Destined (Published with TV M...

By blue_maiden

49.1M 1.3M 504K

Akala ni Keila, seryoso sakanya ang kilalang playboy ng University nila na si Dwayne Lopez. Nagkamali siya. I... More

Prologue
Chapter 1: Flashback
Chapter 2: Confrontation
Chapter 3: Irony
Chapter 4: Revelation
Chapter 5: Second Kiss
Chapter 6: Hey babe
Chapter 7: Now I know
Chapter 8: Deal or No deal?
Chapter 9: Day 01
Chapter 10: Kambal
Chapter 11: Halaga
Chapter 12: Finally
Chapter 13: OKS
Chapter 14: Step one
Chapter 15: Yakap
Chapter 16: Step two
Chapter 17: Ex best friend
Chapter 18: First step
Chapter 19: Unconsciously
Chapter 20: I choose
Chapter 21: Pagsuyo (Part 1)
Chapter 22: Pagsuyo (Part 2)
Chapter 23: Ice cream
Chapter 24: Her father
Chapter 25: Realization
Chapter 26: Picnic
Chapter 27: The perfect time
Chapter 28: Half sister
Chapter 29: Rejection
Chapter 30: Don't let me go
Chapter 31: It's just a show
Chapter 32: Rivalry
Chapter 33: Stop this
Chapter 34: Babe
Chapter 35: Jerk
Chapter 36: Langit at Lupa
Chapter 37: Semi Finals
Chapter 38: I'll be here
Chapter 39: Reunion
Chapter 40: Disappointed
Chapter 41: Settled
Chapter 42: Contract
Chapter 43: Why?
Chapter 44: Half Sister
Chapter 45: Ultimatum
Chapter 46: Finals
Chapter 47: Is it the end?
Chapter 48: Save her
Chapter 50: The last ride
Epilogue
Author's note
Destined on TV5

Chapter 49: Graduation

626K 18.8K 3.6K
By blue_maiden


Keila's point of view

(Now Playing: Love is not over - BTS)

Sa wakas, pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko sa kolehiyo ay graduate na ako. Sobrang sarap sa feeling. Naaalala ko pa 'yong mga pinagdaanan ko. 'Yong araw araw ka magdadala ng mabibigat na libro, 'yong sunugan ng kilay na pag re-review kapag malapit na 'yong mga exams, 'yong kailangan mong bumangon ng sobrang aga kada umaga kahit na minsan antok na antok ka pa, 'yong pagharap mo sa malalakas na ulan na akala mo waterproof ka, 'yong sakit sa ulo na thesis, 'yong masusungit at terror mong professors, 'yong mga projects sa bawat subject at pati na din 'yong mga bagay na hindi related sa academics, kagaya ng heartaches, friendship overs, away dito at kung saan at iba pa. Overall, masasabi ko na masaya naman ang college life ko at masasabi ko na worth it ang lahat.

Tama nga si Mama, tiisin ko lang lahat ng paghihirap sa college kasi kapag nahawakan ko na 'yong diploma ko, lahat ng paghihirap ko mapapalitan ng saya.

"Congratulations sa inyong dalawa!" Bati ni Mama pagkatapos niyakap niya kaming dalawa ni Cloud. "Masayang masaya ako para sa inyo." Bakas nga sa mukha niya na masayang masaya siya. Napangiti ako dahil sa nakita ko. Kakaiba talaga 'yong pakiramdam na makita mo 'yong magulang mo na masaya. "Proud na proud ako sa inyong dalawa."

"Para sayo 'tong diploma namin, Mama." Sambit ni Cloud. "Thank you po sa lahat."

"Thank you Mama. Kung hindi dahil sa inyo, hindi namin makukuha 'tong diploma na 'to." Naiiyak ako pero ayokong mag drama sa harapan nila. Nag group hug ulit kaming tatlo. "Wah! Nagugutom na ako, saan tayo kakain?" Tanong ko.

"Ako ang mang ti-treat sa inyo ngayon kaya sa Vikings tayo. Okay ba 'yon sa inyo?" Tanong ni Mama. Pareho kaming tumango ni Cloud. "Tara na?"

"Mama, pwede po bang mauna na kayo sandali? Hahanapin ko lang po si Jenelle. Saglit lang po ako."

"Okay, hintayin ka namin sa kotse."

Tinignan ako ng seryoso ni Cloud. "Keila, don't do something stupid. Madaming matang nakatingin sa inyo." Paalala niya. I know what he's talking about.

Hinanap ko si Jenelle. Nakita ko siya kasama ang family niya pero nung nakita niya ako, lumapit siya agad sakin. "Besty! Congratulations sa inyo ni Kuya Dwayne! Iiwan niyo na ako dito sa university."

"Salamat Jenelle. Wag kang mag alala, hindi pa naman graduate si Marion eh kaya may kasama ka pa din dito." Bigla siyang nag make face. "Oh bakit?"

"Si Summer na palagi niyang kasama, 'yong bago niyang girlfriend." Nanlaki 'yong mata ko. So, wala na sila ni Rylie? "Sana gradudate na din ako." Pinisil ko na lang 'yong pisngi niya.

"Take your time, baka kapag nag work ka na, ma-miss mo bigla ang mag aral." Kinuha ko agad sa bag ko 'yong gift ko para kay Kean. Ayokong mag hintay ng matagal sila Mama. "Jenelle, hihingi sana ulit ako ng favor sayo eh. Pwede bang paki bigay 'to kay Kean? Hindi ko kasi siya makita tska alam mo naman na hindi na kami pwedeng makita na magkasama in public. Gusto ko kasing ibigay sakanya agad 'tong graduation gift ko, baka kasi may bigla siyang lakad mamaya kaya baka hindi na din kami magkita mamayang gabi." Kinuha naman agad ni Jenelle 'yong gift ko.

"Don't worry besty, ako na ang bahala."

Bago pa man ako makaalis, lumapit samin si Dwayne. "Hey Keila, congrats."

"Congrats din, Dwayne. Sige, I have to go." Paalam ko. Nagmadali akong lumabas ng auditorium. Sa hallway, ang daming nagtitilian na mga babae. "Ouch!" Nabangga ako ng isang babae na patakbo sa mga nagkukumpulan.

"Keila?" Narinig ko 'yong boses ni Trevor. "Ayos ka lang ba?" Tinulungan niya akong tumayo. Ngumiti na lang ako sakanya.

Natigilan ako ng dumaan sa harapan namin si Kean. Pinagkakaguluhan pa din siya ng mga babae at kasama niya si Carla, si Hiromi, 'yong personal assistant niya at stylist tska si Arkin 'yong body guard niya. Tumigil siya sandali sa harap namin at napatingin siya sa mata ko. May kung anong kumurot sa puso ko. Gustong gusto ko siyang kausapin at sabihan ng congratulations, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero hindi ko magawa dahil hindi pwede.

"Kean? We have to go." Paalala sakanya ni Carla. Nang magtama ang mata namin ni Carla, tinignan niya ako ng masama. Ang alam niya wala na kami ni Kean pero alam kong naghihinala pa din siya samin. "Come on."

Umiwas ng tingin sakin si Kean at naglakad na sila paalis. Hindi ko kayang magalit sakanya dahil alam ko naman na kahit ganito ang set up namin, mahal niya pa din ako. Kailangan lang talaga namin gawin 'to para sa contract, para sa pamilya niya lalo na kay Hailey.

"Are you okay?" Tanong ulit sakin ni Trevor. "You know it's just for the show. Don't be bothered." Paalala sakin ni Trevor.

Si Mama, si Cloud, si Trevor, si Marion at si Jenelle lang ang nakakaalam ng tungkol sa set up namin ni Kean.

Pinakilala na ng Polaris si Kean bilang new artist nila. Isang linggo pa lang pero sikat na agad si Kean, kilala na din naman kasi siya dati pa dahil sa Sky Light, mas naging sikat nga lang siya ngayon. Madami nang matang nakatingin sakanya lalo na si Carla.

Aaminin ko, mahirap na ang sitwasyon namin ni Kean. Dalawang linggo na simula ng pumirma siya sa contract ng polaris at sa loob ng panahon na yon, tatlong beses pa lang kaming nagkita dahil busy siya ngayon sa mga trainings at presscon pati sa phone niya may control si Carla pero buti na lang napapakiusapan ni Kean 'yong mag boyfriend na si Hiromi at Arkin na itext lahat ng gusto niyang sabihin sakin. Alam nilang dalawa ang set up namin ni Kean pero pareho namin silang pinagkakatiwalaan. Nagkikita kami ni Kean sa condo unit ni Hiromi, hindi kasi pinaghihinalaan ni Carla kapag duon pumupunta si Kean. Kapag nandon kaming dalawa, lumilipat na lang sila sa unit ni Hiromi na katabi lang din ng unit ni Arkin.

Mahirap talaga pero kinakaya naman namin ni Kean eh kasi mahal namin 'yong isa't isa. Dadating din naman 'yong araw na babalik kami sa dati. Kailangan ko lang talaga mag tiis ng konti pang panahon.

"Besty!" Lumapit sakin si Jenelle. "Umalis na daw si Kean, paano na 'yong gift mo?"

"Ako na lang siguro magbibigay sakanya, Jenelle. Pasensya na ha." Inabot sakin ni Jenelle 'yong gift at nilagay ko agad 'yong sa bag ko. "Sige mauna na ako ha, hinihintay na ako nila Mama at Cloud."

Tumalikod agad ako sakanila dahil ayokong makita nila akong umiiyak. Naiiyak ako kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi ngayon lang biglang nag sink in sakin kung gaano kahirap 'yong sitwasyon namin ni Kean.

Pambihira naman kasi, bakit ba kasi hindi ko magawang maging masaya kahit na sa sandaling panahon lang. Pati ba ang maging masaya, mahirap nang abutin?

Pumunta ako sandali sa rest room bago ako pumunta sa parking lot. Inayos ko muna 'yong sarili ko. Ayokong sirain 'yong moment naming pamilya dahil lang sakin. Masaya si Mama at Cloud kaya hindi ko dapat sila pagalalahanin. Masaya dapat 'tong araw na 'to.

Pagdating ko sa parking lot, nagulat ako ng makita ko si Papa. "Congratulations anak!" Bati niya. Lumapit agad ako sakanya at niyakap ko siya. "Sorry ha, late na ako."

"Salamat Papa! Wag niyong isipin 'yon, ang mahalaga nandito kayo ngayon para batiin kami ni Cloud."

May kinuha si Papa na kung ano sa bulsa niya at isa 'yong remote key ng isang kotse. "This is my gift for you, a new car." Napahawak ako sa bibig ko. Lumapit si Papa sa itim na honda civic at binuksan niya 'yon. "Do you like it?" Tanong niya. Tumango ako at niyakap ko ulit si Papa.

"Ang ganda po Papa! Thank you po!"

"Si Cloud may sarili ng kotse kaya condo unit na lang 'yong binigay ko sakanya. Masaya ako at pareho niyong nagustuhan 'yong regalo ko sa inyo."

"Salamat po ulit Papa!"

Nawala din agad 'yong lungkot na nararamdaman ko. Hindi naman ito tungkol sa materyal na bagay na binigay ni Papa, masaya ako kasi nakapunta siya sa graduation namin at nag abala pa siya na regaluhan kami ni Cloud. Naramdaman ko na kahit anak lang kami ni Papa sa labas, mahal niya pa din kami ni Cloud. Ang tagal kong nag hanap ng pagmamahal ng isang ama at ang tagal na parang may nawawala sa pagkatao pero ngayon, pakiramdam ko buo na ako at alam kong may ama akong nagmamahal sakin.

"Tara mag celebrate na tayo." Pag aaya ni Mama. "Madami dami tayong kakainin at pag uusapan." Kahit siya bakas sa mukha niya 'yong saya.

Sumakay si Cloud sa kotse namin at ako naman sumakay sa bago kong kotse pero si Papa ang nag di-drive. Hindi kasi ako marunong mag drive ng manual, sanay kasi ako sa automatic.

Pumunta kami sa Vikings at tama nga si Mama, ang dami namin nakain at ang dami din namin napag-usapan lalo na 'yong pagpasok ni Cloud sa showbiz. Masaya ako para kay Cloud dahil makikita naman na ito ang gusto niya at dito siya masaya. Ako? After graduation mag a-apply ako sa Summit media baka palarin akong makapasok don. Gustong gusto ko kasi 'yong mga magazines nila. 'Yong pangarap ko na bake shop? Baka hanggang pangarap na lang muna 'yon sa ngayon. Ayoko naman na humingi pa din ng pera kay Mama kahit sabihin na may pera naman kami. Nahihiya kasi ako dahil graduate na ako at isa pa gusto kong magawa 'yong bake shop gamit 'yong sarili kong pera at syempre kapag natapos ko na 'yong couse ko sa baking. Mag iipon na lang muna ulit ako.

Hinatid kami ni Papa pauwi at pinark namin sa tabi ng kotse ni Cloud 'yong kotse ko. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na may sarili na akong kotse. Kailangan ko na talaga sigurong mag aral mag drive sa manual.

Umalis din agad si Papa dahil may family dinner din sila nila Dana. Kahit konting oras lang ang ibigay samin ni Papa, masaya na ko don.

Nag pahinga na ako sa kwarto ko. Nakatitig pa din ako sa phone ko, hinihintay ko 'yong text ni Kean pero wala. Sa sobrang pagtitig ko sa phone ko, muntik ko na siyang mahulog dahil nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Cloud.

"Busy na siya ngayon kaya wag ka masyadong mag expect ng text sakanya," Umupo siya sa tabi ko. "Hindi mo man sabihin sakin pero alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon niyo."

Niyakap ko si Cloud at tska ako umiyak. Kahit ilang beses kong subukan na maging matapang darating pa din pala talaga sa puntong bibigay ako. Gusto ko lang ng masasandalan sa ganitong panahon at alam ko isa sa mga 'yon si Cloud.

"Umiyak ka lang, nandito lang ako. Kahit papaano gagaan yang pakiramdam mo pagkatapos mong umiyak.." Hinaplos niya ang buhok ko. Kagaya lang ng dati nung mga bata kami sa tuwing pinapatahan niya ako kapag umiiyak ako. "Alam kong mahirap. Hindi naman sa lahat ng oras madali ang umibig. May oras na iiyak ka at masasaktan pero parte 'yon ng pag mamahal."

"Gusto ko lang naman maging masaya Cloud pero bakit palaging pinagkakait sakin 'yon?" Pinahid ni Cloud ang luha sa mata ko. "Mahal na mahal ko si Kean pero bakit ganito, ang sakit sakit. Hindi ko man lang siya makausap o mahawakan. Ang hirap, Cloud."

"Ipaglaban mo siya hanggat kaya mo pa," hinarap niya ako at pinunasan niya ulit 'yong luha sa mata ko. "Tama lang na ipaglaban mo 'yong taong mahal mo pero kapag hindi mo na kaya 'yong sakit at sobrang nahihirapan ka na, bumitaw ka na. Minsan hindi palaging masaya ang buhay mo pero hindi din palaging malungkot. Palagi kang may choice sa buhay, it's either magiging masaya ka or magiging miserable ka." Niyakap niya ulit ako. "Pag isipan mong mabuti ang sinabi ko, Keila. Ayokong palagi na lang kitang nakikita na ganito kasi pati ako nasasaktan."

"Salamat Cloud.."

Saktong pag alis ni Cloud, nakatanggap ako ng text message kay Kean.

Babe, sorry kung hindi na kita nalapitan kanina kasi bantay sarado sakin si Carla. Mas lalong tumindi 'yong pagdududa niya satin. Sorry din kung ngayon lang ako nakapag text, pati kasi cellphone nila Hiromi kinuha kanina ni Carla pero buti na lang binalik din siya ngayon. Congratulations! Sana masaya ka ngayon at sana nasa tabi mo ako. Sorry ha, nandito kami sa Antipolo para sa show. Babawi ako sayo pangako yan. Sige na baka makita pa ako ni Carla. Wag na wag mong kakalimutan na kahit anong mangyari. mahal na mahal kita, Keila. Hinding hindi kita iiwan, pangako yan.

Hindi ko na naman napigilan na maiyak. Madaming beses ko nang gustong sumuko pero hindi ko pa din magawa dahil sa pagmamahal ko kay Kean. Siguro kahit gusto nang sumuko ng puso mo kapag may pinanghahawakan kang pangako at pagmamahal, pipilitin mo pa din lumaban.

"Keila, may bisita ka!" Sigaw ni Mama.

Bumaba agad ako at nanlaki agad ang mata ko pagkakita ko pa lang sakanya. Anong ginagawa niya dito?

"Hi Keila, pwede ba kitang makausap? Tungkol ito kay Kean."

Dear Tadhana,
Hanggang kailan mo ako papahirapan?

---
Last chapter will be posted on Thursday! Thank you. Enjoy reading!

Continue Reading

You'll Also Like

322K 13.3K 13
Would online relationship work between a college student and a mysterious stranger? Pre-quel story of Jake Clarence Montes
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
39.3M 1.1M 50
Minsan kahit gaano natin i-plano ang buhay natin darating at darating talaga ang panahon na sisirain iyon ng mapaglarong tadhana. At dalawa lang ang...
2.2M 74.1K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...