A/N: Nawindang ba kayo sa mga nangyari sa previous chapter: Death? Well, mas mawiwindang kayo sa revelations sa chapter na ito. Side story po ito ha. :D
===============
SAM’S POV
“A-Anong… nangyari?” Ang tanging tanong ko habang hinihimas ang ulo ko na tila hinampas ng bakal sa sakit. Nagising na lamang ako sa isang kwarto at nakita ko sa aking paligid sina Julia, Lexi, at Rick. Wala si Quen. Unti-unti kong binalikan ang lahat ng nangyari. Tinignan ko ang mga kaibigan ko at nawawari ko kanilang mga mukha ang presensya ng kalungkutan. Sinubukan kong balikan ang mga nangyari bago pa ako mapunta sa lugar na ito… at ng maalala ko ang mukha ng dalagang iyon… bigla na lamang namilog ang aking mga mata.
Flashback:
“Ok. Lights, Camera, Action!” Tinitignan ko lang si Kath habang sinasanay ang sarili niya sa pagdidirek ng skit para sa foundation day, “Huwag ka diyan dumaan, dito dapat, kasi blocking ka.”
Napapansin ko naman na nag-e-enjoy siya kahit alam kong naiilang din siya sa presensya ni Daniel. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko, hindi ko alam kung tama bang payagan ko ang pag-i-ibigan ng dalawa? Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko na alam. Sa aming lima, ako lang ang nakakaalam ng lahat, ngunit… hanggang kailan ko kaya ito kayang itago?
Sa pagninilay-nilay ko, nakaramdam ako bigla ng uhaw kaya’t naisipan kong pumunta sa kusina, naalala ko ring may isa pa akong dapat hanapin, ang taong gusto kaming patayin. Ang hindi ko lang maintindihan, kung nais niya kaming patayin, bakit hindi pa rin siya nagpapakita gayong ito na ang tamang panahon para sugurin kami ‘pagkat ang nasa kanyang isipan, wala pa kaming kaalam-alam na hinahanap na namin siya.
“Alam kong may gusto ka kay Daniel…” Narinig kong may nag-u-usap sa kusina at laking gulat ko ng makita ko si Julia. Sa halip na magpakita ako, minabuti kong makinig sapagkat may kakaiba akong nararamdaman sa babaeng kausap niya.
“It’s none of your business.” Sabi ni Julia.
“It’s my business. Hindi ba’t pantatraydor ang ginagawa mo ‘pagkat kinaibigan mo si Kathryn? Tapos may kakaiba ka pa lang nararamdaman para kay Daniel?” Sabi naman ng kanyang kausap.
“Alam mo, ngayon ko lang nalaman na pakialamera ka rin pala, Cynthia?” Sa sinabing iyon ni Julia, bigla akong nagulat. Ano naman ang kaugnayan ni Cynthia, at bakit…
“Una sa lahat, wala akong pinakikialaman. Alam ko lang talaga na malaki ang inggit mo kay Kathryn, Julia. Why to pretend good to her? Pwede mo naman siyang i-frame up? Pwede mo siyang patayin? Si Daniel lang naman ang kailangan mo ‘di ba? Si Daniel na malapit mo ng maging kauri? Si Daniel na matagal niyo ng binabantayan? Si Daniel na isang pure-blooded vampire na bumibigo sa misyon niyo? Si Daniel na ilang araw na lang… magiging isang ganap ng ka-uri mo? Yaon ba ang plano mo?” Banggit ni Cynthia. Unti-unti akong kinabahan sa lahat ng nangyayari. Paanong nangyaring nalaman niya ang misyon namin? Matagal niya na ba kaming minamanmanan? At… ano ‘yung binabanggit niyang plano ni Julia?
Naramdaman ko ring nagulat si Julia at hindi siya makapagsalita. Sigurado akong pareho kami ng iniisip. Alam kong lubha rin niyang ipinagtataka ang mga nalalaman ni Cynthia.
“Alam mo, marami ka rin pa lang nalalaman ngunit ang planong iyon, kailanman, hindi ko gagawin. Hindi ako isang hangal. At… teka. Sino ka ba? At bakit napakarami mong nalalaman?” Sabi ni Julia na itinatago ang pangamba sa kanyang puso.
“Gusto mo bang malaman ang lahat Julia? Maniniwala ka ba sa akin na ikaw ay nasa ilalim ng isang sumpa kasama ang lahat ng iyong mga kasamahan? Na ang lahat ng nararamdaman mo ngayon ay pawang huwad na palabas lamang? Na ang minamahal mo ay ibang nilalang at hindi si Daniel? Kayong lahat ay mga laruan lamang.” Sabi ni Cynthia at marahang tumawa ngunit sa kanyang tawa’y nakatago ang kakaibang galit. Tinuruan ko ang sarili kong maitago ang aura ko upang hindi ako maramdaman ng kahit na sino.
“Sumpa?” Banggit ni Julia. Nanlaki ang mata ko, ibig sabihin ba nito… ang sumpa… alam din niya?
Laking gulat niya ng may isang kakaibang bagay ang tumusok sa kanyang kamay. Hindi ko alam ngunit matapos lumabas ang kanyang dugo, nakita kong nakatulala na lamang si Julia. Tila may kakaiba siyang naramdaman. Nakita ko ang biglang pagpatak ng luha niya sa kanyang mga mata.
“Hindi mo na ba ako nakikilala, Julia? Ako si Bianca, isang shapeshifter, na nagpapanggap bilang isang Cynthia, ang nakatakdang pumatay sa dalawang immortal na nanakit sa damdamin ko. Hindi ba’t sinabi ko naman sa inyo na hindi ko kayo pababayaang mamuhay ng payapa? Siguro ngayon, maalala mo na ang mukhang ito.” Sa huling sambit ng dalagang iyon, napagtanto kong isa rin siyang immortal na may kakaibang abilidad tulad namin. Siya’y may kakayahang itago ang kanyang katauhan kasama ang kanyang mukha ng hindi nararamdaman ng mga kapwa niya immortal, maging ang mga ka-uri nito. Kaya siguro, nang dumating siya sa Grande, hindi namin naramdaman ang kanyang aura. Wala rin siyang samyo ng isang espesyal na immortal. Hindi ko akalaing mangyayari ito.
“Hangal ka…” I heard Julia’s smirk, “Hindi ba’t pagkakataon mo na sanang bihagin ang puso ng taong minamahal ko habang ito’y nawawaglit sa aking isipan?”
“Akala mo ba ganoon na lamang ako ka-tanga?” Tumawa naman si Cynthia.
“Bakit hindi ba?” Itinuloy naman ni Julia ang pagkuha ng wine mula sa refrigerator, “Wine?”
“Iniinsulto mo ba ako?!” –Cynthia.
“Naiinsulto ka ba?” –Julia.
“Tinatanong mo ako kung bakit pinili kong ipaalala muna sa’yo ang lahat? Sapagkat gusto kong bago ka mawala sa mundong ito, malaman mo muna ang isang importanteng bagay, upang ang hinagpis na dulot nito’y dalhin mo hanggang sa iyong kamatayan!” Ngumiti naman si Cynthia. Kakaiba ang kanyang ngiti.
“Iyon ay kung… mamamatay nga ako.” Sinuklian naman ni Julia ng ngiti si Cynthia, “Ngayong batid ko na ang lahat… sisiguraduhin kong malalaman niya na rin ang lahat.”
Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung sino ang lalaking sinasabi nila at tila kanilang pinag-aagawan. Hindi ko alam kung ano na ang nalaman ni Julia. Masyadong nagiging kumplikado ang lahat. Tatangkain ko na sanang lumabas ngunit…
“Sa 2nd building rooftop. Hihintayin kita roon. Tapusin natin ang laban na matagal na nating sinimulan.” Banta ni Cythia.
“Your wish is my command, cheers?!” Sabi ni Julia na tila wala lamang ang lahat sa kanya. Tuluyan na silang naghiwalay at tila naiwan ang isipan kong patuloy na nagtataka sa mga pangyayari.
Nang narinig kong bumukas at sumara ang pinto, I grabbed the chance to have a chat with Julia, but… I saw her… gripping in pain… crying in silence… na parang sinaksaksak paulit-ulit. Nagulat ako nakita ko. Ang ibig sabihin pala ng lahat ng kanyang ginawa kanina ay pakitang-tao lamang? Na kunwa’y isa siyang matapang na nilalang at walang inuurungan?
“Julia,” Tawag ko, “Anong…”
“Sam…” Hindi niya na itinago sa akin ang mga luha sa kanyang mukha, sa halip, bigla na lamang siyang yumakap sa akin, “How come that I forgot those things? How come that I trashed out our relationship? Bakit? Pati ba siya nakalimutan niya rin? And what’s with that curse?” She hugged me so tight. Hindi ko alam ang maaari kong sabihin dahil maging ako, hindi ko alam ang mga nangyayari.
I rubbed her back and gently asked her, “I heard those things… who is that man that the two of you are arguing?”
“Sam… it’s… Quen.” Lalo akong nagulat sa kanyang sinabi.
“Paanong nangyari ‘yun Julia?” Sabi ko.
“I don’t know what happened to me and Quen at nakalimutan namin ang lahat. Napakahabang kwento.” Sabi naman ni Julia.
“I think I know why.” Sabi ko sa isang seryosong tinig.
“Huh? Ano?! Anong dahilan?” Sabi naman ni Julia.
“The curse.” –Ako.
“Curse?” –Julia.
“But I can’t tell you what is it ‘cause our lives may be put into danger.” Sabi ko.
“Please… tell me.” Sabi ni Julia.
“It’s a dangerous matter. I am sorry.” I stood up and head towards the door para maiwasan ang iba pang mga tanong ni Julia.
Naramdaman kong tumayo rin siya, “Kung hindi mo sasabihin, ako na lamang ang hahanap ng kasagutan.” And then she suddenly disappeared.
“Julia!!!” Bumalik sa wari ko ang sinabi ni Cynthia. Lumabas ako kaagad at nakita ko naman siyang nageensayo pa kasama sila Quen ngunit naalarma ako ng biglang nagpatawag ng break si Kath kaya nagmadali na ako at hindi na nasabihan ang sila.
Nang sumapit ako sa Grande, nakita ko si Julia na papasok na sa loob, “Julia! Delikado.” Pigil ko sa kanya.
“Buo na ang desisyon ko.” –Julia.
“Pero…” –Ako.
“Huwag ka na lamang makialam, Sam.” –Julia.
“Kung buo na ang desisyon mo, sasama ako.” Sabi ko.
“Huh?!” –Julia.
“Ako ang napiling mangalaga sa inyo, kaya hindi mo ako mapipigilan.” Hindi na nga ako napigilan pa ni Julia ngunit sa pag-akyat namin sa rooftop, nakaramdam kaagad ako ng panghihina, at naramdaman ko namang naghabol na rin ng hininga si Julia. Alam ko na kung ano ang nasa itaas. Hindi ako nakahanda. Alam niya ang kahinaan namin. Tuso ang immortal na ito.
“Hindi ba kayo tutuloy? Umakyat lang kayo. You are oh so welcome in my bloody rooftop!” Sabi ni Cynthia na tawa ng tawa. Sakto naman na naramdaman ko ang aura nila Lexi. Kaya’t hindi ko na itinago ang akin upang malaman nila ang kinaroroonan namin. Hindi ako nagkamali sa ginawa ko dahil bago pa man mawala ang aking kamalayan, dumating na silang lahat.
End of Flashback.
Matapos noon, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nakatingin pa rin ako sa kanila, lalong-lalo na si Julia na tila kagagaling lamang sa pag-iyak.
“Anong nangyari?” Tanong ko.
“Sam…” Tawag ni Julia sa akin, “Wala na siya, Sam. Wala na si Quen…” Unti-unting pumatak ang mga luha sa mata ni Julia.
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko na labis ang pag-aalala.
“Sinangga ni Quen ang punyal na may lason para kay Julia.” Sabi ni Lexi sa isang malungkot na tinig.
“Ibig sabihin… sa huling pagkakataon, nalaman niya ang lahat tungkol sa inyong dalawa?” Sabi ko.
Tumango naman si Julia sa aking tinuran ngunit bakas sa mukha nila Lexi at Rick ang pagtataka.
“Ano? Bakit niyo hinayaang mamatay siya?! Pagbabayarin ko ng malaki ang Cynthia na iyan.” Sabi ko at muntik ko ng makalimutang hindi pa ngayon ang tamang panahon upang mabulgar ang tunay na kapangyarihang nakapaloob sa akin.
Labis na ang pagtataka sa isipan nina Rick at Lexi ngunit bago pa man sila makakuha ng pagkakataong magtanong, isang pangungusap ang nagbigay sa akin ng liwanag.
“Matapos siyang saksakin ni Cynthia, he turned into ashes.” Sabi ni Julia na patuloy sa pag-iyak.
“What? A-Ashes?” Sabi ko na labis ang pagkatuwa.
Dama ko namang nagulat sila sa bigla kong pag-ngiti. Wari ko’y nagtataka sila sa aking naging kilos. Hindi nga pala batid ng kanilang isipan ang ilan sa mga tuntunin ng isang immortal. They didn’t know that an immortal will burn into fire upon dying.
Turning into ashes isn’t a manifestation of a vampire’s death.
==============================
A/N: So, what does it mean?
ps: thank you nga pala sa walang sawang paghihintay sa mga UD ko. Regalo ko na sa inyo ang combo updates ko. :D Love you all. :D Yung mga nagpapadedicate. Kapag naka-20 chapters na tayo saka ako magdedicate. Nililista ko naman kayo eh. :D