with my left hand at the same time I stabbed the man who grabbed my hair with Mercy. He instantly went down. Hinarap ko ang babae na ngayon ay nagsisisigaw habang may nakatarak na kutsilyo sa kamay niya. Nilapitan ko siya at walang pag-aalinlangan na hinatak ko ang kutsilyo.

"Baguhin mo ang security code ng pintuan."

"Fuck-"

Hindi na niya nagawang matapos ang sasabihin ko dahil nagawa ko ng idiin ang kutsilyo sa leeg niya. Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin ng diretso sa mga mata niya. At alam kong naiintindihan niya ang ipinaparating ko. You can never mistake the eyes of a murderer. She's with a lot of them and she recognized it.

Naramdaman ko ang bahagya niyang panginginig. Ilang sandali lang ay may pinindot siya sa may pintuan. Tumipa siya roon at sinundan ko ng tingin ang ginagawa niya. Nang matiyak ko na nabago niya na ay nginitian ko siya. "Sweet dreams."

"Wag!"

Ginamit ko din sa kaniya ang Mercy at kaagad na bumagsak siya sa paanan ko. I look at the knife and saw that the green fluid inside it is running out. "Shit."

Inalis ko na roon ang atensyon ko at tinungo ko ang harap ng monitor. Kaagad na tumipa ako. I disabled the detector for the gadgets and looked at the time. I'm eight seconds early. That was close. Muli akong tumipa sa keyboard at lumabas sa isang screen ang listahan ng mga taong gumagamit ng systema ng Claw. Kaagad na kumunekta ako sa XX headquarters at ipinadala ko ang listahan.

"Storm?"

"I'm in Chum."

"We have a problem."

Lumabas sa isang screen ang tracking view na ginagamit namin kanina. Sa isa pang screen ay lumitaw si Chum na namumutla.

"What problem?" I asked, trying to be calm.

"Look at the track board."

Tinignan ko ang tinuro niya at napakurap ako ng may lumitaw roon na isa pang track board. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nangyayari. "Shit!"

"Hindi glitch ang nangyari kanina. Those people that you incapacitated were colliding their trackers with ours kaya nagkaroon ng malfunction. Ang totoo niyan ay itinatago nila ang tracker nila para hindi natin malaman na may idinispatched sila na mga tao. Good news? They don't know that we are about to attack. Bad news? We don't know that they are gonna attack."

Tinignan ko ang track board. Nasa labas na sila Waine at malapit na ang Team A ng BHO CAMP. Ang Team B ng XX ay nasa loob na ng warehouse sa Quezon City. But...

"Chum hindi pa nakakaalis ang Team B ng BHO CAMP. Connect to them."

"Storm we don't have time. They won't make it here. Hindi din sila maaaring umalis sa headquarters ninyo dahil may papunta roon na mga Claw."

"Connect me to them!" I shouted.

I can feel the panic wrapping around me as I looked at the track board. May mga papunta sa BHO CAMP headquarters at mayroong papunta sa XX Headquarters. We're not winning. No one's winning.

"Sky is helping the others to escape." Chum whispered. " She'll be fine."

"Then fucking get out of there!"

"Hindi ako pwedeng umalis at alam mo iyan. I can connect a conversation to BHO CAMP headquarters but that's it. Magkaiba ang systema ng XX at ng BHO CAMP. We made this to hide from them so if I shut this down they can't help us and I can't help you. Maybe they can but it will take hours to finish it. We'll be blind."

"Chum-"

Pilit na ngumiti ang lalaki. "Magaling ka namang maghanap ng tao kaya hanapin mo na lang ang pamilya ko. Dapat may dagdag ang sweldo ko niyan. Ipadala mo na lang sa kanila."

"Chum!"

"Kaya mo 'yan Bagyo. Ikaw pa."

Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko. Nakita kong lumingon siya sa pintuan ng control ng XX bago siya muling tumingin sa akin. "Storm."

"Chum you idiot! Connect to BHO CAMP!"

"Hindi Chumillo ang totoong pangalan ko. It's Arman Vince."

Hindi ko na nagawang makapagsalita pa dahil pinatay na niya ang koneksyon naming dalawa. Lumabas sa screen ang mensahe na kinonekta niya ako kaila Waine.

"Waine narinig mo ba ang lahat ng iyon?"

"Yes."

"Waine..."

"We're inside. Follow the plan, Storm. A lot of people put their faith on you. Chum put his faith on you. I know he's listening and I know he agrees with me."

Ikinuyom ko ang mga kamay ko. Sa kabila ng panginginig ko ay muli akong tumipa. Binura ko sa system ang nakainstall roon na pang-disable sa mga devices ng BHO CAMP. We will take care of the rest after this. We'll go through the list and make sure that everyone that have that in their system will be erased.

May narinig akong mga kaluskos mula sa labas ng pintuan at mabilis akong kumilos para dumapa sa sahig. Kasabay niyon ay bumukas ang pintuan at pumainlang sa paligid ang nakakabinging ingay ng putok ng baril. Gumulong ako papunta sa pintuan at pinatid ko ang lalaking pumasok. I used the Mercy on him. Basta ko na lang iyon binitiwan ng makita ko na naubos na ang laman niyon. Mabilis ang naging pagkilos ng kamay ko at iniangat ko ang shotgun na nakasukbit sa balikat ko at walang pag-aalinlangan na nagpaputok ako.

Tumayo ako at nilapitan ko ngayon ang lalaki na nakahandusay sa sahig. Tinamaan ko siya sa bandang gilid niya. Mukhang nagtangka siyang umiwas kanina pero nahagip pa rin ng bala. Kita sa mga mata niya ang takot habang nakatingin sa akin. Sinuri ko ang sugat niya at tinignan ko siya sa mga mata.

"You'll live." I whispered and took his gun before I ran.

It was mayhem outside. Nakita ko ang ilang mga kasamahan ko sa XX at ilang mga BHO CAMP agents. Wala na din ang mga gwrdiya na nandito sa loob at lahat sila ay lumabas na ng bahay. Nagmamadaling tumakbo ako papunta sa harapan at binuksan ko ang pintuan habang nakatago ako sa likod niyon. Inihanda ko ang hawak ko na baril habang naghihintay.

Nagpakawala ako ng hininga ng pumasok si Waine na nakasuot ng ng Chameleon Black Suit. Takip na takip rin ang mukha niya ng mask niyon. Sa mga kamay niya ay naroon ang bag na dala ko kanina. Kinuha ko ang mga baril doon at mga kutsilyo bago ko iyon sinukbit sa balikat ko. Inilagay ko sa holster ang mga kutsilyo at kinasa ko ang dalawang baril bago ko tinignan si Waine.

"Go." I whispered.

Nanatiling nakatingin siya sa akin. Kinunutan ko siya ng noo at itinuro ko ang hagdanan. "Ikaw ang may suot ng CBS, you go first. But be careful. This is not the time for your chivalry thing."

Umiling siya at nagsimulang maglakad papunta sa hagdanan. Kunot noong sinundan ko siya. Bakit ba pakiramdam ko nakangiti siya sa likod ng maskara ng suit niyang iyon? Ipinilig ko ang ulo ko. Focus, Storm.

Tumigil ako sa baba ng hagdanan at pinanood ko si Waine ng dumikit siya sa pader at pagkaraan ay naglaho. Pinakiramdaman ko lang siya hanggang sa marinig ko sa taas ang pagkakagulo. Akmang aakyat na ako ng gumulong pababa ang isang katawan.

"Oopsie." bulong ko.

Nilagpasan ko ang katawan at tuloy-tuloy akong umakyat. Hindi pa man ako tuluyang nakakarating ay may bumulusok pababa na lalaki. Iniwasan ko lang siya dahilan para mahulog siya pababa ng hagdanan. Rinig na rinig ko pa ang tunog ng pagtama ng ulo niya kung saan.

Nang tuluyan na akong makaakyat ay mabilis na akong kumilos. Tumigil ako sa tapat ng isang bukas na pintuan. May kung anong gumalaw sa harapan ko at nakita ko si Waine na umalis sa pagkakadikit niya mula sa pader. Tumango ako sa kaniya at ibinalik niya iyon sa akin. I counted to three without counting loud and moved.

For some reason it's like we are tuned to each others movement. Pumasok ako sa loob pero paekis ang naging paggalaw ko patungo sa kanan habang siya naman ay paekis na papunta sa kaliwa. Halos sabay din kami na dumapa, gumulong at nagpaputok ng baril.

"Where's my plug Waine?"

Hindi niya nagawang makasagot ng atakihin na siya ng isang lalaki. Naramdaman klo ang paggalaw ng kung sino man patungo sa akin at mabilis akong kumilos. I squatted and pushed myself forward, my right leg kicking upwards as I slide between the man's legs.

Lihim na napangiti ako ng mapagtanto ko na tumama sa jackpot ang paa ko. Tumumba ang lalaki na ngayon ay sapo-sapo ang hinaharap niya. Mabilis na pinaputukan ko siya ng hawak ko na baril.

Nilingon ko si Waine at nanlaki ang mga mata ko ng sunod-sunod na nagsilabasan ang ilang mga kalalakihan at pinalibutan kami. At sa likod nila ay nandoon at nakatayo si Wyatt Claw.

I was expecting it but I never thought that it will be this bad. I can feel the fear running through my veins but it's clouded by the anger that's surging through me. I can see red around me. I want to kill him. I really want to. I want to rip his heart out, to crush his lungs, to pull his eyes away from its sockets. I want to torture him. I want to make him pay. I want him to feel my pain and triple it.

"Monster." I spat out.

Hindi ngumiti ang lalaki ng gaya ng inaasahan. Walang buhay na nakatingin lang siya ng diretso sa akin. "Storm Reynolds."

"You're done. Sa tingin mo may matatakbuhan ka pa? We will destroy your little invention. Hindi mo na magagawang lamangan ulit ang BHO CAMP. You don't have anything now."

"You're right. I don't have anything. Nakuha ninyo si Warner at gusto akong patayin ni Waine. You annihilated my whole organization. But you're wrong about something. You will never be above me."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa baril ko. "You're delusional!"

"My MiMi..."

Halos mabitawan ko ang hawak ko na baril sa narinig kong lumabas mula sa mga labi niya. Alam niya...alam niya kung sino ako. Alam niya ang tungkol kay YatYat at kay MiMi. Alam niya kung sino ako sa buhay niya.

"W-Why?" I whispered.

"That's why I will always be one step ahead of you." he said with no emotion. "Because I can't feel anything. Lahat kayang palitan. You destroyed my organization? I can bring it back again. Kayang-kaya kong bumili ng mga tao para palitan ang mga taong nawala. To be able to fight evil you must do evil. And you cannot do that. Hindi mo ako magagawang patayin dahil hindi mo kayang maging katulad ko. You cannot let go of your emotions. You cannot choose not to feel. I admit I didn't recognize you at first. Pero ng sinimulan mong patayin isa-isa ang mga tauhan ko ay nagawa mong kunin ng buo ang atensyon ko. How surprise I am when I realized that you are my little MiMi. I was waiting for you as you go on killing my members but then you stopped. Ibinalik mo ang dating ikaw. I tortured and violated you. I made you a killer yet you stopped and go back to your pathetic self. You cannot beat me. Not until you become like me."

"What happened to you? This is not you. Bakit hinayaan mong maging ganito ang sarili mo? Hindi pa huli ang lahat-"

"This is the path that I chose. Maaari kong piliin na bumangon mula sa lahat ng nangyari sa akin at maging kasing hina mo o piliin ang buhay na ako ang kinatatakutan ng lahat."

"I rather be weak Wyatt. At least I know I'm living and not pretending to live. At least I have people around me that can make me feel safe than pawns that will only protect me for money. At least I have something real. That's why I chose to be that weak pathetic girl you're talking about. Dahil para sa akin hindi siya mahina katulad ng inaakala mo. She's strong enough to try and forgive you. She's strong enough to try to forget and start living."

Ilang sandaling katahimikan ang namayani. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Wyatt Claw pero nanatiling walang emosyon ang mukha niya na para bang nakikipag-usap ako sa harap ng malamig na monitor. Isang walang buhay na bagay.

"Then you lose."

Bago ko pa magawang kumilos ay umangat ang kamay ni Wyatt Claw na may hawak na baril. Naging mabilis ang mga pangyayari. Kumilos ang mga tauhan niya pero imbis na paputukan kami ay sa isa't-isa nila iyon pinaputok. Isa-isa silang nagtumbahan. Kasabay ng pagkalabit ni Wyatt Claw ng gatilyo ng baril niya na nakatutok sa akin ay naramdaman kong may humila sa akin. Kasunod niyon ay isa pang putok. At isa pa...at isa pa.

Walang buhay na tumumba si Wyatt Claw habang dumantay naman sa akin ang bigat ni Waine. Nanlalaki ang mga mata na hinawakan ko si Waine at inalalayan bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig pero hindi ko kinaya ang bigat niya. He shielded me from the bullet and he shot his own brother to save me.

"W-Waine..." natatarantang hinubad ko ang suot ko na jacket at inilagay iyon sa nagdudugo niyang tama sa dibdib na tila inaampat iyon sa pagdudugo. Armor piercing bullets. One that is made to match our own shields. Kinagat ko ang ibabang labi ko ng makita ko na hindi iisa iyon.

"Shit! Storm are you okay?"

Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses ng nagsalita. Tumingin ako sa likuran ko at sunod-sunod na tumulo ang luha ko ng makita ko kung sino ang nakatayo roon. This can't be happening. No please.

Nanglalaki ang mga matang iniwas ko ang tingin ko kay Waine at binaba ko iyon sa lalaking nasa harapan ko. Sa nanginginig na kamay ay pinindot ko ang buton sa suit na suot niya upang maalis ang maskara na nakatakip sa mukha niya.

"No!" I screamed when I saw his face. "Hermes, no! Waine, please call someone!"

"Storm-"

"Now!"

Tinapik ko ang mukha ni Hermes na ngayon ay nakapikit. Unti-unting nagmulat siya ng mga mata niya pero makikita roon ang sakit na nararamdaman niya. "S-Stubborn...so stubborn...my brave and stubborn wife."

"Don't speak. Listen to me, Hermes. You can do this. We've gone through so much. You can't leave me now." mahigpit na hinawakan ko ang kamay niya. "Papakasalan mo pa ako. Hold on okay? Hold on."

"Y-You...you're safe."

Lumuluhang tumango ako. "Yes. Because you saved me."

"I'm glad t-that I...I can save you this time."

"Always. You always do."

My tears fell endlessly as I watched him cough blood. So much blood. Sa kabila niyon ay pilit niyang iminulat ang mga mata niya para tumingin sa akin.

"Someone!" I shouted."Waine hurry up!"

"S-Storm..."

"Shh! It's gonna be okay. I promise." I whispered to him.

"I-I don't want this. I...I want to be with you and Ale. I...I...I want to marry you and have another k-kid. I don't want to die yet."

"Hindi ka mamatay! You will not!" I screamed and held him tight towards me.

"Tell me..."

"Hermes..."

"Tell me y-you love me."

Sunod-sunod na pumasok ang mga agents at kaagad na lumapit sila sa kinaroroonan namin ni Hermes. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at nakita ko na nandoon ang kapatid ko na si kuya Stone.

"Let go, Storm. We'll take care of him." my brother said.

Sinubukan kong bumitaw pero naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Hermes sa kamay ko. "Hermes we need to bring you to the hospital please...please..."

"T-Tell me..."

Pilit na bumitaw ako sa mga kamay niya at hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi. "I won't tell you. I don't want to. I want you to get better so I can tell you." I don't want it to be the last thing that I will say to him. No.

"S-Stubborn..."

Sinenyasan ko sila kuya na buhatin na si Hermes pero napatigil kami ng muli niya akong hinawakan sa kamay.

"I-I love you..." he whispered. "Forever."

Continue Reading

You'll Also Like

264K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
854K 17.8K 10
A novelette created for Storm Reynolds. Bakit nga ba humantong ang lahat sa isang malagim na pangyayari? Ano ba talaga ang pinagdaanan niya sa kamay...
3.8M 60.7K 38
Now a published book by Precious Pages Corporation. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. "The climax of the story? I wasn't...
35.1K 2K 34
[ kinky series #07 ] ❝seul we're in a fucking scandal, just wth❞ in which two popular rivals, the school's kingka and queenka named park...